Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirty Sixth Stanza

Thirty Sixth Stanza

JARREN REYES

"Nais ko ay malaman mo na mahal kita."

- True Faith, Dahil Ikaw

"Hindi masama, Mia....Kasi totoo naman, eh. I'm in love with you."

Katahimikan. Ayan ang nakuha kong sagot mula kay Mia. Hindi siya umimik. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang nag salita ako ng ibang lenggwaheng hindi niya maintindihan.

Napaiwas na lang ako nang tingin.

Shit. Eto na nga ba ang ikinakatakot ko. Sabi na, eh. Dapat hindi ako nagpapadalos dalos sa ganitong mga bagay.

Ang tagal ko nang gustong umamin sa kanya. Bago pa siya pumunta doon sa camp, gustong gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero lagi akong napapaisip sa kung ano ang magiging reaksyon niya.

No. I'm not scared to get rejected. If she doesn't love me then I'll respect that. At alam ko naman kung i-re-reject niya ako, hihingi ako ng chance sa kanya na patunayan ang sarili ko. Na baka pwede rin niyang buksan ang puso niya para sa akin.

Pero hindi yun ang iniisip ko, eh.

Ang iniisip ko ay kung ano ang magiging epekto ng pag-amin ko kay Mia. Alam kong ang atensyon niya ay nasa competition. Ayokong ma distract siya sa akin dahil alam ko kung gaano ka-importante ang competition na 'to para sa kanya. Ayokong mang agaw ng eksena.

Pero kung hindi ngayon, kelan pa ako aamin?

"I'm sorry..." mahina kong sabi sa kanya. "A-alam kong wrong timing ako. Hindi dapat ako nagtapat sa'yo ngayon. Pero kasi Mia...parang sasabog na ang puso ko dahil sa nararamdaman ko. I'm in love with you at ayoko nang itago 'to."

Hindi pa rin siya umimik. Nanatili siyang nakatulala sa harapan ko.

Napabuntong hininga ako.

"Mia, h-hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo, lalo na ngayon na focus ka sa competition. Don't worry, I won't demand anything from you. Walang magbabago sa atin, promise yan. Gusto kong mag focus ka rin muna sa competition. P-pero sana...ngayon na nag m-move on ka na kay Geo...p-pag hindi ka na busy o siguro after ng competitiom, maisipan mo s-sana na, alam mo na...lumingon sa akin? B-baka pwede mo akong bigyan ng chance?"

Mia swayed at muntikan na siyang matumba kaya naman napahawak siya sa railings ng veranda bilang support. Ako naman, napalapit agad sa kanya but I'm too scared to ever touch her. Baka kasi bigla niyang tabingin ang kamay ko.

Napahawak siya sa noo niya.

"Grabe. Palusot lang yung kanina na lasing ako pero bakit ngayon pakiramdam ko nga, lasing na talaga ako? Totoo pa ba 'tong naririnig ko?" sabi niya.

Marahan ko siyang hinila papalayo sa may railings ng veranda at inalalayan ko siya paupo sa bench.

"Mia...." tumabi ako sa kanya.

"Bakit pakiramdam ko hindi totoo ang mga naririnig ko?"

Napaiwas ako nang tingin sa kanya.

In denial. Ayaw niyang tanggapin.

"Okay lang Mia. Okay lang na kalimutan mo muna ang sinabi ko. Tsaka mo na lang i-absorb pag handa ka na."

Napailing si Mia at ipinatong niya ang uloy niya sa kanyang mga palad.

"Paano ko magagawang kalimutan 'to?"

Napaiwas na lang ako nang tingin at napayuko. Bigla akong nilamon ng konsensya. Sana pala hindi ko muna sinabi. Eto na nga yung kinatatakutan ko, yung baka biglang mag iba ang pakikitungo niya sa akin. Baka maka-apekto pa 'to sa competition niya. Ayokong mangyari yun.

Hari talaga ako ng sablay, 'no? Lagi akong wala sa timing. Ang tanga ko talaga. Napaka-tanga.

"Ayen..."

Napalingon ako kay Mia nang tawagin niya ako. Nagtama ang mga tingin naming. She smiled at me....at nagulat ako nang bigla na lang siyang humagulgol ng iyak.

"M-Mia?! Mia...."

Dumikit ako sa kanya at tinapik tapik ko ang braso niya para patahanin siya.

"Uy Mia. Tumahan ka na, please? Sorry na. Hindi ko sinasadya. Sorry na talaga. Promise walang magbabago sa atin. Ha? Please. I know hindi mo 'ko gusto at si Geo ang gusto mo. Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Hindi ko ipipilit ang sarili ko. Please. Wag ka na umiyak."

"I hate you! Para kang tanga!" sabi niya at tinulak tulak niya ako palayo pero hindi ako bumibitiw sa pagkaka akbay ko sa kanya. "Nakakainis ka! Hindi nga kasi si Geo ang gusto ko! Okay? Tama nga hinala mo, hindi si Geo yun."

Natigilan ako bigla, "t-teka... hindi si Geo? Sino?"

"Seryoso ka sa tanong mo?" pahikbi hikbi niyang sabi.

"A-ako...?"

Hindi siya umimik.

"S-sorry. Assuming lang," sabi ko sabay iwas nang tingin.

"Okay lang naman na mag assume ka, Ayen. Tama ka naman."

Napa-balik bigla ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang ang ganda ng ngiti sa harapan ko habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

"Mia..."

I gently touched her cheek at pinunasan ko ang mga tumulong luha rito.

"Mia... you---you have feelings for me?"

Tumango siya, "oo. Noon pa. Nung mga panahong mahal mo pa si Timi. Matagal na. I can't even count how many times I tried to get rid of this feeling kasi I know na hindi mo kayang suklian ito. Kaya ang hirap paniwalaan ang mga sinasabi mo. Para akong lumulutang sa ere dahil sa saya. Feeling ko nag cartwheel bigla ang puso ko. Ang imposible nito. Nasa Korean drama ba 'ko?"

Napangiti ako at pakiramdam ko parang maiiyak din ako sa saya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Mia. This feeling is way too overwhelming.

Hinila ko si Mia papalapit sa akin and I hugged her tight.

"Mia, alam mo bang dahil sa mga sinabi mo, gusto kitang pakasalan ngayon din?"

Narinig ko ang tawa niya then she wrapped her hand around my waist.

"Shit ka Ayen. Ang hirap paniwalaan nito. Hindi ako lasing 'di ba? Hindi 'to panaginip? Paki kurot nga ako sa cheeks para aware akong gising ako."

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mia at hinawakan ko ang magkabilang side ng mukha niya.

"Di kita kayang kurutin. Sampalin mo na lang ako pagkatapos."

"Anong---?"

Hindi na nagawa pang ituloy ni Mia ang sasabihin niya dahil agad kong inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya.

Sa una ay idinikit ko lang ang labi ko. Pinapakiramdaman kung tutugon ba siya o itutulak niya ako palayo. But when I saw her closing her eyes and I felt that she's kissing me back, I deepened the kiss.

Slow, passionate. Hindi nagmamadali. It's like we own all the time in the world.

Humiwalay ako nang bahagya sa kanya at sinilip ko ang mukha niya. Nakasara pa rin ang mga mata niya at sa totoo lang, gusto ko ulit siyang halikan. I want to kiss her all night hanggang sa maramdaman niya nang husto kung gaano ko siya kamahal. Sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko ngayon dahil bukod sa nasa public place kami at baka may maka-kita, baka hindi lang din basta halik ang magawa ko sa kanya.

Ayokong madaliin.

Si Mia ang tipo nang babaeng hinihintay. Inaalagaan. Pinag-e-effortan.

Nakita kong dumilat ang mga mata niya at agad nagtama ang mga tingin namin. She gave me that dazed look na tila ba hindi nag register sa utak niya ang ginawa ko.

Damn. Can I kiss her again? Paulit ulit. Hanggang sa ma-realize na niyang hindi panaginip 'to.

Hanggang sa ma-realize KO nang totoo talaga ang mga nangyayaring 'to.

Bago ko pa ulit maisipan na halikan siya, kinuha ko ang kamay ni Mia at isinampal ko sa pisngi ko.

"Aw!" napabitiw ako sa kamay niya dahil napalakas ang pag sampal ko at siya naman ay parang biglang natauhan.

"Shit! Ayen!" she touched my cheek. "Are you okay? Masakit ba? Bakit mo naman kasi sinampal ang sarili mo!"

Napangisi ako, "because I kissed you without permission."

Napataas ang kilay ni Mia, "you don't look remorseful, though."

"Paano ako magsisisi kung nag enjoy ako?"

Hinampas ako ni Mia sa braso. May kasama pang kurot na madiin.

"Aray! Ang sakit!" hinimas himas ko yung braso kong kinurot niya.

"Dami mong arte. Kung nag enjoy ka, bakit ka tumigil?"

"Kasi nasa public place tayo at baka mamaya niyan magka scandal na tayong dalawa," biro ko sa kanya. "Ayoko namang sirain ang pangalan mo sa competition.

Napatawa si Mia, "loko!"

"Pero kung ako ang tatanungin, ayokong tumigil."

Napayuko si Mia at kahit medyo dim ang ilaw dito sa pwesto namin, kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya.

At hindi ko alam na ang sarap pala sa pakiramdam na makita siyang mag blush nang dahil sa akin.

I touched her cheek and gently raise her face.

"Wag kang yumuko. I want to see your face."

Iniwas ni Mia ang tingin niya sa akin then she bit her lip.

Damn.

Maya maya lang ay bigla siyang ngumiti nang malawak at tinulak ako palayo.

"Nakakainis! Kinikilig ako ano ba!" sabi niya.

Napatawa ako bigla.

"Wow. First time kong may napakilig."

"Anong first time? Hindi lang ito ang first time mo akong napakilig. Kung alam mo lang. Kahit nung hindi mo pa ako kilala, napapakilig mo na ako."

Napangiti ako, "edi ngayon na kilala na kita at mahal pa kita, mas pag-i-igihin ko pa ang pagpapakilig sa'yo---higit pa sa kayang gawin nang mga Koreano mong crush."

Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Mia dahil sa sinabi ko.

"No need---nalamangan mo na sila, matagal na."

To be continued...


Sorry po short update lang. Bawi ako next chapter! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro