Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirty Ninth Stanza

Thirty Ninth Stanza

MIA MILLS.

"Lights will guide you home and ignite your bones. And I will try to fix you."

- Coldplay, Fix You


"Anong nangyari doon?" nagtatakang tanong ni William.

"Luh, topak?" tanong ni Jasper at tinignan ako. "Anong meron?"

Napailing ako because even me, nagulat sa biglaan niyang pag w-walk out.

Did I say something wrong? May nagawa ba akong mali?

Tumayo ako.

"Wait, sundan ko lang. Sorry po," sabi ko at agad akong lumabas para hanapin si Ayen.

Nakita ko siya na nakaupo doon sa wooden bench sa garden nila. Naka-yuko siya habang nakapatong sa kanyang magkabilang kamay ang ulo niya. Sa paanan niya ay nandoon ang gitara.

Nilapitan ko si Ayen.

"Ayen?"

Napalingon siya sa akin and I was surprised to see his expression. I've never seen him so down before.

"Hey, what's wrong?"

Umiling si Ayen sabay iwas nang tingin sa akin.

"Wala. It's just..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya sa akin at napatingin na lang siya sa gitara.

Tumabi ako sa kanya at kinuha ko kamay niya.

"Hey, it's okay. You can tell me."

Bumuntong hininga si Ayen then he smiles, "wala. Nahiya lang akong tumugtog sa harapan mo kanina. Alam mo na. Ang tagal ko nang hindi tumutugtog. Medyo kinalawang na 'ko. Nakakahiya kung tutugtugan ko ang babaeng mahal ko pero palpak naman."

"What?" gulat na tanong ko at medyo natawa ako. "That's insane. Bakit mo naman iisipin yun, eh ikaw nga mentor ko?"

"Sus. Iba naman yung mentor mo, eh. Yung baklang maingay doon sa competition."

Natawa ako sa sinabi ni Ayen at inakbayan ko siya.

"Mas magaling ka doon, syempre."

Pinanliitan niya ako ng mata, "sus, sinasabi mo lang sa'kin 'yan dahil in love ka sa'kin."

"Ay wow. Hindi 'no! Pero seryoso nga, hindi kita binobola," umayos ako ng upo at humarap ako kay Ayen. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay. "Actually, I want to ask you a favor."

"Sure. Ano yun?"

"About the competition..."

"Okay?"

"So, they already explained to us the mechanics of the next show-off and sabi nila, we are required na mag-isip kung sino ang famous personality na pwede naming i-invite sa stage to perform with us.."

"So naghahanap ka ng ka duet?" tanong niya. "At gusto mong si Ice ang maka-duet mo?"

Umiling ako, "no. Actually, hindi ka duet. Someone who would play an instrument for me up on the stage and I want to invite you," ngiting ngiti kong sabi. "Please perform with me?"

Bigla ulit nawala ang ngiti sa mukha ni Ayen at agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Hindi pa man siya sumasagod sa tanong ko, but I can already feel my heart sank.

"A-alam mo naman na hindi ko kaya, 'di ba? Mamaya masira ko pa ang performance mo. Ayokong matalo ka nang dahil sa akin."

"Ano ka ba," hinawakan ko yung magkabila niyang kamay, "magaling ka Ayen, at hindi nawawala yung galing na yun. I believe in you. Tsaka mag p-practice naman tayo, eh."

"Mia, I can't."

"Okay, ganito na lang. Try muna natin, isang practice lang, kahit once lang. Pag hindi nag work, sige hahanap ako ng iba. Pero, try muna natin," hindi umimik si Ayen. "Please, Ayen? Please."

Napabuntong hininga siya at nagulat ako nang hilahin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko, "sorry Mia. Hindi talaga. Please wag mo na lang akong kulitin."

"Bakit---bakit ayaw mong tumugtog?"

"Sinabi ko naman sa'yo yung dahilan 'di ba?" sagot niya at halata ko sa boses niya na naiinis na siya. "Please wag mo naman akong pilitin na tumugtog sa harap ng maraming tao."

"What happened? Bakit ayaw mong tumugtog sa harap ng maraming tao?"

Hindi umimik si Ayen.

"A-at least that one practice with me?" paki-usap ko sa kanya. "Tayong dalawa lang naman yun. Bakit kahit sa harap ko ayaw mong tumugtog?"

Umiling siya, "hindi mo naiintindihan."

"Ayaw mo kasing ipaintindi sa akin."

"Hindi mo pa rin maiintindihan."

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Ayen. Pakiramdam ko binuhusan ako ng isang timbang may laman na yelo. Nanlamig ang buong katawan ko at parang bigla akong hindi makapagsalita.

Naramdaman kong tumayo si Ayen, "balik na lang tayo sa loob."

Tumango ako, "u-una ka na. Magpapahangin lang ako," sabi ko nang hindi ko siya tinitignan at ramdam ko na maging siya ay hindi makatingin sa akin.

Naramdaman kong naglakad siya palayo at nang marinig ko ang pag sara ng pinto, agad akong napahawak sa dibdib ko. Ramdam ko ang bilis ng puso ko. Ang hirap huminga. Nanlalamig ako. Nanginginig ang buo kong katawan.

Panic attacks. I'm having a panic attack because of a memory that flickered through my mind.

"Sam bakit hindi ako pwedeng sumama sa gig mo? Promise, hindi na ako kakabahan doon."

"Mia, hindi nga pwede. Mahalaga ang gig na 'to okay? Saglit lang naman ako mawawala."

"Manonood na lang ako."

"Wag na."

"Bakit? I want to support you."

"Ma d-distract lang ako pag nandoon ka."

"Bakit?"

"Basta. You don't understand."

"Then explain it to me."

"Hindi mo pa rin maiintindihan! Wag ka na kasing makulit at sundin mo na lang ako!"

Napatakip ang tenga ko habang paulit ulit kong naririnig ang boses ni Sam, ang boses ni Ayen.

Hindi mo maiintindihan. Hindi mo maiintindihan.

And it turned out, Sam's right. Dahil nung nalaman ko, hindi ko naintindihan. Na kaya pala ayaw niya akong pasamahin dahil may kinikita na siya na ibang babae. And he's right, ang hirap intindihin kung bakit niya nagawa sa akin yun.

Napailing ako, trying to calm myself.

Iba si Ayen. He's not like Sam. Iba si Ayen. Iba siya.

Pero bakit pakiramdam ko nagtayo na naman siya ng malaking wall sa pagitan naming dalawa? Bakit ayaw niya akong papasukin ng tuluyan sa buhay niya?

Napapikit ako at doon ko lang naramdaman ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

I silently cursed myself kasi nararamdaman ko na naman ang pag atake ng anxiety sa isip ko. Na alam ko, kahit anong positive na bagay ang isigaw ko, puro negative pa rin ang mananalo.

I stood up and decided to go home dahil alam kong mas lalala lang ito kapag nakita ko si Ayen. Kapag naramdaman ko na naman ang wall na itinayo niya. Kapag nakita ko kung paano niya i-iwas ang mga tingin niya sa akin.

At ayoko nang magisip pa ng mas malalalang bagay kung bakit hindi niya ako makuhang pagkatiwalaan.

~*~

Hindi ako dumiretso sa bahay, instead, pumunta na lang ako sa isang coffee shop. Naalala ko na wala pala si Sammie sa bahay at ayokong mapag-isa ngayon. Alam kong hindi ako makakahinga kapag naiwan ako doon.

Ilang beses akong tinawagan ni Ayen pero hindi ko makuhang sumagot sa kanya. I don't want him to hear my voice kasi natatakot ako na baka mahalata niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. I just texted him na kinailangan kong umalis but I'm fine. Na hindi niya kailangan mag-alala sa akin.

"At least tell me kung nasaan ka," reply niya sa akin.

Hindi na ako nag reply.

Bukas na lang hihingi ng sorry sa kanya. Bukas na lang kapag kalmado na ang utak ko at lumipas na ang takot na nraramdaman ko. Sana bukas wala na 'to sa isip ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag stay sa coffee shop na yun. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Pinapanuod ang mga taong dumaraan. Pilit nililihis ang utak sa nangyari kanina.

Hindi ko na napansin ang oras. Kinalabit na lang ako ng isang barista para sabihing magsasara na sila.

But I still don't want to go home. And it's sad to realize na wala na akong ibang mapuntahan.

Ilang taon na ba akong nandito sa Pilipinas? Bakit ang onti ng mga kaibigan ko?

Other than Ayen, I only have Sammie. And in this moment, I feel so alone.

Napatingin ako sa orasan. It's already past midnight. Tumayo ako at inayos ko ang gamit ko. Siguro maghahanap na lang ako ng coffee shop na 24 hours open o magpapalipas na lang ako sa mga convenience store. Hanggang sa sumikat ang araw.

Hanggang sa lumipas na 'to.

Pag labas ko ng coffee shop, napahinto ako bigla nang makita ko si Ayen na nakasandal sa kotse niya at nag-aantay. Parang gusto kong bumalik ulit sa loob at mag tago.

No. Hindi pa ako okay. Ayokong harapin siya. Please.

But it's too late. Inangat niya ang tingin niya at nakita niya ako.

"Mia..."

Napayuko ako habang naglalakad papalapit si Ayen sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"I-u-uwi na kita."

I gently removed my hand from his, "m-may dadaanan pa ako."

"Ha? Hating gabi na. Saan ka pupunta?"

Hindi ako makasagot. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"Mia... galit ka ba sa 'kin?"

Umiling ako.

"Bakit hindi mo 'ko matignan sa mata?"

Hindi ako umimik. Naglakad ako palayo sa kanya.

"Mia wait!" hinawakan niya ako sa braso at hinarap sa kanya. "What's wrong?"

"Please please, Ayen wag mo muna ako kausapin. Bukas na lang ha? I'm not mad. I'm just..." I'm just messed up inside.

Muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya and I tried to remove his grip from my arm pero hindi niya ako binitiwan.

"Mia please. Sabihin mo sa akin anong problema? Dahil ba kanina? Dahil hindi ko masabi ang dahilan sa'yo? Dahil hindi ba kita pinagbigyan sa request mo? Dahil ba doon—"

"Because I hate myself for being like this!" sigaw ko at nagpapasalamat ako na walang tao sa parking lot kundi kaming dalawa lang dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak.

"M-Mia..."

"Natatakot ako Ayen. I love you so much and I'm scared to messed up this relationship. Ayokong kausapin ka ngayon dahil natatakot ako na baka makapag bitiw ako ng masasakit na salita. Na baka mag-away tayo."

"Mia---"

"Natatakot ako na baka ipilit ko sa'yo ang isang bagay na hindi mo gusto at mas natatakot ako na I might fail to understand you. Because sometimes, I cannot control my emotions and I'm scared as hell na baka hindi mo rin ako maintindihan at baka pag nakita mo ang side ko na 'to, iwan mo ako. Natatakot ako dahil baka hindi ito yung in-expect mo, hindi itong Mia na 'to ang minahal mo. I'm a mess, Ayen. And I hate myself for being like this. I hate it. I really hate it—"

"Mia," hinila niya ako palapit sa kanya ang he hugged me tight. "I'm sorry. I understand you. I'm really sorry."

Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang yakapin niya ako. I hugged him back.

"Wag mong iisipin na hindi kita maiintindihan, Mia. Dahil alam na alam ko ang ganyang pakiramdam. At sorry for what I've said a while ago. I'm really really sorry."

Medyo humiwalay ako sa kanya and I looked at him with my tearstained face.

"H-hindi ka nabababawan sa akin?"

"Mia, hindi. Wag mong iisipin yun. You have every reason to feel that way dahil mali ko 'to. Mali na tinaboy kita kanina. At alam kong mali na hinindia kita without explaining it to you. You've been so honest and open with me and I want to do the same." Hinawakan ni Ayen nang mahigpit ang kamay ko. "Mia, sumama ka sa akin. I want to show you something."

~*~

Dinala ako ni Ayen sa HQ. Napansin ko na wala nang tao doon at mukhang nag uwian na rin ang ibang EndMira.

Dumiretso kami sa loob ng studio kung saan nag p-practice ang EndMira. Hindi ito ang first time ko sa HQ pero ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa studio nila. Sakto lang ang laki ng studio pero maganda ito. Maraming kagamitan. Sa harap ko ay nandoon ang mga instruments ng EndMira at umaatake na naman ang pagka-fangirl ko kasi parang gusto kong yakapin isa isa ang mga instruments nila.

Pinaupo ako ni Ayen sa isang silya at nakita kong may kinuha siyang isang gitara. At hindi ako maaring magkamali. Ito yung gitara na gamit gamit niya nung mga panahong tumutugtog pa siya kasama ang EndMira.

Naupo si Ayen sa tabi ko at inayos niya ang kanyang gitara.

"Mia, I want to tell you a story," mahina niyang sabi. Hindi siya nakatingin sa akin, instead, nakatitig siya sa gitara niya.

And then, he started strumming the guitar. A familiar song. Yung unang kanta na sinulat niya para sa EndMira and it's called "Endless Miracle." Yung kantang nagpapanalo sa kanila sa battle of the bands na naging daan para sumikat sila.

Alam na alam ko ang kanta na 'to. Kabisadong kabisado ng tenga ko ang tunog ng gitara sa kanta na 'to. But still....iba ang pagkakatugtog ni Ayen. Parang...parang hindi siya ang tumutugtog. Parang hirap na hirap siya. Hindi ganito tumugtog ng gitara si Ayen. May mali.

Napatingin ako sa kanya. He's staring at me. And I saw his pained expression.

"Mia... alam mo ba, never kong nakilala ang tatay ko. Bago rin kami iwan ni mama, ayaw niyang sabihin sa amin kung sino talaga ang ama ko. But a few years ago, nahanap ko siya. Nung una, natatakot ako na puntahan siya, pero nandoon yung hope, eh. Hope na pag uwi ko, may tatay na ako. Na baka ayun na rin ang dahilan para mapauwi ko si ate from Japan. Dala dala ang birth certificate ko at ang picture ni mama, pinuntahan ko siya. Pero dapat pala talaga binabaan ko ang expectation ko, dahil tinaboy niya ako. Kahit anong pakiusap ko, kahit anong pagmamakaawa ako na atleast, mag usap kami kahit saglit, binalewala niya."

"Ayen..."

"I was so mad and frustrated. I feel so lost. Kasi masyado na akong nag expect na uuwi akong may tatay. Pero parang nang-aasar dahil hindi lang ama ang nawala sa akin nung oras na yun kundi pati na rin pangarap ko."

Napatigil si Ayen sa pag strum ng gitara at tinitigan niya ako ng diretso sa mata. Pain is written all over his face.

"I was on my way back to my hotel room when I saw a bright light running towards me. And the next thing I knew, I was in a hospital room with a bandage in my hand and a news that I cannot play a guitar anymore."

Tahimik na bumagsak ang luha sa mga mata ko. I feel a stabbing pain in my chest habang nakatingin ako sa mga mata ni Ayen. Ayaw paniwalaan ng utak ko ang mga sinasabi niya.

"Ginawa ko ang lahat, Mia. Ginawa ko ang lahat para makatugtog ulit pero paulit ulit lang sila nang sinasabi. Na hindi na maayos ang kamay ko. Na hindi na 'to gagaling. Every time I strum a guitar, I can feel a searing pain from my hand. And it's been years pero hindi pa rin nawawala ang sakit na yun. Kaya hindi ako makatugtog nang maayos. Pero hindi ko alam kung ano ang mas masakit eh, yung kada susubukan kong tumugtog o yung fact na alam kong wala na talagang pag-asa?" I heard his voice broke at nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

At mas nabasag ang puso ko to the point na hindi ko na alam ang sasabihin ko kay Ayen. Na hindi ako makapagsalita dahil ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Ibinaba ni Ayen ang gitara niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi and he gently wipes my tears habang bumabagsak naman ang sarili niyang mga luha.

"Gustong gusto kong um-oo sa request mo. Gusto kong tumugtog para sa'yo. Gusto kong mag perform kasama mo. Gustong gustong gusto kong tumugtog ulit. Gustong gusto, Mia. Pero sorry ah? Sorry kung hindi ko na kayang gawin ang bagay na yun ngayon. Sorry Mia. I'm really sorry."

"Ayen... oh my god, Ayen," napahagulgol ako nang iyak. "I'm sorry. I'm really, really sorry. Sorry. Sorry." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ko ito habang sunod sunod ang luha sa mga mata ko.

Si Ayen.. hindi na siya makakatugtog at nasasaktan ako para sa kanya. Dahil ramdam ko kung gaano kasakit na mawala sa'yo na parang bula ang pangarap mo. At hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para hindi na siya masaktan. Para makatugtog ulit siya.

Bakit kailangan sa kanya mangyari ang bagay na 'to? Bakit kailangan kunin sa kanya ang pangarap niya? He didn't deserve this. He's a kind hearted guy. He's talented. Bakit siya pa? Bakit?

"Mia..."

Inangat ni Ayen ang mukha ko at hinalikan niya ako sa noo. Then he kissed my eyelid. Then my cheek. And then...my lips.

"I love you," he whispered in between our kisses. "I love you so much, Mia."

And I told him I love him back.

Paulit ulit.

Dahil ayun na lang ang tanging magagawa ko para sa kanya Ang mahalin siya nang buong buo.

And as he carries me to his room, as he lay me on his bed, I tried to fill up those empty holes in his soul and in his heart. And I know he did the same with me. We are both so broken and messed up, but that night, he fixed me and I fixed him and we made each other whole again.

~*~

"Mia.. Miaaaaa!"

Bigla akong napadilat and the first thing I saw is Ayen's face, smiling widely at me.

"Mia, ready na ang breakfast. Wake up sleepy head!"

Agad akong napabangon nang marinig ko ang word na 'breakfast.'

"Anong ulam?" tanong ko sa kanya.

"Bacon and eggs? You want that?"

Napangiti ako ng malawak, "sobra. May coffee?"

"Naman! Kumpleto ang breakfast na hinanda ko," he said with a wink.

Dali-dali akong tumayo at wala nang hila-hilamos pa. Gutom na ako. Itinaas ko na lang ako buhok ko into a messy bun at nilingon ko si Ayen na titig na titig sa akin.

"Uy. Tulala ka. Tara na breakfast!" excited kong sabi.

Umiling siya, "for the first time in my life, parang gusto kong mag skip ng breakfast."

"Huh? Bakit?"

"You, on my bed, wearing my shirt, and with your hair like that.....p-pwedeng mamaya na tayo mag breakfast?"

Napatawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya.

"Mamaya maya 'di ba darating na si Jasper Yu? Makikita niya akong ganito itsura ko. Sige ka, aasarin ka nun."

"Hayaan mo siya."

Napatawa ulit ako at kinurot ko sa ilong si Ayen, "I'm starving. Let's go eat." I planted a kiss on his lips at naglakad na ako papunta sa kitchen. I heard him groaned pero sumunod na siya sa akin.

"Naks! Mukhang masarap 'to ah," sabi ko habang paupo sa barstool at tinitignan ang mga nakahain na pagkain.

"Naman! Ako gumawa niyan eh," pagyayabang naman ni Ayen habang nilalagyan ang plato ko ng garlic rice at bacon. "Matakaw ako pero marunong din ako mag luto, 'no. At proud akong sabihin na mas masarap akong mag kare-kare kesa kay Timi."

"Talaga lang ha? Kailangan kong matikman yan para malaman ko."

"Oo ba. Bukas na bukas gagawan kita," he said.

"Promise yan ah?"

"Promise. And I'm sealing it with a kiss," sabi niya then he planted a kiss on my lips.

Napangiti ako habang iiling iling.

Napalingon ako sa kanan ko at napansin ko na may package na nakapatong sa lamesa.

"Uy package. Galing sa fans?" tanong ko sa kanya.

Biglang lumungkot ang expression ni Ayen at umiling siya.

"Nope. Galing sa salarin nito," sabi niya sabay taas ng kamay niya.

"Hmm? Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sa lamesa at kinuha yung package.

"Yung driver ng sasakyan na nakabangga sa akin, padala pa rin nang padala nang kung anu-ano. Ewan. Nakokonsensya ata sa nagawa niya. Pero ang tagal ko na siyang sinabihan na itigil na 'to."

"Really? Pero dapat lang. Dala dala na ng konsensya niya ang nagawa niya."

"Wait, kukunin ko lang ang coffee mo," sabi ni Ayen.

Bago pumunta sa kitchen si Ayen, kinuha ko mula sa kamay niya yung package. Tinignan ko ang pangalan nang nagpadala.

Carmina Trinidad.

What the? Kapangalan pa siya ni---

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang return address nung nagpadala. Pakiramdam ko umikot ang buong paligid ko at napahawak ako bigla sa gilid ng bar table dahil muntikan na akong malaglag sa stool na kinauupuan ko.

"Hey, you okay?" tanong ni Ayen sa akin.

Tinuro ko yung address.

"N-nasa States yung nagpapadala sa'yo nito? P-pero dito sa Pinas nangyari yung aksidente mo?"

"Actually....sa States ako naaksidente that's why I was able to hide my condition sa buong EndMira. Kaya hindi nila nalaman ang nangyari sa akin."

At tuluyan na akong nahulog sa kinauupuan ko. Naramdaman ko na lang ang mga braso ni Ayen na inaalalayan ako at paulit ulit niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako pero tila nabibingi ako.

Umiling ako. Sinabi kong sumama bigla ang pakiramdam ko. Inalalayan ako ni Ayen papunta sa kwarto niya pero sinabi ko sa kanya na gusto ko na muna umuwi. I said na magkaka period na ako kaya ako ganito at hindi naman siya nakipagtalo sa akin.

The whole ride, pakiramdam ko lumulutang ako. Pakiramdam ko nasa ere ako at any minute, babagsak na ako. Pinagpapawisan ako but at the same time nanlalamig ang buong katawan ko. Nang makarating kami sa apartment ko, ayaw pa akong iwan ni Ayen but I managed to convinced him na umalis na. Hindi ko alam kung paano ko nakuhang ngumiti at magpanggap sa harap niya. Basta ang alam ko na lang, the moment na makaalis na siya, nanlambot ang buo kong katawan at napaupo na lang ako sa sahig.

I heard my phone ring. It's my mom calling.

My mom.

And her name is Carmina Trinidad. She's not married to my dad kaya hindi niya pa magamit ang surname na Mills.

Carmina Trinidad.

And I just saw our address sa States doon sa package na pinadala kay Ayen.

Sinagot ko ang tawag ni mommy.

"Mia! Anak! Bukas na ng gabi ang flight namin ng dad mo papunta diyan! Naku we miss you so much---"

"Jarren Reyes," pagputol ko sa sinasabi niya at pansin ko ang biglaang pagtahimik ni mommy mula sa kabilang linya. "Do you recognize that name?"

"A-anak..."

"Jarren Reyes. I just saw a package in his house with your name on it."

"M-Mia, l-let me explain----"

"Jarren Reyes told me na naaksidente siya sa States. Car accident. At dahil sa car accident na yun, hindi na siya makatugtog. At sinabi niya sa akin na si Carmina Trinidad ang nag d-drive ng kotse nung gabing naaksidente siya."

"Mia---"

"You've never been on a car accident, mom.... I did."

Katahimikan. Nakakabinging katahimikan.

Napapikit ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Biglaang bagsak ang mga luha sa mata ko.

"Ma....nung gabing naaksidente ako, n-nung gabing nag drive ako ng lasing at bumangga sa puno yung kotseng sinasakyan ko....Ma...may iba pa ba akong nabangga?"

Narinig ko ang pag iyak ni mommy mula sa kabilang linya at napahawak ako sa dibdib ko.

"Ma...ako ba ang may gawa nun? Ako ba ang nakabangga sa kanya?"

"Oo anak..."

At hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni mommy dahil sa lakas ng pag hagulgol ko nang iyak.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro