Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirty Fifth Stanza


Thirty Fifth Stanza

MIA MILLS.

"Habang lumalalim ako'y nahuhulog na. Ika'y gustong laging kasama."

- Silent Sanctuary, Abot Langit

Two months. Two months ang nagdaan. Ang daming nangyari sa buhay ko sa loob ng dalawang buwan. Pakiramdam ko nga parang isang buong taon na ang nakalipas.

I was in a competition. Nakapasok ako sa preliminary. Pasok din ako sa elimination round. From top 20, narating ko hanggang top 10.

Before ako makapasok sa top 20, si Ayen ang madalas kong kasama. Halos araw araw, nag pa-practice kami. He's been very kind and supportive sa akin. Pag may mga live performances, lagi siyang nandoon at nanunuod. At unti unti ko ring na o-overcome ang stage fright ko nang dahil sa kanya. Knowing that he's watching me, mas lumalakas ang loob ko.

Nang makapasok ako sa top 10, I need to go to the camp na sinet-up ng production nitong competition. Sa camp, each one of us has our own coaches na mag t-train sa amin in the preparation for the much bigger competition. Kaya naman halos isang buwan ko ring hindi nakita si Ayen dahil nasa camp ako. Magaling naman ang coach ko kaya lang syempre nakakamiss si Ayen. Nakakamiss yung bonding namin. Pag kasama ko siya, ramdam ko ang pagiging strikto niya sa akin pero nandoon pa rin yung genuine na suporta niya. Na ginagawa niya ito para sa akin at walang iba. Isa pa, oo na. Mahal ko kasi siya kaya ko siya namimiss kasama. Gustong gusto ko na nga siyang makita, eh.

Pero at the same time, may excitement akong nararamdaman.

Tuwing gabi, magkausap kami sa chat ni Ayen. He's always sending me some encouraging words. Minsan puro asaran lang yung pinaguusapan namin. Minsan naman bigla bigla na lang siyang nagiging sweet. Pinapaalalahanan ako na wag magpapagutom, na dapat magpahinga ako. Minsan out of nowhere mag t-text siya sa akin na miss na niya ako. Syempre I can't help but kiligin sa mga ganung gestures niya. Nakakainis siya. Na co-confused tuloy ako.

May gusto na ba siya sa akin? Kasi yung mga pinapakita niya, eh.

But some tiny part of me, nagsusumigaw ng "ASA"

Pero yun nga, kahit gulong gulo ako, masaya pa rin ako sa pakikitungo namin sa isa't isa ngayon. Kung dati, ang taas ng wall ni Ayen sa paningin ko, ngayon, unti unti na siyang nagiging open sa akin. And I'm happy kasi mas lalo kaming nagiging close sa isa't isa.

Yun nga lang, kapag sunod sunod na masasayang bagay ang nangyayari sa'yo, you can't help but feel afraid na baka may kapalit ito. Or maybe it's just me because I'm such a negative thinker.

"What if you think this way," sabi sa akin ni Sammie nang minsan kong ma-open up sa kanya ang about sa feeling ko na 'to. "Bago ka naman maging happy, 'di ba you've been hurt so many times---by your ex-boyfriend, by your dad, and even yung mga taong hindi naniniwala sa capabilities mo. Kaya siguro ang saya mo ngayon kasi pinahirapan ka noon."

Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa sinabi ni Sammie.

I hope she's right. Sana ito na nga yung payment sa lahat ng mga pinaghirapan ko. I hope tuloy tuloy na 'to.

Kulang na lang talaga ay kausapin na ulit ako ng dad ko at matanggap na ito talaga ang gusto kong gawin sa buhay.

A few days ago, I was able to talk to my mom. She was thrilled nang malaman niyang pasok ako sa top ten finalist. Naikwento ko rin sa kanya na tinutulungan ako ni Ayen—yung idol na idol ko na songwriter. Ramdam ko naman ang tuwa para sa akin ni mommy. She even told me she's planning to go back here in the Philippines para panuorin ang performance ko next month. Excited naman ako because I miss my mom so much. Yun nga lang, when I asked her if dad's going to join her, hindi siya makasagot.

I admit, malaki ang pagtatampo ko sa dad ko. But I can't help it, I miss him so much. I remember back then, mas close ako kay daddy kesa kay mommy. Mas tugma kami ng ugali. Yun lang, may iba talaga siyang plano para sa akin at hindi kami magkasundo doon.

Maybe kailangan ko lang talaga na ipakita sa kanya na I didn't made the wrong decision nang piliin ko ang musika.

Kaya gagalingan ko talaga rito. Itong competition na 'to ang magiging daan sa pangarap ko.

Anyway, mahigit isang buwan akong nawala dahil sa camp. Ngayon, binigyan kami ng one week break para umuwi. At syempre, bukod kay Sammie, si Ayen ang una kong sinabihan na uuwi na ako. At eto na nga siya, nagyaya na magkita kami at kumain sa labas as usual. At dahil miss na miss ko na nga ang bwisit na 'to, syempre oo naman agad ako nang magyaya siya.

"Maganda na ba 'ko?" tanong ko kay Sammie nung gabing lalabas kami ni Ayen.

"Yes bruha, you're so maganda na. You've asked me that question for like a million times already. Don't be so praning okay?"

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing an off shoulder denim dress and white sneakers. Simple attire. Baka kasi sabihin niyang masyado kong pinaghandaan ang dinner date namin. But the truth is, gustong gusto kong magsuot ng gown ngayon at magpakulot ng buhok.

"Yung make up, ayos lang ba?"

Tinignan ni Sammie ang mukha ko. "Yep! Pantay naman ang pagkakalagay mo sa eyeliner mo kaya push! I also love the shade of your lipstick, very natural."

Napangiti ako, "talaga? Tingin mo magagandahan sa akin si Ayen tonight?"

Napairap si Sammie, "if I know palagi namang maganda ang tingin niya sa'yo."

Mas lumawak ang ngiti ko, "ano ba Sammie! Wag ka ngang ganyan! Mamaya mag assume ako!" sabi ko sabay tulak sa kanya kaya napatumba siya sa kama.

"Ouch ha? Ang harot! Kinikilig the bruha! But seriously bes, alam mo malakas kutob ko na may crush gusto sa'yo yang si oppa songwriter, eh."

"Blah blah blah, ayokong mag assume!"

"Eh di wag! Ako na lang mag-aassume for you!"

Bigla kaming may narinig na nag doorbell at nagkatinginan kami ni Sammie.

"Shit! Si Ayen na ata yan!"

"Should I open the door for you?"

"No! Ako na!"

Dali dali kong isinukbit sa balikat ko ang shoulder bag ko and one last look sa salamin at tuluyan na akong tumakbo para buksan ang pinto.

At ayun na nga, nakita ko si Ayen sa labas ng apartment namin ni Sammie and he's smiling brightly at me nang magtama ang tingin namin.

"Mia!" hinila ako ni Ayen papalapit sa kanya at niyakap ako nang mahigpit. "Sobrang na miss kitaaaaa!"

My heart skipped a beat.

Pwede bang huminto ang oras? I just want to stay here on his arms forever.

I hugged him back at sinamantala ko na rin ang pagkakataon so I smelled him. Ang bango niya nakakainis.

Humiwalay si Ayen ng pagkakayakap sa akin. Bwisit bitin. He smiled at tinitigan ako ng diretso sa mga mata habang nakapatong ang mga kamay niya sa magkabila kong braso.

"Bakit ang ganda mo ngayon?"

I think I'm dead. Sa sobrang taas nang nilundag ng puso ko, hindi na ito nakabalik.

Nginitian ko siya, "bakit mo 'ko binobola? Magpapalibre ka ba sa'kin?"

Tumango siya, "oo naman. Nakapasok ka sa top 10, dapat ilibre mo 'ko."

Napatawa ako, "ay grabe ka. Kaya pala nagyaya ka kasi gusto mong manlibre."

"Parang ganun na nga," he answered playfully.

Bahagya ko siyang tinulak, "uwi! Di na tayo tuloy!"

He laughed then he pulled me near him at inakbayan ako, "joke lang syempre. It's my treat dahil sobra kitang na-miss."

Nagkatinginan kami ni Ayen and we both smile at each under. My heart is jumping out of joy. Nakakainis naman, eh. Lalo 'ko nitong umaasa dahil sa mga ginagawa ni Ayen.

"Oy oy oy!"

Pareho kaming napahiwalay ni Ayen sa isa't-isa nang marinig namin ang boses ni Sammie. Napatingin kami sa kanya at nakangiti siya nang puno ng pangaasar sa amin.

"May akbayan nang nangyayari, ah."

"Ewan ko sa'yo, Sammie. Ang malisyosa mo!" sabi ko sa kanya at pinandilatan ko siya ng mata. Si Ayen naman ngingiti ngiti lang.

"Oo na. Ako na!" natatawang sabi ni Sammie. "Sige na kids, you make gorabells na! Have fun ha? Oy Ayen, alagaan mo yang si Mia."

"Of course, she's safe with me," at muli na naman niya akong inakbayan.

He's extra clingy today. Ipagpatuloy niya lang yan. Uuwi akong deads na si heart sa sobrang kilig.

"May gusto kang ipauwi na food?" tanong ko kay Sammie.

"Ayoko ng food. Uwian niyo na lang ako ng baby. Gawa kayo dali!" she winked.

"Sammie!" suway ko sa kanya habang hagalpak naman siya ng tawa.

Lord, bakit niyo po ako binigyan ng bastos na kaibigan? Feeling ko magkakasundo sila ni Jasper Yu.

"Joke lang! Kayo naman!"

"Ewan ko sa'yo. Sige na aalis na kami!" sabi ko.

"Byeeee!"

Naglakad na kami papunta sa kotse ni Ayen.

"Wag mo na pansinin si Sammie. Sira yun, eh," sabi ko.

Natawa naman si Ayen, "ayos lang. Sanay na sanay ako sa ganyan. Mga kaibigan ko mga gago rin."

Napatawa rin ako sa sinabi niya.

"So, where are we going to eat?"

"Gusto mo mag overlooking? Sa Antipolo ulit?"

"Pwede rin. Magiinuman ba tayo?"

"Sure. Pero tig isang bote lang. Red Horse?"

I smile widely, "Red Horse."

~*~

"Cheers!"

Pinagtama namin ang bote ng Red Horse na iniinom namin at sabay kaming uminom.

Nandito na kami ngayon ni Ayen sa overlooking the city na restaurant in Antipolo. As usual, mas marami na naman ang pulutan kesa sa alak. Talagang tig-isa lang kami. Parehong ayaw malasing ngayong gabi.

"So how's the training?" tanong ni Ayen. "Nagpapa bibo ka ba sa coach mo?"

"Ayokong mag kwento. Abangan mo na lang ako sa TV at makikita mo kung gaano ako kagaling," biro ko.

"Aba. Natuto na. Gumaganyan ganyan ka na, ha? Pero magaling naman ba yung coach mo?"

"Oo naman. Magaling naman siya."

Ayen raise his eyebrow, "sino mas magaling? Ako o siya."

"Siya."

Hinawakan ni Ayen ang dibdib niya.

"Aray! Ang sakit nun. Sinaktan mo ang puso ko, sinaksak mo ng kutsilyo."

Natawa ako.

"Joke lang syempre. Ikaw pa rin para sa akin."

Nginitian ko siya. Sige lang Mia, magsabi ka ng mga double meaning na bagay.

Napangiti rin si Ayen sa sinabi ko.

"Alam ko naman yun. Para sa'yo, ako lang."

Ay fuck. Naghahamon ba ang isang 'to? Ano ba! Double meaning din ba yan or assuming lang ako dahil double meaning ang sinabi ko.

"'Di ba? Loyal ako sa'yo!" proud kong sabi sa kanya. "Kaya ikaw, wag mo 'kong ipagpapalit sa ibang singers diyan ah?"

"Peksman. Hindi kita ipagpapalit kailanman. Kahit may Geo ka man."

Natawa ako sa sinabi niya, "loko! Geo ka diyan! Hindi na ako umaasa kay Geo, 'no!" kasi sa'yo lang naman ako umaasa. Bwisit ka!

"Buti naman. Hindi ka naman niya na-miss, eh. Ako lang naka-miss sa'yo."

"Wow. Salamat sa suporta."

He grinned.

"Cheers ulit?"

Kinuha ko ang bote ko at itinaas.

"Cheers!"

Sabay ulit kami uminom then napatingin kami sa isa't-isa at ngumiti.

Napaka perfect naman nang gabing 'to. Napaka perfect ng moment. At talagang nakakaasar pa kasi bigla na lang tumugtog yung paborito kong kanta ng Silent Sanctuary---Sa'Yo.

"Mia?"

"Hmm?"

"I have a question. Curious lang ako."

"Ano yun?" tanong ko.

"Ideal type mo ba yung mga tulad ni Geo?"

"Paanong tulad ni Geo?"

"Yung ano, good boy. Leader. Masaya kausap. Gwapo. Pansin ko lang kasi parang ganun mga natitipuhan mong vibes."

"Hindi kaya. Baka nagkataon lang."

Kasi ngayon yung natitipuhan ko talaga yung lalaking may pagka mysteryoso, maganda ngumiti, tahimik lang pero masarap ka kwentuhan, simple lang, minsan masungit pero madalas sweet.

Ikaw, Ayen. Ikaw.

"Ah, eh ano ba characteristic ng ideal guy mo?" tanong

Natawa ako, "ba't mo naman natanong yan. Are you drunk?"

"No. I'm just curious."

Tumango ako, "ideal guy? Ano, chinito, kissable lips, nag ko-korean, may Lee sa pangalan, meron din Jong at Suk."

Napakunot ang noo ni Ayen, "ayan ka na naman sa mga pantasya mo."

"KJ mo! Pogi kaya niya. Eh ikaw naman, ano ang ideal girl mo?

Napangiti si Ayen, "ano nga ba? Hulaan mo."

"Magaling magluto. Hot. Mataas self confidence," sabi ko sabay irap.

Napatawa siya, "dati yun, hindi na ngayon."

"Eh ano na yung ngayon?"

"Magaling kumanta," sabi niya.

Bigla akong natahimik at napalunok. Tinignan ako ng Ayen ng seryoso.

"Bukod sa magaling kumanta, passionate siya sa pagtupad ng pangarap niya. Hindi basta basta sumusuko. Medyo nerbyosa, pero palaban pa rin. Ano pa ba? Maganda ngumiti. Puno ng buhay ang mata niya kahit ilang beses nang nasaktan. Masarap kasama. Masaya kausap. Pwedeng ka-inuman. Ayun. Ayun ang ideal girl ko."

Hindi ako naka-imik. Hindi rin inalis ni Ayen ang tingin niya sa akin. Seryoso siya. Walang halong biro. Inaantay ko na nga lang na sabihin niyang nag j-joke lang siya pero hindi niya ginawa. Hindi niya binawi.

Napatayo ako bigla.

"CR lang," sabi ko without looking at him at dire-diretso akong umalis

Pag punta ko sa restroom, ang haba ng pila. Bwisit na yan. Ang init ng mukha ko at pinagpapawisan ako nang hindi ko malaman kung bakit.

Nakakita ako ng veranda. Dire-diretso akong pumunta doon and good thing walang tao.

Huminga ako nang malalim. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko maiiyak ako dahil sa frustrations.

Ano ba yan. Naiinis ako sa sarili ko bigla. Bakit ganun ang reaction ko? Bakit ganun, umaasa ako na ako yung tinutukoy niya? Pero ang dami namang nakakatrabaho ni Ayen na mga singers. Pakiramdam ko kanina malapit na niyang sabihin sa akin kung sino ang gusto niya ngayon, eh. At abot langit na ang asa ko na ako yun. Feeling ko kapag nagbanggit siya ng pangalan at hindi ako yun, grabe akong ma-di-disappoint. At baka umiyak lang ako sa harap niya ng di oras.

Shit ano ba? Bakit ba 'ko naluluha rito. Mukha akong tanga. Ano ba. Mia. Calm down. Heart, please calm down. Wag kang mag p-panic attack. Please lang. Please.

"Mia?"

Napatalikod ako nang marinig ko ang boses na yun. Ayokong tignan si Ayen. Ayokong makita niya na mangiyak ngiyak ako rito dahil pag tinanong niya ako kung bakit, hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Mia."

Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya.

"Are you okay?" nagaalala niyang tanong nang makita niya ako.

Umiling ako.

"Hey, what's wrong?"

Lumapit siya sa akin at pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. Agad ko namang tinabing ang kamay niya.

"M-Mia...? W-why...?"

"Tama na please! Ayen, tama na! Wag ka nang maging sweet kasi nagiging assuming na ako, eh. Iniisip ko nang may gusto ka sa'kin!"

Nakita ko ang pinaghalong gulat at pagtataka sa mukha ni Ayen dahil sa sinabi ko. Napaiwas na lang ako ng tingin at tinalikuran ko siya. I was about to walk away nang hawakan niya ako ulit sa braso ko.

"Wait Mia."

"U-uwi na ako. Sorry, feeling ko tinatamaan na ako ng alak," I faked a laugh. "Grabe, ang weak ko na ata? One bottle of Red Horse and I'm already tipsy," pagpapalusot ko kahit na alam kong nasa tamang isipan pa ako. "Extra assuming lang ako ngayon. Pero alam ko naman na wala 'di ba? Tropa tayo, eh!" pabiro ko siyang tinapik sa braso habang pilit naman akong ngumingiti.

Napahinga nang malalim si Ayen.

Relieved? Sabi na. Wala talaga siyang gusto.

"Mia, hindi naman masama na nag assume ka."

Napaiwas ako nang tingin. Oo na. Ipagdiinan nang nag assume lang ako.

Masyadong masakit ah?

"Hindi masama, Mia.... kasi totoo naman, eh. I'm in love with you."

To be continued...

ALY'S NOTE

Guys sorry medyo na late ang update. Sobrang busy lang this past few days sa work. (At nakakaadik po talaga mag Everwing huhu sorry!)

No update this weekend. Nasa malayong lugar si author. Pero try ko mag update sa Tuesday :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro