Sixteenth Stanza
Sixteenth Stanza
JARREN REYES
"Lights will guide you home and ignite your bones. And I will try to fix you."
- Coldplay, Fix You
I heard everything.
Lahat ng pinagusapan ni Mia at Sam. Lahat ng sinabi ni Sam kay Mia. And the whole time I was listening, gustong gusto ko nang lumabas at hilahin paalis si Mia.
Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong kailangan nilang mag-usap dalawa. Alam kong kailangang harapin 'to ni Mia at hindi ako pwedeng makielam sa kanya.
Nakita ko siyang umalis. She's keeping a straight face at hindi siya umiiyak. I want to follow her but I know she needs to be alone so I gave her space.
Tinignan ko si Sam na nasa backstage. Naka-upo siya sa monoblock chair habang nakapatong ang ulo sa dalawang kamay niya.
Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya.
Inangat niya ang tingin niya sa akin.
"Narinig mo?" tanong niya.
Tumango lang ako.
"I did what I can. I did my best para alagaan siya, pero may hangganan din ako. At mas mabuti na 'to. Mas mabuti nang naghiwalay kami. Kung hindi ko 'to ginawa, hindi siya matututong tumayo sa sarili niyang mga paa. Kaya tama na rin 'to."
Napakuyom ang kamay ko at pakiramdam ko, gusto kong manapak ngayon.
Huminga ako nang malalim at pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Ilang taon nga ulit kayo ni Mia?"
Medyo nagtaka siya sa tanong ko pero sinagot pa rin niya ito, "three years."
Tumango ako.
"You know her past?"
Hindi umimik si Sam and he look so guilty.
"You know how badly she got bullied in high school?" tanong ko ulit.
Hindi pa rin siya sumagot.
"Isang simpleng insidente na nagkapatong patong. Isang simpleng kahihiyan na nauwi sa mas malalang bagay na naka-apekto nang husto sa kanya. Mia got traumatized. At ang trauma na ay hindi lang basta basta trauma. Hindi lang yun basta basta dahil weak siya o matatakutin siya o madali siyang kabahan. Alam mo yung trauma na naka cause sa kanya is a serious mental illness to the point na kinailangan niya rin pumunta sa isang psychologist. You know that, Sam?"
"Pero may buhay rin ako!" inis na sabi ni Sam. "At nasakal ako sa kanya!"
"Oo. Maaring tama ka. Naiitindihan kita. Pero yung mga sinabi mo kanina kay Mia, parang siya lang lahat ang may mali. Napaka simple lang nung pinagdadaanan niya at pinabibigat lang niya lahat. Alam mo ang kalagayan niya and yet, ginawa mo yan."
"Hindi mo naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko!"
Umiling ako, "you said you loved her. Pero duwag ka nga talaga. Bakit pinaabot mo sa puntong nasasakal ka na? Pwedeng ayusin yun kung umpisa pa lang, nagpakatotoo ka na sa kanya. Dahil akala niya, ayos lang sa'yo ang lahat. Hindi ka umiimik na napipilitan ka na lang. Tapos bigla mo siyang iiwan? Maaring may mali siya, pero hindi lang siya ang may mali. Sa inyong dalawa, mas gago ka."
Nakita ko ang galit sa mga mata ni Sam pero hindi siya makapag salita. Hindi siya makaangal dahil alam niyang tama ako.
Hanggang sa huli duwag pa rin siya dahil isinisisi niya lahat kay Mia.
"Sa tingin mo tinutulungan mo si Mia sa ginawa mong pagsisinungaling? Tingin mo makakabuti sa kanya yun? Hindi mo ba naisip na sa ginawa mo, maaring tinuruan mo siya na wag nang magtiwala sa kahit na sino?"
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Sam as realization hits him.
"You could have saved your relationship kung umpisa pa lang, nagpakatotoo ka na sa kanya."
Tinalikuran ko siya at nagumpisa na akong maglakad palayo.
"I've loved her," halos pabulong na sabi ni Sam. "I really did."
Hindi na ako sumagot at iniwan ko na lang siya doon.
Siguro kung hindi ako nakwentuhan ni Mia nung panahong lasing siya, maaring kinampihan ko si Sam. Maaring side niya ang sinang-ayunan ko.
Pero nalaman ko ang past ni Mia.
Alam kong maraming makaka-misunderstood sa kanya. Maaring maraming magiisip na mahina siya. Maraming hindi makakaintindi sa sitwasyon niya ngayon.
But I understand dahil nararanasa ko rin yun.
Alam ko ang pakiramdam na ma-traumatize ka sa isang bagay. Alam ko yung grabeng takot na hindi mo mapigilan. Yung halos maubusan ka nang hininga. Yung kulang na lang atakihin ka sa puso. Alam ko yun. Nagkataon lang na madali kong naiiwasan ang bagay na pwedeng makapagpa-trigger sa trauma ko. Pero kay Mia? Kailangan niya harapin yun dahil sa pangarap niya. She have to deal with her panic attacks every single time na mag p-perform siya. At kung iniisip ni Sam at nang ibang tao na mahina si Mia, they are wrong. Dahil kung mahina siya, matagal na siyang nag quit. Kung mahina siya, unang beses pa lang, umayaw na siya. Alam niya ang magiging epekto sa kanya nito but still, lumalaban siya.
At kanina, sa harap ng maraming tao, kahit pinapaalis siya ng mga ito, tinapos niya ang kanta.
Sa mata ng ibang tao, she's pathetic.
Pero sa mata ko, she's the bravest girl I've ever seen.
Sana aware siya kung gaano siya katatag.
~*~
MIA MILLS
"Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead."
- Adele, Someone Like You
"Anak, I really want to hug you. Uwi ka na please. Umuwi ka na," iyak ni mommy mula sa kabilang linya nang telepono.
Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa amin ni Sam. At katulad nga ng inaasahan ko, grabe ang iyak ni mommy sa telepono. At parang mas nakakadagdag 'to sa sama nang loob ko. I know she'll react like this kaya hirap na hirap akong aminin sa kanya yun. Alam kong grabe siyang mag-aalala sa akin. She is so protective of me. At alam ko naman na kahit sinong magulang, magaalala para sa anak nila. Kahit sino, ganyan ang magiging reaksyon dahil malayo sila sa anak nila.
At kung ako ang tatanungin, I badly want to hug her too. I want to see her. I miss her so much. I want to go home.
Pero alam ko na the moment na bumili ako ng plane ticket pauwi, baka hindi ko na kayanin pang bumalik sa Pinas. Baka tuluyan ko nang i-give up lahat ng mga pangarap ko.
"Mom, I'm okay!" sabi ko sa kanya habang pilit nagpapakasigla. "Three months na kaming hiwalay and I've already moved on. Kaya hindi ko po sinabi agad sa'yo kasi alam kong magaalala ka. But I'm fine now so you don't need to worry about me, okay?"
"Pero sino na lang ang kasama mo ngayon?" pahikbi-hikbing tanong ni mommy.
"I told you about Sammie, right? Tsaka nandyan naman sina Tita. Isa pa, kaya ko na pong mag solo sa pag p-perform."
"Mia... are you really okay?"
"Oo naman po ma! Alam mo ba kanina, nag front act ako sa gig ng EndMira."
Nabuhayan bigla ang boses ni mommy, "talaga?! As in solo ka?!"
"Yes mom! Nag solo akong kumanta at tumugtog sa harap ng maraming tao. You should be proud of me! Natapos ko yung kanta nang hindi ako nagkakamali o pumipiyok. I did a great job, mom."
Tinakpan ko ang bibig dahil naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko at pakiramdam ko mapapahagulgol ako nang iyak ngayon at ayokong marinig ni mommy yun.
"Really?! May video ka?! Gusto kitang mapanuod! Naku, Mia I am so happy for you!" masayang masaya na sabi ni mommy. "For sure, marami kang naging fans ngayong gabi. Baka mas maging sikat ka pa sa EndMira ha? Naku, ang galing galing mo pa naman. Alam kong mahal na mahal ka na nang mga nakapanuod sa'yo."
Inilayo ko ang phone sa tenga ko and I put it in loud speaker mode.
Hindi ko mapigilan ang paghikbi habang tuloy tuloy na bumabagsak ang luha sa mga mata ko.
Huminga ako nang malalaim at lumunok.
"Oo naman po ma. Nagustuhan po nila ang performance ko. Nakaka encourage yung init nang pag tanggap nila sa akin."
Kahit iisang tao lang ang nakinig. Kahit lahat sila, pinapaalis ako.
"Isend mo sa akin yung video ha? I want to see your performance!"
"Sorry ma, hindi ako nakapagpakuha ng video, eh."
"Ano ba naman yan. Dapat nagpapakuha ka ng video sa mga ganyan. Remembrance yan!"
"Sorry po, 'di bale next time."
Pilit kong iniba yung topic namin. Malayo kay Sam at sa performance ko. After a while, nagpaalam na rin si mommy kaya naman naiwan na lang akong nakatulala sa kwarto ko.
No. Ayoko nang tahimik. Kung anu-ano kasing hindi magagandang bagay ang naiisip ko. Wala pa naman si Sammie ngayon. Wala akong kasama rito.
Agad akong lumabas ng kwarto at in-on ko yung tv namin. I connected it to my laptop at naghanap ako ng Korean drama na pwedeng mapanuod.
Tinodo ko yung volume. Malakas na malakas. Malinaw ang kopya ko. Malinaw ang subtitles, pero wala pa rin akong maintindihan. Nakatitig lang ako sa screen. Nagpupumilit pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina.
Yung gig. Yung mga tao. Yung mga sinasabi nila. Si Sam. He fell out of love with me. Kelan pa? Kelan pa niya naramdaman yun? Bakit niya pinatagal? Ibig sabihin ba nun, yung mga huli huling pag aalaga niya sa akin, napipilitan na lang siya? Alin doon ang tunay at hindi? Alin doon yung inaalagaan niya ako dahil mahal niya ako at yung inaalgaan niya ako kasi naaawa na lang siya sa akin?
Napatakip ako ng tenga and I screamed and screamed and screamed.
I hate myself for being like this. I hate it kasi naapektuhan niya ang pangarap ko. At ngayon, malalaman ko na ito rin ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Sam.
I tried everything to be better. Para mawala ang trauma sa isipan ko. Para hindi na ako magkaroon ng panic attacks. But I guess I'm weak kasi hindi ako gumaling galing.
Ang hirap hirap hirap.
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may kumakalampag sa pintuan ng apartment namin.
Sumilip ako sa bintana para tignan kung sino ito at mas nagulat ako nang makita kong si Sir Ayen ito.
What is he doing in here?
Binuksan ko yung pinto at sumalubong sa akin ang nakakunot niyang noo.
"I told you mag d-dinner tayo! Bakit mo ako inindian?" tanong niya.
"H-ha?"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Magpalit ka na nang damit. Gutom na talaga ako."
"P-pero Sir Ayen, sorry but I'm not in the mood t---"
"HEH! Quiet!" sabi niya at tinulak niya ako papasok. "Bilisan mo na mag bihis. Na b-beastmode ako pag gutom. Sige ka!"
At wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.
To be continued...
Aly's Note:
Pansin ko lang sa mga comments, it's either you love Mia because you can relate to her or you hate her because it's hard for you to understand her XD Either way, natutuwa ako kasi she's an effective character at so far, siya ang pinaka malapit sa heart ko XD
Anyway
Not sure kung makakapagupdate ako next week dahil busy but I'll do my best. Salamat sa pagintindi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro