Prologue
BROKEN MELODY
Written by Aly Almario
Her Pain
MIA MILLS
"I was a dreamer before you went and let me down."
- Taylor Swift, White Horse
"Mia! Dali! Masaya rito!" sabi ng pinsan kong si Pam sabay hatak sa akin.
Napatingin ako sa signage ng bar na papasukan namin. Sa labas pa lang ay tanaw ko na ang iba't-ibang makukulay na ilaw. Na-i-imagine ko na rin ang sitwasyon pag pumasok kami sa loob.
Dim lights, may stage sa harap, puno ng usok ng sigarilyo ang paligid.
Gusto ko nang umatras. I just wanna go home. I just want to stay inside my room and do a Korean drama marathon.
Pero for the first time simula nang dumating ako dito sa Pinas, niyaya ako ni Pam na lumabas kasama ng mga friends niya.
I thought she hates me kaya naman nagulat ako sa invitation niya. Ngayon ang chance na maka-bonding ko sila kaya hindi ako maka-atras.
"Oh, 'di ba mas uso ang mga bar sa States?" tanong ng kaibigan niyan si Lauren sa akin. "Mas wild pa nga mga tao doon. Bakit parang ngayon ka lang nakakita ng bar? Hindi ka ba gumi-gimik noon nung nasa States ka pa?"
Kung alam lang nila. Party like a rockstar talaga ako nung nasa States ako. But eversince ma-aksidente ako nung panahong umuwi ako na sobrang lasing, tinigil ko na ang pag punta sa mga bar. Kahit ang pag-iinom.
"H-hindi ah, madalas din ako pumarty before," sagot ko sa kanya at nginitian ko sila.
"Then what are we waiting for?! Let's go inside!" sabi ni Pam at nanuna na siyang pumasok sa loob.
Sumunod naman sa kanya si Lauren at yung isa pa nilang kaibigan na si Phoebe.
Napatingin ulit ako sa signage ng bar then napalunok ako.
Walang mangyayaring masama.
Sinundan ko sila sa loob.
~*~
Ang ingay ng tugtugin. Nahihilo ako sa ilaw ng disco ball. Dati sanay na sanay ako sa ganito, sobrang wild ko pa nung nasa States ako. Pero naging good girl na naman ako nang bumalik ako dito sa Pinas.
I am a member of a band here in the Philippines. Indie band pa lang. Vocalist ako at yung lead guitarist naman ng banda namin ay yung boyfriend kong si Sam. May mga gig din kami sa mga bars pero hindi ako takot dahil kasama ko naman si Sam. At usually, after namin tumugtog, umuuwi rin kami agad ni Sam dahil alam nga niya ang phobia ko sa mga bar.
Napatingin ako sa paligid ko. Nakita kong pare-pareho nang may hawak na margarita sina Pam habang sumasayaw sa dance floor. Naiwan ako mag-isa sa may bar counter and the bartender is patiently waiting for my order.
"Hi Miss! Are you alone?" tanong sa akin nung isang lalaking kanina pa rin nakatingin sa akin habang busy akong mag-isip kung ano ang iinumin ko.
Bakit pagpili lang ng drink nahihirapan na ako?
I miss Sam. Sana kasama ko siya ngayon. Bakit kasi ngayon pa siya umuwi sa Cebu.
"Would you mind if I buy you a drink?" tanong ulit nung lalaki.
"No thanks, I can manage," sabi ko sa kanya at tumalikod ako at dali daling naglakad palayo doon sa lalaki.
Nasaan na ba sina Pam? Wala na sila doon sa pwesto nila kanina. Sana in-order ko na lang din yung binili nila. Or kahit weird tignan, sana talaga nag mango shake na lang ako.
Napatingin ako sa dance floor. Nagtatatalon ang mga tao doon habang sinasabayan ang kanta. Yung iba, nag d-dance showdown na. I tried looking for Pam and her friends sa crowd pero ang dami talagang tao.
Nagsumiksik ako sa dance floor at nababangga-bangga pa ako ng mga nagsasayaw. But finally, nakita ko rin sina Pam.
"Hey! Where have you been!" sigaw ni Pam sa akin. Medyo malakas ang music kaya hirap kaming magkaintindihan.
"D-diyan lang sa may bar. Bibili sana ako ng drink."
"Oh, wag ka nang aalis. May tutugtog na banda ngayon!"
"T-talaga? Sino?"
"Endless Miracle!" sigaw ni Phoebe.
Biglang nabuhay ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan ng bandang tutugtog.
"Oh my god! Endless Miracle?! Are you sure?!" natataranta kong sabi. "OMG! OMG!!" at nagtatatalon ako.
Napatawa sila, "ayan, lumalabas na ang pagka-wild ni Mia!" sabi ni Pam.
Napatawa rin ako at naki-sayaw sa kanila. Ramdam ko ang excitement sa buong katawan ko. Hindi nakalagay sa fan page ng EndMira ang gig nila dito kaya naman this is such a great surprise!
I've been down lately pero ngayon parang sasaya na ulit ako.
Maririnig ko na ulit ang awesome drum skills ni Jasper Yu.
Pati na rin ang magagaling na pagtugtog ng gitara nina Geo at William.
Ang magandang boses ni Ice Monasterio, my god!!! Maiinlove na naman ako!
At...at yung mga kanta nila. Yung mga kantang tagos na tagos sa buto ko. Yung tipong damang dama ko ang bawat salita sa mga lyrics nito.
Yung mga kantang isinulat ni Ayen Reyes.
Napatingin ako sa paligid ko.
Alam ko, everytime na tumutugtog ang EndMira, Ayen is with them. Minsan pinapaakyat pa nila ito sa stage.
I saw him once nung grand concert nila. Ang pogi pogi niya nun. He's glowing. Simple lang ang damit niya, simple lang ang dating niya, pero ang lakas ng tama ko sa kanya.
Sana mamaya makamayan ko man lang siya. I just want to tell him how his songs meant so much to me.
Nag end yung song na pinatutugtog kaya naman lahat kami ay napatigil sa pagsasayaw.
Maya maya ay may nag-akyatang mga members ng banda. Dahil madilim, tanging silhouette lang nila ang naaninag namin.
Holy shit!
Feeling ko may kiti-kiti sa tyan ko. Nagtititili ako kasabay nina Pam. Naka akbay sa akin si Pam at ramdam ko rin ang excitement niya dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa balikat ko.
Nagbukas ulit ang disco lights at nagsimulang tumugtog ang banda. Tanaw na ang tumutugtog sa stages. Naghihiyawan ang mga tao. Isang sikat na kanta ang pinatutugtog kaya naman nasasabayan nila.
Samantalang ako, napako na sa kinatatayuan ko. Hindi makagalaw. Nakatitig lang sa bandang tumutugtog sa harapan.
Hindi sila ang Endless Miracle.
Ibang banda.
It's my band.
Sa harap ay kumakanta ang boyfriend kong si Sam. Sa tabi niya ay may ka-duet siya. Isang babae, may katangkaran, mestiza, sexy, mature looking---si Natasha, our manager.
Fuck. What is this?
"Are you guys having fun?" sigaw ni Natasha at nag cheer ang crowd.
"I'm Natasha, the vocalist of the band. This is Eric, our drummer. Matt, our bassist. Chad, our guitarist. And Sam, our leader and my boyfriend," pakilala ni Natasha at naghiyawan ulit ang mga tao.
Lumapit sa kanya si Sam at hinalikan siya sa labi.
Nabingi ako sa sigawan ng mga tao.
Napatingin ako kay Pam, my eyes are getting blurry dahil sa mga luhang guto nang bumagsak mula rito.
Pero kahit ganun, I still saw the smile on Pam's face.
"You knew," I choked.
"Yep. He's cheating on you, Mia. You think you're that great? Well sad to say dear, sa mata ni Sam, kulang ka pa. Kaya siya naghanap ng iba."
I blinked. Bumagsak ang luha sa mata ko.
This is not happening.
I gave him everything. Iniwan ko ang family ko sa States para sundan siya. Binuo ko ang mga pangarap ko kasama siya.
This is just a bad dream. A nightmare.
This isn't real.
Napatalikod ako at naglakad palayo.
Naririnig ko ang boses ni Natasha na kumakanta. Sinasabayan siya ni Sam.
Lugar ko yun, eh. Ako yung vocalist. Ako yung nasa tabi ni Sam.
Paano nila nagawa ito? May mali. Hindi 'to totoo.
Napa-hawak ako sa unang table na malapitan ko at napapikit ako.
Nag f-flash sa utak ko ang mga pagpapakatanga ko.
Kaya ba lagi silang may meeting ni Natasha na silang dalawa lang?
Kaya ba lagi siyang kay Natasha nagpapatulong sumulat ng kanta.
He's always at Natasha's place. Nag s-sex ba sila madalas habang ako walang kamalay malay?
At nung mga panahong nag seselos ako sa kanila, siya pa ang galit sa akin at ako pa ang nag s-sorry. Ako ang umaamo sa kanya. Ako ang nag e-effort na magkaayos kami. Ako ang konsensyang konsensya dahil nag hinala ako.
Damn. I am so naïve. I am so stupid.
Hinanap ko ang pinto palabas. Hirap na hirap akong dumaan dahil sa mga taong nagkakasiyahan sa bandang nasa harapan nila.
Dapat nandyan ako, eh. Dapat kasama nila akong tumutugtog.
Bumangga na naman ako sa isang katawan at napa-upo na lang ako sa sahig at hindi ko na napigilan ang pag hagulgol.
"M-miss! Sorry!"
Inalalayan ako nung lalaking naka-bangga sa akin na tumayo.
"S-sorry. May masakit ba? Why are you crying?"
Umiling ako at ayokong i-angat ang tingin ko doon sa lalaki dahil hiyang hiya na ako sa biglaan kong pag-hagulgol.
Tinabing ko ang kamay niya sa balikat ko at tumakbo ako palabas ng bar. Nakakita agad ako ng taxi at sumakay ako doon.
And the whole ride home, wala na akong ibang ginagawa kundi ang humagulgol ng iyak.
~*~
His Pain
JARREN REYES
"I will stop trying to fall in love again, and keep it a secret. It never works out, anyway."
- Ed Sheeran, Everything You Are
Where is she?
Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang babaeng nakabangga ko kanina. I didn't even saw her face but I'm worried na nasaktan siya nang husto nung tumumba siya dahil iyak siya nang iyak.
And aside from that...
Napatingin ako sa hawak kong bracelet na may music notes na charm.
Nahulog niya kanina. Ibabalik ko sana kaso ang bilis niyang nawala.
"Ayen!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na yun. Lumingon ako and I saw her deep eyes staring at me. Naka-ngiti siya sa akin and I can't help myself but to smile back at her.
Damn that smile.
"Stephanie Mikael Cruz, why are you here?"
"Wow ha! Buong buo ang pangalan ko, Jarren Reyes. Well, pinilit ako ni Jasper Yu manuod. Might as well panuorin ko na."
Tumango ako at tumingin ng diretso sa stage, "susunod na sila diyan."
"Ba't hindi ka nila kasamang tumugtog? Hindi pa rin ako maka-get over sa decision mo na tumigil sa pagtugtog. I mean, why, Ayen? Halos gawin mo nang jowa yung gitara mo dati dahil hindi kayo mapaghiwalay dalawa."
Napangiti ako ng bahagya kay Stephanie—Timi, kung tawagin naming siya.
"Nag b-break din ang mag jowa. Nag break na kami ng gitara ko. But don't worry, going strong pa rin kami ng mga pagkain ko."
Napatawa si Timi ng malakas at hinampas ako sa braso. Mas napangiti ako.
At least I can make her laugh.
"Alam mo, tama ka. Nag b-break din ang mag jowa. Paano pa kaya yung hindi mag jowa?"
Napa-diretso ang tingin ni Timi sa stage at kapansin pansin ang pagbabago ng mood niya. I saw the pain in her eyes.
"Timi---"
"Ang panget naman ng boses nung babae," sabi niya habang nakaturo doon sa vocalist nung bandang tumutugtog. "No offense pero halatang hindi niya inaalagaan ang boses niya. Tapos puro pa-sexy at puro sila kiss nung isa pang vocalist. Nakakadiri."
Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya kaya napa-angat ang tingin niya sa akin. I pinched her nose.
"Aray! Masakit Ayen ha! I-b-ban kita sa restaurant ko!"
"Ikaw kasi, masyado kang bitter. Hindi ka naman inaano nung bokalista."
She squinted her eyes, "don't tell me type mo siya?"
"Nope. Not my type."
"Eh ano bang klaseng babae ang type mo?"
Yung katulad mo. Ikaw. Ikaw na ikaw. Ikaw ang gusto ko.
But you are way out of my league.
"Yung type ko? Yung may dalawang patties, maraming bacon, may lettuce, tomatoes—"
"Pagkain na naman!" pagputol niya sa sinasabi ko.
Napangiti ulit ako at ginulo ko ang buhok niya.
"Uy grabe ka! I spend two hours fixing my hair!"
"Bakit ka nagpapaganda? Dahil ba kay Ice?" tanong ko.
She rolled her eyes at me, "hindi 'no!"
Sana pwede kong paniwalaan yang sinasabi mo. Sana totoo ngang hindi. Kaso halatang halata ka, Timi. You are still in love with him.
Ang hirap ng ganito. Bakit ba kasi napunta sa ganito ang nararamdaman ko?
I know high school pa lang kami, I already have a little crush on her. Pero hindi ko iniintindi dahil tropa kaming dalawa at isa pa, alam ko naman na wala akong pag-asa.
Nung nasaktan siya nang dahil kay Ice, I want to be there for her pero lumayo siya sa amin at pumunta sa ibang bansa.
At ngayong bumalik na siya ulit dito, akala ko okay na siya. Akala ko naka-move on na siya. Pero the way she looks at him, alam kong mahal pa niya ito.
At ganun din si Ice. Alam kong mahal pa rin siya ni Ice.
It's a matter of time, magkakabalikan din sila. Alam ko yun. Dama ko yun.
That's why I am hating myself right now.
I am in love with my friend.
At alam kong wala akong pag-asa.
Pero bakit hindi ko maiwasang hilingin na sana, magustuhan din niya ako?
~*~
Copyright © 2016 by Aly Almario (Alyloony)
All rights reserved. This story or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the authpr except for the use of brief quotations in a book review.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro