Forty Third Stanza
Forty Third Stanza
MIA MILLS
"It's not the kind of ending you wanna see now. Baby I don't like the ending. I thought you'd be here by now."
- Taylor Swift, If This Was a Movie
Eight hours. Ganyan ka tagal ang binyahe ko before reaching this island.
Eight hours.
Sa loob ng walong oras na 'yun, my courage didn't waver. Buo ang loob ko na harapin si Ayen. Kahit ano pang sabihin niya. Kahit itaboy niya pa ako. I won't leave without him hearing me out first. Kailangan kong maipaalam sa kanya ang side ko and I'm prepared to whatever consequence I need to face.
Pero ngayon na nandito na ako sa secluded island at nasa harap ko na ang rest house na tinutuluyan ni Ayen, atsaka pa ako pinanlalambutan ng tuhod. Gusto kong umatras kasi mamaya hindi pa nga talaga siya ready na kausapin ako. Willing naman akong mag antay sa kanya hanggang sa bumalik siya at harapin ako. Kaso nakakainis, talagang naisip ko 'yan kung kailan nandito na ako sa isla at nakaalis na yung bangka na naghatid sa akin dito.
Languyin ko na lang hanggang doon sa kabilang side?
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Wala naman na akong magagawa, eh. I'm already here. Hindi ko kayang lumangoy ng malayo. Ang takot ko lang sa mga pating diyan.
Napahinga na lang ako nang malalim at isinukbit ko ang backpack sa likod ko at kahit nanlalambot ang mga tuhod ko, naglakad ako papunta doon sa rest house.
Kaso nakaka tatlong hakbang pa lamang ako, nakita kong nagbukas ang pinto ng rest house at lumabas si Ayen. Agad akong napatago sa gilid ng puno ng buko para hindi niya ako makita. Kabadong kabado ako. But the truth is, I want to strangle myself kasi para akong sira rito. Tatago tago ako eh kaming dalawa lang ang nasa island na 'to. Eventually, I have no choice but to show myself to him.
I saw Ayen walk towards the sea shore. He's carrying a pen and a notebook with him. He soaked his feet then na upo siya sa buhanginan at nagsimulang magsulat.
Siguro panibagong kanta. Maybe it has something to do with me. Maybe it has something to do with how painful he's feeling right now because of what I did.
And all these time I thought I'll never make him write a sad song about me.
Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa likod ng puno. Sumandal ako rito at tumingin sa kalangitan. Hindi pa masyadong mataas ang araw. It's still seven in the morning. Malamig lamig pa ang hangin and I feel calm hearing the sound of the ocean. But at the same time hindi ko ma-ialis ang bigat nang nararamdaman ko. Gusto kong lapitan si Ayen at yakapin nang mahigpit. Gusto kong umiyak sa harapan niya, lumuhod at paulit ulit na mag-sorry hanggang sa makuha na niya akong patawarin.
But looking at Ayen now, kita ko kung paano siya napapakalma ng pagsusulat. He look at peace right now. Yung tipong parang nasa loob siya ng sariling mundo niya at doon, walang pwedeng makapanakit sa kanya.
I don't want to ruin that for him. I can imagine the pain he's going through these past few days. Maybe like me, he's a mess. Pero ngayon na at peace siya, dumating ako para guluhin na naman iyon.
Wag muna. Wag ka munang magpapakita, Mia. Wag mo munang sirain ang araw niya.
Napapikit na lang ako at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko.
Dati nung umiiyak si Ayen kay Timi, I always thought na kung ako ang minahal niya, hindi siya masasaktan ng ganyan. Pero nakakainis kasi mas malala pa pala ang nagawa ko sa kanya. Mas masakit.
Maybe I'm not meant to be loved kasi wala naman akong ibang ginawa kundi ang pahirapan ang mga taong nasa paligid ko.
"Nandito ka pala."
Bigla akong napadilat nang marinig ko ang boses ni Ayen. Agad agad akong napatayo nang makita kong nasa harapan ko na siya.
"A-Ayen—a-ano kasi... ahm.. h-hi!"
Nakatingin lang sa akin si Ayen. His face is expressionless---cold. Parang walang nararamdaman.
"Ah s-sorry nag punta ako nang walang pasabi---"
"Walang signal dito. Wala rin namang makaka contact sa akin."
"Ah, hehe oo nga eh. Ano... Ayen... kasi---"
"Nag alumsal ka na?" he asked, cutting me off.
"Ha?"
"Sabi ko kung nag almusal ka na. May pagkain pa kasi diyan sa loob."
"Ah, o-oo! Nag almusal na ako habang nasa byahe. I-I'm full!"
Napatingin si Ayen sa wrist watch niya.
"Kanina ka pa rito?"
"H-hindi naman. Halos kararating ko pa lang."
"So kagabi ka bumyahe?"
"Ahm... y-yes..."
"I guess wala ka pang maayos na tulog."
Biglang kinuha ni Ayen ang back pack na naka sukbit sa balikat ko.
"Let's go inside."
"Ah, Ayen--!"
Pero hindi niya ako inintindi, tuloy tuloy lang siyang naglakad papasok sa loob ng bahay habang dala dala ang bag ko kaya wala akong choice kundi ang sumunod sa kanya.
Dinala ako ni Ayen sa isang kwarto. Medyo spacious, may queen size bed, may isang aparador, at malinis---halatang walang gumagamit.
Hindi siya sa kwartong 'to natutulog.
May nakasabit na wind chimes sa bintana at dinig ko musikang nagmumula rito tuwing tatamaan ng hangin.
"You can stay here," Ayen said. "May bathroom na rin dito kung gusto mong mag shower muna. Kung magutom ka, iiwan ko lang yung pagkain sa kusina. Iinit mo na lang. If ever hindi mo gusto yung pagkain, you can use the landline para magpadala ng pagkain dito o magpabili ng ingredients kung gusto mong ikaw ang magluto."
Ikaw. Mo. Ka.
Walang 'tayo.'
"How about you? Dito ka ba kakain?"
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at inilapag niya ang bag ko sa kama.
"Sige maiwan na kita."
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Nagsimula na siyang maglakad palabas nang kwarto pero agad kong hinawakan ang braso niya.
"Wait, Ayen!"
Napahinto sa paglalakad si Ayen pero hindi niya ako nililingon.
"A-about what happened---"
"Lalabas na muna ako," pagputol niya sa sinasabi ko.
Binawi niya ang braso niya sa pagkakahawak ko and then, lumabas na siya ng kwarto.
Naiwan ako doong mag-isa, hindi pa rin makakilos sa kintatayuan ko. Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko at namuo na lang ang luha sa mga mata ko.
~*~
I can't seem to fall asleep. Siguro naka-idlip lang ako ng dalawang oras pero mababaw na tulog lang. Gising na gising ang diwa ko kahit na wala akong tulog sa byahe.
Paanong hindi kasi ayaw mawala sa isip ko ang reaction ni Ayen. I was expecting him na magagalit sa akin pagdating ko, yung ipagtutulakan niya ako paalis, sisigawan, sisisihin sa lahat ng bagay na nagawa ko. Or at the very least, makikita ko sa mata niya kung gaano siya nasaktan sa ginawa ko.
But there is none.
He was....emotionless. Cold. Distant.
At mas masakit yun sa totoo lang, yung wala siyang reaction, yung hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kasi pakiramdam ko parang tuluyan na siyang nag give up sa lahat ng bagay at pinili na lang maging manhid. Mas gugustuhin ko pa na murahin niya ako kesa yung ganito.
Dahil hindi ako makatulog, nag shower na lang ako. Doon ko na realize na da-dalawang piraso lang ng damit ang nahatak ko sa drawer ko dahil sa sobrang pagmamadaling umalis kanina. Lutang na ako at hindi ko na rin nakuha pang mag impake nang maayos.
Wala rin akong toiletries. Buti na lang at may shampoo at sabon dito sa loob ng bathroom.
Matapos kong maligo ay nakaramdam na ako nang gutom kaya naman naisipan kong lumabas ng room at bumaba para kumain. Sakto nakita kong kumakain si Ayen sa dining area. Nilapitan ko siya.
"H-hi..."
Napalingon siya sa akin.
"Oh, you're awake," sabi niya nang hindi man lang ngumigiti. "Gutom ka na?"
Tumango ako.
"Kumain ka na rito. Bagong luto yung pagkain."
Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Ayen. He's inviting me to join him to eat and for a moment, parang biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Maybe he's starting to forgive me.
Maybe he realized that what we share is far greater than what happened in the past.
Masaya akong umupo sa silya sa tapat niya.
"Uy, tinolang manok, you cooked this?"
Tumango siya, "yep."
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at iniligpit ang pinagkainan niya.
"Pag tapos ka na, ilagay mo na lang sa lababo yung pinagkainan mo. Ako nang bahala."
"Ayen---"
Hindi ko na nagawa pang ituloy ang sasabihin ko dahil umalis na siya.
And just like that, bumalik ulit ang bigat na nararamdaman ko.
I guess mali ang nasa isip ko.
I'm just fooling myself. What I did was hard to forgive.
Napatingin ako sa ulam na nasa harapan ko.
He cooked this...maybe not for me but at least he's letting me eat the food he made. And he's not throwing me out of this island.
That's...something right?
Tahimik akong kumain ng tanghalian. At siguro para akong sira dito kasi sunod sunod ang subo ko na akala mo eh ilang araw akong hindi kumain. At naiiyak na naman ako. Ilang beses kong pinunasan ang luha sa mga mata ko pero hindi pa rin ako makahinto sa pag-iyak. Kaya naman ang ginawa ko, binilisan ko na lang ang pagkain ko. Ako na ang naghugas ng sarili kong pinagkainan atsaka ako umakyat sa kwarto ko. Hindi ako lumalabas hangga't hindi tumitigil ang pag-iyak ko.
I don't want Ayen to see me crying. Ayokong isipin niya na kinokonsensya ko siya o nagpapa-awa ako because that is not the case.
I just want to explain myself to him. Ayun lang. At least pakinggan niya ang side ko.
At kung after all, hindi pa rin niya ako maiintindihan....
Napahiga ako sa kama.
Kung hindi pa rin niya ako maiintindihan, kung magagalit pa rin siya----masakit oo. Masakit talaga, at mahihirapan akong tanggapin but I will have no choice but to accept it.
Dahil kahit ako, pakiramdam ko, habang buhay kong dadalhin ang nagawa ko.
After I calmed down and dried my tears, bumaba na ulit ako at hinanap ko si Ayen. Dahil pakiramdam ko ay nasa may dagat na naman siya, lumabas ako ng rest house.
Napansin kong medyo maulap ngayon kaya naman hindi tirik ang araw. Mahangin. Pero yung alon ng dagat ay kalmado, hindi ganung kalakas.
I saw Ayen sitting at the seashore—the same exact location where I saw him earlier this morning. And again, may notebook sa kanyang kamay at nagsusulat na naman siya. For a second, I debated kung lalapit ba ako o hindi. But then, kaya nga ako pumunta rito ay para kausapin si Ayen kaya naman naisipan kong lapitan na siya.
"H-hi..."
Napalingon siya sa akin.
"You're here."
Tumango ako. Nagaalangan kung dapat ko ba siyang tabihan o hindi. Pero siya na ang sumenyas sa akin.
"Maupo ka."
Napangiti ako at dali daling tumabi kay Ayen doon. Naramdaman ko agad ang malamig na tubig ng dagat and I silently cursed dahil sa bigla kong naalala.
"What's wrong?" tanong niya.
"Nakalimutan ko na dalawang piraso lang pala yung pampalit kong damit. Tapos nabasa pa ako ngayon. M-meron kayang tindahan dito na pwedeng bilhan nang pamalit?"
Iniwas ni Ayen ang tingin niya sa akin but instead, tumingin siya sa malayo.
"No need."
"Hmm? Bakit?"
"Kasi aalis ka na mamaya. Nagpatawag na ako ng bangka na maghahatid sa'yo."
Natigilan ako bigla sa sinabi ni Ayen.
Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.
Hindi niya pinapakita na galit siya sa akin but the way he treats me right now---ang sakit. At nakakainis dahil naiinis ako sa sarili ko na nasasaktan ako ngayon.
I deserve this, right?
Napahinga na lang ako nang malalim at nilingon ko siya. He's still not looking at me.
"O-okay.. bilang na lang pala ang oras ko ngayon dito so...sasabihin ko na sa'yo kung ano ang dapat kong sabihin."
"No need. Alam ko naman," malamig niyang sabi at tumayo siya. Pero bago pa siya makaalis ay hinawakan ko siya sa braso niya.
"Wait! At least let me apologize, Ayen!"
Hindi siya kumilos. Napalunok ako.
"Kailan ko lang din nalaman, Ayen. I swear. Nung nakita ko yung package doon sa HQ, nung nakita ko kung galing kanino at nang sabihin mo na yung taong nagpapadala sa'yo nun ay yung taong nakasagasa sa'yo---doon ko lang nalaman ang lahat."
Naramdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko at kahit ilang beses kong sinabi na hindi ako iiyak sa harapan niya, hindi ko na napigilan at napahagulgol na lang ako.
"I'm sorry, Ayen. I'm so sorry dahil hindi ko sinabi agad sa'yo. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, eh. Gulong gulo ako. Hindi ko alam na may nasagasaan ako nung nangyari ang aksidente na yun. Itinago rin sa akin 'to kaya kahit ako hindi ko alam kung paano ko haharapin 'to. Hirap na hirap din ako, Ayen. Hindi ko alam. I'm so sorry. I'm so sorry. Plano ko naman sabihin sa'yo after nung roadtrip natin, Ayen. Promise. Wala akong planong itago sa'yo 'to. Kaya please, pakinggan mo ako. Please. Sana maintindihan mo. I'm so sorry sa lahat lahat lahat lalo na sa nagawa ko."
Pahikbi-hikbi kong pinunasan ang luha ko at sinubukan kong silipin ang expression ni Ayen. Pero parang mas lalong nadurog ang puso ko sa nakita ko.
He remained expressionless---cold. Parang wala nang nararamdaman. Parang wala na siyang pakialam.
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at tinignan niya ako.
"Tapos na? Papasok na 'ko."
At tinalikuran niya na ako atsaka nagsimulang maglakad pabalik sa rest house.
"T-teka Ayen!"
Humabol ako sa kanya.
"Please naman kausapin mo ako. Please! Handa akong makinig sa lahat ng gusto mong sabihin sa akin kahit gaano kasakit yun! Ayen, please wag naman ganito!"
Pero hindi niya ako pinapakinggan. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad habang ako, pilit siyang hinahabol.
Kapag hinayaan ko 'to, kapag umalis ako, walang kasiguraduhan na makikita ko pa siya. Walang kasiguraduhan na gugustuhin niya pang bumalik. Kaya hindi ako pwedeng sumuko nang ganito. Hindi ko pwedeng hayaan 'to.
"Ayen, please! Please!"
Naabutan ko siya at muling hinawakan sa braso.
"Ayen, please, kausapin mo 'ko..."
"Bitiwan mo 'ko!"
Muli niyang hinatak ang braso niya sa pagkakahawak ko. Napalakas ang paghatak niya kaya naman na out balance ako at naramdaman ko na lang ang sarili ko na matutumba na.
Unang tumukod ang kamay ko sa semento.
Hanggang sa mapaupo ako.
And then, I felt it---a searing pain from my left wrist and for a moment, nanlamig ang buong katawan ko, umikot ang paningin ko at para akong nabibingi.
I can see Ayen's worried expression, may sinasabi siya pero hindi ko naiintindihan. Nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko sa kamay ko.
At tumulo na lang ang luha sa mga mata ko.
"Ayen.... Ayen....y-yung kamay ko... yung kamay ko Ayen!"
"Mia!
Black out.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro