Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Forty Fourth Stanza


Forty Fourth Stanza

JARREN REYES

"Paalam sa'ting huling sayaw. May dulo pala ang langit."

- Kamikazee, Huling Sayaw

Dama kong magulo ang kapaligiran. Maraming nagsasalita. Maraming mga yapak ng paa na parit-parito sa harapan ko. But all these sounds seemed distant. The only thing I can hear is my ringing hears and beating heart.

Ang hirap huminga. Malamig sa loob ng ospital na 'to pero pinagpapawisan pa rin ako nang malagkit.

Nandito ako sa labas ng laboratory kung saan nag r-run sila ng tests sa kamay ni Mia. Maya't maya, napapalingon ako sa pintuan ng lab, hinihintay ko na lumabas ang doctor at sabihin sa akin ang resulta.

Nakakabaliw ang tension at kabang nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak.

Naalala ko kanina, pandaliang nawalan ng malay si Mia. Nahilo siya dahil sa sobrang takot niya. At nang pagdilat niya at muli niyang naramdaman ang pananakit ng kamay niya, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. Mula sa pagsakay namin sa bangka hanggang sa makarating kami dito sa ospital.

Wala siya ni isang sinabi sa akin, iyak lang siya nang iyak, pero naiitindihan ko ang matinding takot na nararamdaman niya.

Oo, maaring hindi naman maapektuhan ang pag kanta niya, pero maapektuhan nito ang pagiging musikero niya.

Katulad ng nangyari sa akin.

Ipinatong ko ang ulo ko sa aking mga palad at ipinikit ko ang aking mga mata. And then I whispered a silent prayer.

Panginoon, pakiusap, wag si Mia. Wag niyo po sanang hayaan na maranasan niya ang dinanas ko. Please.

Biglang bumukas ang pintuan ng laboratory at lumabas ang doctor na tumingin kay Mia.

Medyo maliit, she's on her mid 40's if I'm not mistaken, and she's wearing a round eyeglass.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Doc, m-may result na po ba?"

Tinapik niya ako sa braso and she gave me a kind smile, "you don't need to worry, iho. She's fine. Namamaga lang yung kamay niya dahil ayun ang pinangtukod niya nung bumagsak siya, but's it's nothing."

"Sigurado po kayo diyan? Chineck niyo po ba maigi? Doc," tinuro ko ang loob ng lab, "yung babaeng nasa loob, she's a music artist. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa mga kamay niya. You how crucial it is for an artist right? Tumutugtog ng gitara at piano si Mia. Please, siguraduhin niyo pong maigi---"

"Iho, relax. I know what you're trying to say. You don' have to worry. We made sure na walang mali sa kanya. If hindi ka satisfied, pwede kayong magpa-second opinion. Pero wala kaming nakitang mali."

Tinignan ko si dokotora sa mata. I saw her sincerity sa mga salitang sinabi niya at parang bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa isang iglap, biglang nawala ang nakabara sa lalamunan ko at napa hinga na lang ako nang malalim.

"Salamat po," I told her na halos paiyak na ako.

Tinapik niya ako sa braso, "but I think it'll be best kung i-comfort mo muna siya. She's quite shaken with what had happened. Ramdam ko ang takot niya. I'm letting her stay inside for a while hanggang maging okay na siya."

Tumango ako, "salamat po ulit, doc."

"O siya, maiwan ko muna kayo."

Umalis na si doc.

Bahagya akong sumilip sa loob ng clinic at nakita kong nakahiga doon si Mia. Gising siya at nakatitig sa kisame habang may bumabagsak na luha sa mga mata niya.

And it pains me to see her like this.

It pains me but...

Napaiwas ako nang tingin at napalunok at parang unti unti na namang namimigat ang nararamdaman ko.

Biglang nag vibrate ang phone ko. Napatingin ako rito.

A text message from my lola.

LOLA: Ayen! Apo! Kailan ka uuwi? Aba ay may good news ako sa'yo! Nakauwi na ang ate mo galing Japan! Hindi na siya babalik doon! Umuwi ka na. Miss na miss ka na niya! Pasalubong ha? Pati sa mga bata!

Napapikit ako. Napahinga nang malalim.

Sa ilang araw akong namalagi sa isla na yun, nakapagisip isip ako. Alam ko na naman talaga kung ano ang dapat kong gawin. Namulat na ang mga mata ko sa lahat ng bagay. Pero may mga hinihintay lang ako bago ko tuluyang harapin ang desisyon na 'to.

At isa iyon dito.

Napalingon ako kay Mia. Gusto ko nang pumasok sa loob at yakapin siya nang mahigpit pero may dapat pa akong gawin.

I called Sammie's phone at tatlong ring pa lang ay sumagot na siya agad.

"Hey Ayen?"

"Sammie... I have a favor to ask..."

"S-sure! What is it?"

"Do you have Carmina Trinidad's number? I really need to talk to her."

~*~

MIA MILLS

"Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw."

- Kamikazee, Huling Sayaw

I heard what the doctor said. She said I'm fine. She said, give it a day or two and I'll be able to play the guitar again. What happened to my hand is nothing serious. And I admit, ngayon pa lang, I can feel that the pain is starting to ease.

But I stayed in bed. Nakatingin sa kisame. Nakatulala.

Yung kaba ko kanina, yung takot ko to the point na a lost consciousness for a brief second. Yung takot ko na baka hindi na ako makatugtog ulit. Yung ang hirap huminga, yung gusto kong may hysteria, gusto kong mag wala kasi takot na takot ako na baka matulad ako kay Ayen. At nung sabihin ng doctor na okay lang ako, grabe ang iniluwag ng pakiramdam ko.

Pero agad nanumbalik ang bigat na nararamdaman ko dahil sa naalala ko.

Isang beses sa buhay ni Ayen, dinanas niya rin ito. Sa loob ng laboratory, the doctors are undergoing some tests sa kamay niya. Yung takot na naramdaman ko, naramdaman din ni Ayen. Yung nakakahilong kaba to the point na gusto mo nang mag hysteria. Yung ganitong klaseng takot na halos hindi ka makahinga.

Minsan sa buhay ni Ayen, naranasan niya ito.

At magkaiba kami ng ending.

Kung sa akin, isang miracle. Kay Ayen?

Gumuho ang pangarap niya nung panahon na yun.

Iniwan na ako ng doctor sa loob ng lab, pero patuloy pa rin ang pag iyak ko.

Nangyari ba 'to sa akin para mas maramdaman ko kung ano ang dinanas ni Ayen nun? Para malaman ko kung gaano siya nahirapan nung panahon na yun? Para mas lalo kong makita kung ano ang kinuha ko sa kanya?

Napapikit na lang ako at hinayaan kong bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Ang sakit sakit. Paano ba namin magagawang lagpasan ito?

Naramdaman kong may pumasok sa loob ng clinic kaya muli akong napadilat.

It's Ayen. As he gently closed the door, agad akong napabangon.

"Ayen..."

Nilingon niya ako at nakita ko ang expression ng mukha niya. Medyo namamasa masa ang mga mata---halatang galing sa iyak.

He gave me a smile—a sad one.

"Mia."

Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Are you okay?" tanong niya sa akin.

Tumango ako habang nagiyak ngiyak na nakatingin sa kanya.

He took my right hand and gently pressed his lips against it.

"I'm so sorry.." he said, his voice broke.

At hindi ko na napigilan ang sarili ko. I burst into tears.

"No, Ayen. I'm sorry. Ganito pala kasakit. Ganito ka tindi yung naramdaman mo noon habang inaantay mo ang sasabihin ng doctor. Ganitong klaseng takot pala ang naranasan mo. Ayen..." kinuha ko ang magkabilang kamay niya at hinawakan ko ito. "Ayen, I'm so sorry... sobrang sakit pala ng pinagdaanan mo. Ang tindi pala. Nakakabaliw pala. Sorry. Sorry. Kaya mo pa ba akong mapatawad sa nagawa ko, Ayen? Makakayanan mo pa ba? Ha?"

"Mia.."

Napaiwas nang tingin sa akin si Ayen at nakita kong nangingilid ang luha niya.

"Ayen, hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto yung nangyari. Hindi talaga. Promise. Hindi ko talaga ginusto yun. Sorry na please? Sorry. Ayen, sorry."

Tumango si Ayen at tinignan niya ako. Tuluyan na ring bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.

"Alam ko naman yun, eh. Alam ko yun Mia na hindi mo sinasadya. At hindi ko kayang magalit sa'yo kasi mahal kita. Mahal na mahal kita, Mia. Pero kasi... pero kasi ang hirap naman nang ganito. Hindi ko kayang magalit kahit na gustong gusto ko. Hindi ko kayang makita kang masaktan kahit na sobrang nasasaktan ako. Kasi Mia mahal kita. At ang sakit sakit sakit."

"Ayen..."

Sabay kaming napaiyak. Sabay na pagtulo ng mga luha sa mata.

"Mia, all this time, lagi kong tinatago ang nararamdaman ko. Kasi all this time, lagi kong iniisip ang ibang tao. Ayokong maging pabigat, ayokong mandamay, ayokong makasakit, ayoko nang may ibang taong nahihirapan nang dahil sa akin. Pero, pagod na ako sa ganito Mia. Pagod na 'ko."

"Ayen.. Ayen hindi ka pabigat. Hindi.."

Inalis ni Ayen ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya at tinignan niya ang palad niya.

"Ito. Akala ko kung makakahanap ako ng higit pang mas importante kesa sa pagtugtog ko, makakalimutan ko na ang nawala sa akin. Kailangan kong hanapin ito---isang bagay o tao na makakabuo sa akin. At dumating ka, Mia. And you are God's greatest gift to me. You healed me. You make me want to dream again. At yung bawat araw na magkasama tayo, ayun na ang pinaka masasayang araw ko. Pero kasi Mia, kada tumutugtog ka, kada nag p-perform ka, naiinis ako sa sarili ko dahil may parte sa akin na nasasaktan. May parte sa akin na humihiling na sana nandoon ako sa tabi mo, tumutugtog kasama mo. Sana kaya ko ulit iparinig sa'yo ang musika ko. Sana sabay tayong mag perform. At narealize ko, hindi pa rin ako nakaka move on sa nangyari sa akin. Sariwang sariwa pa rin sa akin 'to. Gabi gabi sinusubukan kong tumugtog pero wala. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa akin. Gusto ko ulit tumugtog."

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Ayen lalo na't nakikita kong umiiyak siya sa harapan ko. Gusto ko siyang yakapin pero tila ba napako ako sa pwesto ko.

"Tapos nalaman kong ikaw ang dahilan nito, Mia. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako makatugtog. At gustong gusto kong magalit. Gustong gusto ko na hilingin na sana sa'yo nangyari ito at hindi sa akin. Pero kada naiisip ko yun, nasasaktan ako dahil mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin lalo kapag naranasan mo 'tong dinaranas ko. At mas lalo kong na-realize yun ngayon, Mia. Yung takot ko para sa'yo kanina akala ko ikamamatay ko na."

Ayen held my hand gently.

"Pero Mia, isang bagay ang na-realize ko. Hindi pa rin ako buo. At hindi ko pwedeng i-asa sa ibang tao na buuin nila ako ulit. Dahil kung meron mang makakabuo sa sarili ko---ako yun."

Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko dahil sa sinabi ni Ayen. Dahil alam ko na kung saan patungo ito.

"Mia..." inangat ni Ayen ang mukha ko at pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. "Mia, I'm so sorry. I really need to fix myself. Dahil hindi ako makakapagmahal ng buo kung sarili ko mismo ay hindi buo."

Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko.

Ang sakit. Sobrang sakit tanggapin. Pero alam ko sa sarili ko na maging ako mismo, palaging maalala ang nangyari noon. And the more I remember it, the more I'll destroy myself.

Huminga ako nang malalim. Pilit pinakalma ang akin sarili bago ko muling i-angat ang tingin ko kay Ayen.

"Ano nang plano mo?"

"Hindi ko alam. Lilipad ako sa malayong lugar? Magsisimula ulit? Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko."

"Will you be okay?"

Tumango si Ayen, "oo naman. It'll take time, pero alam kong kayang kaya ko 'tong lagpasan."

Bahagya akong napangiti, "oo naman. Ikaw pa. Alam kong kayang kaya mo 'yan. Kaya nga idol kita, eh."

Napangiti rin si Ayen.

"Sana wag ka nang mag quit sa competition. Wag kang mag quit nang dahil sa akin."

"Pero Ayen---"

"This is your dream, right? Don't throw it away."

Tumango ako at ngumiti, "thank you."

He touched my cheek, "I'll cheer you on—kahit hindi mo makita. Always remember, I'm cheering you on."

Muli akong tumango at hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong ito sa tapat ng dibdib ko kung saan located ang puso ko.

"Ayen, you'll stay here. Always."

He smiled, and then he also took my hand and placed it on top of his heart, "and you to. You'll stay here. Always."

After that, Ayen left and I got a text message from my mom saying na susunduin nila ako dahil tinawagan sila ni Ayen.

Hindi na bumalik si Ayen sa ospital. Wala nang tawag o text mula sa kanya. At hindi ko na rin naisipan pang magparamdam kahit masakit. Kahit mahirap. Ito ang kailangan namin.

At ayun na ang huling araw na nakita ko siya.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro