Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fifteenth Stanza


Fifteenth Stanza

MIA MILLS

"One day I'll forget about you. You'll see I won't even miss you. Someday...someday."

- Nina, Someday


"Nakakatawa si Mia. Pumiyok siya habang kumakanta. Sabi na dapat si Stacey na lang yung pinakanta nung convocation natin, eh!"

"Hindi naman magaling si Mia, nadaan lang sa pa-sweet. Mas magaling pa rin si Faye kesa sa kanya."

"Mia, I told you, stop this non sense! You are telling me you're giving up college to pursue singing? Are you out of your mind?! You don't have any future in that field!"

"Lagi kang kinabahan kapag kumakanta ka. Lagi kang natatakot. Nahihila mo pababa ang banda..."

Napatakip ako ng tenga.

Ang daming boses. Napakaraming boses. Hindi ko na marinig ang sarili ko. Gusto kong magtago sa isang tahimik na lugar pero alam kong kahit gaano pa katahimik ang lugar na puntahan ko, patuloy ko pa rin maririnig ang mga boses na yun.

They are all inside my head.

Nung highschool ako, kumanta ako sa isang event sa school namin. Nagkamali ako sa harap ng maraming tao nun at pinagtawanan nila ako. After that, hindi na nakalimutan ng mga ka-schoolmates ko ang nangyari. Lagi nilang inaasar sa akin yun. Paulit ulit pinapaalala ang most embarrassing moment ko. At nakakatawa? Kada kakanta ako, they are all expecting na magkamali ako.

Doon ko unang nakuha ang stage fright ko. Dahil sa nangyaring yun, lagi akong kabado mag perform dahil baka magkamali ako. At sa sobrang kaba ko, nagkakamali nga ako.

After ko mag highschool, lumipad ako sa States kasama ni mommy para doon na tumira with my dad. Akala ko pagdating ko doon, ma-c-cure ko na ang stage fright ko. Bagong lugar, eh. Walang nakakakilala sa akin. Hindi nila alam ang history ko.

But I was wrong.

Kapag pala naging traumatic sa'yo ang isang bagay, wala ka nang takas dito. Kahit saan ka magpunta, dala dala mo pa rin ang experience na yun.

Umabot sa punto na halos hindi ako makahawak ng mic at ayoko nang kumanta. But then I met Sam. Siya ang nag push ulit sa akin para gawin ang bagay na mahal ko. Lagi siyang nakaalalay sa akin. Sinusuportahan niya ako. Nawawala ang kaba ko kapag kumakanta ako sa stage kasama siya dahil sa kanya lang ako nakatingin. At dahil doon, mas minahal ko ang musika. Alam kong wala na akong ibang gustong gawin kundi ang tumugtog.

Sinabi ko sa daddy ko yung bagay na yun.

Pero ang nakakalungkot? Kahit siya mismo ay naniniwala na hindi ako mag s-succeed dito.

I hate my dad for that. Ipinipilit niya sa akin ang pangarap niya pero hindi niya pinagbibigyan ang pangarap ko.

Pero ngayon naisip ko, what if tama talaga siya? What if wala naman talaga akong future sa pagkanta?

What if ang pinakamagandang gawin ngayon ay sumuko na lang at umuwi?

"Mia?"

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at inangat ko ang tingin ko.

I was expecting Sir Ayen pero nagulat ako nang makita ko na si Sam ang nasa harapan ko.

Napaatras ako sa kanya at tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

"Don't touch me."

"Mia---!"

Tinalikuran ko siya, "I don't want to see you. Pwede bang umalis ka?"

Nasaan si Sir Ayen? I need him. I badly need him. Siya lang ang gusto kong makausap at makita. Nasaan siya?

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong yakapin ni Sam mula sa likod. Agad akong pumiglas at pilit kumawala sa kanya pero ang higpit nang pagkakayakap niya sa akin. Ayaw niya akong bitiwan.

"Let me go! Ano ba! Lumayo ka sa akin!!"

"Mia. I'm so sorry Mia. I'm sorry. I'm sorry."

I heard his voice broke. Naramdaman kong nanginginig siya at narinig kong umiiyak siya ngayon sa likuran ko.

Napaiyak din ako.

How dare he?

How dare he cried kung siya ang nangiwan? Siya ang nagloko? Siya ang unang sumuko?

Bakit napaka-dali sa kanya ang humingi ng tawad sa akin?

Akala niya ganun ganun lang yun.

Humarap ako sa kanya at sinampal ko siya ng malakas.

"I hate you," nanginginig kong sabi sa kanya. "Sobrang sakit nang ginawa mo, Sam. Sobrang sakit."

Pinaghahampas ko siya habang patuloy akong umiiyak. "I hate you. I hate you so much. I really, really hate you!"

Paulit ulit kong sinasabi kay Sam ang mga bagay na yun. Tahimik lang siya. Tinatanggap niya lahat ng hampas ko. Lahat ng masasakit na salitang binibitiwan ko. Hanggang sa manlambot ako. Hanggang sa mapaupo na lang ako sa harapan niya.

Naririnig ko ang ingay sa labas. Nasa stage na ang EndMira kaya naman kaming dalawa lang ni Sam ang nandito.

Nasaan si Sir Ayen? Please, dumating ka na. Ilayo mo ako kay Sam kasi kung hindi...baka magmakaawa na naman ako sa harapan niya.

"You're right," pahikbi hikbi kong sabi sa kanya, trying to calm myself down. "Hindi ko kayang mag perform dahil sa ganitong personality ko. Tama ka nga. Nakita mo naman sa harap mo ang nangyari, di ba? Congratulations, tama ka ng desisyon na tanggalin ako. Kaya wag mo akong iyakan ngayon, Sam. Wala kang karapatan."

Tumango si Sam at naupo siya sa tabi ko. Pilit pinipigilan ang muling pagbagsak ng luha sa mga mata niya.

"Kahit ganun ang nangyari kanina, I just want you to know, you did great, Mia."

Nilingon ko si Sam at napayuko siya. Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ko.

"Why are you saying that? Why are you praising me?"

"Kasi deserve mo yun.."

"I still love you, Sam. At alam mo ba ang magiging epekto sa akin ng simpleng papuri mo na ganyan ha? Bakit, may plano ka bang balikan ako?"

Umiling siya.

Napapikit ako.

Bakit ang sakit sakit pa rin?

May bumagsak na luha sa mga mata ko.

"Sam...hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung paano mo nagawa sa akin 'to. We planned our future together, pero bakit? Bakit mo 'to nagawa? Ang sakit sakit. Is she way better than me? Mas higit ba ang pagmamahal niya sa'yo? Tell me, Sam. I need to understand."

"Mia...I lied. I'm so sorry. I lied to you. I don't love Natasha. I'm so sorry."

Natigilan ako because of what he said.

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin."

"We are just using each other. She used me for her dreams... I used her, dahil naduwag ako sa'yo."

"Sam please! Hindi ko naiintindihan! Wag ka nang magpaligoy ligoy pa! Just tell me the truth!"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo na I fell out of love with you."

Natahimik ako. Napatitig lang ako kay Sam. Parang biglang huminto ang pagikot ng mundo ko.

"I fell out of love at hindi ko rin alam kung paano ko i-e-explain sa'yo kaya mas minabuti ko pang mag loko para madali mong maintindihan."

Napakapit ako sa magkabila kong braso at ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko.

Bakit parang mas masakit 'to kesa nung nalaman kong tinu-two time niya ako?

"A-anong nagawa ko, Sam? Bakit? Bakit ka na fall out of love, ha? Masaya tayo. Masaya tayo sa isa't isa. Anong nagawa ko?"

Hindi umimik si Sam. Nakita kong bumagsak na naman ang mga luha sa mata niya.

"Sam ano ba! Tell me kahit gaano pa kasakit yan! Naguguluhan ako! I need to know!"

"Nasakal ako, Mia!" he bursts. "Nasakal ako sa'yo. Laging dapat iintindihin kita. Laging dapat aalalayan kita. Sa'yo na umiikot ang mundo ko. Pero paano naman ang mga gusto kong gawin? Paano naman yung mga pangarap ko? I also have my own dreams, Mia. Pero hindi ko magawa kasi ang atensyon ko nasa'yo. Kapag naiiwan kita, natataranta ka. Nagiging dependent ka masyado sa akin at hindi ko alam kung paano ko babaguhin yun. Nasasakal ako at the same time, natatakot ako para sa'yo. Paano ka matututong tumayo sa sarili mong mga paa kung palagi kang nakakapit sa akin?"

Hindi ako nakaimik matapos sabihin ni Sam ang mga bagay na yun. Damang dama ko ang pagkagunaw ng mundo ko. Biglang isinampal sa mukha ko lahat ng mga bagay pangit sa akin.

Napahinga ako nang malalim at tumayo ako. Kinuha ko ang gamit ko at naglakad ako palayo.

"Mia..."

Hinawakan ni Sam ang braso ko upang pigilin ako.

"Mia, I'm so sorry."

Umiling ako habang pilit na nilalabanan ang mga luha sa mata ko.

"No, Sam. I'm sorry. Sorry for making your life miserable. Sorry dahil nakabigat ako sa'yo. Now I understand."

"Mia, I still care for you."

"No you don't. If you really care for me, sasabihin mo sa akin ang mga bagay na yan. Makikipaghiwalay ka ng maayos. Kung ginawa mo yun, baka mas tanggap ko pa. Baka mas naintindihan ko pa. Pero ang hindi ko masikmura, paano mo kinaya na lokohin ako nang ganun? Pakiramdam ko, lahat ng respeto, lahat ng pagmamahal at lahat ng pagsasama natin, ibinasura mo nang ganun ganun na lang."

"Mia—"

"Kung hindi ka siguro nagsinungaling, baka sakaling hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko."

Tinabing ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

"Thanks for everything. Be happy."

I tried my best to smile kahit na naiiyak na ako.

"I still care for you too, Sam."

Tinalikuran ko na siya at naglakad ako palabas. I raised my chin up while trying my best not to cry.

Nung lumabas ako, may ilang nakakita sa akin. Yung mga nanuod kanina. Siguro kabilang din sila sa mga tumawa sa akin.

Nangangati ang kamay ko na tawagan si Sir Ayen para puntahan ako. Gustong gusto ko na rin tawagan si Sammie para iyakan at ikwento ang mga nangyari.

But no.

Hindi ko yun ginawa.

Buong lakas loob akong naglakad sa bar kahit na pinagbubulungan ako ng mga tao at palihim na pinagtatawanan.

Buong lakas loob akong naglakad ng hindi umiiyak at walang tinatawag na tao para alalayan ako.

Dahil isinampal na sa akin ni Sam ang lahat.

Dahil sa mga sinabi niya, natauhan ako.

Ayoko nang maging dependent sa kahit na sinong tao.

I should learn that by the end of the day, ako at ako pa rin ang magtatayo sa sarili ko.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro