Eighteenth Stanza
Eighteenth Stanza
MIA MILLS.
"I wanna love you, but I don't know if I can."
- Coldplay, X and Y
He kissed my forehead.
At nang maramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa noo ko, pakiramdam ko parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko.
For a second, I can't move. My heart stopped beating. My head is spinning. I can't think straight.
Then I noticed, hindi gumagalaw si Sir Ayen. Nanatili siya sa pwesto niya. Nakadampi pa rin ang labi niya sa noo ko.
Bigla akong napahiwalay sa kanya at nakita kong mahimbing na siyang natutulog.
Napasimangot ako.
Ay wow! Tulog siya! Nalasing na nga, tinulugan pa ako!
So ano? Hinalikan ba niya ako o hindi lang talaga sinasadyang tumama ang labi niya sa noo ko? Sipain ko kaya 'to? Matapos niyang sabihing type niya ako, tutulugan niya ako! Wow ha! Wow!
At ngayon ano na? Ano ang dapat kong isipin at maramdaman?
Napatitig ako sa mukha ni Sir Ayen. Ang himbing ng tulog nito. Ang amo ng mukha. Napansin ko rin na mahaba pala ang pilik mata niya. Kaya pala ang amo ng mga mata niya. Pero nakakatakot din siya kapag nagsisimula nang kumunot ang noo niya. At nakaka-intimidate siya, sobra. As in sobra.
Yes, EndMira members are so intimidating. Pero kasi kapag nagsimula ka nang makasama sila, madaling maging comfortable around them. Makulit si Jasper, friendly si Geo at William, si Ice kahit tahimik yun, siya yung tipong masasanay ka na lang sa katahimikan niya.
But Sir Ayen...
Yes, he's friendly, gentleman, kind, palatawa rin naman siya, minsan masungit pero madalas namang nakangiti. But still, pag tinitignan ko siya, hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Parang palagi siyang may tinatago. Parang ang daming walls na nakaharang sa kanya na hindi ko matibag tibag. He's mysterious and deep. At feeling ko kada titignan niya ako, para niya akong sinusuri.
Nakaka conscious. And there's this feeling na parang gusto ko siyang palaging i-please. Gusto kong palaging magpakitang gilas sa kanya.
Dahil ba idol ko siya?
Ewan.
I brush my fingertips on his forehead.
What's going on inside your mind?
I lower my gaze to his lips. Yung mga labing kanina ay nakadampi sa noo ko. I can still feel the ghost of his soft lips on my forehead.
Bakit kasi sa noo? Ba't hindi na lang diniretso sa labi?
Eh kung i-deretso ko na kaya? Tutal tulog naman siya.
Biglang nag init ang mukha ako at dali dali akong tumayo at lumayo kay Sir Ayen.
What the hell am I thinking?!
Okay, okay relax Mia. Relax lang.
Uminom ka rin. Tama. Kahit papaano nakainom din naman ako. And I'm broken and lonely and...and...
Shit.
Napabalik ulit ang tingin ko kay Sir Ayen and I heave a sigh. Tinalikuran ko na siya at naglakad palabas ng kwarto.
I don't want to fall for him. Panibagong sakit na naman yan sa puso. Kaya tama na. Wag kang bibigay, bruha. May mahal siyang iba.
"Mia?!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pangalan ko.
"J-Jasper?!" gulat na gulat ko ring sabi.
Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa akin. Then napatingin siya sa pinto ng kwarto ni Sir Ayen kung saan kalalabas ko pa lang. Then binalik niya ang tingin niya sa akin and he gave me a meaningful look. A look full of accusations.
FUCK.
"M-may party kanina! Y-yung isang kasamahan namin sa prod team nantreat," pagsisinungaling ko dahil baka kung ano ang tumakbo sa isipan niya kapag nalaman niyang kaming dalawa lang ni Sir Ayen ang lumabas. "Naparami ang inom ni Sir Ayen k-kaya hinatid ko siya. Yun lang. Yun lang talaga! I swear walang nangyari! Please don't look at me like that!"
Napangisi si Jasper Yu at mas lalo kong naramdaman ang pag init ng mukha ko dahil sa pag ngisi niya. Parang feeling ko mas lalo siyang nagduda dahil sa mga sinabi ko sa kanya.
Bakit kasi ramdam na ramdam ko ang guilt samantalang wala naman talaga kaming ginawa ni Sir Ayen?!
Except nung sinabi niya sa akin na type niya ako kaso andyan si Timi.
At umamin din ako na type ko siya kaso ayoko munang magmahal.
At sinabi kong sana balang araw may chance kami.
At hinalikan, o aksidenteng nahalikan niya ako sa noo.
At muntikan ko na siyang halikan sa lips.
The heck.
"Wala naman akong sinasabi, Mia," naka-ngisi pa rin niyang sabi.
Napaiwas ako nang tingin.
God, this is so embarrassing!
"S-sige uwi na ako!" I told him at tumalikod na ako.
"Ah wait!" pagawat ni Jasper. "Please help me," itinuro niya ang sofa ng living room nila at nagulat ako nang may makita akong babaeng nakahiga rito. "Lasing kagaya ni Ayen."
Tumango ako at nilapitan ko yung girl. Dahil medyo madilim, hindi ko masyadong naaninag ang mukha. Pero nang makalapit ako at makita ko kung sino 'to, napaatras ako.
"Shit! I-is that—is that Aiscelle Monasterio? Ice's twin sis?"
Napataas ang kilay ni Jasper, "paano mo siya nakilala?"
"Stalker ako ng EndMira."
"Oooh. So kilala mo lahat ng naging ex ko?"
Umiling ako, "hindi. Mahirap nang alamin yun kasi masyado silang marami."
Napangisi si Jasper na parang proud pa siya doon. Napailing na lang ako.
Then natauhan ako at napaharang sa harap ni Aiscelle.
"Wait! D-don't tell me, m-may balak kang anuhin siya?!"
"Huh? Anong anuhin?"
"I-kama! Wag! Tandaan mo, kapatid yan ni Ice na kaibigan mo. Masisira ang EndMira kapag nangyari yun! Isa pa, lasing siya! Don't take advantage of her!"
Napatingin sa akin nang takang taka si Jasper then biga na lang siyang napahagalpak ng tawa.
"Wag kang magalala wala akong planong galawin siya. Dadalhin natin siya sa kwarto ni Ice at ikaw ang magpapalit ng damit sa kanya. Isa pa, hindi ako nakikipag-sex sa babaeng lasing. Hindi masaya. Kung tutuusin, kapag nakikipag-sex ako, ako yung lasing at hindi yung babae. Kaya sila ang nag t-take advantage sa akin."
Napatango na lang ako sa kanya at baka kung ano pa sabihin niya. Ayoko nang kontrahin. Hindi naman ako mananalo dyan.
He carried Aiscelle papunta sa room ni Ice at nung nandoon na, pinalitan ko ang damit niya. May nahalungkat na shirt at shorts si Jasper sa cabinet ni Ice.
After that, lumabas na ako at nadatnan ko si Jasper sa may bar area.
"Okay na siya," sabi ko doon.
"Thanks, Mia," sagot nito na para bang malalim ang iniisip.
Ang seryoso bigla ng mukha niya at hindi ako sanay kasi parati ko siyang nakikitang masigla at parang sira-ulo.
Then naisip ko, hindi kaya---may something sila ni Aiscelle?
Maybe Aiscelle is the only girl he can't have? I don't know. Pero kita ko sa kanya ang lungkot.
Gusto ko sanang tanungin pero nanahimik na lang ako. Syempre kahit nga idol ko ang mga 'to, I still respect their privacy. Inaalam ko lang ang mga bagay na pinapaalam nila sa public pero hindi ko na sinusubukan alamin ang mga tinatago nila.
"Alis na ako," paalam ko sa kanya.
"Ah Mia?"
"Yes po?"
"About what happened doon sa gig..."
Napaiwas ako nang tingin.
Ayokong pagusapan. Nakakahiya.
Naramdaman kong ipinatong ni Jasper ang kamay niya sa ulo ko.
"Don't worry about that. Pinagtanggol ka namin sa mga fans," he winked. "You did great awhile ago. Buong EndMira na-amaze sa'yo"
Napangiti ako nang malungkot, "salamat po. Masaya na 'ko na nakinig ang mga idol ko."
"Lalo na si Ayen," nakangiti niyang sabi.
"Ay naku. Lagi mo 'kong inaasar kay Sir Ayen!"
"Kasi very eager siya na pasayahin ka kanina."
Nagtaka ako sa sinabi ni Jasper.
"B-ba't niyo naman po nasabi?"
"He called me. Tinatanong ako kung paano pasayhin ang kaibigang babae na malungkot. Sabi ko sa kanya mag strip dance siya sa harap mo, eh. Ginawa ba niya yun?"
Wala ako sa sariling umiling kay Jasper.
"Ano ba yan! Ang hina talaga nitong si Ayen!" i-iling iling niyang sabi.
Habang ako, tulala.
Kaya ba hindi siya mapakali kanina kasi di niya malaman kung paano ako pasasayahin? Kaya niya ako niyayang mag dinner ngayong gabi.
All of a sudden, I feel light. Yung bang parang nawala bigla yung mga hinanakit na dinadala ko. Feeling ko lumulutang ako sa ere at parang biglang gumanda ang mood ko.
Para tuloy gusto ko nang bumalik sa loob at halikan talaga si Sir Ayen.
I can feel butterflies in my stomach. I feel light. Then all of a sudden, I have this strange nostalgic feeling.
Yung parang naramdaman ko na 'to dati?
Oo tama. Naramdaman ko na 'to, eh.
Ganitong ganito ako dati nung nagsisimula akong magkagusto kay Sam.
Teka, hindi pwede. Bakit ganito.
Kanina, I was so down at ang bigat nang pakiramdam ko. Damang dama ko yung sakit dahil sa ginawa sa akin ni Sam. Yung sakit na tuluyan ko na talagang binitiwan ang pag-asa na magkabalikan kami.
Tapos ngayon, I feel light and alive and...and what? Itigil mo yan, Mia. Mag focus ka muna sa goal mo.
Nag volunteer si Jasper na ihatid ako sa amin at pumayag naman ako dahil hating gabi na. Nang makarating ako sa apartment, diretso agad ako sa kwarto ko at nahiga.
Pinilit kong matulog.
Pinilit kong alisin sa isip ko ang sinabi sa akin ni Sir Ayen.
One heartbreak is enough. Ayoko na muna ng panibago.
~*~
JARREN REYES.
"I'm weak it's true, 'cause I'm afraid to know the answer."
- Ryan Cabrera, True
"Paano mo nagagawa yun?" tanong ko kay Jasper Yu. Nandito kami ngayon sa living room ng EndMira. Umaga. Nakita kong nakatambay si Jasper dito at mukhang kakagising lang. Himala dahil alas syete pa lang ng umaga.
"Ang alin?" tanong niya.
"Yung pag nakainom ka, nakakalimot ka sa mga pinag gagawa mo nung lasing ka?"
"Pre, natural talent ko yun. Hindi yun napag-aaralan," sagot ni Jasper.
Napailing na lang ako at napabuntong hininga.
It's been two days eversince nangyari na nalasing ako. At nang magising ako, malinaw pa sa sikat ng araw ang mga bagay na pinagsasasabi ko kay Mia. Yung mga pinag gagagawa ko. Heck, I can still remember the song that I sing about Timi and Ice.
At oo na, sa kabobohan ko, nalasing ako at alam na ni Mia na may gusto ako kay Timi. Dahil sa kagaguhan ko, nalaman niya na ang tagal ko nang friendzoned dito.
At hindi lang yun... yung sinabi ko sa kanya na...na type ko siya.
Shit.
Napa-suntok ako doon sa unan na hawak ko.
Napipikon talaga ako sa sarili ko kada naalala ko ang bagay na yun.
Yes, Mia is very attractive. At oo na, lalaki lang ako at na-a-attract din ako sa mga babaeng magaganda. Pero hanggang doon lang yun. Paano ko nasabi sa kanya ang mga bagay na yun? Na kung siya siguro ang unang dumating, siya ang mahal ko ngayon at hindi si Timi? Anong pumasok sa kukote ko at nasabi ko yun?!
Ni-hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko na nagmamahal ng ibang babae bukod kay Timi...
Nakakainis.
"Ano bang ginawa mo kay Mia?" tanong ni Jasper.
"Huh?! Anong anong ginawa? Wala akong ginagawa!" irita kong sabi.
"Eh bakit ganyan mga reaksyon mo? Bakit gustong gusto mong makalimutan ang araw na nalasing ka?"
Hindi ko siya inimikan.
"Nagtapat ka na ba kay Mia at binasted ka niya?"
"Gago!" ibinato ko sa kanya yung unan na kanina lamang ay sinasapak ko. "Wala akong gusto kay Mia!"
"Talaga lang ha?"
"Oo nga. Kaya ikaw, tigil tigilan mo ang kaasar mo sa aming dalawa. Mamaya mailang na sa akin si Mia."
Naalala ko bigla yung sinabi niya sa akin.
'Pero malay mo po, kapag naka-move on na tayo, baka may chance'
Napapikit ako dahil sa sobrang inis sa sarili.
Please lang, sana hindi ko siya napaasa dahil sa mga nasabi ko. Sana nasabi lang niya ang bagay na yun dahil malungkot siya sa nangyari, o dahil kahit papaano nakainom din siya.
Ayokong makasakit.
Maya maya lang ay nagising na rin sina Geo at William. Wala si Ice. Hindi siya natulog ngayon sa HQ.
Dahil mga tinamad mag luto ang mga 'to, nagkakayaan na lang kaming dumiretso sa condo ni Timi para doon mag breakfast. Tutal malapit lang din naman dito ang condo ni Timi, madalas naming gawin 'to---ang i-surprise visit siya sa umaga.
Medyo gumaan ang mood ko kasi ilang araw ko na ring hindi nakikita si Timi. Medyo naging busy kay Mia at sa pag gawa ng mga kanta para sa album niya kaya naman ilang araw akong hindi naka-daan sa restaurant niya.
"Masasapak na naman tayo nun," natatawa-tawang sabi ni William habang nasa elevator kami paakyat sa condo ni Timi.
Napangiti ako. Na-i-imagine ko na naman kasi ang galit niyang mukha. Panigurado, inis na inis na naman yun kasi wala na naman kaming pasabi na pupunta kami. Baka nga tulog pa yun, eh. Mamaya gulo gulo pa ang buhok niya.
But still, she's beautiful.
Kung alam lang niya, pangarap ko na mukha niya ang una kong makikita kada pagkagising ko sa umaga. Wala akong paki kung hindi pa siya nagsusuklay o may panis na laway siya, basta alam ko kahit anong maging itsura niya, maganda siya sa paningin ko.
May pag-asa bang maranasan ko yun? May pag-asa kaya na magbago ang ihip ng hangin at ma-realize niya na ako pala talaga ang mahal niya?
"Timiiii!!" sigaw ni Jasper nang makapasok kami sa loob ng condo ni Timi. May susi si Jasper at hindi ko alam kung saan niya nakuha yun. "Timi? Wer na you? Dito na us!"
"Tulog pa ata," sabi ko.
"Eh tara gisingin natin!"
Dire-diretso kami sa kwarto niya at agad binuksan ni Jasper ang pinto nito nang wala man lang katok katok.
"Timi gising n---FUCK!" sigaw ni Jasper kaya lahat kami ay napa-silip sa loob ng kwarto.
At nakita namin na hindi lang nag-iisa si Timi sa kwarto niya.
She's with Ice....and it seems like they slept together.
Parang biglang gumuho ang mundo ko.
To be continued...
AN:
Guys, may ongoing nga pala kaming giveaway ni J.C. Quin sa migme.
Get a chance to win My Prince 1 and 2, Hiling and A Kiss in the Rain.
Sign up on mig.me using this link --> http://bit.ly/coffeerainandstories
Or you can download the migme app on App Store or Google Play
Visit my twitter account (iamalyloony) and check out the pinned tweet for the mechanics :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro