Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Two

Jung Nari
active now

NARIIIIIIIIII
SORRY MALELATE AKONG KONTI!!!
ANDYAN NA BA HALOS LAHAT? WAIT LANG TALAGA NAUTUSAN PA AKONG MAGCHECK NG QUIZ EH SORRY ㅠㅠㅠ

It's fine. Wala pa naman si Yemadam. Chat kita pag kailangan ka na namin.

Thanks Nari!!! Buti ka pa nagsasabi kung kelan ako kailangan at hinfi. Updated ako. Unlike others na iniiwan na lang ako bigla sa ere. 😢

Dami mong alam bilisan mo na lang magcheck dyan kaloka ka

HAHAHAHAHAHAHAHA OO NA SORRY NA NARI. SORRY AKIN TALAGA EH

Uy dito na si Yedam! Bilisan mo na dyan!!

ETO NA FRIEND!!!!
seen 2:46 pm









"Himerupok! Di ako makakasabay sayo umuwi ah? May practice kami!" paalam ko sa kanya habang nagmamadaling umalis ng classroom. "Sige lang, may practice akong football eh! See you na lang bukas!" halos pasigaw nyang sabi dahil nauna syang lumabas na ng room sakin.

I grabbed my guitar at nagmamadaling tumakbo papuntang music room. Sa kabilang building lang naman iyon pero kasi andun na si Yedam. Ibig sabihin, andun na din yung ibang singers. Yari, kailangan ko ng magmadali.

Pagliko ko ng entrance sa building, bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni Yedam. Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagmamadali ko at tinanggap ang kunot ng noo nya sakin. Napalunok ako. Shet, ano? Tatanungin mo na ba ako kung pwede mo akong maging jowa? AY TEH YES NA YES AKO DYAN! DI PA TAPOS YUNG SENTENCE MO, NAKALIPAD NA AKO!

"Sa klase late, hanggang band practice ba naman ganon din? Consistent?" sambit nya at umiling. Nilagpasan nya ako.

PARA AKONG BINATO NG ANGKLA SA MUKHA. IT HURTS HERE IN MY KOKORO...

"Tsaka, pwede pag pupunta kang practice, magtali ka ng buhok mo. Ako nahihirapan sayo kapag nakabagsak sa mukha mo lahat ng iyan kapag tumutugtog ka." dagdag pa nya. Napaawang yung bibig ko...

AY SHEMARUPOK CONCERNED KA BABE?!

Gaga, di sya concerned. BOTHERED SYA. BOTHERED! Kelan pa nga naman naging rakista si Sadako?!

Pero shemay kinilig ako. Ahek owemji 😍😍





"Start na tayo?" si Nari pagkbukas ko ng pinto. Nagulat ako mamsh. "Teka lang, kakarating ko lang eh. Kita mong hingal kabayo pa ako gusto mo na akong tumugtog. Chill mamsh nasa labas pa naman si Yedam." retaliate ko sa kanya. Humagalpak naman sila ng tawa. Nagpahinga lang ako saglit at nagpunas ng pawis. Nagseset up na ako ng ampli ng biglang pumasok si Yedam at may kasamang bagong mukha.

Napatulala ako. Is this a sign na bitawan ko na si Yedam?????? CHAROT! NEVER IN A MILLION YEARS!

He's too white, tall pogi and.... pogi talaga e. Alam nyo yun literal na tumugtog yung "Shalala lala lalaaaa~" nung humarap sya samin. Halos kaming lahat ng babae dito sa music room ay natameme.

"Guys, nga pala si Yoshinori. Sya yung magiging isa mga mag-mamanage nung event for Foundation Week. Yoshi, mga club mates ko pala." nakangiti si Mang Yedam. Hmp! Parang kanina hindi ako sinungitan. Ngumiti lang ako doon sa poging yon at tumalikod na din. Isinakbit ko na yung gitara ko at kumuha ng hair tie. Kakahiya naman kay boss eh noh, baka mabother na naman mamaya sa pagtugtog ko. Nag-half hair bun lang ako. Yung parang kay Lisa ng BLACKPINK. Yon ganon. Basta yon. Oo.

Nakaharap ako sa white board at nagsusulat ng mga line up na ibinigay sa akin ni Nari kanina bago ako magset-up. Nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Yoshinori sa gilid ko at tinignan ang mga sinulat ko. Oy, pogi. Chaka sulat ko, ako na lang tignan mo di ka pa lugi. CHAROT HAHAHAHAHAHA eme


"Hmmm OPM? Tsaka mga '00 hits? Good choice." puri nya at nakangiti akong tinignan. I smiled back, "Thanks." sabi ko bago pumwesto sa gilid. Electric Acoustic ang gamit namin for this segment. Dalawang segment kasi kami tutugtog with 3 songs kada segment. Sinenyasan ko si Nari na okay na. Nakita ko namang umalis na si Yoshi sa tabi ko at umupo doon sa part na kita kaming lahat na tutugtog. Kinalabit ko si Nari na halos mahimatay doon sa presensya ni Yoshinori.

"Gurl, ngayon ko lang sya nakita. Saang building ba yan?" si Nari habang nag-aayos ng bass guitar doon sa gilid ko. "Aba malay ko. Bakit hindi mo itanong kay Yedam ng makuha mo na rin pati number, address at schedule?" naghagikhikan kaming dalawa. Napakaninja kasi nito sinasabi ko sa inyo. Ilang click lang nyan sa computer at ilang minutong stalk, madami ng alam yan. Ganon sya kalupet.


"Hanggang kailan kayo magchichismisan dyan?" si Yedam na naman. Bakit ba ang sungit ng lalaking ito ngayong araw? Dahil ba nahuli ko syang nakatutok yung phone sakin kanina? Hehe charot lang. Pero seryoso, he's being a bitch today.

"Pag di na mainit yang ulo mo." bato ni Nari sa kanya. Pinanlakihan ko naman sya ng mata. Ito talaga mantitrigger pa. Umirap nalang si Yedam sa ere at nagsimula na kaming tumugtog.




"Sala yung beat ng drums tapos ikaw," simpat nya sakin. "Lakasan mo strumming mo. Kumain ka ba? Ang lamya eh." sita nya. Napaawang ang bibig ko sa kanya. Seriously, what is his problem? Di ko na lang pinansin. Pasalamat ka crush kita! Kung hindi nasapak na kita.

Kumanta sya ulit ng walang tugtog at ngayon inis naman sya sa sarili nya. Anong problema nitong isang to talaga? May dalaw ba to? Mas nagmemens pa ata to kesa sa akin e.


Napansin naman ni Yoshinori yung pagiging iritado ng kaibigan kaya nagsuggest syang tapusin na lang muna yung practice at bukas na lang ipagpatuloy. Malayo pa naman daw yung perf day kaya deserve naman daw namin magpahinga. Lahat kami ay sumangayon doon dahil kung hindi, friend kakainin kami nito ng buhay.


Naghiwahiwalay na kaming mga club members at ako naman ay dumiretso sa field para manuod na lamang ng laro ni Himel. Doon ako sa medyo konti lang yung tao at umupo.

"Oy, tignan mo yung #12 na jersey. Yung Choi. Ganda eh noh? Galing din kanina ko pang tinitignan. Ano kaya pangalan non?" I overheard sa mga lalaking nakaupo sa harapan ko. Gusto ko sanang ipagsigawan na best friend ko yon pero sige pakinggan ko na lang sila kung paano sila mag-usap tungkol sa mga bet nila.

"Bakit hindi mo ipagtanong diba? Tsaka may listahan naman ng names ng athletes doon sa dash board ah? Hulaan mo na lang doon." suggest nung isa. Tama nga naman meron namang dashboard kung saan nakapost lahat ng athletes bakit hindi nya tignan doon?

"Wag nyo na ipagtanong at ikaw tigilan mo na pagpapantasya sa kanya. Dahil I GOT MY DIBS ON HER. SO BACK OFF." napalingon ako doon sa lalaking madaming piercing na nagsalita. Teka parang kilala ko to? Si Hyunsuk ba 'to?


"Oy, Choi Hyunsuk." simpat ko at lahat silang magkakasama lumingon sakin. Ay Choi Hyunsuk pangalan nyong lahat????

"Uyyyy, Marupokchi! Kamusta? Ngayon lang ulit kita nakita ah?" umakyat sya ng isang step doon sa bleachers papalapit sa akin at tinabihan ako. Nilingon ko ulit yung mga kaibigan nya at nakita ko ang isang lalaking napakalaki ng ngisi sakin. He looks so familiar???

Ay oo yung Junkyu!

" Ayos lang naman ako. Ngayon lang din kita nakita ah? Anong ganap mo?" tanong ko. "Ayun, tinutulungan ko lang si Mama sa business nya kaya di na ako gaano nakakatambay." sagot nya at diretso ulit yung tingin sa field. "Anong business?" usisa ko naman. Tumuwid sya ng upo at hinarap ako ng nakangiti.

"Lugawan. May lugawan kami at ako ang taga prito ng tokwa." sagot nya. Tumango tango naman ako. Taga prito pala ng tokwa to ng nanay nya. Juskoday boy mukhang masaya naman sya sa pagpiprito nya dahil halata naman sa mukha nyang gigil sya sa ginagawa nya para sa nanay nya.

"OY BURIKLAT!" napalingon ako ng papalapit na sa akin ang babaeng mukhang maning basa dahil sa naguumapaw nyang pawis. "Tapos na kayo?" tanong ko at sinagot naman nya ako ng tango. May sasabihin pa sana ako pero bigla akong hinila ni Hyunsuk.

"Magkakilala kayo ng bebelabs ko?" oh I forgot oo nga pala nabanggit nya kaninang bet nya si Himel. Sige ilalakad ko tong si tokwa boy sa bestfriend ko para lagi akong may lugaw pang almusal. Yesssss pag nangyari yon makakatipid na ako ng bente sa baon ko!

"Wow, sayong sayo eh noh? Oo bestfriend ko yan." sagot ko at nilingon ko si Himel na mukhang nagtataka sa mga nangyayari. Nakita ko namang nagpapapansin sa kanya yung mga kaibigan ni Hyunsuk na naandoon. Hawak nya pa din yung tumblr nya at nakatitig sakin. Nginitian ko lang sya at sumenyas ng, "Wait lang." tumango naman sya.

"Anong pangalan nya?" nilingon ko tong tokwang kausap ko. "Sa tingin mo sasabihin ko?" pagtataray ko. Agad naman syang nagpout na parang bata habang niyuyugyog ako. "Sige naaaaa~ Anong pangalan nya?" ulit nya. Pero dahil isa akong dakilang gaga...

"Tignan mo na lang sa profile ko, makikita mo agad yon. Babye!" kumaripas na ako at dinampot yung bag ko. Lumapit ako kay Himel na ngayon ay nasa tabi ng team mates nya at nag-uusap. After a few chats, she faced me. "Sino yon?" tanong nya habang kinukuha yung bag nyang nakapatong sa bench. Nagsimula na kaming maglakad paalis ng field. Naririnig ko pang tinatawag ako ni Hyunsuk pero di ko na sya nilingon. Tinignan naman sya ni Himel. "Uy, tawag ka tanga." sabi nya sakin pero nginisian ko lang. "Yaan mo sya." Kung alam mo lang girl, may nagkakagusto na sayo.. HAHAHAHAHAHAHA

"Sino ba yon?" ulit nya. "Kaibigan ko mula elementary. Basta!" sagot ko. Tumango tango naman sya. Nagyaya syang fumaan muna sa isang convenience store malapit sa school dahil nagutom daw sya. Pati tuloy ako nahawa. Nang makabili na kami ng mga kakainin namin, naupo kami doon sa mga mini hut sa labas para kumain.

Busy akong kumakain ng ice cream ng bigla syang magsalita. Out of nowhere she asked...

"Mau, sa tingin mo ba, may magkakagusto pa sa babaeng katulad ko? Kasi feeling ko wala e. I am waaaaaaaay different from most girls. Maybe I wasn't really a girl, akala ko lang?" humagalpak sya ng tawa. Inismidan ko lang sya. She knows how much I hate it when she degrades herself.

"Meron. Hintay ka lang." I plainly said at nginisian sya ng malaki.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro