Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Three

Tropang Pogi si Yedam lang ang HINDI
active now


Yoshipogi:

meron na naman pong masungit kanina sa practice mukhang nababadtrip na naman. alamin natin kung bakit. ARAT NAAAAAA


Junkyupogi:

ohhhh sino yan?
Hmmmmm isipin ko.


Hyunsukpogi:

wag na sayang oras wala ka din naman non koala boi


Junkyupogi:

sa pagkakaalam ko hindi sakin ang focus ng usapang ito?


Hyunsukpogi:

nasaan na yung dapat pinupuntirya?

Yedanget:

wag kayong maingay nagrereview ako

Junkyupogi:

ayan na nagreply naaaa

Hyunsukpogi:

so bakit ka nga daw ba badtrip mang yedam?

Yedanget:

diba sabi ko wag muna kayo maingay? hindi makaintindi?

Junkyupogi:

oops alis na muna ako bago bumuga ng apoooyyyy 🔥

Yedanget:

mabuti pa nga

Hyunsukpogi:

grabe naman yon sir napakainit naman ata dyan sa inyo

Yoshipogi:

pero bakit ka nga badtrip kanina?

Yedanget:

basta. saka na ako magkukwento bigyan nyo muna akong oras

Hyunsukpogi:

sige eto oh ⌚⏰⏱️⏲️🕰️🕛🕧🕐🕜🕑
pag kulang pa yan ewan ko na

Yedanget:
block kita dyan kabwiset ka


Kim Junkyu logged out.


Hyunsukpogi:

nako nag-out na
kung ano man yan, sige hintayin namin yung time na kaya mo ng magsalita

Hyunsukpogi:

pagbibigyan ka muna namin ngayon. this time, pipe ka muna pero sana after two days pwede ka na magsalita

Yoshipogi:

🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️









"HOY JUNKYU DI KA PA NAGSASAING ANONG ORAS NA PURO KA SELPON HA?!" sigaw ng nanay ko sa may pinto ng kwarto ko. Akala mo naman andun ako sa kabilang ibayo kung makasigaw. 😑😑

"Nag-log out na po ako Ma." sagot. Umalis na ako sa harapan ng computer at sumunod sa nanay kong kakababa lang.

"Ilan po ba isasaing ko, Ma?" tanong ko at inaayos na yung rice cooker. "Dalawa lang. Ay sya nga pala, Junkyu. Bumili ka na munang sibuyas tsaka toyo. Nakalimutan ng tatay mong bumili kanina. Mag-aadobo walang toyo at sibuyas. Jusko." reklamo nya. Haaayyyy nako talaga tong si Mama hindi na lang matuwa na may ulam kami kahit kulang yung sahog. Nagsalang muna ako ng kanin saka lumabas para bumili.


Pumunta lang ako sa malapit na tindahan.


Bakit kaya talaga ang sungit ni Yedam nitong mga nakaraang araw? Baka sobrang stressed lang? Tutal gagraduate na din kami at mdami kaming ginagawa, nakakastress talaga. Tapos may club activities pa sya. Nakakaurat nga iyon pero hindi yun enough na reason para maging iritable sya. Hindi naman yan ganyan e. Isa sya sa mga pinakamasarap kasama tsaka di yan nagsusungit. Minsan lang pag triggered, ngayon ata araw araw triggered.

Pumasok na ako sa convenience store at kapag nakikisabay nga naman sayo ang tadhana. ANDITO YUNG CRUSH KO!

Andun sya sa stall ng mga gulay. Sakto, dun ako pupunta! Salamat sibuyas ng dahil sayo makakatabi ko yung crush ko! Agad agaran akong lumapit doon at pumili ng sibuyas. Sinusulyap sulyapan ko sya. Nakahalf bun na naman yung buhok nya. She's wearing a gray sweatpants at itim na t-shirt. Pasikreto ko syang tinignan habang may hawak na dalawang repolyo at parang tinitimbang nya kung alin yung mas mabigat.

"Alin ba? Mas mabigat? Aysh! Eenie Meenie na nga lang!" sabi nya at nag-eenie meenie. Pinapanuod ko lang sya. Grabe ilang taon ko na bang crush to? Pero kasi hanggang ngayon wala pa akong lakas ng loob para kausapin sya kaya hanggang comment lang ako tsaka puso puso ng DP nya at myday. Pati na din sa IG nya lahat ng post nya hina-heart ko tapos kada story vinu-view ko. Kailan mo kaya ako mapapansin?

Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nakatingin sa kanya, kaya pagharap nya nahuli nya ako. Natigilan sya at ako naman ay nagulat. Kinunutan nya ako ng noo na para bang kinikilala kung sino ako. Napalunok ako, yari baka magalit to. Baka akalain nya iniistalk ko sya kahit hindi naman sa sovial media lang.

"Junkyu diba?" sabi nya ng may malapad na ngiti.

KILALA NYA AKO?!

"Ah, oo. He-Hello!" nauutal kong sabi. Uyyy kilala nya ako! Kilala nya ako!

"Hi! Sige una na ako ah? See you na lang sa school." nakangiti nyang sabi. Lord, yung puso ko po. Oh my gulay!

"O-Oo! See you!" sagot ko na lang at natameme na doon. HOY TANGA YUNG TOYO! KUNG AYAW MONG TOYOIN YUNG NANAY MO SAYO!



Nabili ko naman lahat ng kailangan kong bilhin. Grabe para akong sinindihang kandila. Ang saya ko! Kilala ako ng crush ko! Kilala ako ni Maru! Paano ka ba naman nya hindi makikilala Kim Junkyu? Eh lagi kang nagrereact sa kada post nya. Parang ginanahan ako ah? Parang sa sobrang gana ko malilinis ko yung buong bahay at maglalaba ng damit naming lahat pati kurtina at bedsheet!


Ang saya ko!


"Ma ito na po yung pinabili nyo!" masaya kong sabi sa nanay kong gulat na gulat sa energy ko. "Oh ang saya mo ata? Araw araw ba kita dapat pabilhin ng toyo para ganyan ka kasaya?" si Mama. Natawa naman ako, kahit ano pa iutos nyo gagawin ko! I feel so happy!

Kinuha ko yung cellphone ko para sana magtweet ng biglang sumulpot ang notification ko sa IG. Chineck ko muna iyon. May nagreact lang sa story ko. Nagback ako kaagad at nakita ko sa timeline kong may bago syang IG Story. I tapped it at agad kong pinagsisihan yon. Sana pala di ko na lang tinignan.

Naglalakad sya sa story nya at may nauunang lalaki sa harapan nya. Para syang kinikilig dahil sa faint screams nya na naririnig doon sa background. Kunwari pa nyang inaabot abot yung lalaki. Hindi ko gaano maaninag nung una dahil nakatalikod, pero nung nagside view, para akong sinampal. Si Yedam iyon at naglalakad ng nakaearphones. Ang caption pa nya..

Crush hintayin mo naman ako maglakad, hold my hand! CHAROT HAHAHAHAHAHAHAHA 😂


Grabe, tropa ko lang pala yung gusto nya tagal ko pang inisip kung sino nagugustuhan nya noon pa. Kasama ko lang pala araw araw.


Ang saya ko'y biglang nawala na parang bula at tumakbo na lang ako papasok ng kwarto ko. Nawalan ako ng gana kumain. Si Yedam na naman yung karibal ko... Bwiset.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro