Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ten

I hate this part paper hearts and I hold a piece of yours
Don't think I would just forget about it
Hoping that you won't forget about it 🎶


Pinatay ko na yung spotify ko ng makita kong pumasok na yung prof namin sa susunod na subject. Orchestra type tong classroom namin at sa may bandang gitna ako nakapwesto. It's a good place actually kesa doon sa pinakatuktok.

It's been months since we all gather together. After ng graduation, we spend our summers ng magkakasama. Road trip, hiking, rock climbing, night stroll at kung ano ano pa. And in those trips, Junkyu and I got closer. Tapos si Himel at Hyunsuk? Ayun, sila na. Inaasar ko pa si Himel na unli lugaw sya araw araw. Tinawanan lang ako but I am really happy for her. Finally, naranasan nya na din mamahal pabalik.


"Okay, for the next two weeks we will have a group reporting.." anunsyo ng prof namin. Nagsiangal kaming lahat dahil alam na namin ito, wala namang matinong makikipagcooperate. Sure ball.

"QUIET! ANAK NG KAMOTE DI PA AKO TAPOS MAG-ANNOUNCE INUUNA NYO AGAD YANG INARTE NYO! LISTEN FIRST!" agad humuoa yung bulungan at kumalma kaming lahat. Sigawan ka ba naman ng Dean ng department namin.

"We will have a group report pero ibang sections at departments ang kasama ninyo. In short, lahat ng klase na tinuturuan ko in the same year as you will be your groupmates. I'll group you into 5. Asahan nyong hindi kayo magkakasama dahil I will make sure na hiwahiwalay kayo para walang over familiarity. Understood?" sigaw nya at sabay ng pinatay ang projector bago lumabas, hindi na hinintay pa ang sagot namin.

Kanikaniya kami ng reaksyon. May ibang nainis, may ibang natuwa at yung iba, wala lang. Isa ako doon sa wala lang. Meh. Buti naman noh, alam ko na ang kalakaran dito sa block ko, at karamihan sa kanila, free loader. Ang ipagdadasal ko na lang, sana naman hindi mahaluaan ang grupo ko ng freeloader. If only my squad is here, maeexcite ako na baka magkagrupo kami ni Kyu. Kaso hindi eh. Malayo ako sa kanilang lahat. Iisa sila ng University nila Mel.


Dumiretso ako ng uwi sa dorm at nagpasyang umidlip na lang muna. Tutal, wala naman akong klase bukas pwede naman ako siguro maghayahay. Kailan kaya iaannounce ni Ms. Hong yung mga magkakagrupo? Di manlang niya sinabi kung kelan. Pwe. Bahala na nga sya dyan! Basta hindi pabigat mga kasama ko, okay na ako.









Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Nang makita kong si Junkyu iyon, di na ako nagdalawang isip pang sagutin.



"Oh bakit?" bungad ko.

"Hala! Nagising ba kita? Sorry! Ano kasi..."

"De, okay lang," sinilip ko yung screen para tignan yung oras at ibinalik ulit sa tenga ko yung cellphone ko. "Mag-four na din e. Oras na talaga para magising ako. Bakit ka nga pala tumawag?" tanong ko at bumangon na sa kama. Nag-unat pa ako kahit isang kamay lang yung naitaas ko. Kamot kamot pa ako ng ulo ko at hinimas yung tiyan kong biglang tumunog. Shocks, kaninang ten pa nga pala ako kumain. Bawal kasi lumabas sa klase ko dun kay Ms. Hong. Ang strikto talaga non. Patay na kami sa subject nya, patay pa kami sa gutom.

"Kumain ka na ba?" tanong nya bigla pero may kung ano doon sa tono nya. Hmmm, bakit feeling ko...

"Kung hindi pa, baba ka. Andito ako sa harapan ng dorm nyo." pahabol nyang sabi. Patakbo akong lumapit sa bintana at binuksan iyon. Isang kumakaway na Koala.. ay isang kumakaway na Junkyu ang tumambad sakin. Sorry, akin.

"Sige mag-aayos lang ako saglit. Omg.." sinenyasan ko syang pumasok. "Umupo ka muna sa lobby. Bibilisan ko lang." sabi ko at agad na iyong pinatay.


Oo ganoon ako kaexcited. I don't know but, Junkyu is so sweet, kind and genuine. Actually, crush ko na din sya. Ay, mali, gusto ko na sya. I hate to admit that, but I do.

Binilisan ko na yung pag-aayos ko at agad ding bumaba. Nakalimutan ko pa yung wallet ko kaya imbis na nakababa na ako, binalikan ko pa tuloy sa kwarto. Kapag nagmamadali ka talaga, lahat na lang ng bagay naiiwan mo. Tsk!




Nang makarating ako ng lobby, nadatnan ko ang medyo nakangusong parang curious na si Junkyu. May hawak syang magazine at tinatagitagilid nya pa iyon na para bang may pilit syang iniintindi na kung ano man. He looks cute when he's pouting. Iwinagwag ko ang ulo ko at dumiretso na sa kanya.

"Sorry, natagalan ka ba? Nagmadali na ako ng lagay na yon hehe." kamot ulo kong sabi. Nakakahiya naman diba? Eto din kasi nagpupunta ng di ko alam. Ene be yen kekeenesh heh.

"Hindi sakto lang. 15 minutes ka lang naman nag-ayos di naman tatlong oras." sabi nya at agad namang lumipana ang kanyang kamay sa aking buhok para guluhin iyon. Agad ko syang sinimangutan. "Kyu naman, inayos ko yan eh, 15 minutes yan!" reklamo ko pero pinindot nya lang ilong ko. "Okay lang yan, maganda ka pa din naman." simpat nya at hinila na ako palabas. Hindi ko maitago yung ngiti ko. Pilit kong kinagat yung labi ko para di kumawala yung kilig ko. Isa pa, papakasalan ko na to! De joke.

"Saan mo gustong kumain?" sabay naming tanong kaya natawa kamong dalawa. "Sige ikaw, saan mo gusto?" tanong nya sakin. Parang may sariling isip yung bibig ko at agad sinabing, "Dyan lang sa café malapit. Kinecrave ko kasi yung cheesecake nila don tsaka nakita ko kahapon na may bago silang timpla. Gusto ko sanang itry." firediretso kong sabi. Nang mapagtanto kong ang bilis ko nagsalita, tinakpan ko yung bibig ko. Shet! Nakakahiya halatang halatang gutom na ako HAHAHAHA!

Ngumiti sya saka tumango, "Sige, doon tayo sa gusto mo. May pasta naman sila doon diba?" tanong nya. "Oo." hinawakan nya ako sa kamay at agad doon lumipana ang tingin ko. He have done this a lot of times already but it still send butterflies in my stomach. Shocks, do I really like him this much already?

Nakalimutan ko na ba talaga sya?


Nanikip ang dibdib ko dahil sa biglaan kong naisip na iyon. Pero pinakawalan ko na lamang dahil kahit kailan naman eh hindi naging mutual ang feelings namin. Atsaka, wala. Wala naman na ako dapat pang isipin na tungkol sa kanya dahil matagal naman na din syang wala. Hindi ko ma dapat naiisip pa si Yedam sa mga sandaling ito. Dahil si Junkyu ang kasama ko. Si Junkyu na gusto ako. Si Junkyu na gusto ko ngayon.


Pagpasok namin ng café, dumiretso sya sa counter dahil nabanggit ko naman na kanina pa ang gusto ko, at ako naman ay naghanap ng mauupuan namin. Sakto, bakante yung sa may glass walls. Nagmadali akong lumapit doon sa takot na baka maunahan kami. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makaupo na ako at tinanaw si Junkyu mula sa counter. Hinihintay ko syang lumingon para malaman nya kung nasaan ako nakaupo. Nang magtama ang tingin eh sumenyas ako.




"Jajaaaan~" sabi nya habang inilalapag ang mga order namin. Aglio e olio yung inorder nya na may sides ng garlic bread at sa akin naman ay yung double cheesecake at yung bago nilang timpla ng latte. Napapalakpak ako ng mahina at tumingin sa kanya. Nakangiti sya habang ibinababa ang mga order namin. He sat down and stared at me for like 3 seconds bago nya sinimulang iikot yung tinidor nya. We ate properly for 3 minutes at nilasap lasap ang unang ilang subo.

"Masarap?" tanong nya sakin habang nakaabang sa labi nya yung tinidor nya. Para bang gusto nyang tikman yung pagkain ko. "Oo, gusto mong tikman? Masarap cheesecake nila dito." sabi ko at inusog yung plato ko papalapit sa kanya. Kumuhit naman sya doon at isinubo ang cheesecake. Nanlaki ang mata nya hidyat na nagulat sya sa lasa nung cheesecake. "Masarap ngaaa! Isa pa ah?" sabi nya at kumuhit ulit. "Sure, go lang." sabi ko at tinignan syang kumain ng pagkain ko. I was sipping my latte that time and I took that time to stare at him while chewing that cheesecake. Mukha syang natuwa sa lasa noon at naramdaman ko pa yung pagtabag ng paa nya. Para bang batang tuwang tuwa sa kinakain nya. Awwww such a cutie pie 🥺


Napansin nya atang nakatitig ako at half smilong habang sinisipsip yung iced latte ko. He atred back pero ako, being ako, nakatitig din. He was just smiling at me pati ako ay ganoon din. Then he put the fork down and started covering his lips with his right hand's fingers. "Baka matunaw ako?" he said in a really playful way while smiling. "Feeling ka ha?" protesta ko at kumain ng muli. Tumungo ako dahil sa hiyang nararamdaman and at the same time, the kilig that I'm feeling. Damn, these butterflies won't give me a break!

He then lifted my chin at forced my eyes to stare at his. "Can you be honest with me, Maru?" medyo seryoso nyang sabi. Napalunok ako ng walang sa oras. "I'm always honest with you." I looked away dahil hindi ko kayang sagupain ang tensyon na ibinibigay ng kanyang mga mata. I tried to hold back everything inside me pero medyo iginilid nya ang hawak nya sa baba ko, to get my attention. "Look at me, Mau. Please answer my question honestly... Are you... Are you falling in love me?" hindi ako agad nakasagot.


Ramdam ko ang pagtuyo ng lalamunan ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong nauubusan ng hangin. I tried to think deeply on what will happen next but I stopped thinking for a moment. Bakit ko ba iisipin yung kasunod na mangyayari? Diba mahalaga yung ngayon? Yung ngayon na tinatanong nya ako kung sa wakas ba ay nafo-fall na din ako sa kanya? Kasi it's been months din Maru. Stop thinking of things that are still not even happening and focus on what you have right now. It's been months na patago kang kinikilig. What's holding you back? Yedam? For fuck's sake he never even looked at you the way you looked at him. And it's been so long. I think it's time for you to get real. Start fresh and enjoy this day, this time, this moment.

I pick up all the courage I have left and started to forget every fragments of Yedam in my head. I opened my lips and said...











"I am. I am falling for you, Junkyu. Hard and unbearable."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro