Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One

Maru Takahashi
5 minutes ago

"All we have to decide is what to do with the time that is given us." - Charles Dickens ( A Tale of Two Cities)

Good morning! Have great day ahead! 💗

Like Comment Share

Kim Junkyu GOOD MORNING CRUSH!!! SANA MAKITA KITA TODAY!!
> Ha Yoonbin Absent daw sya today 😂
> Kim Junkyu WEH EPAAAAALLLLL. CRUSH MO BA AKO? KAHAPON KA PANG PAPANSIN EH
> Ha Yoonbin luh?

Choi Himel DAMI MONG ALAM PUSTAHAN TAYO LATE KA NA NAMAN
> Maru Takahashi hoy wag mo akong pakelaman. i-bleach ko ulit yang buhok mo eh
> Choi Himel OY EPAL KA HA?!










Choi Himel is calling you....

"Oh pwet, bakit?" bungad ko sa bestfriend kong nakabusangot yung mukha. Tinawanan ko naman sya habang nakasaksak pa sa bibig ko yung toothbrush.

"Napakababoy mo talaga eh noh nagtutoothbrush ka pa eh sanay naman na kami sa hininga mong pamatay. Bilisan mo na dyan halos buo na kaming lahat dito sa classroom." maktol nya sakin.

"Oh tapos? Ako lang ba laging late pumasok? Sa tingin ko hindi naman." sagot ko at lalo syang bumusangot.

"Bahala ka nga dyan sa buhay mo. Basta wag mong hintayin na masaraduhan ka na naman ng gate. Hindi kita susunduin don kahit sumuka ka pa ng rainbow." sabi nya tapos pinatay na yung vid call. ABA?!

Nagmadali na lang ako sa pagkilos. Malupit nga pala ang first subject namin ngayon. Bukod sa strikto yung teacher namin, eh MATHEMATICS LANG NAMAN YUNG FIRST SUBJECT. Anak ng tinapa good morning haponesang hipon.




"Pasok na po akooooo!" sigaw ko habang nagsasapatos. Naramdaman ko naman ang presensya ng nanay ko sa likod ko. Binatukan nya ako sabay sabing, "Papasok ka pa eh late ka naman. Wag na sayang uniform mo eh noh?" she said with full of sarcasm. Kinunutan ko sya ng noo. "I overslept Ma." sagot ko. Isang batok na naman ang natanggap ko. Sinapo ko na yung batok ko at binalingan na si Mama. "Ma naman eh! Pinaghirapan ko pang plantsahin yung buhok ko!" kung pwede lang yung crying emoji sa pagmumukha ko, yun yung hitsura ko ngayon. Inismidan nya ako. "Bilisan mo na dyan kulot. Baka hindi mo maabutan yung crush mo sige ka." nabalik ako sa ulirat nung sinabi ni Mama yun. Shoot! Oo nga pala, may music practice kami nila Yedam today!!! Shet!

"Ma, pwede po favor? Paabot naman po ng gitara ko oh? Nakasapatos na po ako eh." inginuso ko yung lugar kung saan nakalagay yung gitara ko. Nilingon naman iyon ni Mama. Nasa tabi lang ng sofa namin sa may tabi ng tv yung pinaglagyan ko pero alam mo sagot nya?

"Ano ka sinuswerte? Ikaw kumuha non, naglalaba ako. Ano ako? Yaya mo?!" tinarayan nya pa ako mga mamsh! Eh malelate na ako!!!!!

Patakbo akong pumunta sa sala at di na hinubad yung sapatos ko. Bahala ka dyan Ma, damot mo eh. CHAROT AKO PA GALIT EH NOH? HAHAHAHAHAHAHAHA

Halos masampal ko yung sarili ko ng bumangga iyong gitara sa center table.

"PUCHA NAMAN TALAGA HINDI GANYAN PAGSIRA NYAN MARU IHINAHAMPAS YAN NG MALAKAS! GANON!" si Mama ng marinig yung pagbangga ng gitara ko sa table. Shit, Ma kung naasar po kayo sa pagbangga mas naiinis ako sa sarili ko po! Opo!

"Bye ma!" sigaw ko at saka kumaripas ng takbo papuntang school. Buti na lang malapit yung school dito sa bahay. Yung 10 minutes na lakad ko sa school? Panis sa itinakbo kong 3 minutes papasok ngayong araw! HAHAHAHAHAHAHAHAHHA NINJA TURTLE KA GHORL?

"Oh buti nakahabol ka ngayon, Miss Takahashi. Magsasara na po kami ng gate eh." sabi ni Kuya Guard sakin. I sighed in relief. "Talaga po Kuya? Well, the luck is on my side today!" isang malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya pero agad yong nawala ng bigla nyang sabihin...

"Dito nakalagpas ka, pero tignan natin kung makapasok ka sa classroom mo Miss Takahashi." nakangisi pa si Kuya samantalang ako para sinuntok ni Tanjiro sa mukha sa pagkarealize ng sinabi nya.

SHIT. ANAK KA NI KILLUA! OO NGA SHEMAYYYY

Tatakbo akong pumasok sa building namin. Sinasabi ko sayo panis sakin ang takbo ni Naruto sa sobrang bilis ko. Pero alam mo yon, pag sinuswerte ka nga naman, sinuswerte ka. Sa backdoor ako sumilip at ng makita kong wala pa yung teacher namin, masaya akong pumasok sa loob ng classroom namin. Pero ang weird hindi ata sila maingay ngayon? Anong nangyare?

Papaupo na sana ako sa upuan ko ng biglang may nagsalita sa likod.

"Miss Takahashi, having the best time of your life ha?" dahan dahan akong lumingon sa likod. Shemarupok, sa likod sya nakaupo. Nakalimutan kong may presentation nga pala today. Kapag sinuswerte ka talaga grabe!

"Sorry Sir, I overslept po." palusot ko. Dahan dahan kong ibinaba sa upuan ko yung bag ko. He looked at me intently. "Last mo na yan ha? Next time, di na kita papapasukin sa klase ko. Consider this as your warning." sabi nya at tumango ako. "Yes po Sir. Sorry po ulit." kamot ulo akong pumihit at napatigil ulit.

SHET??? TOTOO BA TONG NAKIKITA KO? NAKAUPO SI YEDAM SA TABI NI SIR? BAKIT NGAYON KO LANG SYA NAPANSIN? EH HINDI KO NAMAN SYA KAKLASE AH? ANONG GINAGAWA NITO DITO?

"Miss Takahashi, I said you may be seated. You're blocking my view." masungit na sabi sakin ng teacher ko. "Sorry po." I said for the last time.

Pagkaupo ko, agad akong pinasahan ni Himel ng maliit na note.

Kaya kita pinagmamadali kasi kaklase na natin sya tuwing math time. Now, you have a reason to love math 😉

Nasa harapan ko sya nakaupo at agad kong nilamukos ang blouse nya sa sobrang kilig at gigil ko sa kanya.

Ang saya ha? Nakita nya pa akong napagalitan. Bwiset!!!!!






Bothered ako buong math time at kakaunti lang ang natutunan ko sa mga nireport nila. Next week pa ako magrereport kaya chill chill pa ako. Tsaka wala pa akong makitang topic kaya pa-easy easy muna ako. Mamaya na ako maghahanap after klase.

Grabe tensed na tensed ako dahil feeling ko may nakatingin sakin the whole time ng klase. Nang matapos ang discussion namin at pagbibigay ni Sir ng assignments, agad akong lumingon sa likod ko at nakitang nakatutok ang cellphone ni Yedam sa gawi ko.

Halatang nagulat sya sa paglingon ko at natarantang ibalik ang cellphone sa chest pocket nya. Nalaglag tuloy iyon sa sahig. Napatingin kaming lahat ng nasa last row sa kanya. Nagbow naman sya para magsorry samin.

Pinipicturan nya ako? O baka nagfeface book lang yon or ano? Wag kang feelingera hippopotamus ka. Hindi ka nya gusto shut up.



Pinanuod ko syang mag-ayos ng gamit nya at sumamang umalis sa teacher namin ng hindi kami binabalingan ng tingin. Napakapogi talaga. Hinihintay ko pa din yung araw na kakantahan mo ako, Yedam. Aasa pa din ako. Maghihintay ako.










--------------

This chapter is dedicated to nanaknow 💗

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro