Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Tahimik akong nakaupo sa aking upuan sa aming silid-aralan habang pinagmamasdan ang manila paper na nakapaskil sa pisara. Paulit-ulit kong binabasa ang mga nakasulat doon. Nakailang pikit at mulat na rin ako. Nagbabakasakali na namamalikmata lang ako pero kahit anong gawin ko, walang nagbabago. Pang-apat pa rin ako sa ranking para sa unang quarter.

Dinig ko ang tuwa sa boses at sa kwentuhan ng mga kaklase kong kasali sa ranking pero hindi ko magawang makisabay sa kanila. Gusto ko rin namang maging masaya dahil kasali pa rin ako sa sampung pinakamagagaling sa klase at sa buong batch namin pero alam kong hindi sapat ang natamo ko dahil sanay ang pamilya ko at ang ibang tao na top one ako simula kinder.

Unti-unti akong binabalot ng hiya habang padami ng padami ang mga mag-aaral mula sa ibang seksiyon na nakadungaw sa aming bintana upang makita ang ranking. Nararamdaman ko ang ilang mga mata na sumusulyap sa akin habang ako ay hindi makatingin sa kanila.

Ene-expect ko naman na marami talaga silang makikiusyoso lalo na at uwian na para sa hapon. Tumayo na lamang ako at isinukbit ang aking bag sa balikat upang lumabas ng classroom. Kanina pa naman kami dinismiss ni Ma'am at iilan lang kaming nanatili pa rin dito sa loob.

Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang pagtawag ni Ma'am sa'kin. Lumingon ako sa kaniya at sinalubong ako ng seryoso niyang tingin.

Lumapit ako sa kaniya at tipid siyang nginitian. "Yes po Ma'am?"

Isinarado niya muna saglit ang laptop na ginagamit niya kanina at pinaupo niya ako sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.

"May distractions ka ba ngayong quarter?" malumanay na tanong ni Ma'am.

"Wala naman po Ma'am," mahina kong tugon at mas hinigpitan ko ang yakap sa aking bag na inilagay ko sa kandungan ko kanina pagkaupo.

Ilang beses na din akong tinanong ng ilang kaklase ko kung anong dahilan ng pagbaba ng marka ko pero tanging kibit lang ng balikat at tipid na ngiti ang naisagot ko sa kanila.

Hindi ko naman kasi talaga alam kung anong nagawa kong mali dahil nag-aaral pa rin naman ako ng mabuti.

"Ganun ba? Siguro kailangan mo lang maging mas active para tumaas ang mga marka mo. Napapansin ko kasi na bihira ka mag-recite."

Tanging tango na lamang ang naisagot ko at pagkatapos ay pinayagan na akong umalis ni Ma'am. 

Siguro nga ay tama si Ma'am na dapat maging mas active ako sa klase. Alam ko naman kasi na kulang ako sa confidence pagdating sa pagsagot ng questions tuwing recitation.

Sa mga sumunod na araw ay pinilit ko na laging mag-recite at mas nagtultol ako sa pag-aaral.

Hindi ko na ipinaalam kina Mama at Papa ang naging rank ko sa first quarter. Ang sinabi ko na lang nung nagtanong sila ay wala pa namang announcement tungkol doon. Nagpapasalamat na lang ako dahil naniwala sila lalo na si papa at hindi naman ako tinanong pang muli.

Dumating ang araw ng announcement ng ranking para sa second grading, tumaas naman ang pwesto ko pero pangalawa lang. Ganun din ang naging resulta sa ikatlo at ikaapat na markahan sa kabila ng mga efforts ko. Hanggang sa nag-announce na ng final na ranking para sa graduation at naging salutatorian lang ako. 

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi ako makahugot ng lakas ng loob upang ipakita sa mga magulang ko ang report card na ipinadala sa amin pauwi at sabihin ang naging final ranking sa klase.

Kinabukasan habang tahimik akong nagtitiklop ng mga bagong labang damit sa kama ay narinig ko ang mabibigat na yabag ni papa. 

Nilingon ko siya at matalim na tingin niya ang tumama sa akin.

Napatigil ako sa ginagawa ko at malakas na kumabog ang aking dibdib nang makita kong binabaklas niya ang kaniyang sinturon. Ipinulupot niya ito sa kaliwa niyang kamay.

Nahigit ko ang hininga ko nang hawakan ni papa ang kanang braso ko at pinihit ako patalikod. 

"B-bakit po Pa?" Sinubukan ko siyang lingunin pero naipikit ko ang mga mata ko at nakagat ang aking labi nang maramdaman ko ang haplit ng kaniyang sinturon sa aking pang-upo.

"Di ba sinabi ko naman sayo na ayusin mo ang pag-aaral!"

Nag-umpisang manubig ang mga mata ko at halos manginig na ako sa takot dahil sa paraan ng kaniyang pagsigaw, samahan pa ng sunod-sunod na haplit na natatanggap ko. 

Alam na ba ni Papa?

"P--pa, t--tama na p--po." Sinubukan kong tagkalin ang pagkakahawak ni papa sa akin pero hindi ko magawa. Tuluyan nang nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha.

Nakarinig ako ng panibagong yabag na papalapit. "Alfredo, ano bang ginagawa mo?!" 

Medyo nagkaron ako ng pag-asa nang marinig ko ang boses ni Mama. 

"Tigilan mo nga iyan!" Natatarantang saad niya.

Huminto saglit ang paghaplit sa akin at nang lumingon ako ay nakita kong hawak ni Mama ang kaliwang braso ni Papa. Lumuwag din ang kapit sa akin ni Papa kaya nakawala ako at sumiksik sa isang sulok ng kama sa may headboard.

"Bitawan mo ako Helena! Hindi natin pinag-aaral ang batang 'yan para magpabaya! Tapos kung hindi ko pa nakakwentuhan ang ama ng kaklase niya ay hindi ko malalaman na pangalawa lang siya sa ranking? Nagpapakahirap tayo para magkaroon siya ng magandang buhay tapos ito ang ibibigay niyang kapalit!" Galit na galit si Papa habang dinuduro ako.

Inalis ni Papa ang pagkakahawak ni Mama sa kaniyang braso at aabutin niya sana akong muli pero pumagitna na si Mama sa aming dalawa ni Papa.

"Pag-usapan na lamang natin ng maayos. Tigilan mo na ang anak mo Alfredo," pakiusap ni Mama. Sumampa siya sa kama at niyakap ako.

"P-patawad po Papa, p-pangako hindi na m-mauulit, susub-bukan ko pong mas g-galingan pa pag-highschool k-ko." Hindi na ako makapagsalita ng maayos at masakit na rin ang dibdib ko dahil sa pag-iyak.

"Talagang hindi na mauulit! Sa susunod na magpabaya ka at maglihim sa amin, malilintikan ka sakin!" 

Napapikit at napakapit ako kay Mama ng mahigpit nang makita kong muling ihahaplit ni Papa ang kaniyang sinturon ngunit narinig ko ang pagtama nito sa parte ng kama na malapit sa mga paa ko.

"Kaya hindi nagtatanda eh, lagi mong pinagtatanggol Helena." Tiningnan niya kami ni Mama ng masama bago umalis sa harap namin.

Napahagulgol na lamang ako sa bisig ni mama.

"Shhh.. hayaan mo na ang Papa mo, mainit lang ang ulo niya. Siguradong bukas hindi na siya galit." Hinaplos-haplos niya ang likod ko kaya medyo kumalma ako.

"Mama, sorry po."

Kinalas niya ang pagkakayakap niya at hinawakan ako sa pisngi.

"Don't say sorry baby. Alam kong hindi mo ginusto yun. Wag ka ng umiyak. Mahal na mahal ka ni Mama." Tumango ako sa kaniya at muling yumakap ng mahigpit.

"I love you too Mama."

Pinunasan ko ang mga luhang pumatak galing sa aking mga mata dahil sa pagbabaliktanaw ko sa mga pangyayari noon.

Simula nang pumasok ako sa eskwela ay wala ng ibang ginawa si Papa kung hindi paalalahanan ako na mag-aral ako ng mabuti at itinatak na niya sa isip ko na dapat ako ang laging manguna sa klase.

Nung nalaman niyang salutatorian lang ako ang unang beses na sinaktan niya ako.

Buti na lang nandun si Mama para protektahan ako. At least I felt that she's okay with what I achieved.

Ginawa ko ang lahat para makabawi kay papa. Mas pinagbuti ko ang pag-aaral at sinisigurado ko talaga na ako palagi ang may pinakamataas na grado.

Ngayong 4th year highschool na ako, ang gusto naman niya ay ang maka-98 and above ako, para raw maging madali lang ang pagkuha ng scholarship.

Hindi kasi kami mayaman pero may kaya naman kami. Ang gusto sana niya ay ang makapasok ako sa magandang paaralan pag tapak ko ng senior high.

Sa totoo lang takot na takot ako na malamangan ng iba ko pang kaklase. I'm afraid to fail his expectations again.

I don't want to experience the same pain. Ayaw ko nang makarinig ng masasakit na salita mula sa kaniya dahil sa pagpapabaya ko.

I hope that someday he'll be contented and proud that I'm his daughter.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro