Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Malalakas na katok mula sa pinto ng aming kwarto ang gumising sa akin. Napaungol pa ako dahil sa antok.

"Gumising na kayo diyan! Alas-nuwebe na nakahiga pa kayo! Dinaig niyo pa ang mga prinsesa!"

Napabalikwas ako dahil sa galit na boses ni papa. Alam ko naman na ako lang talaga ang ginigising niya kahit para sa amin ng kapatid ko ang sinabi niya.

"Babangon na po," tugon ko at umalis na sa kama.

"Bilis-bilisan mo diyan at tulungan mo ang iyong ina sa tindahan!" Utos nito bago ko marinig ang mga yabag niya palayo.

Araw-araw ba talaga ako dapat pagalitan? Dapat ginising na lang ako ng mas maaga kanina kung magagalit siya na late na ako babangon.

Magha-hatinggabi na kasi nang matulog ako kagabi. Tinapos ko ang page-edit ng movie project naming magkakagrupo na ipapasa sa Lunes. Baka kasi hindi ko siya magawa ngayong Sabado pati na rin bukas.

Buti nga natapos namin ang pagsho-shooting sa loob ng isang linggo kung hindi ay kakailanganin pa naming gawin iyon ngayong weekend, at alam ko namang hindi ako papayagan nina mama at papa na umalis ng bahay.

Sinulyapan ko muna ang kapatid ko and as expected tulog pa rin siya. Kahit anong ingay ay hindi talaga siya basta-basta nagigising.

Napailing na lang ako at lumabas na ng kwarto. Naghilamos, nagtoothbrush at nagpalit lang ako ng damit, pagkatapos ay diretso na sa tindahan. Nagmadali talaga ako dahil baka mapagalitan na naman ako pag nagpabagal-bagal.

Sandamakmak na mamimili ang naabutan ko. May mga bumibili ng maramihang produkto dahil ibebenta din nila ito.

Nang humupa na ang mga tao ay pumasok muna ako sa loob tapos nagsaing at nagluto ng hotdog bilang umagahan.

Pagkatapos nun ay ginising ko ang kapatid ko para tulungan ako sa paglilinis ng bahay. Nakailang balik pa nga ako sa kwarto bago pa siya tuluyang nagising.

Kumain muna kaming dalawa bago sinimulan ang gawain. Siya na ang pinaglinis ko ng sahig at ng paligid.

Naghuhugas ako ng plato nang pumunta si papa dito sa kusina. Nagsandok siya ng kanin at kumain. Si mama naman ay minsan lang kumain ng kanin. Kapag kakain siya ng ganun ay maunti lang katulad kagabi. She usually eat fruits and non-fatty foods. Nagda-diet kasi siya dahil kailangan daw alagaan ang katawan habang tumatanda.

Nang matapos si papa sa pagkain ay ako na lang ang nagligpit ng pinagkainan niya dahil hindi na niya ito ginawa. Pumunta siya sa tindahan at narinig kong nagpaalam siya kay mama na aalis na para magtrabaho.

Naalala ko dati lagi niya kaming sinasaway kapag nag-iiwan kami ng pinagkainan sa lamesa dahil hindi naman daw kami kumain sa restaurant kaya dapat matuto kaming maglagay nito sa lababo na katapat lang naman ng hapagkainan. Pero ang mga mismong utos niya ay hindi din naman niya ina-apply sa kaniyang sarili. I wonder why its like that.

Parang bawat pagkakamali ko o ng kapatid ko ay pansin na pansin niya. Pero kapag siya ang nakagawa ng mali ay okay lang.

Kapag may pinag-aawayan silang dalawa ni mama ay madalas din kaming madamay. Parang sa amin naibubunton ang init ng ulo kahit na nananahimik lang naman kaming magkapatid. 

I removed all the thoughts in my head and just focused on what I'm doing. After awhile ay natapos ko na ang paghuhugas ng plato. Isinunod ko naman ang paghihiwalay ng mga undergarments naming lahat sa mga damit. Pagkatapos ay ibinabad ko muna ito ng ilang minuto bago sinimulan ang paglalaba.

Gan'to lang talaga ang nilalabhan ko dahil may binabayaran naman si mama na tagalaba ng damit.

Dalawang oras ata ang naigugol ko sa paglalaba pagkatapos nun ay isinampay ko ang mga ito sa rooftop namin. May kubo doon kung saan kami nagsasampay.

Our rooftop is filled with different flowers and plants. Si mama ang nag-aalaga dahil mahilig siya sa halaman.

Matapos ang mga gawain ko ay naligo na ako dahil pakiramdam ko ang lagkit na ng aking katawan.

After getting a bath and dressing-up, nagsaing ulit ako at pinabili ko si Riza ng mau-ulam sa karinderya para naman sa tanghalian, because I'm sure that our father is already hungry when he get home.

After eating, I went to our room and turned on my laptop to watch the movie I edited.

Maya-maya ay narinig kong tinatawag ako ni papa mula sa tindahan. Hindi ko ata napansing nakarating na siya because I wasn't paying much attention on my surroundings.

"Po?" tugon ko nang makalapit ako sa kaniya.

Nakaupo siya sa bangko na nasa harap ng lamesa ni mama at kita ko na naman ang pagkainis sa kaniyang mukha.

"Ano bang ginagawa mo sa loob at ang hirap mong tawagin?"

"Pinapanood ko lang po 'yung movie project namin dahil baka may mali pa," mahinang sagot ko.

"Wala namang pasok pero 'yan ang iniintindi mo. Puro ka na lang pag-aaral imbes na manatili ka dito sa tindahan at tulungan ang mama mo."

'Hindi niyo po ba naiintindihan na kailangan kong gawin ng maayos ang mga projects ko para masunod ko ang gusto niyong magkaroon ako ng sobrang taas na marka?'

"Papatayin ko lang po ang laptop," saad ko na lang dahil alam kong lalaki pa ang gulo kung ivo-voice-out ko ang sinabi ko sa aking isipan.

Pumasok ulit ako sa loob then I turned off my laptop. Pagbalik ko sa tindahan ay may mga ibinigay sa akin si mama na load cards.

"Loadan mo 'tong mga to." Ipinakita niya sa'kin ang mga inilista niyang pangalan ng mga kinabitan ni papa noon ng satellite. Every month sila nagpapaload dahil nawawalan na ng mapapanood sa tv kada isang buwan.

Tumango na lang ako at kinuha na ang cellphone. Itina-type lang naman ito kaya medyo madali lang pero kailangan ng pag-iingat dahil once na magkamali ako ng pagta-type ng numbers ay baka sa iba mapapasok ang load.

Umupo muna ako sa isang maliit na bangko sa gilid para hindi ako mangalay sa paglo-load. Binilisan ko dahil nagsusunod-sunod ang nabili.

Hindi maasikaso ni mama 'yung iba dahil siya ang nag-iintindi sa mga nakuha at nagpapadala ng pera. Si papa naman ay nasa isang sulok at nagce-cellphone. Nagpapahinga lang daw siya dahil pagod. Habang si Riza naman ay hindi ko alam ang ginagawa sa loob.

Nang matapos ko ang paglo-load ay tumayo na ako at binentahan ang ibang mamimili.

"Pabili po!" sigaw ng isang bata na kanina pa toktok ng toktok sa istante.

"Wait lang!" tugon ko dahil may ine-entertain pa akong iba.

"Pabili po!" parang hindi nakakaintindi na ulit nito.

Hindi siya tumigil sa kakatoktok at sa kakasabi ng pabili po kaya medyo naiinis na ako. Inaamin ko hindi naman kasi mahaba ang pasensiya ko. Madali akong mainis at magalit.

"Pabili po!"

"Ano 'yun?" tanong ko sa bata ng matapos ko nang bentahan ang customer kanina.

"Ito nga po." Itinuro niya ang candy at binigyan ako ng piso.

Aish! Isang candy lang naman pala. Kung makatoktok wagas.

Binentahan ko na lang at inilagay ang pera sa sulong.

"Gwyn, tingnan mo nga 'yang itsura mo sa salamin. Kung sisimangot ka lang dito ay pumasok ka na sa loob," biglang pagsaway ni papa.

Hindi ko siguro napansin na nakasimangot na pala ako. Gusto ko na kasing pumasok sa loob kanina pa dahil ang init-init dito sa tindahan. Tapos dumadagdag pa 'yung mga customer na hindi makapaghintay. Tao din naman kasi ako hindi robot.

"Sorry po," tugon ko na lang.

"Bananacue at maruya po!" Alok sa amin ni Angelica na naglalako ng pagkain. She's 14 years old and a grade 9 student. Ngiting-ngiti pa siya habang nakatingin sa amin.

"Hindi na muna. Busog pa kami," sabi ni mama sa kaniya.

"Sige po. Thank you po," tugon niya bago umalis.

"Kita mo 'yung batang 'yun? With honors din 'yun pero ganun kasipag. Buti nga hindi niyo nararanasan ang maglako sa daan. Tandaan niyong walang kwenta ang talino kung tamad naman at hindi ko kailangan ng tatamad-tamad na anak."

Hindi na ako nagkomento sa sinabi ni papa kahit nasaktan ako. I really hate it when he compare me to another person. 'Saka hindi ba niya nakikita na marami naman akong ginagawa dito sa bahay at isa pa sinusunod ko naman lahat ng utos nila ni mama. Samantalang 'yung kapatid ko hindi man lang nila patulungin dito sa tindahan. Lagi na lang ako ang napapansin.

It's funny how a customer once told me na kahit tamad ang anak niya basta matalino ay okay lang sa kaniya. Mayroon din akong guro na nakapagsabi sa akin na gusto niyang maging katulad ko ang magiging mga anak niya balang araw.

Buti pa ang ibang tao nakikita at pinapahalagahan nila ang kakayanan ko.

*Lame update, sorry guys. Anyway, don't forget to vote, comment, and share.❤*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro