Chapter 8
"Uy, bulaklak? Sino nagbigay?"
Mabilis kong naipasok sa bag ang rosas na hawak ko dahil sa gulat. Pagkatapos ay binalingan ko ang nagsalita sa gilid ko at alanganin akong napangiti.
"Wala. Hindi ko kilala ang nagbigay," sagot ko kay Albert.
Napatango-tango naman siya at biglang tumingin sa likod. Sinundan ko naman ang tiningnan niya at nakita kong si Gelo 'yun na papalapit na rin sa upuan ko.
"Gelo! Dito ka bilis!" Senenyasan nito si Gelo na parang pinagmamadali.
Nangunot ang noo ni Gelo pero sinunod din naman si Albert, habang ako naman ay nagtataka kung bakit pinapapunta siya dito ni Albert.
"Bakit bro?" tanong ni Gelo kay Albert pagkalapit niya samin.
Close ang dalawang 'yan dahil magkatabi sila sa upuan.
Pangisi-ngisi namang bumaling sa'kin si Albert. "Mukhang may manliligaw na si Gwyn ah. May nagbibigay na ng bulaklak at nauunahan ka na bro, kaya galaw-galaw naman."
Napailing na lang ako dahil sa tinuran ni Albert. Simula kasi nung matapos ang pageant ay may pailan-ilan ng tumutukso sa aming dalawa ni Gelo at nangunguna si Albert sa listahan.
Hindi na namin pinapansin ang mga panunukso nila dahil malabo namang magkaron kami ng feelings for each other because we both know that studying is our top priority.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa dalawa at nag-abala ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa bag.
"Loko ka talaga bro. Wala naman akong balak na ligawan 'tong si Gwyn eh, kaya walang problema." Narinig kong tugon ni Gelo kay Albert.
"Sus, wala daw. Iwanan ko na nga kayong dalawa," sabi ni Albert at narinig ko na ang yabag niya palayo.
"Isang torpe at isang manhid, tsk tsk tsk." Pahabol pa nito bago tuluyang makaalis.
"Baliw," pabulong na saad ni Gelo at naramdaman ko ang pagkulbit niya sa balikat ko kaya tiningnan ko siya.
"Uwi ka na?"
"Yup. Tara?"
Tumango naman siya at sabay na kaming lumabas ng room.
"Mukhang seryoso talaga ang secret admirer mo sa'yo ah," pabirong sabi sa'kin ni Gelo pagkalipas ng ilang saglit.
"Paano mo naman nasabi?" tugon ko.
"May pabulaklak na naman kasi. Baka sa susunod may chocolates ng kasama."
"Wag ka ngang ano diyan. Hindi natin 'to kilala. Mamaya wala lang siyang magawa sa buhay," sabi ko na lang para hindi niya ako asarin.
"Asus. Pero kinikilig ka naman dahil sa mga bulaklak na 'yan?" Sinundot niya ang bewang ko at itinaas-taas pa ang dalawang kilay niya.
Nangunot naman ang noo ko. "Anong kinikilig? Ang creepy kaya. We don't know his real intentions. Mamaya masama pala ang balak niya o di naman kaya ay pinagtritripan lang ako."
"Huwag mo naman agad husgahan. Mr. Trustworthy nga diba? Baka mapagkakatiwalaan naman talaga. Malay mo mabuting tao 'yan tapos gwapong katulad ko." He winked at me at may paghawak pa siya sa baba niya.
"Parang humangin bigla ah." Nagkunwari pa ako na inaayos ko ang buhok ko.
Tinawanan niya na lang ako.
Several weeks have passed and every friday afternoon, I would receive a red rose from that Mr. Trustworthy guy.
Bigla ko na lang itong nakikita sa desk ko pagkatapos kong maglinis sa territories namin sa labas ng room. Lagi din itong may kasamang mga notes. Madalas puro pagbati lang ng hi and hello. Tapos 'hope you have a nice weekend' etc.
Wala naman akong napapansing ibang pumapasok sa room ng ganong oras maliban sa mga kaklase ko. Minsan naisip ko isa sa kanila ang pinanggagalingan nun o napag-uutusan. Nakakahiya lang talagang magtanong sa kanila.
"Bakit kaya hindi ako harapin ng Mr. Trustworthy na 'yun? I hope he'll show off his face and tell me exactly what he wants from me. Hindi 'yung dinadaan niya ako sa pabula-bulaklak niya," mahabang litanya ko.
"Siguro natatakot or natotorpe lang 'yung tao. Kung hindi siya seryoso at pinaglalaruan ka lang talaga niya, hintayin mo na lang na tumigil siya sa pagbibigay ng mga bulaklak."
Napatango naman ako sa suhestyon ni Gelo. Sigurado ako na titigil talaga ang Mr. Trustworthy na 'yun sooner or later.
"Pano dito na 'ko dadaan." Itinuro niya ang daan papunta sa kanila. "Mag-iingat ka pauwi," dugtong pa niya.
"Okay. Ikaw din."
We said goodbye to each other and walked on separate ways. I'll go straight to my house dahil school at bahay lang ang takbo ng buhay ko. Bawal maggala sa kung saan kung ayaw mapagalitan.
Pinag-isipan ko ang sinabi ni Gelo kanina. Kahit naman mabait, gwapo o lahat lahat na ng magandang katangian ay nasa Mr. Trustworthy na 'yun, wala pa rin siyang pag-asa sa'kin.
Gusto ko nga siyang makilala para patigilin na siya kasi nagsasayang lang siya ng effort. I promised my parents and myself na hindi ako magbo-boyfriend hanggat hindi ako nakakapagtapos. Makakasira kasi sa buhay kung uunahin ko pa 'yun kesa sa pag-aaral.
Pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kay Mama bago dumiretso sa loob.
Pumunta ako sa kwarto at inilabas agad ang bulaklak. Inilagay ko ang sulat sa isang kahon na pinag-iipunan ko nito. Habang ang bulaklak naman ay pinutol ko ang tangkay at inipit sa isang notebook na malaki kung saan nakaipit din ang iba. Pagkatapos ay pareho ko itong itinago sa loob ng cabinet para hindi makita nina mama.
Ginagawa ko ito dahil sayang naman kung itatapon ko. May pagpapahalaga naman ako sa mga bagay na ibinigay sa'kin.
Nagpalit lang ako ng damit bago bumalik sa tindahan. Kailangan kung tumulong dito dahil maraming nabili kapag pa-gabi na.
Maya-maya ay dumating na 'rin ang kapatid ko. Nagmano lang din siya then she went inside. Hindi na naman 'yan lalabas at walang ibang gagawin kundi mag-cellphone.
Naiinggit nga ako sa kaniya dahil malaya siyang gawin ang gusto niya. Kahit hindi siya tumulong kay mama pagkarating ay okay lang samantalang ako ay mapapagalitan panigurado. Hindi pa din siya napagsabihan nang dahil sa pagbaba ng marka kasi ayos lang kay papa kahit anong rank ang makuha niya.
I don't really know why it's unfair. Is it because I'm the eldest?
Sobrang daming tao ng dumating si Papa galing sa trabaho. Nagmano din ako sa kaniya at itinuloy ang pagbebenta. Pagpasok niya sa loob ay inutusan niya ang kapatid ko na mag-saing.
Nang lampas alas-siyete na ng gabi ay nagsarado na kami ng tindahan. Sa pagkakaalam ko ay kami na ang pinakahuling tindahan na nagsasara kaya siguro maraming mamimili dito sa gabi.
"Ate, kanino galing 'tong mga to?" Narinig kong tanong ni Riza habang naghahain ako ng pagkain namin.
Nilingon ko siya at bigla akong nanlamig ng makita kong hawak niya ang lahat ng rosas na inipit ko sa notebook.
Inagaw ko sa kaniya ang mga ito. "Bakit mo pinakialaman?!"
"Naghahanap lang ako ng damit ko sa damitan mo dahil baka may naligaw doon tapos may nalaglag na notebook kaya pinulot ko then nakita ko yung mga bulaklak."
"Sana tinanong mo na lang ako kung meron kang damit sa cabinet ko. Tapos inilabas mo pa 'to dito. Pag ito nakita nina papa tamo k---"
"Anong nangyayari, bakit kayo nag-aaway?"
Nang marinig ko si Mama mula sa kwarto nila ay itinago ko agad sa likod ko ang mga hawak ko. Unti-unti akong lumingon sa kaniya at kinabahan ako ng makita ko si papa sa tabi niya at nakatingin din sa'min.
"Wala ma-"
"Tinatanong ko lang naman kung kanino galing 'yung mga rosas tapos parang ang laki na ng kasalanan ko."
Gusto kong tapunan ng masamang tingin ang kapatid ko dahil sa pinagsasabi niya pero hindi ko magawa dahil nandiyan ang mga magulang namin.
Lumapit sila sa amin at sa akin natuon ang paningin nilang dalawa.
"Yun ba ang itinatago mo sa likod mo?" Napapitlag ako dahil sa kaba sa tanong ni papa.
"O-opo." Dahan-dahan ko na lang itong inilabas.
"Kanino galing 'yang mga 'yan?!"
Agad akong nag-isip ng palusot dahil hindi pwedeng malaman ni papa ang totoo.
"W-wala po. P-para po sa project namin 'to," pagsisinungaling ko.
"Baka mamaya iba na ang iniintindi mo sa eskwelahan. Siguraduhin mo lang na inaayos mo pag-aaral mo."
Bumaba na ang tono ng pagsasalita niya pero may diin pa rin.
"Opo pa," tugon ko.
"Ikaw Riza, sa susunod 'wag kang mangingialam ng gamit ng ate mo," saway ni mama sa kapatid ko pagkatapos ay bumaling siya sa'kin. "Ikaw naman Gwyn, huwag ka namang mang-aaway ng dahil sa maliit na bagay."
Sabay kaming tumango ni Riza bilang tugon.
"Kumain na lang tayo," sabi ni Mama.
Nauna na siya sa hapagkainan at nagsisunod na kami ng tahimik.
Buti na lang hindi nakuha ng kapatid ko ang mga sulat kung hindi siguradong mas nahirapan akong magpalusot.
Alam kong masama ang nagsisinungaling but sometimes you have to do it to avoid more troubles.
*Don't forget to vote, comment, and share.❤*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro