Chapter 7
"Guys, tulong naman kayo sa pagsagot nito oh." Ipinakita ko sa tatlo kong ka-grupo ang mga equations sa math na dapat ay tulong-tulong naming sasagutan.
Ang nangyayari kasi ay ako na lang ang nagso-solve habang sila ay panay ang kwentuhan tungkol sa kung ano-ano.
Sinunod naman nila ang gusto ko at nagkaniya-kaniya sila ng pagsagot sa mga hindi ko pa nagagawa.
Tinapos ko lang muna ang isang equation na ginagawa ko at hinintay ko na lang ang sa kanila. Halatang hirapan sila pero patuloy pa rin ang pagso-solve.
Maya-maya ay isa-isa na nilang ibinigay sa akin ang mga scratch paper kung saan sila nagsulat.
"Ito Gwyn oh, i-check mo na lang."
Tiningnan ko ang solution ng isa kong ka-grupo. Nang mapansin kong maraming mali ay hindi ko na siya pinaulit. Ako na mismo ang nag-solve nito.
Ganon din ang nangyari sa ginawa ng iba ko pang kasama, kaya ang resulta ay ako rin ang nakapagsagot sa lahat ng sampung equations.
Ini-recheck ko pa ulit lahat dahil baka may mali o may kulang sa naisulat ko.
Ito talaga ang mahirap kapag wala akong ka-grupo na magaling din sa ganito. 'Yung tipong wala akong ibang maasahan kundi ang sarili ko.
Pero hindi ko din naman sila pwedeng sisihin kung hindi nila kaya. Lalong hindi ko sila pwedeng pagsabihan dahil alam kong sumubok naman sila.
Nagpapasalamat na lang ako dahil nakakaya ko namang sagutan lahat. I think mas better pa nga ang individual activity kesa sa groupings.
Kapag individual kasi walang asahan at mas mai-improve namin ang aming sarili. Ang problema nga lang ay kopyahan naman ang nangyayari.
"Everybody, pass the papers!" sabi ni Sir Ben, our math teacher.
Ipinasa ko na ang bond paper kung nasaan ang mga solutions and answers namin. Then our teacher bid goodbye.
Noong Lunes ay naging abala kami ni Gelo sa paghahabol ng mga quizzes na hindi namin na-take dahil sa nakaraang pageant.
Then the next days became normal. Pero tinadtad naman kami ng mga projects, activities and reportings.
Minsan gusto ko na ngang magreklamo sa mga teacher eh. Hindi ba sila marunong makiramdam?
Nakikita naman siguro nila na ang dami na naming ginagawa pero hindi sila mapakiusapan. Lalong-lalo na 'yung teacher namin sa Filipino.
Mabait naman siya sa'min pero kapag nagpapa-project siya ay gusto niya kinabukasan agad ang pasa. Iniintindi na lang namin dahil medyo may edad na siya. 'Saka mataas naman magbigay ng marka.
"Tara, bili tayong materials para sa Arts mamaya," narinig kong akit ni Lyca sa dalawa naming ka-klase na nagsitanguan naman.
Pagkatapos ay lumabas na sila ng room. Humabol naman ako dahil nawalan ako ng time kaninang 'maga para bumili ng mga kakailanganin ko.
Una kaming pumunta sa library dahil may tinitinda ditong mga school supplies. Pagdating namin doon ay wala naman si Ma'am Clara. Siya ang nagtitinda dito. Siguro may inutos sa kaniya si Ma'am Principal o kaya may pinuntahan.
"Sa labas na lang tayo bumili," suhestyon ni Mikay.
Sinang-ayunan na namin siya dahil recess naman kaya pwedeng lumabas ang mga estudyante. Isa pa may malapit naman ditong bilihan ng mga hinahanap namin.
Palabas na kami ng gate ng biglang may humawak sa balikat ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
"San kayo pupunta?"
Si Gelo lang naman pala.
"Bibili lang ng materials para sa activity natin sa Arts mamaya," tugon ko at idineretso na ang paglalakad.
"Sama ako at makabili rin."
"Ang lapit-lapit na ng bahay niyo sa tindahan na pupuntahan natin, pero ngayon ka pa lang bibili?"
"Bawal na bang makalimot?" sagot niya.
"Pwede naman." Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.
Pinabayaan ko na lang siya at sumunod na kami sa mga kaklase namin.
Nang makarating kami sa tindahan ay maraming estudyante kaya maghihintay pa kami.
Lumayo muna ako ng kaunti sa kanila dahil mainit at nagtingin-tingin muna ako sa paligid.
"Papa, takbo ka bilis!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun.
Nakita ko ang isang batang babae na masayang nakasakay sa balikat ng papa niya and I can't help to remember a memory with my father when I was just a five years old little girl.
"Hephep!" Itinuro ni Tita Rose ang pinsan kong si Eman.
"Hooray!" sigaw naman niya kasama ng pagtaas ng kamay.
Mabilis akong itinuro ni Tita.
"Hephep!" sigaw ko sabay palakpak.
"Hooray!" Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko nang sa akin nanaman itinapat ni Tita ang stick na hawak niya.
Inilipat niya ito bigla kay Eman.
"Hephep!" saad niya pero nakataas ang mga kamay niya.
"Okay, ang nanalo ay si Ate Gwyn!" anunsiyo ni Tita na sinamahan pa niya ng palakpak.
"Yey!" Nagtatalon ako sa tuwa dahil nanalo ako sa laro naming hephep hooray. Natalo ko ang apat kong pinsan na mas matatanda sa'kin ng kaunting taon.
"Aish! Mama naman eh. Dapat ako ang nanalo!" Naiinis na sabi ni Eman kay Tita Rose na ina niya.
Pinagsabihan siya ni Tita dahil sa kaniyang inasal. Mainitin kasi talaga ang ulo niya dahil lahat ng gusto niya sinusunod nina tita kasi may sakit ito sa puso.
Nagitla ako ng bigla akong iniangat ni papa at inilagay sa balikat niya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at itinaas ito.
"Anak ko 'to!" pagmamalaki ni papa sa lahat ng kamag-anak naming naririto sa dagat na masayang nakatingin sa amin.
"Yehey!" I shouted with pure happiness.
I miss those kinds of moments with him.
"Hoy!" Napabaling ako kay Gelo na bigla na lang naninigaw.
"Ano?"
"Kanina ka pa tinatanong ni Tita kung ano raw bibilhin mo."
Napansin ko na lahat sila ay may kaniya-kaniya nang colored papers at iba pang materyales.
Gaano ba 'ko katagal nakatulala?
I looked at Tita Sandra at humingi ako ng pasensiya dahil hindi ko siya narinig. Pagkatapos ay bumili na rin ako ng kailangan ko.
Tita na ang tawag namin sa kaniya dahil suki niya naman kami. We said thank you and decided to go back to our school.
Dumaan na din kami sa canteen at bumili ng makakain.
Habang naglalakad kami pabalik sa room ay hindi ko maiwasang isipin na sana kaya kong ibalik ang nakaraan. 'Yung wala pa 'kong masiyadong muwang sa mundo.
At least that time minsan lang ako masaktan at madalas masaya lang ako kasama ang buo kong pamilya. Higit sa lahat, noon maliliit na achievements lang ay nagiging masaya na si Papa.
*Don't forget to vote, comment and share.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro