Chapter 6
"Tapos ka na pala. Ready to go home?"
Nilingon ko si Gelo na hindi ko namalayang nakabalik na pala. Iniisip ko pa rin kasi kung sino 'tong Mr. Trustworthy na 'to.
"Yup, inaayos ko lang gamit ko," tugon ko sa kaniya.
Bigla niyang inagaw sa akin ang bulaklak na hawak ko. "Kanino galing 'to?"
Imbes na sagutin siya ay sinubukan ko itong kunin sa kaniya pero itinaas niya ang kaniyang kamay kung nasaan ang bulaklak.
"Akin na 'yan!" Hindi ko ito maabot dahil mas matangkad siya sa'kin.
"Abutin mo muna," pang-aasar niya.
I tried hard to reach it at halos maglambitin na ako sa kamay niya maibaba lang niya ito. Tuwing malapit ko ng maabot ay inililipat niya ito sa kabilang kamay.
"Sabi kasing magpatangkad ka muna eh."
Inihampas ko sa kaniya ang plastic bag na hawak ko dahil sa inis. "Sa'yo na nga 'yang bulaklak na 'yan! Kainin mo!"
Porket hanggang balikat niya lang ako akala niya sobrang tangkad na niya.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko at nagmartsa na ako palabas ng room.
Hindi pa ako nakakalayo nang masabayan niya ako sa paglalakad. "Joke lang 'yun. 'Wag ng magalit please. Ito na bulaklak mo oh."
Hinablot ko na lang sa kamay niya ang bulaklak at binilisan ko na ang lakad. Hindi dahil sa gusto kong makalayo sa kaniya kundi baka kasi mapagalitan na ako nina mama at papa. Sigurado akong malapit ng mag-alas-otso ng gabi.
"Saglit lang naman. Ba't ka ba nagmamadali?" tanong niya habang pilit akong sinasabayan.
"I have to hurry already. Baka hinihintay na ako sa bahay."
"Gusto mo bang ihatid kita?"
Umiling ako sa kaniya. "Wag na. Baka makaabala pa ako sa'yo. 'Saka mapapagod ka lang maglakad."
Malapit lang kasi ang bahay niya dito sa school. Mapapalayo pa siya kung ihahatid niya ako.
"Wala namang problema sa'kin. Bawi ko na rin sa pang-iinis ko sa'yo."
"Ikaw bahala."
Nagpumilit siyang dalhin ang costume ko kahit na may dala rin siyang sarili niyang gamit. Kaya ayon, parehas ng kamay niya ay may bitbit.
Habang naglalakad kami pauwi ay kwento siya ng kwento tungkol sa mga past experiences niya sa pagsali ng mga pageants.
Ang daldal niya talaga kahit na lalaki siya. Mas madaldal pa nga ata siya sa'kin.
"Maiba naman tayo. Nag-enjoy ka ba?"
"Oo naman," I answered honestly.
Na-enjoy ko naman kahit kinabahan talaga ako all throughout the contest. It feels good to experience new things.
"That's good. Alam mo, you're performance is great kahit na first time mo."
Tinawanan ko na lang siya dahil hindi ako naniniwala. "Paano mo naman nasabi?"
"Ang galing mo kaya. Lalo na dun sa Q and A. Kaya ako'y sa'yo eh."
Napatitig ako sa kaniya dahil hindi ko agad na-process ang sinabi niya. "Ha?"
"What I mean is...Kaya bilib ako sa'yo," parang nahihiyang tugon niya.
Ah...Minsan talaga may pagka-slow ako.
"San ka nga pala galing kanina? Ba't nawala kayong lahat sa room?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Isinama kami ni Ma'am sa may stage. Nagpulot-pulot lang kami ng mga kalat."
Akala ko naman may importante silang ginawa.
"May napansin ka bang nangialam ng gamit ko bago kayo umalis?"
Baka sakaling malaman ko kung sino ang naglagay ng bulaklak sa paper bag ko.
Nangunot ang ulo niya pansamantala. Siguro iniisip niya kung bakit ko natanong.
"Wala naman. Bakit may nawawala ba?"
"Wala."
Siguro saka inilagay nung wala ng tao.
"Tara kain tayong barbecue. Ililibre kita."
"Ayaw ko. Malapit na naman tayo sa bahay eh."
"Bawal tumanggi sa grasya." Hinila niya ako sa ihawan at nagbayad agad siya para sa dalawang barbecue, kaya hindi ko na siya napigilan.
Iniinit pa saglit ng tindera ang mga ito kaya ibinaba muna namin ang mga dala namin sa lupa.
"Baka mamaya may kapalit na naman 'yan," sabi ko nang iaabot na sa'kin ni Gelo ang isang stick ng barbecue.
"Wag kang mag-alala, hindi ako hihingi ng kapalit."
"Promise?" paninigurado ko.
"I promise. Kaya tanggapin mo na 'to. Alam ko namang gutom ka na."
Tinanggap ko na dahil kumakalam na nga ang sikmura ko. "Salamat."
"You're welcome."
Bumili din siya ng dalawang palamig para raw may panulak. Pagkatapos ay dito na namin inubos ang pagkain namin.
"Siya nga pala, pwede ka nang umuwi sa inyo. Ayun na ang amin eh." Itinuro ko pa ang bahay namin na ilang hakbang na lang ang layo. "Baka kasi makita ka ng parents ko at iba ang isipin nila."
"Sure, I understand. Pero mamaya ako aalis kapag nakapasok ka na sa inyo. Tatanawin na lang kita mula rito para masigurado kong ligtas kang makakauwi."
I smiled due to being touched by his concern.
"Hindi na. Baka hinahanap ka na rin sa inyo."
"Hindi naman strict sina nanay at tatay sa'kin."
"Okay, if that's what you want. I just want to say thank you for bringing me home even if I didn't tell you to."
Nginitian niya ako at tinanguan. "Syempre naman. Ikaw pa ba. So...lakad ka na palapit sa bahay niyo. I'll be just right here if you need some help."
Pinulot ko na ang mga gamit ko. "Sige. Bye Gelo."
"Bye, kitakits na lang sa Lunes." He waved his hands and so did I.
Tumalikod na ako sa kaniya at nag-umpisa ng humakbang palayo. I looked at him again at nakitang kong humihikab na siya but he managed to smile at me after. Maybe he's tired already.
Lumapit na ako sa bahay namin then I knocked on our roll-up door. Ito 'yung gawa sa steel at iniaangat para mabuksan.
I waited a little hanggang sa makarinig ako ng mga yabag. Pagkatapos ay kumalampog na ang pinto dahil sa pagbubukas nito.
I was wishing silently na sana hindi si papa ang nagbukas but all my hopes came down when I saw my father's angry face.
"Bakit gabing-gabi ka na?! Kanina pang bandang alas-sais tapos ang pageant niyo sabi ng kapatid mo ah! Pasok sa loob!"
Sinunod ko muna ang utos niya at dumiretso ako sa salas. Umupo na rin ako sa isang sofa dahil alam kong sasabunin ako ng mga tanong ni papa.
"Sagutin mo yung tanong ko kanina!"
"May ginawa pa po kasi kami bago umuwi," tugon ko habang nakayuko. Ayaw kong tumingin sa kaniya dahil natatakot ako.
"Ano pa bang paggagagawin niyo sa school?! Naglakwatsa ka pa siguro!"
"Hindi po Pa. Nag-ayos pa po kasi kami ng mga gamit namin at medyo natagalan po ako sa paglalakad," paliwanag ko pero hindi ko sinabing may kasabay ako dahil alam kong tatanungin niya kung sino ito.
"Sa susunod huwag ka ng sasali sa mga ganiyan kung male-late ka ng uwi! Naiintindihan mo?!"
"Opo," mangiyak-ngiyak na saad ko.
"Lakad na't kumain tapos matulog."
Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto. Kahit hindi niya ako sinaktan ay masakit pa rin sa dibdib na imbes na tanungin niya ako tungkol sa pagsali ko ay pinagalitan niya pa ako.
Naabutan ko si Riza na nagce-cellphone. Tulog na siguro si Mama kaya hindi na niya ako napagsabihan.
Pinapagalitan din naman ako ni mama tuwing may pagkakamali ako pero mas natatakot lang talaga ako kay papa dahil iba siya magalit.
Inilapag ko sa kama lahat ng dala ko. Inilabas ko ang trophy at pinagmasdan ito.
What if napaaga ako ng uwi? Tapos nakita ni Papa ang trophy na 'to. Matutuwa kaya siya?
*Don't forget to vote, comment, and share❤*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro