Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"Kumusta na ang pag-aaral niyo?" tanong ni papa matapos ang mahabang katahimikan habang kumakain kami ng hapunan.

"Okay lang Pa. Mga activities at quizzes lang naman ang pinagkakaabalahan namin, tapos meron din pala kaming group project na ipapasa sa isang linggo," saad ni Riza at idineretso na niya ang pagkain.

Napatango-tango si Papa sabay inom ng tubig. Binalingan niya ako pagkatapos. "Ikaw?"

Nilunok ko muna ang nginunguya ko at uminom din ako ng tubig.

"Wala pa naman po kaming pinagkakaabalahang project, pero may activity po sa school this Valentine's."

"Ano namang meron diyan?" tanong ulit niya pagkatapos sumubo ng pagkain.

"Ah....pageant po."

"Pageant lang naman pala. February 11 na ngayon. Anong araw na ba?"

"Martes po Pa," tugon ng kapatid ko.

"Ibig sabihin sa biyernes ang 14. Pwede ka ng hindi pumasok sa araw na 'yan at tulungan mo na lang ang Mama mo sa tindahan. Wala naman kayong paggagagawin sa school bukod sa manuod ng pagandahan na 'yan," sabi muli ni Papa.

"Hindi po pwede.....Isinali po kasi ako ng adviser ko," mahinang usal ko.

Kinakabahan na ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksiyon ni Papa. 

"Bakit sumali ka? Wala ka naman atang mapapala diyan at gagastos ka pa para sa kung ano-anong susuotin." May bahid na ng pagkainis ang pagsasalita ni Papa.

Tiningnan ko si Mama pero hindi naman siya mukhang galit, ok lang naman siguro sa kaniya dahil hindi naman siya nagko-komento.

"May madadagdag naman pong points sa grades ko. 'Saka hindi naman po mapapamahal ang gastusin dahil pag-aambagan po naming magkakaklase ang mga costumes," paliwanag ko.

Wala kasi akong nagawa kundi pumayag sa gusto ni Maam Mabel at ng mga kaklase ko, dahil hindi sila tumigil sa kakapilit sa akin kanina.

Tapos biglang may dumating na isang estudyante na sinusundo ang mga contestants para sa photo shoot. Naipit ako sa sitwasyon kaya napa-oo na lang ako kahit hindi sigurado kung papayag sina mama at papa.

"Bahala ka sa buhay mo, basta siguraduhin mo lang na may pakinabang 'yan at hindi puro kalokohan," tugon ni papa.

Hindi na ako sumabat pa dahil baka madagdagan ang pagkainis niya at magbago pa ng isipan.

Kumain na lang ulit kami at wala ng nagsalita.

**

Kinabukasan, pinatawag ulit ang lahat ng candidates ng alas-otso ng umaga, para naman daw sa pagpra-practice ng opening number.

Dito kami sa pavilion pinapunta. Unang tinuruan ang mga babae dahil kami ang unang sasayaw. Madali lang naman makuha ang mga steps kasi hindi masyadong komplikado.

Hindi rin magulo dahil anim lang naman kami. Ganoon din ang mga lalaki. Kasali kasi ang mga senior highschool kaya naging tig-anim.

Our dance instructor is a gay at mahilig siyang magpatawa. He's also approachable and very friendly, kaya masayang makinig sa kaniya.

Three minutes lang naman ang itatagal ng sayaw at paulit-ulit din ang steps kaya pagkalipas ng kalahating oras ay medyo natuom na namin.

Pinagpahinga na ang mga babae at mga lalaki naman ang pinalapit para turuan.

Nag-indian seat ako sa isang gilid. Nagkatinginan kami ni Gelo pero agad din akong umiwas. Naiinis ako sa kaniya dahil siya ang may kasalanan kung bakit ako kasali rito.

Kahapon sa photo shoot ay grabeng pagka-ilang ang naramdaman ko. Hindi kasi ako sanay na nagpapara-pose sa harap ng camera. The good thing was we only wore school uniforms and not some random attires.

Pinagparaiwasan ako ni Gelo kahapon kaya hindi ko siya naka-usap. Alam siguro niya na magrereklamo ako sa ginawa niya. Ngayon naman ay hindi ko siya pinapansin habang siya ay panay ang subok na kausapin ako.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang mga pawis ko. Pagkatapos ay tumayo ako para pumunta sa canteen at bumili ng bottled water. Nauhaw kasi ako sa pinaggagawa namin.

Nang makabili na ay bumalik na ulit ako sa pavilion at muling umupo sa dating pwesto.

I drank some water then inabala ko na lang ang sarili ko sa pagce-cellphone. Wala naman akong kailangang pag-aralan dahil excuse kami ni Gelo sa klase hanggang sa isang araw.

Dahil sa kaka-scroll sa facebook ay hindi ko napansin na tapos na din pala ang mga lalaki.

Nakita kong papalapit sa akin si Gelo kaya yumuko ulit ako at tumutok sa cellphone.

Naramdaman kong umupo din siya sa tabi ko kaya umisod ako ng kaunti. Maya-maya ay sinundot niya ang bewang ko pero hindi ako nag-react. Ang hilig talaga niyang gawin 'yan sa'kin lalo na pag nagpapapansin.

"Uy, galit ka pa rin?" tanong niya sa malambing na tono.

Bahala siya diyan.

"Psst. Sorry na." Inulit niya na naman ang panunundot ng bewang ko.

Isa pa talaga, hahampasin ko na 'to.

"Huy." Ngayon naman ay pisngi ko ang sinundot niya.

"Pinagtritripan mo ba ako?!" Singhal ko sa kaniya. Kasi naman ang kulit-kulit tapos kung ano-ano pa pinaggagagawa sa'kin.

"Hindi ah. Gusto ko lang namang tumingin ka sa'kin. Nagso-sorry na ako dito oh," tugon niya.

"Bakit mo ba kasi ako pinasali rito? Nananahimik ako kahapon sa upuan ko ah," naiinis na tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya. "Wala lang."

"So trip mo lang ganon?"

Mas nadadagdagan ata ang pagkabwisit ko sa kaniya.

"Hindi naman. Actually gusto ko lang kasing ma-experience mo ang ganito. 'Saka ako naman partner mo kaya walang masama," saad niya.

Napabuntong hininga na lang ako. "Fine. Wala naman akong choice diba? Hindi naman pwedeng bigla na lang akong mag-backout nang walang sapat na rason."

"So, bati na tayo?" Parang-batang saad niya.

"Oo na." Wala namang magbabago kung patuloy akong magagalit sa kaniya.

"Yes!" Yayakapin niya sana ako pero pinigilan ko na agad siya.

"Tawag na tayo. Magpra-practice na daw para sa sayaw ng partners," sabi ko sabay tayo at lumapit na sa instructor.

**

We spent the last day before the contest for preparing.

Nung umaga ay byumahe kami ni Gelo para mag-arkila ng costumes na babagay for Valentine's day.

Luckily, hindi na namin kinailangan pang magpakalayo-layo dahil may nahanap agad kami and I think they are both perfect.

During the afternoon ay nagkaron kami ng last practice and itinuro sa amin ang pagkakasunod-sunod ng pag-rampa.

Naging abala din kami at ang lahat ng estudyante sa pag-aayos ng stage kung saan gaganapin ang pageant.

Pinaglinis kami at pinatulong sa pagdidisenyo. Until everything was all set.

Bago kami umuwi ni Gelo ay ipinatawag pa kami ni Ma'am Mabel.

"Ready na ba kayo for tomorrow?"

I nodded at her. "Yes, Ma'am."

"Handang-handa na po," segunda naman ni Gelo.

"Very good then. Good luck to the both of you," she said happily.

"Thank you Ma'am," sabay naming tugon ni Gelo.

I hope that tomorrow will be a great day.

*Don't forget to vote, comment, and share.❤*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro