Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"Tone down your voice. This is a library remember?" paalala ko sa kaniya.

Kung makabati naman kasi, akala mo kami lang ang tao dito.

"Oops, sorry." Ngiting-ngiti siyang naghila ng bangko sa tabi ko sabay upo.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Syempre mag-aaral," he said
sarcastically.

"Ah... Akala ko sinundan mo lang ako eh," pagbibiro ko.

"Ang kapal mo naman. Nagkataon lang po na nandito ka rin kaya lumapit ako sa'yo. 'Saka absent ako kanina, pa'no kita masusundan?" Inilabas niya pa ang dila niya na parang nang-aasar.

Iningusan ko na lang siya. "Sorry naman. I forgot okay. Bakit ka nga pala umabsent? First time 'yun ah."

Magkaklase kami at hindi kasi talaga siya uma-absent. Nasa likuran siya naka-upo kaya minsan lang kami magkapansinan sa loob ng room at 'saka pareho kaming seryoso kapag may nagtuturo sa unahan, kaya siguro nakalimutan ko na absent siya.

"Si Maccoy kasi nagkalagnat. Tumulong muna ako kay Nanay sa pag-aalaga kasi iyak ng iyak."

"Ah...Ayos na ba siya?"

Bunsong kapatid ni Gelo si baby Maccoy na apat na taong gulang pa lang. Bale tatlo silang magkakapatid, pangalawa si Gelo. Ang panganay ay si Ate Liza na second year college na ngayon at sa Manila nag-aaral.

"Oo naman. Tulog na siya nung umalis ako ng bahay."

"Buti naman."

Muli kong ibinalik ang atensiyon ko sa binabasa ko dahil wala na akong masabi.

"Bakit hindi ka na naman umuwi?"

Ipinakita ko sa kaniya ang binabasa ko. "Dahil dito."

Nahagip ng paningin ko ang librong nasa harapan niya at napansin ko na kaparehas lang ito ng hawak ko.

"Ikaw? Ano namang pag-aaralan mo diyan?"

"Kaparehas lang ng sa'yo. Wala kasi akong tiwala sa ituturo mo mamaya," mayabang na saad niya sabay buklat din ng aklat.

"Neknek mo! Malinaw kaya ako magpaliwanag. Para namang hindi ka sa'kin nagtatanong pag may hindi ka nage-gets sa mga lessons natin."

"Uy, minsan lang naman ako magtanong sa'yo. Baka nakakalimutan mong matalino din 'tong kasama mo." Kumindat pa siya sa'kin kaya pabiro kong hinampas ang pisngi niya.

"Alam mo, ang yabang mo! Hindi mo nga ako matalo-talo eh!"

Siya ang pumapangalawa sa'kin lagi every year. Madalas dalawa o tatlong puntos lang ang lamang ko sa kaniya.

"Maghintay ka lang Gwyniebabes. Matatalo din kita. Not now but soon," he said then smirked.

Inirapan ko na lang siya at itinuon ko na lang ulit ang aking mga mata sa nakasulat sa libro dahil wala akong mapapala sa pakikipagkuwentuhan sa kaniya.

Napakislot ako ng bigla niyang sinundot ang bewang ko. Tiningnan ko siya ng masama dahil 'don.

"Gelo naman, 'wag ka nang magulo please. Mamaya ka na mangulit kapag hindi na 'ko busy."

"Oo na, pero pwede bang manghingi ng notes tungkol sa pinag-aralan kaninang umaga?"

"Sure, mamaya pagkatapos ko nito."

Ngumiti siya ng malapad at ginulo ang buhok ko. "Okay, the best ka talaga."

Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko at itinulak ko siya ng bahagiya. "Lumayo-layo ka nga sa'kin. Iniistorbo mo na ako eh. Fifteen minutes na lang magbe-bell na kaya hayaan mo muna ako mag-focus."

"Parang ako lang ang maingay ah. Mag-aaral na nga lang din ako." Ibinaling niya bigla ang mga mata niya sa libro.

Hindi ko na pinansin ang pang-aalaska niya at nag-review na lang ulit ako. Then we studied in silence.

**

"Tara na sa mga grade seven," sabi ni Gelo pagkalabas ng huling teacher namin sa hapon.

"Okay." Isinukbit ko na ang bag ko at sabay na kaming umalis ng room.

Tahimik lang kami na naglalakad. Papunta kami ngayon sa mga tinuturuan namin. We're doing some tutorials since first grading for grades purposes. 'Saka makakakuha din kami ng mga best in something or awards sa pamamagitan ng gan'to.

Lagi kaming tandem ni Gelo kapag sa ganitong mga gawain. 'Yung pagre-review namin ng magkasama tulad kanina ay hindi na rin bago. Siya ang partner ko sa pag-aaral at madalas nagbre-brainstorming kami kapag magkakaron ng quizzes, graded recitation, or exam.

Pagkarating namin sa room ng mga itinu-tutor namin ay nakita namin si Maam Glo na mukhang busy sa paggawa ng lesson plan.

"Good afternoon, Ma'am," pagkuha ko sa atensiyon niya.

Nilingon niya naman kami at ngumiti. "Kayo pala, pasok na. Kanina pa kayo hinihintay ng mga estudyante ko."

Tumango na lang ako at umuna na sa pagpasok.

Pumunta kami sa harapan ng labing-isang mag-aaral na tinuturuan namin. Sila yung mga nahihirapan sa math subjects kaya kailangan nila ng guide.

"Hi guys!" bungad ko sa kanila.

"Hello, ate Gwyn and Kuya Gelo," tugon ng ilan.

Pinag-ipon-ipon namin sila sa isang row para hindi magulo tingnan. Pagkatapos ay naglibot na si Gelo para papirmahin sila sa isang buong papel upang magkaron sila ng attendance. Habang ako naman ay nagtanong na tungkol sa last lesson nila at kung ano ang mga hindi nila naintindihan tungkol dito.

Nang matapos ang paga-attendance ay sinimulan na namin ang pagtuturo. It's all about mean, median and mode dahil ito ang topic nila ngayong fourth grading.

Habang nagtuturo ako ay abala naman si Gelo sa pagkuha ng litrato bilang documentation or patunay na nag-tutor kami.

Pagkatapos ng discussions ay inumpisahan ko na ang pagsusulat ng activity na isasagawa nila para malaman namin kung may natutunan ba sila.

"Gelo, pakibigyan na sila ng tig-iisang bond paper para diyan na lang sila magsulat please," sabi ko ng hindi siya tinitingnan. Nagsusulat pa kasi ako sa board.

Nang matapos na ako ay ibinalik ko na ang chalk na ginamit ko sa lagayan nito at pinagpag ko ang kamay ko.

Humarap na ako sa kanila at nagtaka ako ng wala pa silang mga hawak na papel. Binalingan ko si Gelo at nahuli ko siyang nakatingin lang sa'kin.

"Uy!" pagtawag ko sa kaniya.

Nagitla siya at ilang beses napakurap. "Bakit?"

"Anong bakit? 'Di mo ba narinig yung sinabi ko sa'yo kanina?"

"Ano ba 'yun?" tanong niya sa nagtatakang tinig.

"I said give them the bond papers, para makapagsimula na sila sa pagsagot ng activity."

"Sige." Ngumiti siya ng tipid at nagsimula ng kumilos.

"Do you have any problem? Bakit natulala ka kanina?" I asked him.

"Baka nagandahan lang sa'yo ate Gwyn!" Sigaw ni Hanna, isa sa mga estudyante.

"O di kaya naman, naiinlove na sa'yo ate!" Segunda naman ni Kate.

Nakisabay din sa panunukso 'yung iba. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa pinagsasasabi nila.

"Kayo ha! San niyo naman nakuha yan? Magsipagsagot na nga lang kayo," panenermon ni Gelo.

"Mamaya maniwala pa si Ate Gwyn niyo tapos akalain niyang sobrang ganda niya dahil nagustuhan siya ng isang tulad ko," natatawang dugtong niya pa.

I glared at him because of that.

Feeling niya naman sobrang gwapo niya. Pasalamat siya malayo siya sa'kin kundi nabatukan ko na siya.

But I'm really wondering why he spaced out...

*Don't forget to vote, comment and share❤*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro