Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

12 years later......

I'm busy chatting with my high school classmates on messenger nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng isang kwarto kaya napalingon ako.

"Good morning wife, have you seen my belt?" he said while buttoning his polo.

"Good morning and nope, hindi ko nakita. Wala ba sa kwarto mo?" I replied and then looked at his get-up today.

He's wearing a blue polo, and black pants then his hair is brushed cleanly.

"Wala eh, anyway forget it. Mamaya ko na lang hahanapin at baka ma-late pa ako sa pupuntahan ko." He looked at his reflection in the mirror to check his looks.

"Where are you going?" I asked curiously.

"I'm just going to meet someone." He went to the kitchen at pinanood ko ang bawat galaw niya.

"A date?" I asked.

"Nope, sa'yo lang ako kaya 'wag kang mag-alala." He winked at me and then I rolled my eyes in return.

We're just living in a small condo unit kaya nagkakarinigan kami kahit nandito ako sa living room.

"How about you, wife? Are you ready to go back home?"

Kinuha niya ang pitchel ng tubig sa fridge at nagsalin sa baso then he drank it.

"Yup. Nakaempake na ang ilang mga gamit ko. Its good for one week," I answered.

Uuwi ako sa barangay namin dahil a-attend ako ng high school class reunion na inorganize ng ilang officers ng klase namin nung grade 10.

We were informed last month and tomorrow will be the reunion.

I'm on leave for a week dahil gusto ko ding maka-bonding ang pamilya ko kasi almost 5 months na din kaming hindi nagkikita-kita at sila pa ang bumisita sa'kin noon.

"Don't you have any cases left?"

Kinuha niya ang kaniyang sapatos na nasa may pinto ng kwarto niya at naupo sa sofang katapat ng kinauupuan ko.

"Wala na. Sinigurado ko kasing wala akong maiiwang trabaho."

I'm now a family lawyer and I'm working in a great law firm here in Manila.

Pinili kong maging lawyer dahil una sa lahat maganda ang sweldo. Makakatulong din ako sa ibang tao at alam kong kaya kong maging magaling na lawyer.

Buti na lang pinayagan akong mag-leave ng CEO ng law firm na pinagtratrabahuhan ko.

"Oh, okay. Anong oras ka aalis?"

"In an hour or so," I answered.

"Take care then. I'll wait for you, wife. Please don't forget me, okay?" He looked at me with pleading eyes.

Binato ko naman siya ng unan na nakalagay dito sa upuan ko. Natatawa niya itong sinambot.

"Ang OA mo rin eh. Wag mo nga akong pinaglololoko diyan. Baka nga masaya ka pa na aalis ako dito sa pamamahay mo."

Ibinaba ko ang phone ko sa center table and then I crossed my arms in front of my chest.

"Sinong may sabi sa'yong matutuwa ako? Sobrang lungkot ko nga na iiwan mo ako eh." Pinalungkot niya ang mukha niya at umakto pang naiiyak.

"Ewan ko sa'yo. Umalis ka na nga!" Naiinis na saad ko.

He chuckled lightly at tumayo na.

"Okay, ingat ka sa biyahe ha. I'll surely miss you wife." He said lovingly and gently kissed my forehead.

"Opo. Mami-miss din naman kita pero please pwedeng pakitigil-tigilan mo na ang pagtawag sa'kin ng wife? Kinikilabutan ako sa'yo eh. Hindi naman kita asawa, pinsan kita Ruzz."

"Ang kj mo talaga. Fini-feel ko lang naman ang pagli-live in nating dalawa." He said at kinuha ang susi ng motor niya sa sabitan nito.

"Well, I don't like you calling me wife."

He's Ruzzel Diaz, my cousin on my mother's side and an accountant.

Nakikitira lang ako dito sa bahay niya dahil malapit 'to sa pinapasukan ko at makakatipid din ako. Close naman kami at mabait naman siya kaya wala kaming problema sa isa't-isa.

"At sino ang gusto mong tumawag sayo ng wife? Siya?" He said emphasizing the last word.

"Sinong siya na naman 'yan?" I asked kahit na alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

"Sino pa ba? Edi si.."

"Oo na! Umalis ka na pwede? Baka hinahanap ka na ng ka-meeting mo!" Tumayo na ako at ipinagtulakan na siya sa pintuan.

"Fine, say hi to him for me alright?"

I made a face and rolled my eyes.

I love his playful side pero naiinis talaga ako.

"Whatever. Goodbye. See you in a week," I said.

He smiled at me and we hugged each other bago siya naglakad palayo.

I waved at him before closing the door.

I looked at the clock and it's already quarter to 9. I think it's time to take a bath.

Kailangang makaalis na 'ko agad para hindi ako abutin ng sobrang gabi sa daan.

I went inside my room at naligo.

Magkaiba kami ng kwarto ni Ruzz dahil kahit na magpinsan kami at pinagkakatiwalaan ko siya ay hindi pa rin tama na sa iisang kwarto kami matulog.

Nang matapos ako sa pagligo at pagbibihis ay inilabas ko na ang maleta na dadalhin ko. Mga damit at pasalubong ang laman nito.

Kinuha ko na ang susi ng kotse ko and then I turned off all the light, pagkatapos ay dinala ko na ang maleta at isang shoulder bag palabas.

I locked the door and went to the elevator.

Nang makababa na 'ko sa ground floor ay lumabas na 'ko ng building at pumunta sa parking lot.

Hinanap ko ang kotse ko at sumakay na ako rito then I drove away.

Malaki-laki na din ang naipon ko kaya nakakaya ko ng bumili ng mga gusto ko katulad nitong kotse. Nagpapadala rin ako kina mama buwan-buwan at natutuwa ako na natutulungan ko sila.

Sa ngayon ay maalwan na ang buhay namin at masaya naman ako. Pero bakit parang may kulang?

There's something missing and alam na alam ko kung ano 'yun.

28 years old na ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. May mga nanligaw naman nung college pero wala akong sinagot.

'Kasi siya lang ang gusto mo,' saad ng isipan ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

Totoo pala 'yung kasabihan na 'absence makes the heart grow fonder.' Dahil nung nalayo ako sa lalaking iyon ay 'saka ko na-realize na may nararamdaman pala ako para sa kaniya.

How I wish na totoo ang lahat ng sinabi niya noon.

**

Mag aalas-sais na ng hapon at nasa tapat na ako ng bahay namin. Inabot ako ng walong oras sa biyahe dahil may traffic at tumigil din ako kanina sa isang kainan para mananghalian.

Nakakapagod nga ang biyahe pero masaya ako na nakarating ako dito ng ligtas.

Finally makikita ko na ulit sila mama, papa at ang kapatid ko.

Bumusina ako ng isang beses at nakita kong lumabas si Riza.

Nang makilala niya ang sasakyan ko ay agad siyang napangiti ng malapad at binuksan ang gate ng garahehan na nasa tabi ng bahay namin.

Kasya pa naman dito ang kotse ko kahit na may laman na itong isa pang kotse na binili ko para sa kanilang tatlo.

Pagkapasok ng kotse ko ay bumaba na ako ng sasakyan. Binuksan ko ang back compartment at inilabas ko ang maleta ko.

Nang makalabas ako ng garahehan ay niyakap ako ng kapatid ko at nagtanong agad ng kung ano-ano habang naglalakad kami papasok ng bahay.

Isa na siyang teacher ngayon at siya din ang tumutulong kina mama dito sa tindahan.

Mama and papa are on their 50's now. Malakas pa sila at walang karamdaman.

Naghihintay na pala sila sa'kin sa salas at sinalubong din nila ako ng mahigpit na yakap. Pagkatapos ay nagkamustahan kaming lahat.

Naging mas maayos at maganda ang relasyon namin bilang isang pamilya simula nung nagkausap-usap kami after kong maglayas dati. They supported me throughout my journey as a student and up until now.

Tinanong ko sila about kay Inay at sinabi nilang maayos pa rin ito katulad ng dati. She's now 86 years old. Nandon pa rin siya sa bahay niya pero kasama niya naman ang isa kong pinsan na lalaki kaya hindi naman kami masyadong nag-aalala.

We catched up on each other at parang nawala ang pagod ko ngayong nakausap ko na ulit sila ng harapan.

I missed them so much kahit na halos araw-araw ay nakakausap ko sila sa cellphone. Hindi kasi pwedeng umuwi ako buwan-buwan dahil lagi akong kailangan sa trabaho.

We also talked about my plans this week. Alam naman nila na may reunion kami ng mga high school classmates ko bukas dahil ipinaalam ko ito sa kanila last week and they already expected na uuwi ako ngayong araw.

Tomorrow will be one joyful day and I hope to see him again.

*Hey Lovies❤ Thanks for reading!*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro