Chapter 18
Gelo's POV
Grade six kami at announcement of honors na. Dapat masaya kaming lahat na nakasali sa honors pero nasilayan ko ang grabeng lungkot sa mga mata ni Gwyn.
Matamlay na matamlay siyang naglakad pauwi sa kanila. Hindi ko alam kung dahil sa pagiging salutatorian niya kaya siya ganiyan o may iba pang dahilan, kasi ako masaya naman ako kahit pang top five lang ako.
Hanggang sa dumating ang graduation namin. Hindi ko siya nakitaan ng kahit konting kasiyahan sa mukha. Ngumingiti siya sa tuwing kukunan siya ng litrato pero halatang pilit.
Classmate ko siya simula kinder at ito lang ang awarding na hindi siya masaya. Naisip kong dahil na rin siguro sa mama niya lang ang kasama niya, samantalang dati rati ay uma-attend din ang papa niya.
Nang tumuntong kami ng first year high school ay napansin kong mas naging masipag siya sa pag-aaral. Halos libro na lang lagi ang kaharap niya.
Dahil sa pagpupursigi niya ay bigla ko na lang din naisipan na mas pagbutihin ang pag-aaral. Hanggang sa tinatabihan ko na siya kapag nagre-review s'ya.
Ewan ko ba pero napagtripan ko siyang sabayan sa tuwing nag-aaral siya at natutuwa rin ako. Natututo kasi ako kapag siya ang kasabay ko dahil kapag may hindi ako naiintindihan ay natatanong ko agad sa kaniya.
Minsan nga nagtataka ako kung bakit kailangan niya pang mag-review ng mag-review. Kung tutuusin kasi ay wala namang makakatalo sa kaniya sa buong batch namin. Hindi naman na dito nag-aaral 'yung valedictorian namin nung grade six at kahit na mas inaayos ko ang pag-aaral ko ay hindi ko naman hinahangad na matalo siya. Nakontento na ako sa pagiging pangalawa sa kaniya.
Napabalik ako sa huwisyo nang siniko ng katabi ko ang aking braso at naalis ang pagkakahalumbaba ko sa arm chair.
"Ano 'yun?" takang tanong ko sa kaniya.
"Alam mo bang kanina pa ako nagsasalita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig? Nakatulala ka nanaman kay Gwyn eh. Amin amin din kasi pag may time," sabi ni Albert sa nang-aasar na tono.
"Wala akong alam diyan sa sinasabi mo at 'wag mo nga akong istorbohin kung wala kang importanteng sasabihin," pagsusungit ko.
He smirked at me in return. "Hayy naku bro. Bumalik ka na nga lang sa pagde-daydream mo."
Nailing na lang ako at muling napatuon ang paningin ko kay Gwyn na busy sa pakikinig sa aming guro.
Wala na nga akong naintindihan sa mga itinuturo ni Ma'am dahil sa kakaisip ko ng nakaraan.
When I heard the bell rang ay lumapit ako kay Gwyn para akitin siyang mag-recess. Inilingan niya lang ako bilang tugon at hindi ko na siya pinilit dahil mukhang magre-review siya para sa quiz sa sunod na subject.
Bumili ako ng pagkain naming dalawa dahil baka magutom siya dahil sa kaka-aral. Biscuit lang ang binili ko para sa'kin at ibinulsa ko agad ito para mahawakan ko ng maayos ang coke at bananacue para sa kaniya.
Nang iabot ko sa kaniya ang mga ito ay hindi niya agad tinanggap pero kalaunan ay nagpasalamat siya sa panililibre ko. Niloko ko pa nga siya na sisingilin ko siya mamaya.
Pagdating ng tanghali ay naghanap si Ma'am Mabel ng pambato sa pageant for girls para sa Valentines day.
Nagkaniya-kaniya ng suggestions ang mga kaklase ko pero isa lang talaga ang gusto kong maging partner kaya itinaas ko ang aking kamay.
"Any suggestion Mr. Adriano?" tanong ni Ma'am.
Tumayo ako at tiningnan ko muna isa-isa ang mga kaklase ko bago ako bumaling muli kay Ma'am.
"Si Miss Lacsamana po. I want her to be my partner," I said at naupo na akong muli.
Ginatungan ng iba naming kaklase ang suhestiyon ko. Pinukulan naman ako ng masamang tingin ni Gwyn pero nginisihan ko lang siya.
Siguro iniisip niya na ito ang sinasabi kong bayad sa panlilibre ko kanina, pero hindi ko naman talaga plinanong singilin siya.
Nang tanungin siya ni Ma'am ay labis ang tuwa ko dahil pumayag siya kahit na alam kong napipilitan lang siya.
Lagi naman talaga akong nae-excite sa tuwing makakasama ko siya sa mga dayo o sa kahit na anong extracurricular activities.
Hindi ko naman itinatanggi sa sarili ko na gusto ko siya. This feeling started when we're in grade eight.
Unti-unti siyang naging sentro ng atensyon ko. Kahit simpleng ngiti niya lang ay nagiging masaya ako at mas ginugusto ko na makausap siya araw-araw.
Sobrang simple niya kasi, matalino at mabait din kahit na may pagka-masungit. Marunong siyang makisama sa mga kaklase niya at napaka-responsable.
Grade nine kami at kaming dalawa lang ang nasa english garden when I asked her about her ideal type of guy.
"Basta mabait at masipag okay na. Hindi naman mataas ang standards ko pagdating sa lalaki."
Iyan ang isinagot niya. Natatawa pa nga siya habang nagsasalita. Akala niya siguro ay trip ko lang siyang tanungin, pero grabe talaga ang anticipation ko na malaman ang sagot niya.
'Mabait naman ako, masipag din, at bonus pa nga ang pagiging gwapo ko,' I told myself as I compare myself to her ideal man.
That's the time that I realized na may nararamdaman na pala ako sa kaniya.
Nung bakasyon nga ay gustong-gusto ko na agad magpasukan para makasama ko na ulit siya ng matagal sa bawat araw.
Mas tumindi pa ang nararamdaman ko para sa kaniya this school year but it's too early to identify it as love. What I know is that she's the most special girl in my life other than my mother.
When Valentine's day came, naisipan kong simulan ang pagbibigay ng bulaklak sa kaniya pero pasekreto lang dahil alam ko naman na mas importante ang pag-aaral para sa kaniya kesa sa lovelife.
May mga pagkakataon na inaasar ko siya na kaya wala siyang boyfriend ay dahil sa walang nanliligaw sa kaniya, pero kasabay ng pang-aasar na 'yon ay ang tahimik kong paghiling na sana nga walang sumubok kasi putcha! Feeling ko made-depress ako pag nangyari 'yun.
Kung madali lang sanang umamin ay nagawa ko na pero natatakot kasi ako na layuan niya ako kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko.
Inilagay ko ang unang bulaklak kasama ang isang simpleng sulat sa mga gamit niya habang nagbibihis siya pagkatapos ng pageant at nagkunwari ako na hindi sa'kin nanggaling ang mga iyon.
Inihatid ko din siya sa kanila dahil gabing-gabi na. Pinanuod ko siya hanggang sa makapasok siya sa bahay nila.
Nakaramdam din ako ng pag-aalala dahil napansin kong mukhang pinagalitan siya ng papa niya bago papasukin.
Days passed like a blur.
Nakatapos na kami sa page-exam for fourth grading at inakit ko si Gwyn sa bahay dahil 5th birthday ni Maccoy. Pagkatapos naman ng mahaba-habang pilitan ay pumayag din siya.
Ipinakilala ko sa kaniya ang pinsan kong si Dianne bilang girlfriend ko, dahil marami ng nanunukso sa'ming dalawa at baka maghinala na siya na totoong gusto ko siya.
Nang dumating ang Moving-up, nakaramdam ako ng lungkot dahil mapapawalay na ako sa kaniya. Pero masaya naman ako sa mga achievements na nakuha niya.
Na-disappoint ako nung nalaman ko na hindi pala siya sasama sa class outing. Akala ko kasi ay magkakaroon pa kami ng last bonding together.
Pero naiintindihan ko naman na kailangan niyang sundin ang parents niya. Isa din ang pagiging strict ng mga ito kaya hindi ako nagtatangkang manligaw.
The day after the outing, her parents invited all of her classmates including me to celebrate with them using Gwyn's messenger account.
Hindi ako nag-atubiling sumama because I want to take the opportunity to say goodbye to her and confess my feelings.
Nagtaka nga ako kung bakit hindi sa bahay nila gaganapin ang party and then I found out na naglayas pala siya. Gusto kong itanong ang dahilan pero alam ko na family matters 'yun at walang ibang dapat makisawsaw.
"Hey," pagtawag ko kay Gwyn sa mahinang boses habang nakikipaglaro kami sa mga kaklase namin ng uno cards.
"Bakit?" Tugon niya sa'kin.
"Can we talk?" I asked.
"Okay, wait lang," she said then stopped playing.
Nagpaalam kami sa mga kaklase namin at nakatanggap pa kami ng panunukso bago kami nakaalis sa harap ng grupo.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya pagkaupo namin.
Napakamot ako sa batok ko dahil tinatamaan ako ng hiya. Wala pa man akong nasasabi ay kinakabahan na ako.
I'm sweating bullets right now pero hindi ko pinahalata ang kaba ko.
Sinabi ko sa kaniya na gusto ko lang makapagpaalam kami sa isa't-isa ng maayos. Nagdagdag din ako ng ilang mga bilin at hiniling ko sa kaniya na sana hindi lumayo ang loob namin sa isa't-isa.
Nalulungkot ako na sa magkalayong lugar na kami mag-aaral.
Lilipat kami sa Mindoro at ibebenta na ang bahay namin dito. Hindi ko alam kung kailan kami makakabalik ng pamilya ko, pero ayaw kong dumating 'yung panahon na mababaliwala ang mga pinagsamahan namin ni Gwyn. I don't want us to treat each other as strangers someday.
Iniwan ko siya saglit para kuhanin ang regalo ko para sa kaniya. I made this the day before moving-up. Ang plano ko sana ay ibigay sa kaniya after ng ceremony pero nahiya talaga ako.
Tatagkalin na sana niya ang pagkaka-wrap ng regalo kaya hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Natatakot kasi akong makita ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang laman.
Para akong nakuryente nang maglapat ang mga balat namin and I can't help to admit that I like the feeling of our hands holding like this.
Tinagkal ko din naman agad ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil baka mailang siya.
Nang makita kong natuwa naman siya sa regalong ibinigay ko ay sobrang saya ko na rin. Feeling ko hindi nasayang ang effort ko sa paggawa ng explosion box. Ito ang naisipan kong iregalo sa kaniya dahil gusto ko pinaghihirapan ko talaga. Ayaw kong magbigay ng basta na lang binibili kung saan. For me, she deserves something more special.
Hanggang sa makauwi ako at makahiga sa kama ay wala akong ibang hiniling kundi sana ay dinggin niya ang nakalagay sa sulat na ibinigay ko.
Oo hindi ako nagpakalalaki dahil hindi ko nagawang umamin ng harapan. Naduwag kasi ako eh. Pero mas mahalaga naman siguro na totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Sana 'pag nagkita kami balang araw ay maging mas matapang na ako at makaya ko ng ipangalandakan na siya ang babaeng gusto ko.
I hope that someday I'll have the chance to court her and let her feel how special she is to me.
*Hope you like this chapter❤ Thank you for reading and please support the story 'til the end. 3 parts na lang guys^_^*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro