Chapter 17
"Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko nang makita nila 'ko.
I wasn't expecting them to be here.
There are lots of foods on the table. And there's also a banner saying congratulations. But what caught my attention the most are my parents.
My mother is crying while looking at me and my father is just staring at me but I saw softness in his eyes.
"Mga bata, labas muna tayo." Narinig kong sabi ni Inay at nagsisunod naman ang mga kaklase ko. Kasama din nila ang kapatid ko palabas.
I didn't take any step closer to my parents because I don't know how to react or what to do. Hindi ko napaghandaan ang pagdating nila. Nagtataka din ako kung bakit umiiyak si mama. Maging si papa ay hindi ko nakikitaan ng galit dahil sa paglalayas ko.
Tatanggapin ko naman kung magagalit sila kasi alam ko na nagkamali talaga ako dahil walang matino o masunuring anak ang maglalayas sa bahay nila.
Mas nagulat ako ng biglang naglakad palapit si mama then she enveloped me with her tight embrace.
"We're so s-sorry," she whispered to me while sobbing.
"M-ma?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit siya nagso-sorry?
"S-sana mapatawad mo kami ng papa mo. Sorry anak kung hindi ka na namin napapasaya. Sorry kung hindi na namin naipapakita sa'yo kung ga'no ka kahalaga. Patawarin mo kami anak kung ang dami naming pagkukulang sa'yo."
Pinakawalan niya ako mula sa pagkakayakap niya at ngumiti siya sa'kin. Pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha ko na kanina pa tumutulo habang nakikinig ako sa mga sinasabi niya.
"Anak?"
Pareho kaming napalingon kay papa nang tawagin niya ako.
"P-po?" Mahinang usal ko.
Lumayo si mama ng konti sa'kin at si papa naman ang yumakap sa'kin. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa mga balikat and he stared into my eyes.
"Patawarin mo sana si papa. Gusto kong sabihin sa'yo ngayon na sobrang proud na proud ako sa'yo anak. Hindi mo alam kung gaano kita ipinagmamalaki sa mga kaibigan ko sa tuwing may mga achievements ka. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa buong mundo na may anak akong kagaya mo ay gagawin ko."
He stopped and smiled at me a bit. Ngayon ko lang nakitang umiiyak si papa and my heart is overflowing with happiness because I know that he's sincere.
"Hindi po ba kayo galit sa'kin dahil sa paglalayas ko?" I asked.
Inilingan niya naman ako at hinaplos ang pisngi ko.
"Hindi kami galit sa'yo. Pagkataranta at pag-aalala ang tangi naming naramdaman nang magtagal ka sa labas. Pinahanap kita sa kapatid mo pero hindi ka niya nakita kaya kung ano-ano na ang naisip ko. Akala namin napahamak ka na. Buti na lang tumawag si Inay to inform us that you're with her. And when she told us how you cried in front of her para akong binuhusan ng malamig na tubig. I realized that it's my fault."
Napayuko siya at parang pinipisil ang puso ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagsisisi sa boses niya.
He looked at me again. Pulang-pula na ang mga mata niya dahil sa pag-iyak at alam kong ganoon din ako.
"Alam ko na madalas sumosobra na ako sa pagdidisiplina sa'yo and I'm so sorry for that anak. Sorry kung hindi na ako nagiging mabuting ama sa'yo. All I want is for you to be a strong woman when you grow up. Gusto ko lang na matuto kang gawin ang mga responsibilidad mo bilang panganay. I want you to learn how to survive in this world without us. Darating kasi 'yung araw na mawawala na kami ng mama mo at gusto kong siguraduhin na kaya mo ng magpaka-ate sa kapatid mo kapag nangyari 'yun. And I didn't know that I was hurting you on the process. Hindi ko alam na sa kagustuhan ko na mas mapabuti ka ay lalo pala kitang nasasaktan. So from now on, I promise not to pressure you anymore at mas ipapakita ko sa'yo o sa inyo ng kapatid mo na mahal na mahal ko kayo. I and your mother loves the both of you so much. So....can you forgive your papa, anak?"
I nodded multiple times and hugged him. He kissed my forehead and then he also embraced me. Pagkatapos ay naramdaman ko din ang pagyakap ni mama sa aming dalawa.
Hindi ko inakala na mangyayari pa ang pagkakataong 'to. Never did I imagine that my mother and father would ask for my forgiveness.
I thought I would be living my life forever trying so hard to be the perfect daughter for them. Akala ko hindi na 'ko magiging ganto kasaya.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ng sumabog ng puso ko dahil sa mga nalaman ko.
I'm so happy that finally narinig ko na ang matagal ko ng gustong marinig.
My father finally told me that he's so proud of me and I'm crying because of so much joy right now.
Parang daig ko pa ngayon ang nanalo sa lotto. I think I'm the happiest girl in the whole universe today.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit iba ang pagtrato ng mga magulang ko sa'kin.
Nakakatawa nga alalahanin na dati inisip ko na baka ampon lang ako. Kasi ganon 'yung mga napapanood ko eh. Kapag sinasaktan ng mga magulang ay madalas ampon.
But I would never wish na sana hindi sila ang naging mga magulang 'ko. Dahil napakaswerte ko na kasi binibigyan nila kami ng maayos na buhay at hindi namin nararanasan kung pano magutom ng sobra habang walang makain.
'Thank you Lord for letting me experience this moment and I don't need to ask for more because you've already given me what I wanted the most.'
**
I spent the afternoon jamming with my classmates.
Pinakita nila sa'kin 'yung mga pictures nila kahapon sa dagat. At pansin na pansin ko sa mga litrato kung gano sila kasaya. Kenwento din nila sa'kin ang mga nangyari pati na rin 'yung mga games na nilaro nila.
Naiinggit ako pero hindi na masyado dahil nandito naman sila ngayon.
Sabi sa'kin nina mama ay ito daw ang pa-party nila para sa'kin for being the top one in our batch.
Gusto lang daw nilang makabawi kasi never nilang ginawa 'to para sa'kin dati and I really appreciate their effort for doing this.
My parents invited all my classmates. Hindi naman lahat pumunta pero halos nasa kalahati din ang sumama papunta rito.
"Hey," mahinang pagtawag ni Gelo sa'kin. Magkatabi naman kami kaya rinig ko.
"Bakit?" I asked him habang tinitingnan ko ang mga uno cards na binabagsak ng mga kalaro namin.
Nandito kaming magkakaklase sa salas at nakapwesto kaming lahat pabilog habang naka-indian seat.
Sina mama, papa at inay ay mukhang may pinag-uusapang mahalaga sa kusina. Ang kapatid ko naman ay nasa kwarto at nagce-cellphone ata.
"Can we talk?"
"Okay, wait lang," I replied then put down my cards.
"Guys, usap lang kami saglit ni Gelo ah," paalam ko sa mga kaklase namin.
We're all playing uno cards dahil wala naman kaming maisip na ibang pagkaabalahan. Ewan ko nga kung bakit may dalang uno cards yung isang kaklase namin eh.
"Sige lang lovebirds. Usap lang ah? Baka may iba pa kayong gawin," sabi ni Albert habang may mapang-asar na ngiti sa mga labi.
Pinagtutukso kami ng iba dahil sa narinig nila.
Senenyasan ko silang lahat na manahimik dahil baka marinig sila ni Inay pati na rin ng mga magulang ko at binigyan ko naman ng masamang tingin si Albert.
"G*go," pabirong saad ni Gelo na tinawanan lang ni Albert
Iniwan na namin silang lahat at umupo kami sa mga upuan sa labas ng pinto.
"Anong pag-uusapan natin?" I asked him.
Parang nahihiya naman siyang napakamot sa batok niya.
"Gusto ko lang sanang makapagpaalam tayo sa isa't isa properly kasi baka maging matagal na ulit bago tayo magkita."
"Okay? So magdra-dramahan din ba tayong dalawa?" Biro ko.
"Haha nakakatawa," he said sarcastically.
"What I mean is I just want to say na sana kahit magkalayo na tayong dalawa ay lagi mong tandaan na I will always stay as your bestfriend. Pwede mo pa rin akong i-message o tawagan sa tuwing gusto mo ng kausap o kakwentuhan. At sana manatili pa rin 'yung closeness nating dalawa and I hope to see you again someday."
I chuckled a little bit because of what he said. "Alam mo, para namang malalayo talaga tayo sa isa't -isa ng sobra. Baka nga magkita pa tayo tuwing bakasyon."
Hindi siya nagkomento at nginitian lang ako.
"Wait, huwag kang aalis dito ah. May kukunin lang ako."
I nodded at him then he went inside the house.
Bumalik din naman siya agad at muling naupo sa pwesto niya.
"Anong kinuha mo?" I asked while trying to see the thing that he's hiding behind his back.
"This." He handed me a gift at alanganin ko naman itong tinanggap.
"Para san 'to?" I said while opening the gift pero hinawakan niya ang mga kamay ko kaya hindi ko naituloy.
"Mamaya mo na buksan pagkaalis namin," sabi niya at tinagkal na rin naman ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
"Oh..Okay. So, bakit mo 'ko binigyan nito?" I asked curiously.
"Moving-up gift ko para sa'yo. Nakalimutan ko kasing ibigay nung moving-up natin," he said while smiling sincerely.
"Really? Salamat, pero hindi naman kailangan. Masaya na 'ko na pumunta ka dito kasama ang mga kaklase natin."
"I know pero gusto ko pa ring bigyan ka ng regalo. Ngayon pa lang naman kita nabibigyan kaya okay lang 'yan," he said sweetly.
"Thank you so much then," sabi ko at nginitian ko siya ng malapad.
"Sorry wala akong pambigay ah," dagdag ko pa.
"You're welcome at okay lang kahit wala kang ibigay sa'kin. Kusa naman kitang niregaluhan and I'm not expecting something in return. Ngiti mo lang masaya na 'ko," he said then winked at me.
Pabiro ko naman siyang inirapan. "Ang landi mo talaga kahit kailan."
Naiiling na tumawa na lang siya at ginulo niya pa ang buhok ko bago ako inakit pabalik sa loob.
**
Inihatid na ni papa ang mga kaklase ko pauwi. Pinadala namin sa kanila ang ilang mga pagkain at 'yung natira ay itinabi namin.
Nagligpit din kami nina Inay ng mga kalat at nang matapos ang lahat ng gawain ay napagpasiyahan na naming matulog.
Dito kami matutulog dahil gabi na at tinatamad na kaming umuwi nina mama.
Hihiga na sana ako pero naalala ko ang regalong ibinigay ni Gelo.
Pumunta ako sa salas at kinuha ko ito sa may tv.
Hindi naman malaki 'yung regalo kaya nabuksan ko agad. At isang explosion box ang bumungad sa'kin.
Its color is blue which is my favorite color.
Binuksan ko ang explosion box at punong-puno ito ng mga pictures naming dalawa kasama ang ilan naming mga kaklase.
Mukhang pinaghirapan ito ni Gelo dahil maganda ang pagkakagupit at pagkakadikit ng mga papel at mga litrato.
Napangiti ako dahil nagustuhan ko talaga ang regalo ni Gelo. It's simple but beautiful.
Binuksan ko ang isang maliit na box sa pinakagitna dahil baka may laman pa and I saw a folded paper inside. Mukhang ilang beses itong itinupi para magkasya lang sa maliit na box.
Kinuha ko ito then I unfolded it at nakita kong naglalaman ito ng isang mensahe gamit ang malinis na sulat kamay ni Gelo.
'Hey, I don't know how to start this. Ang corny ko kasi eh. Gusto ko lang namang malaman mo na mami-miss kita. At sa'ka may gusto sana akong aminin sa'yo. Lalakasan ko na ang loob ko dahil sa Occidental Mindoro na ko magpapatuloy ng pag-aaral at siguradong matagal pa bago tayo magkita ulit. Aalis na kasi kami bukas ng pamilya ko. Lilipat kami d'on dahil nandoon ang iba naming kamag-anak.'
Nalungkot naman ako dahil aalis na pala siya permanently. Akala ko kasi ay sa malapit lang din siya mag-aaral. But I also got curious sa aaminin niya kaya ipinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa.
'So ayun...gusto kong malaman mo na...I have feelings for you. I've been giving you letters and flowers since Valentine's day and yes I'm Mr. Trustworthy.
Mr. Trustworthy ang ginamit kong code name kasi gusto kong magtiwala ka na hihintayin kita hanggang sa pwede ng maging tayo. Please believe me that I like you very much at hindi magbabago 'yun.
If you're worried about the thing between me and Dianne, don't worry there's no us. She's actually my cousin.
Natakot kasi ako na baka dahil sa katutukso ng ibang tao sa'ting dalawa ay lumayo ka sa'kin, and the only thing that came to my mind to stop you from thinking that I have feelings for you is to let you believe that I have a girlfriend already.
Ngayong naisipan ko nang umamin ay nahihiya naman akong sabihin sa'yo ng harapan kaya idinaan ko na lang sa sulat. But don't worry, I promise that someday I'll be able to confess my feelings for you in person. And I hope that when that day come, you'll give me a chance to show you how much you mean to me.
-Your one and only, Mr. Trustworthy.'
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa mga nalaman ko. But I don't understand why I felt my heart leap for a moment nung nabasa kong gusto niya 'ko.
Should I really believe him?
*I think this is the longest chapter I've ever made≧∇≦ Anyway, hope you like it and please continue supporting the story❤*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro