Chapter 16
"Good morning Inay!" Masiglang bati ko nang makita ko siyang nagwawalis sa labas ng bahay. Then I walked towards her.
She smiled and looked at me for a second. "Magandang umaga rin apo."
"Ako na pong magtutuloy ng pagwawalis niyo 'nay," saad ko nang makalapit ako sa kaniya
"Ako na apo. Magkape ka na lang sa loob."
"Hindi po ako sanay magkape 'nay."
Nagkakape naman ako paminsan-minsan pero madalas ay ayaw ko talaga. Binabanas kasi ako kapag umiinom ako ng kape eh.
"Ay siya, baka magutom ka niyan. Hindi pa ako nakakaluto ng makakain natin," namromroblemang saad niya at napatigil pa sa pagwawalis.
"Hindi pa naman po ako gutom. Kaya ako na po ang magwawalis para may maitulong naman po ako sa inyo at mabawas-bawasan ang trabaho niyo kahit konti."
Kahit matanda na kasi si Inay ay kung ano-ano pa rin ang ginagawa niya dahil mas nanghihina raw siya kung walang ginagawa. Nag-aalaga din siya ng baboy at may mga tanim din siyang gulay na ibenebenta niya.
Meron din siyang fish pond na nasa likod pero medyo malayo sa bahay. Mamaya nga ay plano ko 'yong puntahan dahil nakaka-engganyong manghuli ng isda doon.
"Sige na nga, ikaw na ang magwalis at paparoon muna ako sa loob ng bahay para magluto." Inabot sa'kin ni Inay ang walis.
"Okay po," saad ko na sinamahan ko pa ng pagtango.
Nang iwan na ako ni Inay ay sinimulan ko na ang pagwawalis sa malawak na bakuran.
Lampas alas-sais pa lang ng umaga at kakasikat pa lang ng araw. Hindi pa masiyadong mainit at ramdam ko pa ang malamig na simoy ng hangin.
Pagkagising ko kanina ay mga huni ng ibon ang una kong narinig at parang napakapayapa ng paligid. Bumangon ako ng may ngiti sa mga labi at mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon kesa kahapon.
Habang nagwawalis ako ay may pailan-ilang motor o tricycle na dumadaan kaya hindi naman masiyadong tahimik ang lugar.
Binilisan ko na ang pagwawalis at pagkatapos ay pumasok ako sa loob para kumuha ng timba. Nang makakuha na ako ay pumunta naman ako sa may poso at nag-igib ako ng tubig.
Binuhat ko ang timba papunta sa halamanan ni Inay para magdilig.
Napansin ko kasi kanina na hindi pa nadidiligan ang mga ito kaya napagpasiyahan ko na ring gawin.
After watering the plants, I went inside the house again para magpaalam kay Inay.
Kasalukuyan siyang nagluluto ng noodles na hinaluan ng kalabasa.
"Inay, pwede po ba akong mamingwit ng mga isda?"
Sana pumayag siya.
"Aba oo naman. Ulamin na lang natin mamayang tanghali. Kunin mo na lang 'yung pamingwit sa ilalim ng lababo at maghanap ka ng mga bulate para may pain ka."
Napangiti naman ako ng malapad.
"Yey! Thank you 'nay." I kissed her cheek at kinuha ko na ang pamingwit sa kinalalagyan nito. Gawa lang ito sa stick na mahaba at tinalian ng nylon string na nilagyan ng kawil na alambre sa dulo.
I went outside at naghanap ng pakalat-kalat na bao para dun ilagay ang mga bulate. Dala ko rin palabas 'yung timba na ginamit ko kanina pandilig. Lalagyan ko siya ng mga nahuli kong isda. Huhugasan ko na lang pagkatapos para hindi mag-amoy malansa.
Pumunta ako sa may babuyan, at nagbungkal ako ng lupa sa may gilid. Nang makapanguha na ako ng sapat na bulate ay nag umpisa na akong maglakad papunta sa fish pond.
Pababa ang daan papunta r'on kaya mabuti na lang at hindi maulan kaya hindi madulas.
I got excited when I reached my destination. Dahan dahan akong tumawid papunta sa gilid ng fish pond at naupo ako roon.
Nilagyan ko ng bulate ang kawil. Nag-ingat ako dahil baka masugatan ako. Pagkalagay ko ng pain ay hinawakan ko na ang stick ng pamingwit at sa may bandang gitna ng fish pond ko sinubukang manghuli.
Medyo nahirapan ako sa pagtatagkal ng isda sa kawil sa tuwing nakakahuli ako. Malikot kasi ang isda at madulas. Pero nage-enjoy pa rin naman ako kaya ayos lang.
Tumigil na ako sa pangingisda ng maka-pitong tilapia na ata ako. Ito lang naman ang isda dito ni Inay at ito rin ang paborito kong isda.
Naglakad na ako pabalik sa bahay dala ang mga gamit ko maliban sa bao na may bulate. Iniwan ko na dahil hindi ko naman na ulit gagamitin.
I spent almost twenty minutes fishing. Ang tagal kasing kumagat ng mga isda tapos may nakakawala pa. Nakailang lipat nga ako ng pwesto kanina eh.
Pagkarating ko sa bahay ay nakahain na ang pagkain sa lamesa at hinihintay na ako ni Inay.
"Ilapag mo na 'yang mga dala mo sa may lababo at kumain na tayo," she said.
Sinunod ko naman siya at naupo na 'ko para kumain.
Pagkakain namin ay naghanda ako para maligo. Buti na lang may mga naiwan pa akong damit dito at may maisusuot pa ako kahit abutin pa ako ng isang linggo.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa ako sinusundo ng mga magulang ko. Akala ko kasi pag nalaman nilang nandito ako ay pupunta agad sila dito at papagalitan ako.
Ayos na rin siguro na dito muna ako. At least hindi masiyadong magkakagulo sa bahay dahil ako lang naman ang madalas pinagmumulan ng gulo d'on. Bawat mali ko kasi ay pansin na pansin at halos araw-araw na lang ako napapagalitan.
Minsan nga naisip ko na pano kung ako 'yung bunso? May magbabago kaya? Ano bang pakiramdam na hindi sa'kin nakaatang ang mga responsibilidad? But all of this will stay as what ifs.
I shook my head a little bit to remove all those awful thoughts then I went to the bathroom to take a bath.
Pagkatapos kong maligo ay nakita kong nagpapakain si Inay ng mga baboy. Nagpaalam ako na maglalakad-lakad lang saglit at pumayag naman siya.
Binagalan ko lang ang paglalakad ko sa daan habang nagmamasid sa paligid. Puro puno lang naman ang nakikita ko dahil medyo malayo pa ang sunod na bahay mula sa bahay ni Inay.
Plano kong pumunta sa isang tindahan na naaalala kong pinuntahan ko na dati. Bibili lang ako ng shampoo dahil wala ng stock si Inay at last na 'yung ginamit ko kanina.
Bibili na rin ako ng tinapay at juice powder para may makain kami mamayang hapon.
May dala naman akong pera galing dun sa natirang pambili ko sana ng ulam na ibinayad ko naman sa jeep na sinakyan ko. Nanghingi din ako ng konting pera kay Inay pandagdag.
Nang makarating ako sa tindahan ay binili ko na ang mga kailangan ko.
Medyo matao dahil may mga taong nakatambay at nagkwekwentuhan. May nag-iinuman ding mga lalaki sa gilid.
Maraming bahay na makikita sa kinaroroonan ko ngayon dahil ito ata 'yung centro ng buong lugar.
May makikita rin na maliit na simbahan na malapit rito sa tindahan na binibilhan ko.
Actually tatlo ang makikitang tindahan dito sa centro. Dito lang ako bumili dahil ito ang unang tindahan na nakita ko.
Napagpasiyahan kong bumalik na 'rin agad dahil wala naman na akong ibang gagawin dito.
Medyo binilisan ko na ang lakad pabalik dahil mainit na at nag-uumpisa nang tumagaktak ang pawis ko.
Pagkarating ko ay tiningnan ko muna kung nasa labas pa ng bahay si Inay. Nang hindi ko siya makita ay pumasok na ko sa loob at nangunot ang noo ko nang parang may naririnig akong kaunting ingay mula sa kusina.
Naglakad ako papunta roon nang biglang matigilan ako dahil hindi ko inaasahan ang nadatnan ko.
*Thanks for reading!♥*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro