Chapter 15
Try listening to the song above. It suits this chapter and of course the story itself^_^ Enjoy reading!♥
**
Chapter 15
Nakasakay ako ngayon sa isang jeep, nakapambahay, at wala akong dala na kahit ano, kahit cellphone ko ay hindi ko binitbit.
Medyo siksikan kami dito sa loob pero okay lang. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan ko.
Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas na loob para tumakas sa bahay. Lumabas lang ako para sana bumili ng mauulam namin sa tanghalian and then suddenly the idea of going far away from my family popped on my mind.
Kahit saglit lang ginusto kong makalayo sa kanila dahil baka sakaling maibsan ko ang bigat na nararamdan ko sa'king dibdib.
Na-realize ko na ang hirap palang magkunwari na ayos lang at pilitin ang sarili na maging okay dahil alam ko sa sarili ko ang totoo.
I cried myself to sleep last night at akala ko paggising ko mawawala na 'yung sakit galing sa mga salitang binitawan ni papa kagabi, pero pagkamulat ng mga mata ko kaninang umaga, nakaukit pa rin sa isip ko ang mga nangyari kagabi at ramdam na ramdam pa rin ng puso ko 'yung sakit.
Hindi ko lang matanggap na dahil lang sa pagkabasag ng basong hinuhugasan ko ay mapapagalitan ako ng sobra. Bakit kailangang umabot pa sa panunumbat?
I really feel so worthless. Kahit na anong achievements ata ang makamit ko, I'll never be good enough.
Nami-miss ko na 'yung mga panahon na kenekwentuhan pa ako nina mama't papa ng mga pangyayari sa buhay ko nung baby pa ako. And that was a long time ago.
Kenekwento nila sa'kin noon kung paano nila ako pinagtiya-tiyagaang pakainin ng kanin na may ulam na tigpi-pisong mani sa tuwing ayaw kong kumain ng ibang ulam. Kung paano nila ako sinasabayan sa pagkanta ng 'hawak- kamay' dahil 'yun ang paborito kong kanta dati. At lagi din nilang binabanggit noon na sa tuwing napapagod daw si papa ay hinahalikan ko siya sa pisngi para mawala ang pagod niya.
Sa tuwing naaalala ko ang mga panahong 'yon ay napapangiti na lang ako ng mapait kasabay ng paghiling ko na sana wala na lang nagbago.
Kung pwede nga lang mag-stay na sa pagiging bata at hindi na 'ko tumanda ay gagawin ko, just to experience again and again all the happy memories I spent with my parents.
Napabuntong-hininga na lang ako at pasimpleng pinunasan ang mga mata kong nag-uumpisa na namang manubig.
Sakto namang napansin ko na malapit na pala ako sa paroroonan ko kaya nagbayad na ako.
"Para po!" sigaw ko at nang tumigil na ang jeep ay bumaba na ako.
Nag-abang naman ako ng tricycle at sumakay. May kailangan kasing likuan na hindi madadaanan ng jeep. Although sementado pa rin ang daan papasok dito pero medyo maliit ang daan at liblib na dahil madaming puno.
Marami pa rin namang tao ang naninirahan dito pero magkakalayo ang agwat ng bahay.
Pagkalipas ng sampung minuto na pagsakay ko ng tricycle ay nakarating na rin ako sa tapat ng bahay ni Inay. Siya ang ina ni mama.
Pinili ko ditong pumunta dahil wala namang kasama si Inay at gusto ko ang buhay dito dahil tahimik. Hindi din ito masiyadong malayo sa barangay namin. Wala pang kalahating oras na biyahe ay mararating na agad itong lugar.
Itinulak ko na lang pabukas ang gate dahil hindi naman ito naka-lock. Pagkatapos ay naglakad ako palapit sa bahay na gawa sa semento pero di gaanong malaki.
Ilang buwan na rin ang nakalilipas nung huli akong nakabisita rito. Nagmasid ako sa paligid at wala naman akong napansin na pagbabago. Marami pa ring bulaklak sa paligid dahil mahilig din magtanim ng halaman at gulay si Inay katulad ni mama.
Nang makarating ako sa pinto ay sinilip ko ang loob at nang hindi ko makita si Inay ay pumasok na ako.
Ilang hakbang lang mula sa pintuan ay ang dalawang kwarto na magkatabi. Minsan kasi ay dito din natutulog ang iba kong pinsan kaya dalawa ang kwarto. Parehas walang pinto kaya madali kong nasilip kung naandon si Inay pero wala rin kaya dumiretso na ako sa kusina.
Doon ay nakita ko siyang kumakain. 74 years old na siya, maputi na din ang buhok, pero malakas pa rin siya at may malusog na pangangatawan.
"Inay," saad ko para mapansin niya ako.
Itinigil niya ang pagkain at lumingon siya sa'kin. Pagkatapos ay agad na bumakas ang pagkagulat niya sa pagdating ko pero kasunod naman nito ay ang matamis niyang ngiti.
"Anong ginagawa mo dito apo? May kasama ka ba?" tanong niya.
Umiling ako at nagmano sa kaniya.
"Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?"
Muli akong umiling bilang tugon at napalitan ng pag-aalala ang masaya niyang mukha.
"Bakit? May problema ka ba apo?"
Upon hearing her words, tears began streaming down my face.
Agad siyang tumayo at napayakap ako sa kaniya ng mahigpit.
"I-inay, I'm sorry per-ro pagod na p-po ako. Dito po m-muna ako please?" I told her while crying my heart out.
**
Nang tumahan na ako ay isinabay niya ako sa pagkain.
While we're eating, she congratulated me dahil sa awards ko nung moving-up and she seems really happy about it, taliwas sa ipinaramdam ni papa.
Then we talked about the happenings in our lives except for the reason why I'm here. Hindi niya ko pinilit na ikwento kahit alam kong nagtataka at nag-aalala na siya. She even told me that if I'm ready to tell her my problem, she'll hear me out. That is the reason why I love her. She always show me that she cares at lagi niyang napapagaan ang loob ko.
"Hindi mo ba ipapaalam sa mga magulang mo na nandito ka?" She asked me after a while.
"Pwede po bang ikaw na lang ang tumawag sa kanila? Sabihin niyo na lang po na nandito ako para hindi sila mag-alala," magalang na saad ko.
Kahit na umalis ako ng walang paalam ay gusto ko pa rin namang malaman nila na nandito ako. Baka kasi hanapin nila ako at isipin na sumama ako sa class outing.
Oo nagtatampo ako sa mga magulang ko pero hindi ko pa rin naman kayang gawin ang sinabi ng kaklase ko na suwayin ko sila. Nirerespeto ko ang naging desisyon nila dahil alam kong gusto lang nilang maging ligtas ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta na akong magligpit ng mga kinainan at magpunas ng lamesa.
Habang inilalagay ko sa lababo ang mga plato ay narinig kong may kausap si Inay at nabanggit niya ang pangalan ni mama kaya baka katawagan niya na ito sa cellphone.
I tried to listen to their conversation but I didn't hear anything. Pagtingin ko sa kinaroroonan ni Inay kanina ay hindi ko na siya nakita. Siguro ay lumabas siya ng bahay dahil mas malakas ang signal dun.
I just hope na maging maayos ang pag-uusap nila at hindi magalit sina mama sa ginawa ko.
Pero sino ba namang magulang ang hindi magagalit kung aalis ang anak nila ng hindi nagpapaalam diba?
Siguro saka ko na iisipin ang magiging reaksiyon nila. Sa ngayon, I'll just enjoy my life away from hurtful words.
*Thanks for reading^_^*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro