Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Nakipagkwentuhan pa ako sa mga kaklase ko pero nang maisip kong baka hinahanap na ako sa bahay ay napagpasiyahan ko ng umuwi.

Binuhay ko ang flashlight ng phone ko pagkalabas ko ng campus dahil madilim sa daan. Kaunti lang kasi ang mga lamppost. Pagkatapos ay binilisan ko ang paglalakad dahil nakakatakot maglakad ng mag-isa.

Actually nag-alok si Gelo na ihahatid niya ako pero pilit talaga akong tumanggi dahil hiyang-hiya na ako sa kakahatid niya sa'kin.

Habang naglalakad ako ay may mga nakakasalubong naman akong mga tao pero kaunti lang. Kadalasan ay mga estudyante rin.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay nakita ko si papa na nakikipag-inuman sa tatlong kumpare niya. Masaya silang nagkwe-kwentuhan at parang nagyayabangan pa nga.

Lumapit ako sa aking ama at 'saka niya lang ako napansin. Hinayaan niya akong magmano at pagkatapos ay bumalik na ulit sa pakikipagkwentuhan.

Tahimik akong nagpasalamat kasi hindi siya nagalit na lampas alas-otso na ako nakauwi. Siguro good mood siya ngayon.

Pumasok na ako sa tindahan at mukhang may nire-record si mama sa isang notebook. Nagmano din ako sa kaniya at dumiretso na ako sa loob.

Hinubad ko ang sapatos ko at inilagay ito sa lalagyan namin ng mga sapatos at tsinelas. Pagkatapos ay pumasok na ko sa salas at nadatnan ko ang kapatid ko na nanunuod ng tv habang nakaupo sa sofa.

Nilampasan ko lang siya at dumiretso na ako sa kwarto. Kinuha ko ang mga medal ko na inilagay ko sa bulsa ng palda ko kanina dahil mabigat sa leeg.

Inilagay ko ang mga ito sa loob ng kabinet. Hindi naman kasi namin ugali dito sa bahay na isabit ang mga medalya sa pader para i-display.

Nagbihis na rin ako at isinunod ko na ang pagkuha ng bigas sa tindahan para magsaing. Nang maisalang ko na ang kaldero ay pumunta ako sa tindahan.

Habang nagtitinda ay iniisip ko kung paano ako makakapagpaalam kina mama at papa tungkol sa class outing bukas.

Maya-maya ay tinawag ko si Riza na hanggang ngayon ay nanunuod pa rin. Pinatingnan ko sa kaniya ang sinaing dahil baka masunog.

Minutes later ay natapos na din ang pag-iinuman nina papa at sinarado na namin ni mama ang tindahan.

Nauna ng pumasok si papa at sumunod naman kami. Pagkatapos ay dumapa siya sa sahig ng salas namin.

"Nak, kunan mo ng panlatag ang papa mo," utos ni mama na agad kong sinunod.

I went to their room para kumuha ng kumot at isang unan. Ibinigay ko kay mama ang mga ito at siya na ang naglatag para kay papa.

Nagtungo ako sa kusina para tingnan ang sinaing at nakita kong patay na ang apoy. Siguro ay pinatay na kanina ni Riza. Binuksan ko ang kaldero at maayos naman ang pagkaluto ng kanin.

Pumunta din si mama sa kusina at pinakuha niya ako ng soup powder at itlog sa tindahan. Nang maiabot ko sa kaniya ang mga kailangan ay sinimulan niya na ang pagluluto.

Lagi talagang nagluluto ng soup si Mama tuwing nalalasing si papa. 'Yung soup na rin ang inuulam namin dahil masarap naman.

Pumasok ako sa kwarto para silipin kung nandon ang kapatid ko at nakita kong nakatulog na pala siya sa kama namin.

Pagbalik ko sa salas ay sinusubuan na ni mama si papa. Nakaupo si mama sa gilid ni papa habang nakadapa pa rin si papa at tamad na kumakain.

"Ma, Pa," tawag ko sa mahinang boses.

Bumaling naman sila sa'kin. Napakagat-labi ako habang nag-iisip kung paano ko ide-deliver ng tama ang ipagpapaalam ko. Hindi naman masyadong lasing si papa kaya alam kong malinaw siyang makakasagot.

"May outing po kasi ang buong klase bukas. Baka.....baka pwede po akong sumama?" Nakayukong saad ko dahil kinakabahan ako.

"Bakit kailangan pa ng outing na 'yan? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na baka mapahamak ka lang diyan. Hayaan mo na 'yung mga kaklase mo," tugon ni papa.

"Kasama naman po si Ma'am," sagot ko at nagbabakasakaling magbago pa ang isip niya.

"Tama ang papa mo. Hindi naman mahalaga ang pagkakaroon ng outing. Hindi naman kayo mababantayan isa-isa ng teacher niyo. Mabuti pa'y maghugas ka na lang ng plato bago ka matulog," sabi naman ni mama.

Tumango na lamang ako at hindi na nakipag-argumento pa. Bakit ba ako nag-expect na mag-iba ang ihip ng hangin at baka pumayag sila?

Bagsak ang balikat na tumalikod ako at inipon ko na sa lababo lahat ng mga huhugasan. Kumuha ako ng isang timbang tubig sa likod bahay at dinala ko ito sa may lababo. Pagkatapos ay sinimulan ko na ang paghuhugas.

Habang nagsasabon ako ng mga hugasan ay pilit kong ipinapaintindi sa sarili ko kung bakit hindi sila pumayag.

Nakailang buga na ako ng hangin para lang mawala ang pagka-disappoint ko.

Akala ko lang kasi ay papayag sila dahil kaya ko na ang sarili ko at madami naman akong awards na nakuha ngayong moving-up.

"Ayy!"

Nataranta ako sa pagsambot ng baso na nabitawan ko dahil sa kakaisip. Napaatras ako bigla nang hindi ko ito nagawang sambutin at kasunod ng paglagpak at pagkabasag nito sa sahig ay ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nakarinig ako ng mga yabag papunta dito sa kusina kaya lalong lumala ang kaba ko.

"Anong nangyari?" narinig kong tanong ni mama.

Lumingon ako kay Mama and when I was about to answer her ay bigla namang sumulpot si papa and his eyes are showing anger.

"Bakit ka nakabasag?!" tanong niya.

"Dumulas lang naman po sa kamay ko, hin---"

"Dumulas? Bakit hindi mo inaayos ang trabaho mo?! 'Yan na nga lang ang gagawin mo pumapalpak ka pa?! Samantalang kami noon nag-iigib! Nagtatabas! Nagtatanim ng makakain!"

"Hindi ko naman baga po sinasadya," saad ko habang nakayuko. Hindi ko na kasi magawang tumingin dahil takot ako.

"Hindi mo ba talaga sinasadya o nagdadabog ka dahil hindi ka namin pinayagan?!"

"Hindi n-naman po 'yan ang dahilan. Madulas lang p-po talaga."

Hindi ko na napigilan ang pagbalisbis ng mga luha ko.

"Kung hindi eh bakit hindi ka nagdadahan-dahan?! Lagi na lang kasing nagmamadali sa gawain, hindi baga ayusin!"

"Hindi naman po ako nagmamadal--"

"Ba't ba sagot ka ng sagot?! Puro ka na lang katwiran. Hindi baga manahimik na lang!"

Pilit ko na lang ininda ang bigat ng dibdib ko. Saglit ko rin silang sinulyapan at galit pa rin ang mukha ni papa habang si mama ay nakatingin lang.

I'm silently praying na sana patigilin niya na si papa dahil hindi ko na kaya. Masakit isipin na hindi nila magawang pakinggan man lang ang paliwanag ko bago ako pagalitan.

"Pinapasakit mo lang lalo ang ulo ko! With highest honor nga, tatanga-tanga naman. Pala-katwiran pa. Ngayon pa lang ang bastos-bastos mo na, pano pa kaya paglaki mong bata ka! Wala ata kaming mapapala sa'yo. 'Wag kang iiyak-iyak diyan. Ayusin mo 'yang kalat mo!"

Gustong-gusto kong sumagot at sabihin sa kaniya that every day I'm trying my best to be a better person so that I can be the kind of daughter that they always wanted me to be.

Gusto ko rin sabihin na hindi ko naman sila pababayaan paglaki ko. Aalagaan ko sila ng higit pa sa pag-aarugang ibinigay nila ni mama sa aming magkapatid. Because I know that they will always deserve it.

I want to voice out everything pero hindi na lang ako umimik at pinunasan ko na lang ang mga luha ko na sunod-sunod pa rin ang pagtulo kahit na anong pigil ko na huwag umiyak.

Hinintay kong makapasok sina mama at papa sa kwarto nila bago ako lumuhod sa sahig para simulan ang pagpupulot ng mga bubog kahit na nanlalabo ang paningin ko.

Ilang bubog pa lang ang napupulot ko nang magdugo ang isang hintuturo ko dahil sa bubog na sumugat dito. Medyo mahapdi man ay hinayaan ko na lang muna dahil para sa akin ay walang ano man ang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

Maswerte na nga siguro ako dahil hindi na ako sinasaktan ni papa physically. Pero iba pa rin 'yung sakit sa loob eh.

It pains me so damn much knowing that the first guy who broke my heart is my own father.

*Don't forget to vote, comment and share^_^ Thank you for reading Lovies❤*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro