Chapter 12
"Hayy kapagod!" sabi ni Gelo habang papunta kami sa canteen para bumili ng makakain.
"Hayaan mo na. Ilang araw lang naman natin gagawin 'to."
"Sabagay," maikling tugon niya.
Pina-practice kasi namin ang mga gagawin sa moving up ceremony na gaganapin tatlong araw mula ngayon. Nag-eensayo kami para maging maayos daw ang takbo ng event.
Kanina ay itinuro sa amin kung saan kami dapat pwumesto o umupo pagkatapos ng gaganaping processional march. After ng breaktime ay iga-guide naman daw kami sa pagkakasunod-sunod ng mga aakyat sa stage. Sa susunod na lang daw ituturo ang iba pa na dapat naming malaman.
Mamaya namang tanghali ay magpra-practice kami sa pagkanta ng napili naming moving up song which is yung 'A million dreams' from the movie 'The Greatest Showman.'
Pagdating namin sa canteen ay nakipagsiksikan kami sa mga mag-aaral. Pahirapan talagang makabili tuwing recess time kaya ang tagal bago makakain. Minsan nga tapos na ang break time pero kakabili mo pa lang.
Nang makarating ako sa unahan ay namili na ako ng kakainin. Maya-maya ay kinulbit ako ni Gelo kaya nilingon ko siya.
"Libre mo na lang ako dali," parang nag-uutos na saad niya.
"Ang unti-unti na ng baon ko tapos magpapalibre ka pa."
Bumili ako ng isang biscuit at mineral water. Ito na lang ang pinili ko dahil wala din naman akong ibang magustuhan sa mga paninda.
"Ang daya mo naman. Ako na lang lagi nanlilibre sa'ting dalawa ah," sabi niya na may halong pangungonsensiya. Pagkatapos ay naglabas siya ng pera sa bulsa niya at bumili din ng kagaya ng akin.
"FYI, wala akong natatandaan na sinabihan kita na ilibre mo 'ko. Ikaw kaya ang nagkukusa. Dinaig mo pa nga ang manliligaw o boyfriend kung makapagbigay sa'kin ng pagkain tuwing tinatamad akong bumili. Buti na lang hindi nagseselos girlfriend mo."
Ilang minuto siyang natahimik na parang iniisip pa ang sinabi ko.
"Ah......Hindi naman selosa si Dianne. Hindi din naman pati niya alam. Sa ibang school kaya siya nag-aaral. 'Saka wala namang masama kung nililibre kita. Masiyado lang talaga akong generous. At isa pa, pano mo naman nalamang dinaig ko pa ang manliligaw or boyfriend eh wala ka naman non?"
Inirapan ko siya dahil sa pang-aasar niya.
"Ano naman kung wala akong ganon? Hindi naman makakatulong sakin 'yun at isa pa pagagalitan lang ako nina papa."
Nag-umpisa na kaming maglakad pabalik sa may stage.
"Sus, ang sabihin mo wala lang talagang sumusubok manligaw sa'yo. Ang pangit mo daw kasi." Inilabas niya pa ang dila niya.
"Anong pangit?!" Tumingkayad ako para abutin ang isang tenga niya.
"Aray!" Sinubukan niyang lumayo pero mas diniinan ko lang ang pagkakapingot.
"Aray naman! Tama na!" sigaw niya sabay hampas sa kamay ko pero mahina lang naman kaya di ako nasaktan.
May mga nanonood na sa'min at ang ilan ay napapabungisngis.
Binitawan ko na rin ang tenga niya dahil nakakaawa na. Hinimas-himas niya naman ang piningot ko na ngayon ay mamula-mula.
"Inaasar ka lang naman tapos nananakit ka na." Tinapunan niya ako ng masamang tingin.
"Alam mong madali akong mapikon. 'Saka grabe ka mang-asar. Porket may girlfriend ka. Magbre-break din kayo, tandaan mo 'yan." Dinuro ko pa siya at iningusan.
He made a face in return.
"Ang bitter mo naman. Pero bakit nga ba wala kang boyfriend? Gusto mo bang ihanap kita?" Marahan niya pa akong siniko habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Heh! Sabi ng hindi ko kailangan niyan. Sa'yo na lang 'yang mahahanap mo kung gusto mo."
Inunahan ko na siya sa paglalakad dahil naiinis na ako sa kaniya. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa likuran.
May nakakatuwa ba sa ginawa niyang pambwibwiset sa'kin?
Totoo naman ang sinabi niya kanina na wala talagang nanliligaw sa'kin simula noon. Hindi ko na lang iniintindi dahil wala pa naman sa plano ko ang pagkakaroon ng kasintahan. Although minsan naiisip ko kung ano ba talaga ang pakiramdam ng magkaroon ng ganon kasi maraming nagsasabi na masarap daw sa feeling.
Pero mas pinaniniwalaan ko ang iba na nagsabi sa akin na makakasira raw ito ng pag-aaral. Isa pa wala talaga akong balak magkaroon ng ganon dahil isa sa kabilin-bilinan nila mama at papa ay huwag na huwag akong makikipagrelasyon habang nag-aaral pa.
**
"Ilang awards nga makukuha mo?" tanong sa akin ni Mia. Siya ang katabi ko dito sa classroom.
Kasalukuyang ipinapamigay ni Ma'am Mabel saming magkakaklase ang program ng moving-up.
"Tatlo lang. Best in science, english and math," tugon ko.
"Lang talaga? Ako nga wala. Tapos with highest honor ka pa. Ang galing-galing mo talaga Gwynie."
Nagpasalamat na lang ako at hindi na nagkomento pa.
Nung isang linggo ay nagpasa kami ng mga certificates para makapag-apply sa mga awards for outstanding performance in specific discipline. The teachers followed some rubrics and computed the points we got. Kinabukasan ay nagkaroon ng meeting ang mga grade ten teachers at mga magulang, para i-announce ang grades at awards na makukuha namin.
Hindi nga naka-attend si mama or si papa sa meeting dahil busy sila pareho sa trabaho. Sanay naman na ako dahil ganiyan na sila simula noon. Iniintindi ko na lang dahil para rin naman sa aming magkapatid kaya sila nagtratrabaho.
Habang naghihintay kami ng results ng grades namin nung oras na 'yun ay kabadong-kabado ako. Pero tuwang-tuwa naman ako nung nalaman ko kung ano ang marka ko. Nakakuha ako ng 97.6 or 98. Nagtatalon pa ako nun at walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Ilang beses din akong nagpasalamat kay God. Ang laki kasing achievement nun at alam kung ikakatuwa 'yun nina papa at mama.
Nagbunga rin ang mga pagpupuyat ko tuwing gabi dahil sa paggawa ng assignments, projects or outputs. Pati na rin ang paggising ng madaling araw para magreview.
"Siguro sobrang proud sa'yo ang parents mo nung ibinalita mo sa kanila ang overall ratings mo." sabi ni Mia pagkaraan ng ilang minuto.
Madalas talaga siya ang nago-open up ng topic sa aming dalawa. Minsan kasi hindi ko feel makipagkwentuhan, lalo na pag bad mood ako. 'Saka lang ata ako dumadaldal kapag si Gelo na ang kausap ko. Makulit kasi siya.
"Ewan ko. Hindi ko alam," malungkot na tugon ko.
"Bakit?"
"Wala, I don't want to talk about it actually."
"Ah...Okay, I understand." Tipid niya akong nginitian at nakipagkwentuhan na lang ulit sa iba naming kaklase.
Ayaw ko lang magkwento tungkol doon sa sinabi ni Mia, because the reaction I got from my father is not what I'm expecting.
Masaya akong naglalakad pauwi habang lumulukso-lukso pa. Excited lang talaga akong malaman ang sasabihin nina mama at papa.
Good mood na good mood din ako habang nagtitinda sa tindahan namin. Hindi ko pa sinasabi ang gusto kong sabihin dahil wala pa si papa.
Habang kumakain kami ng hapunan ay tinawag ko si papa at mama at binalingan naman nila ako.
"Bakit?" tanong ni Mama.
Imbes na magsalita ay tahimik kong iniabot kay mama ang cellphone ko para ipakita ang picture ng aking class card. Bumakas naman ang gulat at pagkatuwa sa kaniyang mukha.
"Wow, ang galing naman ate Gwyn. Pa, tingnan mo grades ng anak mo oh." Iniabot ni mama kay papa ang cellphone.
"Ano ba 'yan?" Kinuha ito ni papa at nakakunot ang noong tiningnan.
Maya-maya ay ipinabalik na niya sa akin ang phone. I'm smiling while anticipating for his comment.
"Good."
Akala ko ay may idudugsong pa siya pero agad na naglaho ang ngiti ko nang itinuloy niya na ang pagkain at wala na siyang sinabi pa.
'May kulang pa ba?' natanong ko na lang sa aking sarili.
*Lame update≧∇≦ Anyway thanks for reading and please don't forget to vote, comment and share❤.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro