Chapter 11
Nagkwekwentuhan kami ni Gelo tungkol sa kung ano-ano nang mapatingin kami sa babaeng tumikhim sa harapan namin.
"Hi! Pwede bang maistorbo ko kayo saglit?" sabi niya sa'min habang nakangiti.
Sa tingin ko ay kaedad lang namin siya base sa itsura. She's wearing a yellow sleeveless dress that's one inch above the knee paired with light blue doll shoes. Bumagay ang mga ito sa maputi niyang balat.
Ngayon ko lang siya nakita so definitely hindi ko siya kilala.
"Uy Dianne, anong kailangan mo?" Masayang bati ni Gelo dito.
Siguro magkaibigan silang dalawa at mukhang si Gelo ang sinadya niya kaya siya lumapit sa amin.
"Usap lang tayo. Na-miss kita eh," she told him and then looked at me. "Is it okay to borrow him for a moment?"
I smiled and nodded. "Sure, no worries."
"Sigurado ka? Okay ka lang dito mag-isa?"
Binalingan ko si Gelo at tumango rin ako sa kaniya. "Oo naman. Uubusin ko na lang 'tong pagkain ko pagkatapos ay uuwi na rin naman ako."
"Sure ka talaga?" tanong niya ulit sa'kin.
"Oo na nga daw. Tara na kasi!" Hinawakan ni Dianne ang kamay ni Gelo at hinigit ito.
"Fine." Nagpatangay si Gelo patayo. Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa'kin.
"Maiwan muna kita ah, pero puntahan mo ako bago ka umalis. Dun lang muna kami ni Dianne sa may kubo," sabi niya at kinuha ang kaniyang plato na wala ng laman.
Kanina pa naman kasi siya tapos kumain. Hindi niya lang ako iniiwan sa pwesto ko dahil baka mainip raw ako.
"Sige, pupunta na lang ako dun mamaya," sabi ko.
Tinanguan niya naman ako. Then he looked at Dianne. "Lagay ko lang saglit sa lababo ang pinagkainan ko."
"Okay. I'll wait," she said then faced me after Gelo went away.
"I forgot to introduce myself." Inilahad ni Dianne ang kamay niya sa'kin. "I'm Dianne Tesorrero, and you are?"
I shook her hands before answering. "I'm Gwyn."
Bigla namang nagliwanag ang mukha niya at parang hindi makapaniwala.
"Oh my gee!" she said with excitement at itinuro pa ako.
"Ikaw yung laging --asdfghjkl.."
Biglang tinakpan ni Gelo ang bibig ni Dianne right after he came back, that's why I didn't understand what she's saying.
He smiled at me awkwardly habang pilit na tinatagkal ni Dianne ang kamay niya sa bibig nito.
"Alis na kami ah," sabi ni Gelo at kinaladkad na si Dianne palayo.
Napansin ko pang nagtatalo ang dalawa bago makalabas ng bahay.
What's with them? They really seem so close.
**
Ilang saglit lang ay natapos ko na ang pagkain. Dinala ko na ang plato't kutsara sa lamesa kung saan ipinatas ang iba pa.
I checked the time on my phone. Halos isang oras na pala ako dito. Talagang kailangan ko ng umalis.
Hinanap ko muna ang mga magulang nila Gelo at nagpaalam. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kubo na nasa tabi ng bahay nila. Naabutan ko ang dalawa na nakaupo habang nagtatawanan at nakaakbay pa si Gelo kay Dianne.
"Uhm...Gelo?" nahihiyang saad ko.
Sabay silang lumingon sa'kin at alanganin akong ngumiti. Ayaw ko sana silang istorbohin kaya lang ay baka magalit naman si Gelo kung hindi ako magpapaalam sa kaniya tutal ay siya naman ang nag-imbita sa'kin.
"Uuwi ka na?" tanong ni Gelo sabay lapit. Nakasunod naman sa likod niya si Dianne.
"Yup," sabi ko.
"Balik ako mamaya, ihahatid ko lang si Gwyn sa may school," sabi niya kay Dianne at tango naman ang isinagot nito.
"No need, I can manage. You can continue what you're doing a while ago."
"Tara na. Tatanggi ka pa samantalang hindi naman kita ihahatid hanggang sa bahay niyo. 'Saka ayos lang 'yan si Dianne rito. Marami naman siyang kakilala sa paligid, diba Dianne?"
"Yeah, go on. Anyway, it's nice to meet you Gwyn. I hope to see you again," saad ni Dianne gamit ang masayang tono.
"Thanks, it's nice to meet you too. Bye," I replied.
Hindi na ulit ako umangal at sumama na lang ako kay Gelo. Palabas na kami ng gate nila nang may tumawag sa kaniya na lalaking kaedad lang din ata namin.
"Sino 'yan pre? Chicks mo ba?" Nakangising tanong nito.
Lumapit si Gelo rito at binatukan ito. Habang ako naman ay nanatili lang sa aking pwesto.
"Aray naman. Tinatanong lang naman kita ah," reklamo nito habang masamang nakatingin kay Gelo.
"Baliw ka kasi. Hindi naman lahat ng kasamang babae ng isang lalaki karelasyon agad. 'Saka diba may girlfriend na ako." Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Gelo na parang may ipinapahiwatig sa kasama niya.
Seryoso pala talaga siya na may girlfriend na siya?
"Ah...meron ba? Ba't parang wala kang naikwento?" parang nalilito na tugon ng lalaki. Napakamot pa ito sa kaniyang ulo.
Napansin ko ang bahagyang pagsiko ni Gelo sa kaniya. They're acting a little bit strange. Parang may pinag-uusapan sila through their minds.
"Ay! Oo nga pala. You mentioned it to me once. Nakalimutan ko lang saglit." Tatango-tango na saad ng lalaki habang nakatingin kay Gelo.
Itinuon niya naman sa akin ang paningin niya pagkatapos. "Sorry miss ah. Ako nga pala si Drew pinsan nitong si Gelo."
He offered his hands to me at nakipagkamay naman ako. "Gwyn, kaibigan ni Gelo."
Ilang segundo na atang hawak ng lalaki ang kamay ko at tila ayaw bitawan dahil ang higpit ng kapit niya. Naiilang na nga ako sa titig na ibinibigay niya.
Nakahinga ako ng maluwag nang si Gelo na mismo ang naghiwalay ng mga kamay namin. "Tama na yan insan. Pumasok ka na lang sa bahay."
Hinawakan ni Gelo ang balikat ng pinsan niya galing sa likod at itinulak ito palayo. Narinig ko pa ngang nagsalita ito pero mahina lang kaya hindi ko naintindihan.
Bumalik din naman agad si Gelo sa tabi ko. "Layuan mo 'yung si Drew ah."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman?"
"Playboy kasi 'yun at 'saka iba ang tingin niya sa'yo kanina. Parang may balak."
"Wag kang mag-alala. Hindi naman ako nage-entertain ng mga lalaki at sure naman akong hindi na ulit kami magkikita ng pinsan mong 'yun," natatawang tugon ko.
"Okay. Basta tandaan mo ang sinabi ko," saad niya habang seryosong nakatingin sa akin.
"Opo," I said sarcastically. "But let's change the topic. Gaano na kayo katagal ng girlfriend na sinasabi mo?"
Hindi pa rin ako makapaniwala dahil ilang taon na kaming magkakilala at wala naman akong nabalitaan na may nililigawan siya. Although maybe he wanted a private relationship.
"Hmm...Ilang months pa lang," he simply said.
"Sino?" I asked curiously.
"Si ano...ah..." Naging malikot ang mga mata niya at kung saan-saan napasulyap. "Si D-Dianne."
I eyed him suspiciously then I crossed my arms in front of my chest. "Ba't parang hindi ka sigurado?"
Napahaplos siya sa kaniyang batok. "Ah kasi... nahihiya ako. I'm just not really comfortable with talking about my lovelife."
"Oh okay?" may pag-aalinlangang tugon ko.
"Oo nga. Ba't ayaw mong maniwala? Mukha ba akong sinungaling?" Itinuro niya pa ang sarili niya.
Napairap na lang ako sa hangin. "Fine, naniniwala na ako. So, pa'no? Balik ka na sa inyo. Baka hinihintay ka na ng girlfriend mo." Nandito na rin naman kasi kami sa tapat ng gate ng highschool.
"Sige, alis na ako, ingat ka na lang."
"Bye."
Naglakad siya ng ilang hakbang paatras bago tuluyang tumalikod at tumakbo na pabalik ng bahay nila.
Habang binabaybay ko ang daan pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang pagkakaroon ng karelasyon ni Gelo. Siguro dahil parang hindi ko talaga inakala na meron na siyang girlfriend at bago lang sa aking isipan ang ideyang ito.
Kaya pala parang sobrang close nilang dalawa ni Dianne. Bagay din naman sila dahil parehas maganda't gwapo and Dianne seems kind base sa mga ipinakita niyang kilos kanina.
But why do I feel a little bit disappointed?
*Don't forget to vote, comment, and share.❤*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro