Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"Who can give me a recap of our last lesson?"

Itinaas ko agad ang kamay ko pagkatapos pa lang ng tanong ni Ma'am Kyline. Sumulyap na siya sa'kin pero tumingin-tingin pa siya sa iba kong kaklase.

Forty-four kaming magkakaklase. Nakaupo ako sa second row, sa bandang unahan kaya madali akong mapansin ng mga teachers. 'Yun nga lang ay hindi ako ang una nilang tinatawag kapag may recitation maliban na lang kapag wala talagang ibang may alam ng sagot.

"Anyone? Wala na ba akong ibang estudyante bukod kay Miss Lacsamana?"

Inilibot ko ang paningin ko sa buong room at wala ngang ibang nagpaparticipate kung hindi ako. Lahat sila ay nakatitig lang kay Ma'am at parang walang planong sumagot.

"Okay Gwyn, what's our last lesson?"

Tumayo ako at inalala ang mga natutunan ko. "Our last topic was all about carbohydrates which are the major source of energy for our body. Hydrogen, carbon, and oxygen are their components. We also learned about their various classification such as monosaccharides, disaccharides, and polysaccharides. That's all Ma'am."

"Very well said, Miss Lacsamana. Give her a round of applause."

Nagpalakpakan ang lahat ng kaklase ko at tipid na lang akong ngumiti then I sat down.

"So everyone, today we are going to study about lipids. Open your science book on page 361 so that you can follow what I'm going to discuss."

Binuksan ko ang libro ko at hinanap ang topic namin. Nang makita ko na ay sinimulan ko na siya basahin. Actually, napag-aralan ko na 'to kagabi. Habit ko kasi ang mag-advance study. Ginagawa ko 'yun para maintindihan kong mabuti ang mga lessons at 'saka para maging handa na rin kung magkaron man ng surprise quiz.

"Can I start now?" tanong sa amin ni Ma'am.

"Yes Ma'am!" we all said in unison.

"Okay. Just like carbohydrates, lipids are one of the classes of biomolecules. Storing energy for later use is among the lipids' jobs. They have different structural types. Who can tell me what these are?"

Halos lahat ay nagsitaasan ng kamay. Maybe because the answers are right in front of them. Kahit ako ay nakitaas na rin kahit medyo mukhang imposible akong matawag.

"Miss Valderama?"

Tumayo agad si Mariel at tumingin sa nakasulat sa aklat. "C-carboxylic acids or fatty acids, trigl-lycerides or neutral fats, waxes, and steroids po."

Nauutal pa siya kaya parang hindi nagustuhan ni Ma'am ang pagsagot niya dahil pagka-upo ni Mariel ay muling inilibot ni Ma'am ang kaniyang paningin.

"Who can repeat what Miss Valderama said without reading?"

Dahil sa sinabi ni Ma'am ay ako at isang kaklase ko na lang ang natirang nagtaas ng kamay.

"Mister Marquez?"

"Carboxylic acids or fatty acids, trigly...ce.." Napakamot sa ulo si Patrick at tila nag-iisip ng sunod na sasabihin. "Ma'am nalimutan ko po eh."

Hindi na hinintay ni Patrick na magsalita si Ma'am at umupo na siya agad. Nagsitawanan ang iba naming kaklase kaya medyo umingay.

"Class, quiet! Miss Lacsamana, stand up and tell us the different structural types of lipids."

"Waxes, steroids, carboxylic acids or fatty acids, and triglycerides or neutral fats po Ma'am."

"Very good Gwyn." She smiled at me then looked at the class. "Bakit hindi niyo gayahin si Miss Lacsamana. Ganiyan ang tamang attitude ng isang mag-aaral. Please be active and study at home para hindi kayo nahihirapan."

Napayuko na lang ako dahil nagsipagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. Minsan talaga ayaw kong pinupuri o napapansin ako ng guro. Nahihiya kasi ako at natatakot na baka magalit sa akin ang mga kasama ko sa klase.

Nagtuloy-tuloy ang discussions ni Ma'am and after that she gave us a take home activity. Then she dismissed the class.

'Yon na ang last subject namin ngayong umaga and we have four subjects left this afternoon.

"Ang galing mo talaga Gwyn, pa-share naman ng utak diyan." Napa-iling na lang ako dahil sa sinabi ni Michelle.

"Ewan ko sa'yo Mich, kung pwede nga lang ay bakit hindi?" sabi ko.

She chuckled and tapped my shoulder. "Sige, alis na ako. Uuwi pa 'ko sa'min eh. See you later."

Tinanguan ko na lang siya at ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ko ng gamit. Nang matapos na ay kinuha ko ang A.P. book ko at iniwan ko na ang bag ko sa aking upuan. Masyado kasing mabigat dahil kumpleto ang dala kong libro.

Pumunta muna ako sa canteen to grab some snacks. Bumili lang ako ng isang burger at zest-o dahil wala na akong time kumain ng marami. Kailangan ko pa kasing i-review ang ire-report ko mamaya sa Araling Panlipunan.

Umuuwi talaga ako tuwing tanghali dahil sampung minuto lang naman ang lakaran papunta sa bahay, pero kapag may mahalaga akong dapat gawin o mapag-aralan tulad nitong ire-report ko ay nananatili ako dito sa school.

Kagabi kasi ay tinapos ko ang paggawa ng visual aids kaya hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin ang pagbabasa nitong libro. Hindi ko kasi naiintindihan ang nilalaman ng topic kapag isinusulat ko siya.

Habang papunta sa library ay inubos ko na ang pagkain ko. Bawal kasing magdala ng food and drinks 'don dahil baka raw maging makalat.

Pagkarating ko ay pumwesto ako sa medyo malayo-layo sa iba pang nagbabasa. Anim lang kami dito sa loob. Wala naman kasi masyadong nagpupunta dito dahil madalas nagce-cellphone lang o kaya nakatambay kung saan-saan ang ibang estudyante.

Gustong-gusto kong dito nag-aaral dahil tahimik at wala masyadong istorbo. Pero minsan nakakainis 'yung ibang teachers na pumapasok tapos may pinag-uusapan. Ang lalakas kasi ng boses nila pero hindi naman kami makapagreklamo dahil bukod sa nahihiya ay mukhang importante din naman ang mga sinasabi nila.

I opened my book then I started reading. Kailangan kasi maging handa talaga ako sa report ko. Medyo may pagka-strict kasi si Sir. Ang gusto niya kapag nagsasalita sa unahan ay walang hawak na tinginan o basahin.

Buti na lang mabilis ako makaintindi ng mga pinag-aaralan. Mas gusto ko pa 'yung nagbabasa ako at nagse-self study. Minsan sa sobrang ingay at gulo kasi sa room ay hindi ko na maintindihan ang pinagsasasabi ng guro.

Abala ako sa pagbabasa at sa pagtatanda ng mga importanteng salita. I'm struggling to remember the dates. Isa talaga sa kahinaan ko ang pag-alala ng mga petsa kung kailan nangyari ang bagay-bagay, kung kailan ipinanganak at namatay ang kung sino-sinong tao.

Mas nahihirapan ako dahil naririnig ko ang boses ng iba kong kasama rito. May nagbabasa kasi sa kanila ng medyo malakas. Mas makakatulong talaga kung wala sanang maingay o magulo.

"Hey, nerdy Gwyn!"

Speaking of disturbance...

*Don't forget to vote, comment and share❤*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro