Chapter 9
Kasalukuyan na akong nag-iisip ng ihahanda sa birthday ni Jethro. Next next day will be his birthday and wala pa akong nainvite maliban kay Primm. Inilista ko na ang mga bibilhin kong lulutuin. Pati ang aso ay isinali ko na dahil baka malimutan ko.
Plano ko sanang isama si Jethro ang kaso ay naisip kong hindi na surpresa kung sakali lalo na't ngayong araw ko bibilhin ang nais niyang aso. Kaya doon ko na muna siya iniwan kay Phaebe. Isa pa nag-day off ang isang yun kaya mababantayan niya ng maayos ang anak ko.
Kasama kong mamili si Evans. Kailangan kasi ng magdadala ng mga mabibili ko. Hindi ko naman kayang ako lang ang magdadala. Tsaka mamaya ko pa iimbitahan ang mga kaibigan ko pagkatapos mamili.
Wala namang party na magaganap kasi gusto ni Jeth na simple lang. Kaya ito at simpleng handaan sa bahay ang gagawin namin. Bukas ng gabi na ako magsisimula sa paghahanda pero syempre papupuntahin ko ang pinsan ko rito. Chef yun, eh. Siya na ang hahayaan kong mag-isip para sa mga lulutuin.
"Tapos na ba ang mga inilista mo? Maayos na ba? Love, wag mong kakalimutang magluto ng adobong manok, ah. Tapos lagyan mo ng green peas tsaka pineapple," saad ni Evans na nakaupo sa tabi ko.
"Yes, yes. Nailista ko na siya. Tingin mo kaya mo bang bitbitin lahat ng ito? Ang rami pala nito. Tapos magbe-bake pa si Aileen tsaka si Primm. Imbitahan kaya natin ang mga kaklase ni Jeth. Tingin mo?" sabi ko habang nirereview ang mga nilista ko.
"I think that's a good idea. Para naman may kakain sa cake na ipapa-bake mo. Alam mo namang hindi namin hilig iyang cake. Tsaka hindi niyo rin mauubos yan," sagot niya.
I nodded and said, "okay".
Pagkatapos nang nangyari sa amin ni Evans noon sa kusina ay nagbago na ang pakikitungo namin sa isa't isa. He keeps calling me 'love'. Sinasabihan na rin niya ako ng 'i love you's' niya.
Sa ngayon ay hindi ko pa iyon masagot. Masakit man sa parte ko pero wala akong magagawa. I want to clear the heaviness of my chest before saying those words. And also, I don't want to give him false hope. I want everything to be clarified before I will make a statement.
Madalas na rin siyang natutulog sa tabi ko. Naiinis pa siya kay Jethro dahil kapag gusto niyang tumabi sa akin ay gusto ring tumabi si Jeth. Kaya ayon at palagi silang nagbabangayan. Hindi napapagod. Kaya palagi silang maingay.
"Let's go. Tapos na ito," yaya ko sa kanya.
He nodded. He held my hand and intertwined it while we're on our way to the garage. Hindi ko na tinanggal kasi ayos lang naman sa akin.
Nang makarating sa kotse ay agad na rin niya yung pinasibad. Hindi kami nagmamadali pero dahil sa rami ng bibilhin kinakailangan. Hindi ko lang nasisiguro kung kaya niya bang dalhin ang mga ito gayung napakarami nito.
Nang makarating kami sa supermarket ay agad siyang kumuha ng cart. Kinuha ko na rin mula sa bag ko listahan ng mga pamimilhin ko. Habang patuloy sa paglalakad ay naramdaman ko na naman ang kamay niyang pilit isinisiklop sa kamay ko.
"We should hold hands more often," biglang sabi niya.
Nanatili akong nakatingin sa listahang hawak ko.
"Hmm, why?" I asked not looking at him.
"Nothing. It just feels good. Tsaka, para masanay na rin iyang kamay mo na hawak-hawak ko," sagot niya.
I tsked and chuckled.
"Let's go to the meat section first. Mamaya na natin hahanapin ang ibang ingredients. Ito muna ang unahin natin para hindi tayo makulang sa oras. Tsaka para mas makapili tayo ng maayos na ingredients mamaya," saad ko at hinila siya papunta sa meat section.
"Bakit? May pagkakaiba ba yun kung uunahin natin ang ingredients? Wala naman diba?" takang tanong sa akin ni Evans.
I rolled my eyes.
"May pagkakaiba yun, okay. Hindi ko lang maipapaliwanag basta may pagkakaiba yun. Tulungan mo na lang ako sa paghahanap ang rami mo pang sinasabi diyan," saad ko.
Nang makarating sa meat section ay agad na kaming namili. Karne ng baboy tsaka manok ang binili namin. Nang matapos ay agad na kaming naghanap ng mga ingredients. Pinipilit ko si Evans na tumulong sa paghahanap pero dahil isa siyang dakilang sakit sa ulo ay hindi siya nakinig. Ang sarap pukpukin ng ulo.
"Evans, tulungan mo akong hanapin ito! Kanina ka pa dyan!" reklamo ko at saka itinuro sa kanya ang nasa listahan.
Hindi siya nakinig sa halip ay paulit-ulit na hinahalikan ang kamay kong hawak niya. Inis kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Humalukipkip ako tsaka pinandilatan siya.
"Why?" inosente niyang tanong na ngumunguso pa.
"Anong why-why, ha?! Ang sabi ko tulungan ako sa paghahanap hindi hahalik-halikan ang kamay ko! Kaya hindi tayo nakaalis sa pwestong ito, eh kasi di ka nakikinig! Sabing tulungan mo akong maghanap para makauwi tayo agad pero ang tigas ng ulo mo! Kapag ako nainis sayo pupukpukin ko yan!" singhal ko sa kanya saka tinuro-turo siya.
Nakatitig pa rin siya nang may inosenteng mga mata sa akin kaya inirapan ko siya.
"Aling ulo ba yung matigas? Tsaka alin yung pupukpukin mo?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko.
"Anong aling ulo ang pinagsasabi mo dyan?! May iba ka pang ulo?!" sarkastiko kong sagot sa kanya.
Muli kong ibinaling ang atensyon sa mga bilihin. Pumupulot na rin ako ng tomatoes roon saka inilalagay sa cellophane.
"Syempre, dalawa. Hindi mo alam? Dalawa ang ulo ko. Pero kung hindi mo naiintindihan yun, kalimutan mo na lang. Akin nga kamay mo," sabi niya tsaka pilit inaabot ang kamay ko na pilit ko namang iniiwas.
Hindi kami matatapos nitong ginagawa namin, eh. Dapat talaga isinama ko na si Jeth, eh!
"Tumigil ka dyan, Evans, ha! Makakatikim ka sa akin makikita mo!" mariin kong banta sa kanya. Pero dahil isa siyang malaking abnoy ay hindi siya nakikinig at inaabot pa rin ang kamay ko.
Inis kong iwinaksi ang kamay niya tsaka siya hinarap. Dali-dali ko siyang kinurot sa bewang pero sa halip na tumigil ay tumawa lamang siya habang sinasangga ang mga pagkurot ko.
"Sabing tumigil ka, eh! Di ka nakikinig!"
"Sorry na, mahal—ayy! Saglit,—masakit na mahal—oo na sorry na—aray! Ito na titigil na—promise, promise!" Natatawa ngunit umiigtad na saad niya.
Tiningnan ko siya ng masama saka inirapan.
Tumalikod na ako saka naghanap ulit ng ingredients. Samantalang ang isa sa likod ko ay tatawa. Walang magawa sa buhay.
"Ito hanapin mo 'to dun banda," utos ko sa kanya.
Agad naman siyang tumango habang natatawa. Napailing na lamang ako.
Pagbalik niya ay dala na niya ang iniutos ko. Agad kong inilagay ang mga iyon sa cart tsaka nagpatuloy ulit sa pagmimili.
"Love, paano yung pinapple at saka green peas sa adobong manok ko?" tanong niya sa akin.
Agad na hinanap ng mga mata ko ang mga pinya at green peas.
"Andoon. Kumuha ka doon. Ikaw na bahala kung ilan ang gusto mo. Basta wag mo lang masyadong ramihan, ha?" utos ko.
Agad naman siyang tumalima at sinunos ang utos ko. Nang makabalik siya ay kita ko ang tuwa sa mga mata niya. My heart swelled with his smile. Alam ko kasing paboritong paborito niya ang adobong manok na may pinya at green peas kaya hinayaan ko siyang pumili kung ilan ang gusto niya.
"By the way, call your Mom and Dad later, okay. Sabihin mong pumunta sila rito next next day. Gusto ko nga sanang papuntahin si Mommy dito bukas, eh para tulungan kami sa pagluluto. Alam mo nang best cook yun," saad ko, referring to Evans' Mom.
He smiled and intertwined our hands again.
"Ikaw na lang kaya ang tumawag tapos sabihan mo na rin na gusto mong naroroon siya bukas para makatulong sa pagluluto," saad niya.
"Hindi ko sinabi para makatulong si Mommy, okay? Namiss ko lang ang mga luto niya. Gusto ko ulit matikman ang mga specialties niya," depensa ko. He chuckled.
"Fine. Sige mamaya tatawagan ko," he said. I nodded.
We continued searching for ingredients. Marami ang napamili namin at halos mapuno na ang cart kaya naman ay kumuha si Evans ng bagong cart. Hindi ko nga nasisiguro kong mauubos ba namin to gayung napakarami ng ihahanda namin bukas. Basta gusto ko lang maenjoy ni Jeth ang birthday niya kasama ko.
Ilang oras din kaming naglalakad at naghahanap ng mga pamimilhin. Kahit na ramdam kong bagot na si Evans ay hindi ako tumigil. Hindi ako satisfied sa mga pinamili ko, pakiramdam ko may kulang. Kaya patuloy lamang ako sa pamimili. Isa pa wala namang problema sa akin ang gastos, eh. Hati-hati naman kami ni Evans rito.
Habang namimili kami ay napapansin ko ring unti-unting rumarami ang mga matang nakatuon sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit gayung hindi naman kami sikat na dalawa. May mga teenagers pa na nangunguha ng picture ng patago pero dahil hindi ko maabutan ay hindi ko na sila napapatigil sa ginagawa. May mga matanda ring nakatuon ang mata sa amin.
Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari kaya napapatingin ako sa damit ko tsaka kay Evans, baka kasi baliktad ang damit namin. O baka may dumi. O baka may butas, may kagat ng daga. O baka hindi ko naplantsa. Napabuntong hininga na lamang ako sa naiisip. Bakit naman naiisip ko ang ganun? Hindi ko naman gustong magpa-impress sa kanila pero kasi parang ang pangit ko sa paningin nila.
"Is there any problem, love?" tanong sa akin ni Evans nang siguro'y napansin niyang balisa ako.
"W-Why are they looking at us?" tanong ko sa kanya. Ibinaling niya ang tingin sa paligid namin. Then, he shrugged.
"Hindi ko rin alam. Siguro masyado lang talaga akong gwapo kaya hindi nila mapigilang pansinin ako. Alam mo naman itong asawa mo, diba? Hindi lang macho, gwapo rin," bulong niya sa akin saka ngumiti sa mga nakatingin sa kanya.
Hindi ba siya naaasiwa? Yumuko na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Madalas rin akong tumitingin sa listahan ko para hindi palaging nakikita ang mukha ko.
"Kay ganda niyo naman tingnan na mag-asawa. Bago lang ba kayong ikinasal?" Napalingon kami sa nagsalita.
Isang nakangiting Lola ang naabutan namin. Napatingin kami sa isa't isa tsaka marahang umiling.
"Matagal na po kaming kasal, La. Bakit ho naitanong niyo?" si Evans ang sumagot. Nakangiting umiiling ang Lola.
"Ang bata niyo pa kasi tingnan. Tsaka sa inyong ikinikilos ay mas lalo kayong nagmumukhang mga bata na bago lang pinag-isang dibdib," sagot ni Lola.
Napangiti ako.
"B-Bakit po ang raming nakatingin sa amin, La?" hindi ko mapigilang tanong.
She smiled.
"Eh paano ba naman kasi eh ke tamis-tamis ninyong dalawa. Itong asawa mo hija ay hindi mahiwalay ang kamay sa kamay mo. Hindi rin maalis ang tingin sa iyo kahit katabi ka niya. Eh, tiyak ko'y hindi mo iyon napapansin pagkat abala ka sa pamimili ng bilihin," nakangiting sabi ni Lola.
Napatingin ako kay Evans na ngayo'y may nahihiya nang ngiti. Napangiti na rin ako at namula ang pisngi.
"Hindi ko nga po napansin," natatawa kong saad.
"Oo. Nasisiguro kong mahal na mahal ka nitong asawa mo hija. Naku, ganyan na ganyan ang asawa ko noon sa akin. Hindi mawala ang tingin sa akin na para bang ako lamang ang nag-iisang babae sa mundo. Medyo, naiinis ako dati sa kanya pagkat may pagkaseloso iyon. Pero, kapag naaalala ko naiisip ko na para lang din naman iyon sa akin. Talagang mahal niya lamang ako," nangingiting kwento ni Lola.
Napangiti na rin ako. Kaya ang swerte ng mga nabubuhay noong unang panahon, eh. Pinapahalagahan kasi ng kalalakihan ang isang babae. Pinapakita rin nila ang tunay nilang pagmamahal. Hindi sila natatakot sumugal kapag patungkol na sa pag-ibig. Hindi nila ginagawang galit ang pagmamahal na hindi na muling nasuklian, sa halip ay nagpatuloy hanggang sa matagpuan ang nakatakda na ibigay sa kanila ng diyos.
"Nasaan na po sila Lolo? Bakit hindi po kayo magkasama?" tanong ni Evans.
Biglang lumungkot ang ngiti ni Lola.
"Matagal nang patay ang mahal kong asawa. Hindi sa sakit kundi sa kanyang pagtulog. Nalulungkot man dahil wala na siya ngunit sa kabilang banda'y ako ay natutuwa sapagkat kahit papaano'y nakapaghinga na rin siya sa wakas. Tsaka hindi ko pinagsisihan ni isang beses ang kanyang pagkawala, pagkat hindi ako napagod sa pagpaparanas sa kanya ng aking pagmamahal. Gayundin siya sa akin. Kaya't natitiyak ko na wala siyang pinagsisihan sa bandang huli," sabi ni Lola.
May kunting kirot man ang dibdib ko ay napangiti ako. Tama naman si Lola. Kapag ibinuhos mo lahat ng iyong pagmamahal sa isang tao ay kahit kailan hindi mo iyong pagsisisihan.
"Pasensya na ho kayo kung nagtanong pa ako," hinging paumanhin ni Evans.
Ngumiti lamang sila Lola.
"'Ku! Wala iyon! Isa pa'y tanggap ko naman at ng puso ko na wala na ang mahal ko. Ang mahalaga'y mahal ko siya at mahal niya ako. Kaya'y kayong mag-asawa, iparamdam niyo ang buong pagmamahal sa isa't isa bago pa mahuli ang lahat. Hindi sa lahat ng oras, aayon sa inyo ang panahon. Hangga't kayo'y nabubuhay mahalin ninyo ang isa't isa, ha," she paused. "Isa pa, kaya ko kayo kinausap ay dahil naaalala ko ang mga alaala namin ng aking mahal na asawa. Hindi ko ba kayo nagambala?"
"Hindi po," nangingiti kong iling.
Ngumiti siya ng malawak.
"O siya, siya, siya. Wag niyo na lamang akong pansinin. Madrama lamang ako pagkat naaalala ko ang aking asawa."
Natatawa niyang saad. Natawa rin ako ng bahagya. Ang sarap siguro magmahal ni Lolo.
"O, eh, bago makalimutan. Ito, tanggapin niyo ito." May inabot siya sa amin.
Inilahad ko ang kamay ko at nang tingnan ko ito ay dalawang singsing. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Para saan po ito, Lola?" takang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin.
"Kanino pa ba? Ede, para sa inyong dalawa. Walang nakasulat na pangalan ang singsing na iyan. Minana pa iyan ng aking asawa sa kanyang mga Lolo't Lola. Ang natatanging nakasulat diyan ay ang salitang "Mahal kita". Nawa'y tanggapin niyo iyan," nakangiti niyang sabi.
Nagtataka man ay napangiti na rin kami ni Evans.
"Salamat po," sabay naming sabi.
"O siya, magpatuloy na kayo sa pamimili ha at wag niyo na akong pansinin." Muli niyang sabi nang may ngiti sa labi.
Ngumiti na rin kami pabalik at saka tumalikod.
Habang hawak ko ang singsing ay ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Tinitigan ko ang singsing. Totoo nga na may nakalagay ditong 'Mahal Kita'. Nakakatuwa isipin ang pagmamahal ni Lolo at Lola. Sana gaya nila, lahat ng pag-iibigan ng mga tao'y puno ng saya. Napangiti ako saka lumingon muli sa kinaroroonan niya, ngunit laking pagtataka ko nang wala na siya. Ilang beses ko pang sinuyod ng tingin ang kanina lang ay kinatatayuan niya, pero hindi ko na talaga siya nakita. Kaya isinilid ko na lamang sa bag ang parehong singsing tsaka nagpatuloy na lamang sa pamimili.
---
"Hindi 'yan."
"Hindi."
"Wag yan."
"Hindi, hindi."
"Hindi pa rin."
"Hindi bagay kay Tasyo yan--"
"Evans hindi ba pwedeng ako na lang ang pumili ng aso, ha?! Kanina ka pa hindi ng hindi diyan, eh! Tabi nga!" Inis na sabi sa akin ng mahal ko.
Ang sabi ko kasi ako ang pipili ng aso na babagay kay Tasyo. Pinagbigyan naman niya ako tapos bigla na lang nagalit.
"Eh kasi naman, love. Hinahanap ko kasi yung aso na babagay kay Tasyo. Wala sa mga itinuro mo, eh. Alam mo namang marami kaming aso sa bahay diba? Hindi lang ako peburit pero ako ang pumili ng mga yun. Oh, kita mo naman, close na close sila kay Mommy at kay Daddy tsaka pati sa kumag kong kapatid," pagdadahilan ko.
Totoo naman kasing ako palagi ang namimili ng mga alaga sa bahay. Aso at pusa. Tsaka, nasabi ko na bang may kapatid akong kumag?
"Evans, for your information, lahat ng ito babagay kay Jethro. Like I told you hindi mo na kailangang mamili. Pwede namang sa unang tingin pa lang, eh. Jeth loves black so itim ang bibilhin natin. Pero dahil naisip kong tatlo ang bibilhin nating aso ay iba-iba na lang ang kulay na bibilhin natin. Tsaka wag ka nang magreklamo ako na ang pipili para di na tayo matagalan," sabi niya ay sinusuyod ng tingin ang mga aso.
Akala ko ba hindi na siya pipili? Bakit pumipili siya? Akala ko ba unang tingin lang?
Ngumuso ako tsaka tumingin-tingin na rin. Sinusuyod ko bawat aso. Maghahanap ako ng para kay Tasyo. Yung babagay sa kanya. Patuloy ako sa paghahanap ng may mahagip ang tingin ko. Agad ko itong nilapitan at kinarga.
"Love, ito tingnan mo. Ito na lang. Itim rin naman to, eh. Tingnan mo? Bagay na bagay kay Tasyo, diba?"
Na-e-excite kong sabi kay Harriet. Isa itong itim na husky at halos wala nang buntot.
Tiningnan ito ni Harriet tsaka siya ngumiti ng malawak. Kinuha niya sa akin ang aso tsaka kinarga.
"Aww! Ang cute naman! Sige ito na lang. Maghanap pa tayo ng tatlo. Yung ibang kulay naman," sabi niya habang nag-belly rub kay Aso ni Tasyo.
Agad aking naghanap. Isang husky na kulay brown at blue ang mata ang sunod kong napili. At ang panghuli ay isa pa ring husky ngunit kulay puti naman na may green na mata. Lahat sila matataba.
"So paano na? Let's go?" yaya sa akin Harriet habang bitbit ang tatlo.
Sobrang liliit kasi kaya kayang buhatin ni Harriet. Agad naman aking tumango saka pumuntang kotse.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kanya nang mapasibad na ang sasakyan.
"No. Bibili tayo ng needs nitong mga puppies." Nakangiti niyang sagot. Needs?
"Needs? Anong needs naman ng mga 'yan?" takang tanong ko.
"Needs. Like shampoo, soap, blanket, pillow, food—oh! And of course bibilhan ko sila ng dog tag! Kaya tara punta tayo sa mall!" excited niyang sabi.
Wala na akong nagawa kaya sumunod na lamang ako.
Sobrang rami ng pinamili niya pagdating namin. Halos mapuno ako sa paperbag. Nang matapos ay nakahinga ako ng maluwag.
Sino ba namang hindi, diba? Ikaw kaya ang magdala ng dose-dosenang mga pinamili niya.
Mas lalo akong napanatag nang malaman kong uuwi na kami. Tsaka isusurpresa ko rin si Tasyo. Kahit naman pilosopo yun, napamahal na sa akin ang batang iyon.
—
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro