Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Kasalukuyan akong nagluluto ng adobong manok sa kusina. It's already 6:00 in the evening and I usually cook dinner at this hour para hindi kami mahuli sa oras ng pagkain. Tsaka, ayokong gutumin si Jeth. Mabuti sana kung wala siya.

"Ma, nood po tayo ng movie mamaya," aya ni Jeth.

Nilingon ko siya. Nakasandal ang pisngi niya sa counter habang nakaupo sa upuan. Bahagya rin siyang nakanguso. Lumubo pa ang pisngi niya dahil sa pagkakaipit. Napapansin kong unti-unti na siyang tumataba, which is good.

"Sige. Manonood tayo mamaya. Basta hindi yung terminator ha? 'Yung iba naman. Yung suitable para sayo."

"Opo, Ma."

"Anong gusto mong kainin mamaya? Gagawa ako," saad ko.

"Kahit ano na lang po, Ma," sagot niya.

I nodded.

"Okay sige. Nasaan ang Papa mo? Sabihin mong malapit nang maluto itong pagkain."

"Opo. Pupuntahan ko sa kwarto niya," saad niya at narinig ko siyang tumakbo.

Habang binabantayan ko ang niluluto ko ay inihanda ko na rin ang patatas. Plano kong gumawa ng potato chips para mamaya sa movie marathon namin. Popcorn sana kaso walang mais rito at patatas lang ang meron kaya patatas na lang. Sampung patatas ang naisipan kong lutuin.

Agad kong hinugasan saka binalatan ang mga ito at hiniwa sa maliliit. Nilagyan ko ng harina at pagkatapos ay handa nang prituhin. Habang nagpiprito ay pumasok ang dalawa sa kusina.

"Ano 'yan?" tanong ni Evans. Naupo silang dalawa sa upuan sa counter.

"Potato chips," maikli kong sagot.

"Oh! Potato chips?! Ang tagal na simula nang makatikim ako ng luto mong pritong potato chips, ah! Namiss ko yan! Bakit nagluluto ka ng patatas?" saad ni Evans.

"Sabi ni Jeth mag-movie marathon tayo mamaya kaya ito ang inihanda ko."

Nilingon ni Evans si Jeth, "Di mo sinabing may plano ka palang mag-movie marathon, Tasyo! Ang unfair mo talagang bata ka!" pagdadrama niya.

"Tsk. Di ka naman nagtanong," sagot ni Jeth.

"Hindi naman na kita kailangang tanungin, eh. Pwede mo namang sabihin na lang sa akin! Ang sama mo talaga sa akin! Tingin mo hindi ko alam ang wish mo para sa birthday mo--"

"Shut up!" biglang sigaw ni Jeth kaya napalingon ako.

Nakita kong sobrang sama ng tingin ni Jeth kay Evans habang ang huli ay nagpipigil tawa. Malapit na ang birthday ni Jeth. It's next week and I'm excited to celebrate his 9th birthday with us.

"What's your birthday wish, Jeth?" tanong ko kay Jeth.

Nilingon ako ni Jeth tsaka ngumuso.

"'Wag mo na pong isipin yun, Ma. Nagsisinungaling lang si Sir." Nakanguso niyang sabi.

"No, it's okay. Sabihin mo sa akin. Bibilhin ko o ibibigay ko. Para naman sayo yun, kaya sige na sabihin mo na," sabi ko at nginitian siya.

"Sabihin mo na, Tasyo," pangungulit ni Evans.

Binaling ko ang tingin kay Evans.

"Bakit ba tinatawag mong Tasyo si Jeth?" inis kong tanong.

He smiled at me.

"Dahil apo siya ni Pilosopong Tasyo," sagot niya at nangumbaba sa counter.

I rolled my eyes. Muli kong ibinalik ang tingin kay Jeth.

"Ano yung wish mo Jeth?"

Ngumuso siya. "Aso po," sagot niya.

I smiled. I love puppies too.

"Sure. Bibili tayo niyan," saad ko.

His face lit up and smiled at me.

"Thank you po, Ma," malawak ang ngiting saad niya.

I nodded.

Muli kong tiningnan ang niluluto ko. At nang makitang luto na ang adobo ay inihain ko na ito. Saka nagsimula na kaming kumain.

Nang matapos ay si Evans ang nagboluntaryong maghugas kaya hinayaan ko na siya. Naisip ko ring sa kwarto ko na lang kami manonood kaya nilinis ko muna ang kwarto ko. Hindi naman madumi, may mga kalat lang na kagamitan sa eskwelan.

Naghanap na rin ako ng movie na papanoorin at sinigurado kong suitable iyon kay Jeth. Nang matapos ay tinawagan ko si Primm. May aso sila kaya itatanong ko kung saan niya ito nabili. Plano kong bilhan agad si Jeth ng aso dahil iba ang ireregalo ko sa kanya.

"Hello, Yet? Yes? May something kang kailangan?" she immediately answered.

Konyohan ng babaeng ito.

"Oo, eh. Itatanong ko lang sana kung saan mo nabili iyang aso mo."

"Oh, Champi?! Just nearby here in our village. Doon sa may name na puppy house. There's a lot of cute puppies there! May mga different breeds sila doon. All of them are so cute!" I felt excited.

"Oh. Okay. Thank you. 'Yun lang ang itinawag ko."

"Your welcome! For who ba iyang puppy na bibilhin mo?"

"For Jethro. Next week na ang birthday niya and he wants a puppy. Kaya ito ako naghahanap ng mabibilhan. Good thing na nandyan ka!" she giggled on the other line.

"That's nothing! Sige! Are we invited on Jeth's party?" I laughed.

"Of course! Oh sige na dahil gustong mag-movie marathon ni Jeth at sasamahan ko. Bye na, ha. Thank you ulit."

"Okay! Bye!" and the call ended.

Nang matapos ang tawag ay naglagay ako ng blanket at pillow sa carpetted floor. Inihanda ko na rin ang DVD at ang CD na napili ko. Pagkatapos ay tinawag ko na si Jeth mula sa kwarto niya at sinabihang tawagin si Evans. Dumeretso na ako sa kusina para kunin ang potato chips saka nilagyan ng cheese powder at agad na ring bumalik sa kwarto.

Pagdating ko ay nakaupo na silang dalawa sa carpetted floor. Naka-play na rin ang movie na pinili ko. I smiled at them and placed the chips on the carpetted floor.

"There you go. Papatayin ko ba ang ilaw?" tanong ko sa kanila.

They both nodded.

Agad na akong naupo at sumukob sa kumot katabi ni Jeth. Then we started became silent. Nag-iingay lang kapag ngumunguya na kami ng chips.

I missed these things together with Evans. Naaalala ko dati ako ang palaging nagyayaya sa kanyang manood ng sine o kaya mag-movie marathon. Ayaw naman talaga niya sa ganito pero dahil gusto ko pumapayag siya.

Everytime we watch movies we ended up flirting or making love. I missed those moments. That was the happiest moments in my life. So happy that I almost forgot why we ended up like this. And I will surely miss all of those 'till I grow older.

Napabuntong hininga ako. Pumulot ako ng chip at nginuya ito. Napasandal ako sa sofa na nasa likod namin saka itinukod ang kaliwang kamay ko likod ni Jeth. I tried to focus on the movie. I tried to shook away the thoughts. The memories. Both happy and sad. Those are in the past. Should be or must be forgotten.

Napaigtad ako nang may maramdamang humawak sa kaliwa kong kamay. Agad akong lumingon at tiningnan kung sino iyon. I found Evans' hand holding my hand.

Pilit ko itong tinatanggal pero hindi siya nagpatinag sa halip ay mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin. Pero hindi ko alam kung nakita niya ba dahil masyado siyang focus sa pinapanood niya. I breathed out. Wala akong magawa kundi hayaan na lamang siya.

Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam siyang magbanyo. Nang bumalik ay halos mapigtas ang hininga ko nang sa akin siya tumabi.

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay saka sumukob sa kumot. Akala ko ay iyon lang ang gagawin niya pero iyon na lamang ang pagtigil ng paghinga ko nang bigla niyang ipinulupot ang mga braso sa bewang ko saka isinandal ang mukha sa balikat ko.

"A-Ano ang ginagawa mo?" Madiin kong bulong sa kanya.

Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko saka sininghot-singhot iyon.

"The movie is boring. Maybe we can do something intense, what do you think?" bulong niya sa leeg ko.

Napalingon ako kay Jeth. He's focused on the movie.

"S-Shut up, Evans! B-Baka marinig ka ni Jeth." Madiin ngunit kinakabahan kong bulong.

"Why are you stuttering, love?" Malambing niyang bulong sa leeg ko.

Naramdaman kong hinalikan niya iyon. I felt a shiver down my spine.

"S-Stop that, E-Evs!" Madiin at pagalit kong sabi.

I heard him chuckled. Breath fanning on my neck.

"Stop what?" he whispered, chuckling.

"Ma, may chips pa po ba?" Biglang tanong ni Jeth kaya napaigtad ako. Agad akong tumango at pilit na ngumiti.

"Y-Yes. Teka, kukuha lang ako sa baba." Agad akong humiwalay kay Evans ay pinulot ang wala nang lamang plato kung saan ko nilagay kanina ang chips.

Nagmamadali akong pumunta sa kusina. Napainom ako ng maraming tubig. I inhaled and exhaled to be calm. Agad kong isinalin sa plato ang chips saka nilagyan ng cheese powder.

Aakyat na sana ako uli nang madatnan si Evans na nakasandal sa hamba ng pintuan sa kusina at seryosong nakatingin sa akin.

"Y-Yes?" Kinakabahan kong tanong.

He stared at me intently.

"Come here." Ma-awtoridad niyang sabi.

Mas lalong bumangon ang kaba ko. Wala naman kaming gagawin diba? Wala namang intense-intense na mangyayari gaya ng sabi niya diba?

"U-Uhm, w-why?" Halos pumiyok kong tanong.

He looked at me seriously, raised his brows like he's telling me to follow what he want. Napalunok ako.

"May pag-uusapan tayo." Maikli niyang sagot.

Pag-uusapan? Dati kapag sinasabi niya yan sa ibang bagay umaabot ang usap, eh. H-Hindi naman siguro niya gagawin yun, no? Nanginginig ang mga binting lumapit ako sa kanya.

"A-Ano 'yun?" Kinakabahang tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. He crossed his arms and towered on me. B-Bakit naman ang tangkad niya?

"Lapit pa," utos niya saka sinenyasan akong lumapit.

Napatingin ako sa distansiya namin. M-malapit na ako, ah. Unti-unti akong lumapit. Dibdib niya lang ang tiningnan ko dahil hanggang doon lang naman ang height ko. Napakagat labi ako dahil sa kaba.

"Tsk. Tsk. Tsk," he tsked.

Napatili ako nang bigla niyang kabigin ang bewang ko palapit sa katawan niya. Muntik pang matapon ang chips na hawak ko.

"E-Evans? Y-You're so c-close. A-Ang chips Evans, b-baka matapon." Halos pumiyok at hindi humihinga kong saad.

I heard him smirked. Hinawakan niya ang baba ko at pinatingin ako sa kanya. There's a smirk written on his face.

"Bakit ba hindi ka nagpapahawak sa akin?" Naniningkit ang mga matang tanong niya.

B-Bakit nga ba?

"N-Nagpapahawak naman ako, ah." Halos hindi humihingang sagot ko.

He bit his lower lip while narrowing his eyes at me.

"I see." He nodded. "So, as far as I can remember, we're supposed to be in good terms, right? Remember? No'ng nag-usap tayo before Precy's birthday? Akala ko ba maayos na tayo?" Kunot-noong tanong niya tapos ay ngumuso. "Akala ko ba nakikipag-ayos ka na sa akin. Bakit hindi mo pa rin ako pinapansin? Lumalayo ka pa rin sa akin!" Reklamo niya saka pumapadyak na parang bata.

My nervousness eased. Ito lang pala ang pag-uusapan, pinakaba pa ako. Akala ko, kasunod na ay 'I'll be gentle'.

"Uh, hindi naman, ah. Hindi ka lang talaga nakikipag-usap sa akin kaya hindi na rin kita napapansin. Tsaka, busy ako sa pag-aasikaso sa kay Jeth kaya siguro... medyo malayo ako sayo. Alam mo namang gusto kong... mag-alaga ng bata, diba? And since Jeth is here, siya ang gusto kong pag-tuunan ng pansin," paliwanag ko.

Tumango-tango siya habang nakanguso at malayo ang tingin. Hawak niya pa rin ang bewang ko at dikit na dikit pa rin ang katawan naming dalawa. Tumango-tango siya kalaunan at saka tumingin sa akin.

"Fine. Pero dapat may kapalit. Gusto ko rin naman ng atensyon mo. Tsaka gaya ng sabi ko, maayos na tayo, ibig sabihin nun parang gaya na rin ng dati. Bigyan mo ako ng chance ulit tapos ayusin natin ang dating nasira. Ayos ba?" he said.

Napatitig ako sa kanya. I-I'm not sure about this. Baka masaktan ko lang siya gayung nagsisimula nang inasikaso ng abogado ko ang tungkol sa annulment naming dalawa. I don't want to hurt him. But his deal is really tempting.

"Hindi ba pwedeng... pag-isipan ko muna? Medyo, marami pa kasi akong iniisip ngayon kaya--"

"Hindi mo naman na kailangang pag-isipan 'yun, eh. Ako naman ang gagawa ng lahat. Ako ang humingi ng chance sayo, eh. Hindi sa namimilit ako, ha. Pero seryoso ako, at kahit na ayaw mo, papatunayan ko. Kung gusto mong mag-focus kay Jeth ay ayos lang naman. Basta wag mo akong pigilan sa gusto ko. Gusto kong ibalik ang dati kaya sana pagbigyan mo ako." Seryoso niyang sabi.

Napabuntong hininga ako. I don't want to hurt him. But, I want to be selfish for once. It won't be that bad, right?

"O-Okay. Kung iyan ang gusto mo," saad ko at ngumiti ng maliit.

He smiled wide and hugged me tight. He kissed my cheeks and my forehead. He stared at my lips but he shook his head instead.

"Saka na kita hahalikan sa labi kapag handa ka na," bulong niya at muli akong hinalikan sa noo. "Salamat, love. For giving me another chance to prove my love for you. Sa pagkakataong ito, pagbubutihin ko. Iiwas na ako sa mga babae para hindi ka na magselos, though ayos lang naman kung magseselos ka. From now on, I give you the whole right to be fucking jealous with any woman around me," he whispered and put his face on the hallow of my neck, sniffed it and kissed it.

I felt myself smiling wide. Cheeks burning. Heart beating wild. I felt this before, but still felt like new to me.

Maybe I should just let him. Maybe I should just let things be. Maybe we will be able to fix what we once destroyed.

---

After the incident lately in the kitchen, I felt at ease. I felt so light. So happy. So good. Though, I haven't told her the three magic words yet, but I'm dying to tell it to her. Maybe not now, maybe if she's ready.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng mahal kong asawa. Nakatukod ang kanan kong siko sa unan habang nanonood sa pinapanood nilang movie. Habang ang dalawa naman ay nasa carpetted floor at nakasukob sa kumot. Nakakainggit. Pero, sige dahil mabait at gwapo akong asawa, ay dito na lamang muna ako.

Patapos na ang movie na pinapanood namin. Ilang beses na rin akong napahikab dahil sa pinapanood naming hindi ko alam kung ano ang title. Masyadong boring. Wala man lang intense. Walang thrill.

Naririnig ko ang mga sigaw at utos ng dalawa. Inuutusan nila ang bida. Wag daw maging bobo. Nasa likod daw ang kalaban. Ang hina raw kumilos. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Bilis! Ano ba! Iyong kilos mo!" sigaw ni Harriet.

Ang ingay niya talaga kahit kailan.

"Nasa likod mo na! Bilisan mo pa!" sigaw naman ni Jeth.

Hindi ko alam na pelikula lang pala ang makakapagbigay reaksyon sa kay Tasyo.

Ang cute nang tawag ko sa kanya 'no? Tasyo? Apo kasi siya ni Pilosopong Tasyo.

"Ayan! Ayan na! Ayan—ayy! Ang galing!"

"Sige! Ayan na! Malapit ka na!"

"Huwag—sa kabila—hindi sa kabila—kabila nga!"

"Kabila—utak ko may tinta! Hirap mo kausap! Sabing sa kabila!"

Napabuntong hininga na lamang ako sa ingay nila. Jusko! Buti na lang hindi ako natulog baka hindi ako makatulog ng maayos kung sakali dahil sa ingay nila. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa dalawang ito.

Ilang minuto pa ang lumipas na patuloy sila sa pagsisigawan. Hanggang sa natapos na ang movie. I sighed in relief when the movie finally ended. Makakatulog na rin.

"Evans, tingnan mo nga rito kung nandito ba ang part two ng movie. Dali! Papanoorin namin ni Jeth!" utos sa akin ng mahal na reyna, mahal ko at reyna ng buhay ko.

Ang corny!

"May part two pa 'yun, Ma?" Takang tanong ni Jeth.

Agad na tumango si Harriet.

"Yep! Kaya panoorin na rin natin para hindi tayo mabitin," saad ni Harriet. "Evans! Hanapin mo na rito!" bulyaw sa akin ni Harriet.

Napabuntong hininga ako saka bumaba sa kama. Tiningnan ko ang lalagyan ng CD kung naroroon ba. Nang makitang wala ay umiling ako.

"Wala rito," saad ko.

Kumunot ang noo ni Harriet at tiningnan niya.

"Wala nga. Siguro andun ko nailagay sa closet ko. Tingnan mo nga roon. Alam mo naman ang title noon, diba?" tumango ako. "Good. Sige hanapin mo," utos niya.

Walang magawa na tumayo ako at pumasok sa closet niya.

Agad kong hinanap sa mga cabinet ang CD. Baka sira na yun, eh. Nang makitang wala ay ang mga box naman na naroroon ang binuksan ko. Ilang box na ang nabuksan ko nang may nakakuha ng atensyon ko.

Kunot noo kong tinitigan ang laman ng box na kakabukas ko lang. Pinulot ko ang laman nito at nagtatakang napatitig dito.

Baby clothes?

Hindi lang isa, kundi marami. May mga medyas at gloves rin.

Nagtatakang napatitig ako rito.

Bakit may ganito sa closet ni Harriet? Sa pagkakaalala ko hindi ganito ka rami ang binili niya kay Precy.

Inamoy ko ito.

It smells old. Mukhang matagal na ito rito. Para kanino naman ang mga ito?

Questions confused my mind.

"Evans?! Nakita mo ba?!" Rinig kong sigaw ni Harriet.

Napakurapkurap ako. Dali-dali kong inayos sa box ang mga damit pambata. Tsaka dali-daling binuksan ang ibang mga box hanggang sa nakita ko rin ang CD.

"Ito na. Nakita ko na!" sigaw ko.

Bago ako lumabas sa closet ay muli kong nilingon ang box na nilagyan ng pambatang damit. It still confused me. But, I should... never mind it.

"Nasaan?" Salubong sa akin ni Harriet.

Agad kong ibinigay sa kanya ang CD. Dali-dali niyang inilagay iyon sa DVD at nagpatuloy na sila sa panonood. Muli na lamang akong humiga sa kama ni Harriet.

Maraming katanungang pumapasok sa isipan ko. Kung kanino ang mga damit? Kung si Harriet ba ang bumili? Hindi naman lingid sa kaalaman ko na gustong-gusto niyang magkaanak. Pero, hindi ko naman siya narinig o nakitang bumili ng mga damit pambata.

Kung gano'n, siguro hindi galing sa kanya 'yung mga damit. O baka, galing sa kanya at plano niyang ibigay kay Precy pero nakalimutan lang. O baka, ipamimigay niya sana bilang donation sa charity na sinalihan niya pero nakalimutan. Kasi, kung galing sa kanya yan, malalaman ko naman, diba? Nasisiguro kong ipapaalam niya iyon sa akin, ayos man kami o hindi.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga ito. Baka kung anu-ano lang ang iniisip ko. Tatanungin ko na lamang bukas si Harriet.

Sa ngayon hahayaan ko na lang muna siya. I stared at her back lovingly. I guess she still love babies.

Napabuntong-hininga ako muli. Hinintay ko na lamang silang matapos sa pinapanood. Ilang oras din bago sila natapos. Nang tuluyan silang natapos ay agad silang tumabi ng higa sa akin. Hinintay ko munang tuluyang makatulog ang dalawa.

Nang makitang tulog na tulog na ay lumipat ako sa tabi ni Harriet. Niyakap siya ng mahigpit.

I kissed her forehead and whispered, "I love you, Harriet."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro