Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

I'm patiently waiting for Clad to arrive here at the cafe where we planned to meet. I felt nervous and in pain all over. I felt so drained though the thing I've been waiting is finally going to happen. I felt like tearing up any moment. I'm scared.

W-What if I would choose the wrong decision?

W-What if I would regret everything in the end?

It's scary to think that I ain't sure about what to choose. I can hardly breathe. I feel like dying just by making a decision I'm never sure of.

Ilang minuto rin akong naghintay hanggang sa may naupo na sa harap ko. He's wearing his usual outfit. A button-down longsleeves and a ripped jeans. His hair is tousled. He's just a usual handsome guy. Pero hindi maiiwasang mapansin ang ilalim ng kanyang mga mata na nangingitim.

I know for sure that he's still mourning for their break-up. I know it hurts. And I felt like sorry for them.

"Hey," he greeted me in a hoarse tired voice, as he smiled timidly.

"Hi. How are you?" I asked.

Ngumiti siyang muli saka ipinag-krus ang braso sa dibdib. He looked down. He smiled again... a sad smile.

"Heto. Nami-miss pa rin ang kaibigan mo. A-Aren't she... t-talking to you? K-Kinukumusta ka ba nya?" He asked hesitantly.

"Hindi, eh. Sigurado akong busy 'yun sa pagmo-model. Tsaka nabalitaan ko noong nakaraang buwan kay Ayen na marami raw ang mga projects ni Nikki ngayon. But... Ayen told me that... Nikki's happy... somehow," Pagsasalaysay ko.

Hesitante akong tumingin sa kanya. Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ang lungkot sa mga mata niya. He's not the Clad I used to know.

"I-I'm happy for her," he whispered.

"Hindi mo ba siya pinupuntahan? Hindi mo ba siya sinubukang bisitahin sa California? Kahit tingnan man lang siya sa malayo?" tanong ko. Umiling siya at malungkot na ngumiti.

"H-Hindi, eh. N-Natatakot akong makita ang saya at tuwa sa mga mata niya. Mas lalo lang na i-isinasampal sa akin na masaya na siya na w-wala ako. Mas mabuti na rin siguro na m-malayo ako sa kanya. Mas makabubuti ito sa kanya. Para sa kanya rin naman ito." saad niya.

"S-Sorry," I whispered. He chuckled sadly.

"K-Kalimutan na natin 'yun. Ang problema mo ang ipinunta natin dito. Let's talk about it, now." Paglilipat niya sa pinag-usapan at may inilabas na mga papeles. Inilagay niya iyon sa harap ko.

Ramdam ko ang kaba at sakit habang tinitingnan iyon. Hindi ko pa lang nahahawakan ay nasasaktan na ako. Paano pa kung babasahin ko na?

"Go on. Read it." wika ni Clad. Napakagat-labi ako.

"I'm.. scared." I whispered.

"I know. I can see it in your eyes, Yet. It would hurt really bad, Yet. Dapat inihanda mo na muna ang sarili mo. Alam mo kung hindi ka pa handa, pwede ko namang itapon na lang 'yan. I understand. I would understand. I will understand." saad niya na may malungkot na ngiti.

Dahan-dahan kong inabot ang papeles na nasa harapan ko. Nanginginig ang kalamnan ko at gustong kumawala ng puso ko sa lakas ng tibok nito. I inhaled as I finally reached the papers. I inhaled again as I opened it. And I inhaled again as I read it.

And there.

There, I found my name. I found my husband's name. The reason why we're going to annul is written there. Everything is written there. Clean and clear.

I felt like choking as I read the reasons and the rules. Ito na yata 'yun. Heto na yata ang pinakahihintay ko. Ang makalaya ako... at ang makalaya siya. Makalaya kaming dalawa sa higpit na ibinigay sa amin ng tadhana.

May naramdam akong tumulo sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan to find out that it was my tear. A lone tear fell from my left eye.

Dati, nabasa ko. When a tear first fell in the right eye, then it's tears of joy. But if it fell in the left eye, then it's tear of sadness.

"A-Ang tagal kong h-hinintay 'to, Clad," I whispered, tears falling, heart breaking. "P-Parang dati lang pinipilit kitang g-gawan ako nito. Parang dati lang k-kinukulit kita na m-madaliin ito. N-Ngayon, nandito na. N-Nandito na sa harap ko. Pero, Clad... b-bakit hindi ako masaya?" Lumuluha kong tanong.

Hindi ko maaninag masyado ang mukha ni Clad dahil sa mga luhang tumatakip sa mga mata ko. Pero nakita kong lumipat siya ng upo sa tabi ko at pinunasan ang mga luha ko. Agad niya akong niyakap at hinalikan ang ulo ko saka hinaplos ang likod ko.

"T-Tapos ngayon, buntis na ako. Clad, n-natatakot ako. N-Natatakot ako. B-Baka gaya ng dati kunin din siya sa akin. A-Ayoko, Clad, ayoko! H-Hindi ko kakayanin!  B-Baka iwan din niya ako, Clad!" Hagulhol ko.

"Shhh. Tahan na. Maaayos din ang lahat, Yet. Hindi ka niya iiwan. Basta't huwag ka lang masyadong malulungkot. Naaalala mo pa naman ang dahilan kung bakit nawala siya sayo, diba? Dahil masyado kang nagpakain sa lungkot. Sinabihan ka na dati ng doktor na huwag masyadong magpa-stress. Makakasama sa bata. Kaya ngayon ka bumawi." Bulong niya habang patuloy na hinahaplos ang likod ko saka hinahalikan ng panaka-naka ang ulo ko.

Dahil sa narinig ay pinilit kong itinigil ang pag-iyak ko. Tama si Clad. Hindi dapat ako magpakain sa lungkot. Baka makasama sa anak ko. Baka makasama sa baby ko. Aalagaan ko pa siya. Tatawagin pa niya akong Mama.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Bahagyang humiwalay sa akin si Clad at tinulungan ako sa pagpunas ng mga luha ko. He kept whispering that everything's going to be okay. He kept whispering that I'm going to be fine.

Nang bahagya na akong kumalma ay muli niya akong niyakap. Hinalik-halikan niya ang ulo ko at patuloy na bumubulong ng mga bagay na maaaring magpakalimot sa akin sa mga malulungkot na bagay.

"Clad?"

"Hmm?" sagot niya.

"Huwag mo 'kong iiwan, ha. N-Natatakot ako. B-Baka iiwan mo 'ko, ha. Ayoko, Clad," humihikbing wika ko. I heard him chuckled a bit.

"I won't, Yet. Hindi kita iiwan. Kaya tahan na." He whispered.

And just like that, I felt relieved. Hindi dahil hindi niya ako iiwan, kundi dahil may makakasama ako sa mga dadanasin ko sa buhay. May makakausap at makakapitan ako kapag may mga panahong hirap na akong bumangon. May mananatili pa rin sa likod ko at patuloy na maniniwala sa akin. Magpapatatag ng kalooban ko.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay inihatid agad ako ni Clad pauwi. Malungkot man ako sa pauuwian ko ay kahit papaano nawawala naman iyon kapag nakikita ko si Jeth. Kinausap ko siya na tabihan ako sa pagtulog na agad naman niyang ginawa. Pati sina Sow, Toben at Wiz ay tumabi sa amin. Kahit papaano'y may kaunti naman na ngiting gumuhit sa puso ko.

After everything that has happened, I and Clad have a meet-up most of a time. Madalang na lang kaming hindi nagkikita sapagkat inaasikaso na namin ang patungkol sa annulment.

Oo. Pumayag ako. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Alam kong mali ang pagkakataong ito, ngunit gusto ko munang mapag-isa. Oo, maaaring hindi sa ganitong paraan pwede akong magpahinga. Ngunit, sa ganitong paraan naman namin kailangang hanapin ang sarili namin.

Halos araw-araw na kaming nagkikita ni Clad. He's doing his best for my annulment. Siya na rin ang parati kong kasama kapag bibisita ako sa gynecologist. I was thankful that the OB-gyne told me that my babies are safe. Yes, babies. I have twins. And I'm really excited. But still she told me to take good care of myself since I already experienced miscarriage.

I did everything she told me. From the foods that I have to eat to exercises. I even have weird cravings and it was horrifying since I'm starting to eat a lot. Madalas rin akong nag-crave kapag gabi. I always called Clad's phone. Madalas siyang magreklamo but he alaays find his way towards the house. Nagagawan naman niya ng paraan.

Napatingin ako sa tiyan ko. Hindi pa ito masyadong halata. Pero, ramdam ko na ang dalawang buhay na nagsisimulang lumaki sa loob nito. I'm excited. Very excited. And I hope things would go like what I wantes it to be.

---

Ilang linggo na ba na nararamdam ko ang panlalamig ng asawa ko? Ilang linggo na ba simula nang madalas na siyang lumabas ng bahay nang hindi sinasabi sa akin kung saan siya pupunta? Simula noong may tumawag sa kanya ay napansin ko na ang unti-unti niyang pagbabago. Nahihirapan ako. Pakiramdam ko, anytime pwede siyang mawala sa akin. Natatakot ako.

Ngayon naman wala siya. Ilang linggo na ba ang ganitong set-up namin? Umaalis siya ng maaga at umuuwi ng gabing-gabi na. Hinihinitay ko siya at kapag dumadating na ay tinatanong ko pero hindi naman siya sumasagot ng maayos maliban sa salitang "may importante lang akong ginawa". Nahihirapan ako. Nanlalamig na siya.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman sa totoo lang. Gusto ko kasing pigilan ang selos, pangamba at takot ma gustong kumawala sa dibdib ko. Ayokong maramdaman niyang pinagdududahan ko siya. Pero, hindi ko talaga maiwasan. Pakiramdam ko kasi ang layo-layo na niya sa akin. Pakiramdam ko hindi na siya ang dating asawa ko na kahit madalas masungit pinapansin at inaalagaan naman ako.

Napapabuntong-hininga na lamang ako habang paulit-ulit na sinisipat ang wrist watch ko. Alas 8 na ng gabi ngunit wala pa rin siya. Nangangamba ako. Paano kung may mangyari sa kanya? Baka pag-tripan siya ng kung sino-sino diyan sa tabi-tabi. Baka anong gawin sa kanya.

Alas otso y medya na, ngunit wala pa rin ang asawa ko. Napatayo na ako at tumitingin sa labas ng bintana. Nagbabaka-sakaling naroroon na siya naglalakad patungo sa bahay. Ngunit, wala. Wala ni-anino ng asawa ko. Kinakabahan na ako. Pinipigilan ko na lamang ang sarili na huwag pulutin ang susi ng sasakyan ko at pumunta sa police station saka humingi ng tulong sa kanila.

Ganito ako gabi-gabi. Gabi-gabi akong nag-aalala. Gabi-gabi akong nangangamba. Gabi-gabi akong kinakabahan. Gabi-gabi akong tila paulit-ulit na pinapatay.

"Sir, hindi pa po ba kayo matutulog? Hihintayin niyo pa po ba si Ma'am Harriet?" Napalingon ako sa nagsalita.

Si Nanay Minda. Siya ang kasambahay na ni-hire naming mag-asawa kaya siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay lalo na ngayong palaging wala ang asawa ko.

Tinanguan ko siya at bahagyang nginitian.

"Oo, Nay. Hihintayin ko pa ang asawa ko. Sige na, mauna na po kayong matulog."

"Oh, siya, sige. Siya nga pala, noong nakaraang gabi nakita ko si Ma'am na bumaba rito saka lumabas. Akala ko nga eh nananaginip. Sinundan ko tapos nakita kong may kinausap siyang lalake diyan sa labas mismo ng bahay nito. May inabot nga iyong lalake kay Ma'am Harriet, eh. Hindi ko alam kung ano iyon pero tingin ko pagkain dahil inamoy-amoy niya iyon. Nakakapagtaka nga na lumalabas ito ng hating-gabi, eh. Oh, siya. Aakyat na ako."

Napatulala ako dahil sa sinabi ni Nanay Minda. May lalakeng kinikita ang asawa niya sa hating-gabi? Sino naman iyon? Lalake?

Pilit kong pinigilan ang sarili na hindi makaramdam ng galit at inis sa mga nangyayari. Ayoko siyang pagdudahan ngunit bawat ginagawa niya ay kaduda-duda na. Bakit naman niya ito ginagawa sa akin? I was being polite.

Mas lalo kong naramdaman ang pagngingitngit ng damdamin ko. Pinulot ko ang cellphone ko at tinawagan ang number niya. Ring lang ito ng ring ngunit hindi niya sinasagot. Paulit-ulit ko itong ginagawa ngunit hindi talaga nito sinasagot. Mas nakaramdam ako ng pangamba. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero base sa kilos niya parang may kinikita siyang ayaw niyang malaman ko. Ano ba talagang nangyayari?

Hindi mapakaling napaupo akong muli sa sofa. Paulit-ulit na sinisipat ang wrist watch ko. Until it strikes nine and finally I heard a roar of an engine. A car's engine.

Agad akong napatayo. Tumakbo ako palabas ng bahay. And there, I found my wife coming out from a car that is really familiar to me. Clad's car. And the owner of the car is holding my wife's waist... carefully.

"Ba't ngayon ka lang?" I asked coldly yet dangerously.

Agad na napatingin sila sa akin. Kita ko ang gulat at pangamba sa mukha nilang dalawa. What now? Gulat na gulat? Is there any reason for them to be shock?

"I'm asking you. Bakit ngayon ka lang?" I asked again. Bahagya siyang tumingin kay Clad and nodded at him.

"I guess I have to leave. Bye, Yet." Paalam ni Clad saka hinalikan sa pisngi ang asawa ko.

Fuck! That's mine! My wife's cheek is mine!

...then he looked at me and nodded.

"Mauuna na ako, Evs." He said and roared his car's engine away from the house.

Muli kong ibinalik ang tingin sa asawa ko. I crossed my arms on my chest.

"Where have you been? Bakit ngayon ka lang?" I asked. Bahagyang naging mailap ang mga mata niya.

"Nag-usap lang kami ni Clad." She answered and walked her way towards the house. Agad ko siyang sinundan.

Nang nasa sala na kami ay agad ko siyang hinawakan sa braso para pigilan siya sa pagpasok sa kwarto. Magkukulong na naman siya doon at hindi na naman kami magkakausap.

"Harriet, I'm asking you? Saan ka galing--"

"I already told you right? I said I just had a talk with Clad? Ano bang hindi malinaw sayo doon?" She asked and stared at me coldly.

"Okay. So, dalawang linggo kayong nag-uusap palagi ni Clad? Dalawang linggo rin ba siyang humahalik sa pisngi mo? Dalawang linggo ka rin ba niyang hinahatid? Anong pinag-uusapan niyo sa dalawang linggo na 'yun?" I asked. And I think it doesn't sound right.

"Pinagdududahan mo ba ako, ha?" Bahagyang tumaas ang boses niya.

"I... I'm not. I'm sorry, okay. I'm sorry, love. I'm just asking," pagpapaliwanag ko at pilit hinahawakan ang pisngi niya ngunit sinasalag niya.

"Hindi, eh. Pinagdududahan mo ako! Pinagdududahan mo kami ni Cladville? Nababaliw ka na ba? Baka nakakalimutan mong magkaibigan kami?" singhal niya.

Napasinghap ako.

"Love, that's not like that--"

"Anong that's not like that? You have no right na pagdudahan kami because you know that we're friends--"

...and just like that napigtas ang pasensya ko.

"Teka nga. Ano bang pinaglalaban mo? Na magkaibigan kayo? Yes, okay, fine. Alam ko 'yun. Hindi ako tanga. Hindi ako magdududa kung nilinaw mo lang sa akin, diba? Kung nilinaw mo lang kung anong ginagawa mo sa loob ng tatlong linggo kasama si Clad, hindi ako magdududa. But then to my surprise, tatlong linggo kayong palaging magkasama nang hindi ka nagpapaalam sa akin, eh, asawa mo 'ko. Sana ipinaalam mo man lang sa akin. Hindi 'yung magmumukha akong tanga kakahintay sayo dito sa bahay. Nag-aala sayo."

"At least now you know how I felt before right? That awful feeling that you was left alone in the house thinking and worrying about your husband?! Kung nasaan na siya? At least ngayon alam mo na, diba?"

Napasinghap ako.

"What is this? A revenge? Baka nakakalimutan mo na nagpapaalam ako sayo noon, Harriet? Wala akong ginagawang masama habang nasa likod mo. So what the fuck is this huh?"

"Alam mo, Evans. Not now. Pagod ako." She said and turned her back on me. Mas lalong napigtas ang pasensya ko. Agad kong muling hinawakan ang braso niya.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"Ano ba?! Sabi ko pagod ako!" Bulyaw niya. Ramdam ko ang sakit at bigat ng dibdib ko.

"Sagutin mo muna ako, Harriet. Nakikipag-usap pa ako sayo," bahagya na ring tumataas ang boses ko.

"Oh! And now, we're going to fight, ha?!" Bulyaw niyang muli.

"Hindi ako nakikipag-away sayo, Harriet. Tatanungin lang kita. Sagutin mo lang ng maayos. Wala na tayong problema!" bulyaw ko pabalik. Nakita kong bahagya siyang natakot sa pagsigaw ko kaya nanlambot akong muli. Damn this woman!

"A-Ano ba kasi 'iyang tanong mo?!" Bulyaw niya.

"Sinabi sa akin ni Nanay Minda na nakita ka raw niya nitong nakaraan na lumabas ng bahay. Naabutan ka raw niya na may kausap na lalake sa labas at inabutan ka raw ng pagkain. Sino 'yun?" Mahinahon kong tanong.

"It's Clad." She answered briefly.

"Clad. Anong ginagawa ni Clad dito sa hating-gabi?" I asked.

"That's none of your business!" Bulyaw niya muli. Muli kong naramdaman ang pagulit-ulit na pagtarak ng kutsilyo sa dibdib ko.

"It is my business, Harriet. You are my wife. I am your husband. And that gives me the right to know what was fucking happening in your life!"

"Wala ka nang pakialam doon, Evans--"

"May pakialam ako, Harriet! Dahil asawa mo 'ko! Mahal kita! Nasasaktan ako nang malaman kong lumalabas ka sa hating-gabi para lang kausapin si Clad! Ano bang meron?! Sabihin mo naman sa akin!" Sigaw ko. Hinihingal ako pagkatapos kong sabihin iyon.

"Fine! You want to know?! Gusto mong malaman ha?!" sigaw niya pabalik.

"Oo, Harriet! Just tell me without yelling!"

"I'm pregnant! Hear me?! I'm pregnant!"

I felt like my world stopped spinning. Like my heart stopped beating. My wife is.. pregnant? She's pregnant?! My wife is pregnant!

"Y-You're pregnant?! D-Does that mean that I'm--"

"Yes, Evans. You're going to be a father." She whispered... sadly.

W-Why is she sad? Isn't she happy for us?

"Why do you look so sad?" I whispered softly but then she said the most heartbreaking thing that I have ever heard.

"Because I'm filing an annulment."

Halos tumigil ang paghinga ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko.

"L-Love? W-What are you saying? Are you kidding? T-Tell me you're kidding," nasasaktan kong sabi na halos ay lumuhod na sa harap niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang pisngi niya. Tears in her eyes are falling. At ramdam ko na rin ang pagtulo ng mga luha ko.

"Love, tell me you're kidding, please. T-That's not true, right? M-Maybe, you're just craving or s-something. N-Naglilihi ka lang, love--"

"Hindi, Evans. Matagal ko nang pinlano ang annulment na ito. I'm sorry. But I think I have to find myself. I have to sort things out--"

"N-No, love. We can sort things out t-together," sabi ko tsaka mas lalong inilapit ako mukha sa kanya upang halikan siya pero pinigilan niya ako.

Sobrang durog na durog na ako. Ang sakit-sakit naman nito.

"Hindi, Evans, eh. Nakikita mo ba tayo? Evans, nakita mo ba ang ginawa natin kanina? Evans, wala tayong tiwala sa isa't isa. Hanggang ngayon, wala pa rin, Evans," umiiyak na sabi niya. Napaluha na din ako.

"Hindi, hindi, mahal. Kaya nating ayusin 'to. Kaya natin 'to, ano ka ba. Nagawa na natin dati, diba? Diba, m-mahal?" Umiiyak kong tanong at pilit siyang niyayakap ngunit itinutulak niya ako.

"I'm sorry, Evans," she whispered. I shook my head.

"No, no. Please. No!" I whispered trying hard to hug her but she pushed me away. Nawalan ako ng lakas dahil sa sobrang sakit.

"T-There's something I want to say, Evans." She whispered again. Napatingin ako sa kanya.

"W-What is it?"

Yumuko siya at hinawakan ang tiyan niya. She wiped her tears.

"Before them, m-may panganay na tayo," bulong niya.

Mas lalo kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko.

"W-What?"

"K-Kaso, Evans. Hindi siya malakas, eh. Iniwan niya agad ako, Evans. I-Iniwan niya agad ako," she cried. Hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit.

"W-Where am I those times?" bulong ko habang tumutulo ang mga luha ko.

"K-Kay Nat. Inaalagaan mo si Nat noon." Mas lalo akong napaiyak. Napahagulhol ako.

"B-Bakit, mahal? A-Anong nangyari? May nangyari bang masama sayo?" Humihikbi kong tanong at sinisipat ang mukha niya pati ang katawan niya kung nasaktan ba siya? Kung may sugat ba?

"T-The doctor said that it was stress. Dahil sa stress kaya siya nawala," humihikbi niyang sabi. "Hindi ko naman sinasadya, Evans. I'm sorry. H-Hindi dapat ako palaging umiiyak noon. Sana nandito pa siya. K-Kasalanan ko..."

"Hushhh... it's not your fault, mahal. Hindi mo kasalanan. Tama na. Tama na, hmm. Nandyan naman na ang bagong anak natin, diba? Alam kong masaya na rin ang panganay natin ngayon. K-Kaya tama na, hmm.." pag-aalo ko.

Bahagya siyang humiwalay sa akin kaya pinakawalan ko. She sniffed.

"They're twins, Evans." She whispered. Kahit nasasaktan ay napangiti ako. May kambal ako. Magkakaanak na ako at kambal pa!

"But, Evans. S-Sana hayaan mo akong gawin ang gusto ko. Gusto kong makipaghiwalay. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Gusto ko munang alamin ang totoong nais ko. Gusto kong ayusin ang sarili ko, Evans. Please, hayaan mo muna ako. H-Hindi naman ako pababayaan ni Clad, eh." Pakiusap niya.

Napatingin ako sa kanya. Nasasaktan ako pero nasasaktan siya sa piling ko. Ayokong may masamang mangyari sa kanya at sa mga anak namin. Masakit man. Mahirap man. Pero gagawin ko ito. Kailangan ko itong gawin.

"K-Kailangan ba talaga ito, mahal?" Napahagulhol ako. Nang tumango siya ay alam kong hindi ko na mababago ang isip niya.

"I'm sorry, Evans," she whispered.

"B-Babalik ka naman, diba? B-Babalikan mo naman ako, diba? M-Mamahalin mo pa rin naman ako, diba?" Hagulhol ko habang niyayakap siya at isinubsob ang mukha sa leeg niya.

"K-Kapag nahanap ko na ang sarili ko," bulong niya.

Muli akong napahagulhol. Ang sakit-sakit.

"P-Pwede bang makatabi kita ngayong gabi?" I asked. She nodded.

"Oo naman."

Agad ko siyang niyakap. Napagawi ang tingin ko sa mga papeles na nasa mesa. Iyon ang mga 'yun. Napahagulhol akong muli.

"E-Evans, matulog na tayo," she whispered. Walang nagawang napatango ako.

Pagdating sa kwarto ko ay agad ko siyang niyakap nang makahiga kami. Gusto ko lang siyang yakapin. Ayokong matulog. Kasi alam ko, paggising ko, hindi ko na siya muling mayayakap.

Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Patuloy sa pagkadurog ang puso ko. Kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang hindi ko pagsasawaang sabihin.

"I love you, Harriet."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro