Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Napapangiti ako sa tuwing tinitingnan ang mga bata ng Sitio Martalis. Lahat sila'y inosente sa mga bagay-bagay. Kahapon pa lang kami dumating pero sobrang gaan ng pagtanggap nila sa amin lalo na ang mga kabataan. May dala-dala silang mga prutas showing their acceptance and gratitude to us. I can't help but smile everytime I see those innocent smiles. Naniniwala ako na mababago ng mga batang ito ang pananaw ng mga nakatatanda sa kanila. Alam kong mas malayo ang mararating ng mga batang ito. Alam ko..pagkat nakikita ko sa mga mata ng mga ito.

"Ma'am Harriet! Halika na, kakain na!" tawag sa akin ni Trisha, kasama ko sa mga nag-volunteer. Nasa loob pa kasi ako ng kubo at inaayos ang mga kailangan ko para mamaya.

"Sige! Susunod ako," sagot ko habang sinusuklay ang buhok ko.

"Oh sige. Doon lang kami sa may patag ha. Doon ka lang pumunta. Hihintayin ka namin doon," wika niya.

"Sige, sige."

"Ma'am Harriet, bilisan mo diyan! Kung hindi uubusan kita ng alimango! Grabe! Ang lalaki ng mga alimango nila, Ma'am! Nasisiguro kong masarap ang mga iyon! Bilisan mo diyan, ah!" Rinig kong sigaw ni Sasha. Napatawa ako.

"Parang ngayon ka lang makakakain ng alimango, ah," natatawa kong sabi. Rinig kong tumawa siya at saka si Trisha.

"Minsan lang kasi ako makakakain ng preskong alimango! Basta bilisan mo na lang diyan!" Natatawa niyang sagot. Tumawa ako.

"Sige!"

Narinig kong sabay silang tumawa at naglakad na papalayo sa kubo.

Kung tutuusin, hindi ko ito matatawag na kubo dahil maganda ito at malaki. Yes, it's made of bamboo trees and wood materials but all of it were harnished. The roof were made of dead grass making the whole house warm yet cold at dawn.

Every corner of the house has green plants. Bawat sulok ay malinis at tila hindi pa naggagamit ang bahay. Halatang iniingatan ito. Hindi ko masasabing ito ang pinakamalaking kubo dito pagkat halos lahat ng bahay ay malawak at malinis.

Patuloy lamang ako sa pagmumuni-muni nang may biglang tumawag sa akin mula sa labas. Agad kong itinali ang aking buhok at saka lumabas. Isang lalake ang naabutan ko sa labas. Halatang ka-edad ko lamang ito. Mayroon itong maliit na ngiti sa mga labi na sumisimbolo ng pagkamahiyain.

Nginitian ko siya. Bahagya siyang yumuko at kumamot sa batok niya.

He has this cute shy smile matching his chinky eyes. He's moreno and tall. Tama lang din ang laki ng katawan niya. He has this black curly clean-cut hair. Na siyang nagpapadagdag kagwapuhan dito.

"A-Ahm..." He cleared his throat. "Pinapatawag ka na ng mga kasamahan mo roon. Kakain na raw...p-po."

Halata sa boses niya na nahihiya siya. He even hesitated to put "po" but end up saying it.

"Oo. Pupunta na ako. Pasensya na, napapunta ka pa rito dahil sa akin. Susunod naman talaga ako kaso medyo nawala ang atensyon ko dahil sa mga kubo. Ang gaganda kasi," sabi ko sabay tawa. Tumawa rin siya ng mahina.

"Ah...Oo. Iniingatan talaga namin ang mga kubo rito. Ito kasi ang sumisimbolo ng pagpapahalaga namin sa kalikasan at ang pagpapasalamat rito." Wika niya. Napatango ako saka ngumiti.

Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa may patag kung saan kami kakain. Kita ko kung gaano kalinis at kaganda ang paligid. Punong-puno ng kulay berdeng mga halaman, naglalakihang punong-kahoy at ang mas pinakagusto ko ay ang mga sapa rito.

"Bakit niyo naman nasabing ang mga kubo ninyo ang siyang sumisimbolo sa pagpapasalamat at pagpapahalaga niyo sa kalikasan?" tanong ko. Bahagya siyang ngumiti.

"Kasi kahit isa ang tribu namin sa mga pinakamahihirap na pamilya sa buong mundo, kahit papaano ay nakakakain kami ng tatlong beses o higit pa sa isang araw. Nakukuha namin ang lahat sa kalikasan. Walang inggitang nagaganap rito pagkat lahat ng nakukuha namin ay hindi namin pag-aari. Lahat ay galing sa kalikasan," salaysay niya.

Bahagya siyang tumigil at itinuro ang parte kung saan kitang-kita ang maputing buhangin ng Martalis. Ito'y dalampasigan.

"Diyan, diyan sa karagatang iyan kami kumukuha ng mga isda para sa ulam. At hindi gaya ng mga taga-syudad na kagaya niyo, hindi namin iyan ipinagbibili. Bagkus ay kusa namin itong ibinibigay sa kapwa tribuhanon. Kapag maraming isda ang nakukuha ay kusa kaming namimigay sa mga maliliit lamang ang nakuha," saad niya.

"Halatang kampi sa inyo ang kalikasan. Balita ko kasi madalas na marami ang nakukuha niyo o di kaya mga matataba at malulusog na mga isda," wika ko saka siya nginitian. Bahagya naman ulit siyang yumuko at pilit itinago ang nahihiyang ngiti.

"A-Ah... O-Oo. Ang mga lupa rin naman namin ay mga malulusog para taniman ng mga gulay. Ang aming palayan ay hindi rin masyadong kinakain ng mga insekto kaya malulusog ang mga palay. At ang mga punong-kahoy, sila ang nagsisilbing tirahan namin. Kung wala ang mga ito, wala kaming masisilungan tuwing umuulan o umiinit. Wala kaming matutulugan at mapaghingahan. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa mga ito," wika niya at tipid na ngumiti. Napatango ako.

"Oh, andito na pala kayo! Luis, Ma'am, halina kayo at kakain na. Mas mabuti itong tayong lahat ay sabay na kumain. Mas masarap at mas masaya," bati sa amin ng pinuno ng tribu. Napangiti naman ako.

Agad na kaming naupo ni Luis sa mga upuan na gawa sa kahoy. Ang mesa ay mahaba. Ang nagsisilbing plato namin ay ang mga naglalakihang dahon ng saging. Lahat ng pagkain ay nakahilara rito. Halatang masagana ang likas na yaman ng mga ito.

"Oh, sige na. Kain na tayo," wika ng pinuno ng tribu na si Tatang Milyo.

Agad namang nagsikainan ang mga tao. Maliit lamang ang tribu kaya kasya kaming lahat sa mesa. Sobrang dami ng pagkain na tingin ko hindi namin kayang ubusin. Pero, dahil na rin marami kaming kumakain ay baka maubos din naman.

Masiglang kumakain ang mga tribuhanon. Halata ang saya at tuwa sa mga ngiti at tawa nila. Siguro kaya ayaw nilang subukan ang mga bagay na naituturo sa mga syudad ay dahil ayaw nilang tuluyang mawala ang kanilang kultura at paniniwala.

---

"Evs, gusto ko nang umuwi. Miss ko na si Primm at ang anak ko," reklamo sa akin ni Sim.

Napairap ako. Ako rin naman miss na si Harriet pero hindi naman ako umaarte. Sadyang maarte lang siya.

"Ako rin. Baka napapaano na ang triplets. Baka kung ano na ang kinakain ng mga 'yun. Hindi pa naman 'yun nakikinig kung kani-kanino lang. Sa akin pang 'yun nakikinig," singit naman ni Nat. Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Kapag ba may mga anak na, ganyan na kaarte?" Kunot-noong tanong ko sa kanila. Tiningnan naman nila ako tsaka sabay na tumango.

"Palagi kasi silang pumapasok sa isipan mo. Kung ano na ba ang ginagawa nila habang nagta-trabaho ka? Kung kumain na ba sila? Kung nakakatulog ba sila ng maayos? Maraming pumapasok sa isipan mo," wika ni Sim. Wow!

"Ulirang ama ka na niyan?" Biro ko. Inirapan niya ako.

"Syempre. Hindi naman ako baog kagaya mo. Kung sana nakinig ka lang sa payo ko noong high school tayo, ede sana may anak ka na," he scoffed.

Ako naman ang napairap. Gago!

"Ano namang itinuro mo kay Evs, Sim? Nasisiguro kong puros kalokohan lang naman iyan," Nat said.

"Hindi, ah. Matino 'yun." Pagrarason ni Sim.

"Tsk. Matino ba 'yung sinabihan ako na i-try ko raw iyong sex para raw hindi ako mabaog at ma-exercise ko ang sperm cells ko. Gago talaga!"

Tumawa naman si Sim at Nat.

"Biro lang naman 'yun, syempre. Pero kasi gusto ko lang subukan mo noon kasi masyado kang seryoso tsaka friendly ka sa mga babae so why not, diba? Tapos madali kang makakakuha ng babae noon." Natatawang wika niya.

Napairap ako tsaka pilit na inilihis ang usapan. Masyadong gago si Sim para hayaan kong magsalita ng magsalita.

Ibinaling ko ang tingin kay Nat.

"Eh, ikaw, Nat. Nakakamiss ba talaga? Sobrang miss mo na talaga ang triplets?" Usisa ko. Ngumuso siya saka bumuntong hininga.

"Oo. Sobra. Alam mo, Evs, subukan niyo na kasi ni Harriet na magkaanak para hindi ka na tanong ng tanong." Biglang lihis niya sa usapan. Isa pa 'to.

"Tsk. Sinusubukan na, okay. Busy pa lang kami sa ngayon kaya wala muna. Pero, baka may nabuo na bago pa siya umalis papunta sa volunteer program niya, malay natin." Nakangiti kong sabi.

Hindi na rin naman ako makapaghintay na magkaroon ng anak mula sa pinakamagandang babaeng nakilala ko. Mula sa babaeng mahal ko.

"Tsk. Mahina ka kasi," Sim scoffed. I rolled my eyes at him.

Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Yep, you heard it right. Kwarto ko. My room. Pero ang dalawa naririto at ako ang iniistorbo. Hindi naman kami hiwalay ng cabin, nasa iisang cabin lang kami. Iba-iba nga lang ng kwarto. Kaso napipigtas ang pasensya ko dahil naririto sila. Sa lahat ng pwedeng puntahan.

"Wait, I'll open it," boluntaryo ni Nat.

Napatingin na rin kami roon ni Sim at hinintay si Nat na sabihin kung sino ang nasa labas. Baka kasi himala ay nandito ang asawa ko. Biglang kakatok sa kwarto ko tapos gagawa kami ng panganay, diba? Expect the unexpected kaya.

Lumingon sa amin si Nat. "Ikaw ang hinahanap, Evs."

Tumango ako saka lumapit roon. It's Engineer Laston. Lumabas ako ng kwarto ay agad siyang hinarap.

"Yes?" I asked. She smiled shyly.

"Uhm... Mr. Saavedra wants us to check the places. Tingnan na raw natin kung saan maayos na malagyan ng cafe, restaurants, tsaka cabins." She said as she smiled wide. I nodded.

"Okay. I will call my team--"

"Oh! He wants the two of us to check. Tayong dalawa lang daw muna," wika niya.

Napakunot ang noo ko.

"I brought my team here because we will decide for that together. Hindi ko gusto ang plano na iyan. And besides, Mr. Saavedra haven't emailed me yet. Madalas kapag may iniuutos siya ay ini-email niya ako. So, I don't want to find you suspicious, pero you're showing it," wika ko.

She blinked fast and I saw how her face turned red. Pilit niyang itinatago ang mukha. I crossed my arms and stared at her.

"Since, nandito na tayo. What is it that you want from me?" I asked dangerously.

I am friendly, yes I am. But not to those women like her.

She cleared her throat and held her head high. Wow, the confidence.

"I want you to know that I really like you since the first time I saw you. That was when we were having the conference meeting. And I am really happy to know that you're the type of guy who was really daring to his work. Exactly my type. I just want to confess. And I'm sorry if I dragged Mr. Saavedra's name. Its just that I don't have a choice."

Okay. So?

Napatango ako.

"That's... that's great, I think--"

"Oh! That's great! So, you're accepting my feelings?! You're going to like me back?" She asked excitedly.

I pursed my lips to prevent from laughing. Damn.

"Uhm. I'm married. I'm really sorry but no. I can't like you back, but of course I will like you as a friend and a colleague." Seryosong wika ko. I saw how shocked she was.

"Y-You're married? A-Are you kidding?! Tell me you're kidding!" Halos maiyak na sabi niya. I shook my head.

"Nope. I'm not kidding," saad ko tsaka ipinakita sa kanya ang kaliwang kamay ko kung saan naroroon ang singsing ko.

"I-It's fine! I-I will understand! You can like me back even if you're already married. I will keep it as a secret! Please!" Napakurap ako. She's what?

"You're being desperate, I see." Napatango-tango ako.

"Y-Yes. You can say that! I just want you to like me! That isn't so hard!" Muli niyang wika.

Goodness! Nasaan na ba ang asawa ko?! Dapat sa ganitong pagkakataon nandito siya, eh. Tapos sinasabunutan itong babaeng ito.

"I'm really sorry, Engineer Laston. But I can't and I won't like you back. I'm not a kind of man na madaling nakukuha ng mga kagaya mo. I'm married and either you'll accept it or not, I don't care. It's your choice, anyway. You chose to be some kind of an indecent woman who doesn't know how to respect herself. You chose to be desperate when there are tons of choices." I said.

I could see how her tears were slowly falling. But still, I don't care.

"I'm sorry. But I will not leave and hurt my wife just to have a secret affair from a desperate indecent woman like you." Saad ko at sabay talikod.

Kinuha ko mula sa bulsa ang cellphone ko saka tinawagan ang asawa ko. Ngunit, hindi ito sumasagot. Ring lang ng ring. Hindi talaga sumasagot. Damn! What is happening?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro