Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

I woke up in my room with a heavy thing on my waist. I tried pushing it pero ayaw matanggal. Tumihaya ako upang makahinga ng maayos. Ngunit ngayon ay mas ramdam ko na ang init na nilalabas ng bagay na iyon sa dibdib ko.

Biglang bumaha ang mga ala-ala ko kagabi bago ako nakatulog. Agad kong iminulat ang mga mata dahil sa gulat. Dahil na rin sa kaba. Napatingin ko sa mabigat na bagay na nasa dibdib ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Pigil hiningang ibinaling ko ang tingin sa may-ari ng braso.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang maabutan si Evans na tulog na tulog. Nakapikit siya at bahagyang nakaawang ang mga labi. Nakaharap sa akin at ang braso ay nakadagan sa dibdib ko. Samantalang ang kaliwang hita ay nakadagan naman sa tiyan ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon at hapo-hapong hinawakan ko ang aking dibdib. Napatingin ako sa katawan ko nang maramdamang may suot na akong damit. Nakahinga ako ng maluwag. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Evans na ngayon ay nasa hita ko na. Bago pa ako bumangon ay hinalikan ko ang kanyang noo.

"What took you so long?" Napatili ako saka napaigtad nang may biglang nagsalita sa upuan sa sala.

Kakatapos ko lang maligo at tatawagan pa lang sana ang mga taong nasa sofa ko ngayon.

Nikki is smiling widely and is sitting like a good girl. Phaebe is staring at some sort of documents on her hands while sitting like a good girl as well. While Aileen is looking at me blankly and sitting like a president on my sofa.

"Bakit ang aga niyo?" Takang tanong ko sa kanila.

"Kasi, gagambalain mo rin naman kami ng mga tawag mo kaya pumunta na lang kami rito ng maaga," Ayen answered blankly and rolled her eyes.

I tsked.

"Tatawagan ko pa lang sana kayo, eh. Tsaka pupunta rin yata sina Clad at Sim rito. Mukhang tinawagan sila ni Evans last night," saad ko at palihim na tumingin kay Nikki.

"Ede, mabuti para naman may makatulong sa atin," Nikki answered.

I raised my brows and smiled.

"Tama! So, ano? Anong una nating gagawin?" tanong ko.

"Ede, magsisimula sa pag-aayos sa backyard niyo. Yun muna ang unahin natin, dahil mamaya na natin sisimulan ang pagluluto. May mga upuan at mesa na ba para doon?" sabi ni Ayen.

"Pupuntahan pa lang nina Evans. Tingin ko kaya pupunta rito sina Clad dahil tutulong sila sa pagkuha ng mga kagamitan," I said.

Napatango-tango sina Ayen at Nikki. Habang si Phaebe ay busy pa rin sa tinitingnan niyang dokumento. Kumunot ang noo ko.

"Phaeb? Ano yang pinagkaka-abalahan mo?" Takang tanong ko as I sit next to her.

Agad niyang ibanaba iyon.

"Company," maiksi niyang sagot tsaka ngumiti.

Napatango na lamang ako.

"So, ano pala ang gagawin natin ngayong wala pang mga kagamitan?" Mataray na tanong ni Ayen.

"Chill!" agad na sagot ni Nikki.

Tsaka agad na tumalon sa sofa t tumihaya. Agad na hinampas ni Ayen ang binti ni Nikki nang muntik na naming makita ang panty niya. Napailing na lamang ako.

"Umayos ka nga! Paano kung lalake kaming nandirito? Anong gagawin mo? Ede, mababastos ka!" bulyaw sa kanya ni Ayen.

Nikki rolled her eyes.

"Duh! Walang mambabastos kung walang bastos!" sigaw niya tsaka muling tumihaya.

"At walang nababastos kung walang nagpapabastos. Kaya umayos ka!" bulyaw pabalik ni Ayen.

Nikki raised her brows.

"Alam mo, sadyang marami lang talagang bastos. Whenever you look to the right or to the left, those mga bastos ay hindi nawawala. Kaya nga kahit si Maria Clara na-rape, eh. Kasi kahit ano pang kasuotan mo, hangga't may malikaw na bituka wala talaga tayong magagawa," sagot naman ni Nikki at nag-hairflip pa.

"Well, let's say that those motherfuckers never get extinct, pero, haven't you noticed? Most women or men who were raped was because of their clothes."

"So?" taas kilay na tanong ni Nikki.

"So, that means one thing. Be educated. Respect yourself. Be intimidating. Be the demon that those animals would fear. If they fear you, they won't lay a finger on you. Don't be such a damsel in distress, specially if you doesn't have a knight and shining armour."

"So, pinapatamaan mo kami?" taas kilay na tanong ni Nikki at itinuro ang sarili pati na si Phaebe na gulong-gulo. "Tsaka pwede ba? That mindset is just so dirty. Gender equality may have been arising these days but we can't hide the fact that women are weaker than men. Kahit gaano pa katino ang isuot ng mga babae o ng isang lalaki, kapag may bastos, mababastos talaga sila. It doesn't depend on the clothes that a person wear, it depends on the character of the animal."

Tinaasan rin siya ng kilay ni Ayen. Ayen smirked. "Tinamaan ka?"

"Syempre! Talagang tinamaan kami! Eh, wala kaming jowa! Wala kaming knight and shining armour! Wala kaming prince charming!" Pagdadrama ni Nikki.

"Amp," Ayen smirked.

Kumunot ang noo ko. Gayundin sina Nikki at Phaebe.

"Uh... what's 'amp'?" Takang tanong ni Phaebe.

"Amp. Ain't my problem," she said and smirked.

Napanganga ako at napatango. Amp!

"Amp!" Phaebe giggled. Nikki faced her with a glare. Phaebe's smile fade and looked innocently at Nikki. "W-What?"

Nikki breathed out and rolled her eyes. She flipped her hair and smirked.

"Chupapi muñano," she giggled. Kumunot muli ang noo ko.

"What's that?" Kunot noong tanong ko.

Nikki looked at me, smile fading.

"Ewan ko rin. Narinig ko lang yan. Tsaka, nababasa ko sa social media. Trending yun kaya naki-trend ako," she answered like a 'duh'.

"'Amp' and 'chupapi muñano'! Should I used that to tease Philip?" Phaeb asked innocently.

Hands on the chest, looking at us as if she's waiting for a gift.

"Yeah. You should," Ayen said blankly.

Phaeb giggled. Napatawa na rin ako. Gayundin sina Ayen at Nikki.

Ilang minuto ang lumipas ay nakita kong pababa na si Jeth kasama sina Sow, Toben at Wiz. The three puppies are wiggling their tails, tongues out. While Jeth is laughing loudly, obviously enjoying the moment with the pups.

"'Nak, ang Papa mo, gising na ba?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin at saka ngumiti sa amin isa-isa.

"Hindi ko po alam, Ma. Mukhang naroroon pa sa kwarto niya. Hindi pa bukas ang pintuan, eh. Tatawagin ko na po ba?"

I smiled and nodded. "Sige."

"Jeth, can I borrow your pups?" Phaeb asked Jeth innocently. Jeth smiled wide and nodded.

"Sige po, Tita," sagot niya saka tinawag ang tatlong naglalaro ng habulan. "Sow, Wiz, Toben. Come'ere, come'ere!"

Agad namang nakinig ang mga ito at tumakbo palapit kay Jeth. Jeth giggled and rubbed the pups' head.

"Good boys!" tumatawang saad niya. Hindi na kita ang mga mata niya dahil sa kanyang ngiti. "Now, now. Punta muna kayo kay Tita Phaeb, ha. Pupuntahan ko lang si Papa, hmm. Be good," he said.

The puppies like a good boys, sat on the floor, wriggling their tails, tongues out while watching Jeth went upstairs. Napangiti ako. They're really good.

"Wiz, Sow, Toben. Come'ere!" agad na nagsilingon ang mga ito at humarap sa akin.

Tumakbo ito papunta sa akin. Sow like a good boy sat on the floor. Toben tried to went up the sofa, pero hindi niya magawa dahil maliit siya. While Wiz rubbed his fur on my leg.

"Aww! They're so cute!" Phaeb giggled.

Umalis siya mula sa pagkakaupo at lumuhod sa harap ng mga puppies.

She played with the puppies. Nikki and Ayen did the same. Until the living room became full of laughters. Now, this is what I called happiness.

---

Kasalukuyan akong nakahalukipkip habang pinapanood ang hayop na Clad at Sim na nagpapa-picture sa mga babae.

No scratch that. Na hinahayaang picture-ran sila ng mga babae. Kapag may lumalapit, hinahayaan. Kaya ito. Nandito pa rin kami. Alas onse na nang tanghali. Hindi pa rin ba tapos ang mga ito?!

Tangina naman! So, ako lang ang hindi famous ngayon?! Di naman hamak na mas gwapo ako sa mga tanginang ito no!

"Hoy! Bilisan niyo dyan! Anong oras na?! Alas onse na, hindi pa rin tayo tapos! Ang rami niyo pang sinabi kaninang mga hayop kayo! Ang sabi niyo kayo ang magbubuhat pero nandito kayo at nagpipicture-picture! Tapos ako ang nandito at halos himatayin na sa pagbubuhat! Mga hayop!" singhal ko sa kanila.

"Chill, Evs. Suportahan mo na lang kami. Alam mo namang gwapo itong mga kaibigan mo, maraming nahuhumaling. Pagbigyan mo na, minsan lang naman ito. Tsaka, pasalamat ka nga at nandyan ka lang at nagbubuhat, ibig sabihin hindi ka busy. Tingnan mo kami," Sim pointed themselves then to the ladies, na ngayo'y naka-linya na.

Hindi busy?! Hayop 'to!

"Oo nga naman, Evs!" sigaw naman ni Clad habang abala sa pagngiti sa camera na hawak ng isang babae. "Minsan lang 'to. Magpasalamat ka na lang na hindi ka kami, kasi tingnan mo ang buhay namin. Napaka-abala namin. Maraming naka-linyang kababaihan para magpa-picture! Tsaka, isa pa! Ang hirap kaya magpicture! Ikaw kaya ang nakangiti tapos ikaw pa mag-ki-click ng camera! Mahirap yun!"

Napatanga ako. Sila pa ngayon ang busy?! Sila pa ang abala?! Sila pa ang nahihirapan?! Hirap na hirap na sila sa lagay na iyan?! Abala na sila sa lagay na iyan?! Samantalang ako...

Napatingin ako sa bundle-bundle na upuan at mesa na isasakay ko sa kotse. Napabuntong hininga na lamang ako sa inis. Saka nagsimulang magbuhat, ulit. Oo, ulit.

Dahil kanina pa ako nagbubuhat dito! Mga hayop kasi! Bakit ko nga ba nakilala ang mga iyon?!

"Mga hayop!" sigaw ko sa kanila tsaka inis na nagbuhat.

Ilang minuto ang lumipas ay mas lalo akong nainis dahil hindi pa rin tapos ang mga gago. Patuloy ako sa pagbubuhat nang may tumigil na sasakyang pula sa gilid ko at iniluwa noon ang lalakeng akala ko'y matagal pa bago ko muling makikita. Napatigil ako sa pagbubuhat at hindi makapaniwalang naptitig sa kanya. He leaned his back on his car's door, crossed his arms and smirked at me.

"Missed me, big brother?" he smirked.

"W-What the—how?!"

Hindi ko mapigilang napatakbo papalapit sa kanya tsaka mahigpit siyang niyakap. Damn, I missed him so much!

Nang bumitiw ako sa kanya ay agad kong ginulo ang buhok niya. It's been 5 years. We've both been busy for those five years. He went to New York to study and finish his dream, to be a part of NBI. And yep, like most dreams, his dream came true. He's now New York's NBI Chief.

"Have you met Mom and Dad already?" I asked him, wide smile.

He smiled back, widely. In fairness, hindi siya blanko ngayon. Bakit kaya?

"Nope. Not yet. I'm planning to surprise them," he answered. I nodded.

"Bakit ngayon mo lang naisipang bumalik, Ros?"

"You know that I've been busy. Besides, umuwi na ako. Just be happy, alright. Alam ko namang na-miss mo 'ko," he smirked.

Gaya nga ng sabi ko, kumag siya. Sakit siya sa ulo, noon hanggang ngayon.

I rolled my eyes. "Buti pa, tulungan mo na lang akong magbuhat ng mga 'yun. Marami pa dahil ang dalawang gago, ayun gago pa rin," inis kong sabi. He laughed and looked at Sim and Clad. Na hindi pa rin tapos.

"I met Clad a lot back at New York. I wonder why he always went there?" Kunot noong tanong niya pero may ngiti pa rin.

Napatingin na rin ako kay Clad. Ngayon lang naman siya bumalik dito, kamakailan lang. And I perfectly know the reason why.

"Just some... things, I guess."

Habang pinapanood ang dalawa ay hindi sinasadyang napatingin si Clad sa pwesto namin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Eros. He waved his hand at Eros at talked to the ladies, maybe saying goodbye. Napatingin na rin si Sim, at gaya ni Clad ay nanlaki rin ang mga mata niya. Patakbong lumapit sila sa amin at ginulo ang buhok ni Eros, saka ito niyakap. That's how they greet Eros. He's like a little brother to them, that's why.

"Kailan ka pa dito?" Malawak ang ngiting tanong ni Sim.

"Just two days," Eros chuckled. Napakunot ang noo ko.

"Akala ko ba, kakarating lang?" Kunot-noo kong tanong.

He faced me and smirked.

"Parehas lang naman yun, Evs. Ang reklamador mo talaga!" apila naman ni Clad.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kausap ba kita?" I asked, gritting my teeth.

He looked at me innocently. Then back to Eros.

"So, kaya ba naparito dahil may aasawahin ka na?" Nang-aasar na tanong ni Clad.

What? Aasawahin? Kunot noong tiningnan ko si Eros. He glanced at me innocently. Pinaningkitan ko siya.

"Sinong aasawahin mong gago ka? Uuwi ka lang para mag-asawa? Ano tingin mong sasabihin sayo ni Mom tsaka Dad? Si Mom iiyak yun panigurado! Si Dad, patay ka n'un!" saad ko.

He looked at me and raised both his hands like surrendering.

"Look, I'm not getting married. Clad's just kidding. And... don't tell it to Mom, Kuya. Yup, she'll definitely cry. And yes, Dad will kill me," depensa niya.

Tumango-tango ako, pinaningkitan siya ng mata.

"Sabi mo 'yan, ah," I said. He immediately nodded.

"Ano ka ba naman, Evs! Ano naman sayo kung mag-aasawa na si Eros? Hindi na bata 'to! Makakabuo na nga 'to ng bata, eh!" apila ulit ni Clad.

I glared at him. Uunahan pa ako, ganun?!

"Oo nga naman, Evs. Isa pa, ayaw mo n'un? Magkakaroon ka na ng sister-in-law. Magkakaroon ka na ng pamangkin. Tsaka, wag ka ring mareklamo, Evs! Ikaw nga, kakasagot pa lang ni Harriet sayo, pinakasalan mo na agad, eh!" sabi naman ni Sim.

I glared at him. Hayop!

"Gago!" Walang magawang sabi ko.

Nagtawanan silang tatlo. I glared at Eros. Kumag nga talaga! He looked at me defensively.

"I'm serious! I'm not getting married! They're just kidding!" depensa niya. I rolled my eyes.

"Tsked. Tulungan niyo na nga lang kong magbuhat, mga gago! Kanina pa kayo, ah! Hirap na hirap na ako! Tapos kayo nagpapa-picture lang?! Hayop!" inis kong sabi at nagsimula nang magbuhat.

"Kaya mo na 'yan, pagod ako!" sigaw ni Clad.

"Ang sakit ng binti ko kakatayo!" sigaw naman ni Sim.

Inis ko silang tiningnan at handang-handa nang habulin. Hahabulin ko pa lang sila ay tumakbo na sila papalayo, iniwan ang mga kotse nila. Sirain ko kaya mga ito?! Inis kong sinipa ang gulong ng sasakyan ng dalawa.

Tangina!

I heard Eros laughing loudly. Halos mamatay na siya kakatawa. Hawak niya ang tiyan habang tumatawa. I glared at him. Papalapit pa lang ako ay agad na siyang nakapasok sa kotse niya saka pinaharurot iyon. Inis kong sinuntok ang bagay na nasa gilid ko. At gayun na lamang pagsigaw ko nang dingding pala yun ng kotse ko.

Putangina!

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro