Epilogue
UVEXIU
"MAMA!" Napatingin ako sa Anak ko, na tumatakbo palapit sa akin.
Sinundo ko siya sa school niya. Wala si Qwedei, nasa japan siya at bukas pa ang kaniyang uwi. May business trip siya.
Malaki na ang Anak ko. He's 8 years old now. Kinasal kami ni Qwedei, isang buwan matapos niyang mag-propose. And after ilang years na hinihiling ni Qwedei, na magkaroon ng kapatid si Noshi at natupad ngayon yun.
I'm two months pregnant sa aming bunso. Hindi pa niya alam, dahil gusto kong sabihin kapag nakauwi na siya. Sa ngayon ay, ako at si Noshi lang ang nakakaalam.
"Kumusta ang school?" tanong ko dito, nang makasakay kami ng sasakyan.
"Okay lang po," sagot nito. "Mabait mga classmates ko po. Ikaw po? Kumusta kayo ni baby"
"Okay lang po kami, Kuya." Nginitian ko siya. "Bukas na uuwi ang Papa mo, tulungan mo si Mama maghanda para sa pagdating niya."
"Mama? Hindi na ba ako magiging love ni Papa, kasi may baby na kayo po?" tanong nito na ikinatigil ko.
Buti na lang ay red light, kaya naihinto ko ang kotse at hinarap siya.
"Bakit mo naman naisip yan?" kunot noong tanong ko dito.
"Kasi po, hindi ko naman siya totoong Papa." Kita ko ang lungkot sa mukha niya. "Baka lang po, na kapag nalaman niyang may baby na kayo, ay hindi na niya ako love. Baka hindi na niya po ako ituring na Anak."
"Noshi." Hinawakan ko siya sa kamay. "Tandaan mong mahal na mahal ka ng Papa mo. Oo, may baby kami pero hinding hindi magbabago ang pakikitungo niya sa'yo. Alam mo bang excited na ang Papa mong maging Kuya ka? Kasi, sigurado siyang magiging mabait at mapagmahal kang Kuya." Nginitian ko siya. "Wag mong isipin ang mga ganoong bagay, okay? Sige ka, magtatampo si Papa mo niyan."
"Sorry po," nakangusong sabi nito. "Hindi na po, promise. Love ako ni Papa ko po eh."
"Yan, ganiyan." Umayos na ulit ako ng upo. "Okay na yun ah?"
Tumango lang ito.
Pinaandar ko ang kotse, hanggang sa makarating sa bahay. Pagpasok namin sa loob, ay pareho kaming nagulat ni Noshi, nang makita si Qwedei.
"Hi, mahal." Ibinuka nito ang kamay niya. "Hi, pogi kong Anak."
"Papa!"
"Qwedei!"
Halos magkasabay naming bigkas ni Noshi. Pareho namin siyang nilapitan at niyakap.
"Miss na miss ko kayo," sabi nito. "Na-surprise ba kayo?"
Humiwalay ako ng yakap, at binigyan siya ng halik sa labi. "Kainis ka! Kami nga dapat, ang mag-su-surprise sa'yo eh!"
Natawa ito, bago kami halikan ni Noshi sa noo. "Sorry, hindi na kasi ako makapaghintay."
"Miss kita Papa," sabi dito ni Noshi. "Masaya po akong umuwi kana."
"Miss na miss kana din ni Papa," tugon dito ni Qwedei. "Good boy ba ang baby namin?"
Tumango si Noshi.
"May sasabihin pala ako. "Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagpa-check up ako kahapon, kasi, masama ang pakiramdam ko. At nalaman kong buntis ako. Magkaka-baby na tayo."
"W-what did you say?" tulalang tanong nito.
"Buntis ako," sabi ko dito. "Papa kana."
"YES!" sigaw nito, at niyakap ko. "Shit! Thank you so much. I love you, I love you! Thank you Lord!"
Natatawang humiwalay ako sa yakap. "Mahal din kita."
Hinalikan ako nito sa labi, bago balingan ng tingin si Noshi. Binuhat niya ito.
"Magiging Kuya na ang baby boy namin," sabi dito ni Qwedei. "Dalawa na ang baby ko ngayon,"
"Thank you po." Natigilan kami, nang bigla na lang itong umiyak. "Thank you po, kasi kahit hindi mo ako tunay na Anak, love na love mo po ako. Thank you po, kasi tanggap mo ako. Thank you po kasi nagpaka-Papa ka sa akin. Papa, maraming salamat mo kasi minahal mo ako."
"Tahan na." Ibinaba ito ni Qwedei, at pinunasan ang mga luha nito. "Patuloy akong magiging Papa mo, Noshi. Kung gaano ko kamahal ang Mama mo, at ang magiging kapatid mo, ganoon din kita kamahal. Pantay pantay ang pagmamahal ko sa inyong tatlo. At pangakong hanggang huli, ay, gagabayan kita. Maraming salamat din at tinanggap mo akong maging Papa. Mahal na mahal kita, Noshi."
Nagyakapan ang dalawa.
Hindi ko maiwasang hindi maiyak, habang pinagmamasdan ang aking mag ama. Nakapasuwerte namin ni Noshi, kay Qwedei. Si Qwedei, na ginagawa ang lahat para sa amin.
"Maraming salamat, Qwedei." Lumapit ako doon at nakiyakap. "Salamat sa pagmamahal mo sa akin, lalong lalo na kay Noshi."
"Thankful ako kay Lord, dahil binigyan nila ako ng isang Uvexiu at ng isang Noshi." Naramdaman ko ang labi nito sa aking ulo. "Until next life, hahanapin ko kayong dalawa ni Noshi. Kayong dalawa lang at ang magiging Anak natin ang gusto kong makasama habangbuhay. I love you both."
"Mahal na mahal din kita Qwedei, mahal na mahal ko kayo ni Noshi."
"Mahal na mahal ko po kayong dalawa."
Maraming dumating, na sinubukang mahalin ako, ngunit dalawa lang ang nagpakatotoo. Si Noah at Qwedei lang. Pero sa bandang huli, ay masasabi kong si Qwedei lang ang gusto kong makasama habangbuhay.
Hindi maganda ang naging buhay ko, pero patuloy akong lumaban. At hindi ko inaasahang sa bandang huli, ay makakamit kona rin ang kapayapaan ang pagmamahal na inaasam ko.
Sa anumang pagsubok, hindi pagsuko ang solusyon. Subukan mong lumaban, dahil ang resulta sa huli ay lubong mong ipagpapasalamat.
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro