Chapter 4
UVEXIU
"TANDAAN mo ang sinabi namin Uvexiu dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari," Banta nito bago isara ang pinto ng Van
Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada at napayakap sa tuhod ko. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.
Bakit ba nangyayari sa'kin lahat ng 'to!?
Lumakas ang hagulgol ko habang inaalaa ang mga bagay na yun. Tangina! Buong buhay ko bilanggo nila ako
"Kaya mo ba ako tinakasan dahil kailangan mong umiyak dito sa gilid ng kalsada?" Napaangat ako ng tingin at napalingon sa gilid ko ng may magsalita
Nakita ko ang ang seryosong si Qwedei na nakaupo sa tabi ko, nakatingin ito sa akin.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Suminghot ako at pinunasan ang mga luha ko. "Wala ako sa mood makipag-kantutan kaya humanap kana lang iba."
Natawa ito. "What a dirty mouth of yours."
Ang dami daming makakakita ng ganitong itsura ko, bakit ito pang masungit na boss ni Uven
"What's your problem?" Tanong nito. "Want to share it with me?"
Umiling ako. "Walang makakatulong sa problema, wala kahit sino."
Ilang beses na akong nagsabi pero iniwanan lang nila ako dahil natakot sila, yung ibang napagsabihan ko ay mga tauhan din pala nila kaya sa huli bugbog sarado lang ako.
Ayokong sabihan ang isang 'to dahil mang iwan lang din, at saka sa kaniya nga may nagbabanta eh.
"Tell me, malay mo matulungan kita." Sabi nito. "Come on, mabait ako, hindi lang halata."
Umiling ako. "Wag na,"
Tumayo ako kaya tumayo din ito
"Fine," Napahinga ito ng malalim. "Hatid na lang kita."
"Sigurado ka?" Tumango ito. "Sige."
Nabigla ako ng hawakan nito ang kamay ko, hinila ako nito palapit sa sasakyan niya. Siya mismo ang nagbukas ng pinto ng passenger seat kaya sumakay na lang ako
"Put your seatbelt." Sabi nito ng makasakay siya
Sinuot ko naman ang seatbelt ko. Tumingin ako sa paligid habang umaandar ang sasakyan
Sana star na lang, wala lang tamang display lang sa langit habang hinahangaan ng mga tao.
"Don't be selfish to your problem," Napalingon ako kay Qwedei ng magsalita ito. "Look, alam kong ayaw mong sabihin pero gusto ko talagang malaman."
"Chismoso ka rin 'no?" Natawa ako. "Basta kaya ko ang sarili ko, kinaya ko nga simula pagkabata ko, ngayon pa kaya?"
Tumango tango na lang ito.
"Wait, saan kita ihahatid?" Tanong nito
Ihinto mona lang ako malapit sa SM," Sagot ko dito. "Malapit na ako doon."
Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagdadrive.
Sa gitna ng pagbe-break it down ko, hindi ko akalaing ito pang masungit na ito ang makakasama ko. Mukha naman siyang mabait, siguro kapag babae ang kaharap.
Nang makarating sa SM ay huminto ang sasayan niya.
"Are you sure dito kana lang?" Paninigurado nito
Tinanggal ko ang seatbelt ko. "Oo, maraming salamat at pasensiya na kung pinatigas lang kita at himdi pinanindigan."
Natawa ito. Shet! Ang pogi ng tawa
"Don't worry I have two powerful hands," Tinaas nito ang dalawang kamay niya. "I can use them to release."
"Ingat ka," Lumapit ako sa kaniya at idinampi ko ang labi ko sa labi niya. "Salamat."
Tulala lang ito kaya bumaba na ako at nagsimulang maglakad.
"Wait!" Napalingon ako sa gilid ko. Umaandar ang kotse ni Qwedei habang nakadungaw sa'kin. "What's your name again?"
"Uvexiu," Sagot ko
"Okay, see you tomorrow I guess." Ngumiti ito
Tumango lang ako.
Tuluyan na siyang umalis, napahinto naman ako sa paglalakad bago pumara ng taxi.
Kila Uven ako didiretso.
"Bayad mo," Sabi ng driver ng huminto ito
Napapikit na lang ako, nakalimutan ko yung gamit ko sa bar.
"Sandali lang ho," Bumaba ako. Sakto namang lumabas si Lolo Noel kay nilapitan ko ito. "Wala akong pambayad sa taxi, ikaw na bahala."
Bago pa siya makasagot ay agad na akong umalis doon at pumasok sa loob
Dumiretso ako sa taas, pumasok ako sa naging kuwarto ko dito at nagpalit ng damit.
Nang makapagpalit ako ay pumunta ako sa kuwarto ni Uven. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya
"Alam mo ba? Napagkakamalan kayong bakla ng boss mo," Kuwento ko dito. "Ang sungit ng boss mo, ilang beses niya akong pinagalitan kanina! Pinaghihinalaan niya na din ako. Pero kanina nung umiyak ako? Bigla siyang sumulpot at medyo cinomfort ako. Mabait naman siya sa babae kahit nabitin siya."
"Ano nga pa lang inaalam mo kay Qwedei kaya hindi ka umaalis sa kaniya?" Natawa ako. "Malamang hindi ka sasagot 50/50 kana eh, pero wag kang matuluyan ah? Sobrang dami kong tanong sa iyong walanghiya ka, gaya ng, nasaan sila Mama at Papa? Bakit nahiwalay ako sa inyo noong bata pa ako? Bakit hindi niyo man lang ako hinanap? Gumising kana, dahil alam kong ikaw ang makakatulong sa problema ko ngayon."
"Gusto ko ng makawala sa kanila, gusto kona ng maayos na buhay, gumising kana at ilayo mona ako sa kanila." Napahinga ako ng malalim. "Kailangan ko nga pala ng isang milyon para makuha ko siya sa kanila, siguro naman marami kang pera sa bank account mo 'no? Hihiramin ko ah?"
Napangisi ako bago tampal tampalin ang pisngi niya. Lumabas ako at saktong papasok naman si Tandang Noel
"May bank account si Uven?" Tanong ko dito
"Oo," Tumango ito. "Bakit?"
"Samahan mo ako sa makalawa sa bangko, nangutang ako kay Uven." Sabi ko dito
"Nangutang? Paano ka mangungutang kung comatose siya?" Daming dada nitong matanda na ito
"Basta, umoo siya." Tinapik ko buhok niya. "Wag ka ng dumada ah?"
Sinabunutan ko siya kaso hindi ko inaasahan na matatanggal iyon. Bumungad sa'kin ang panot niyang ulo
"Hayop! Panot ka pala!" Natawa ako ng malakas
Nagsalubong naman ang kilay nito kasabay ng pagtaas ng tungkod niya, bago niya pa ako mahampas ay agad na akong tumakbo papasok ng kuwarto ko at nag lock
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro