Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13


UVEXIU

     ALAS kuwatro pa lang ay nagising na ako at bumaba para ipagluto ng almusal si Noshi. Wala akong masyadong oras sa kaniya kaya gusto kong bumawi kahit sa simpleng paghahanda lang ng almusal.

"You exactly look like our Mom." Napatalon ako sa gulat ng may magsalita.

Naghahalong nilingon ko ito at bumungad sa akin si Uven. Umupo ito sa upuan.

"Ede kamukha mo rin siya, magkamukha tayo eh," tugon ko.

"Sa mukha lang ako kamukha ni Mom, pero ikaw? Pati kilos at pananalita mo ay siyang siya," sabi nito. " You're exactly the resemblance of our Mom."

"Nasaan na siya?" tanong ko dito.

"She's dead." Natigilan ako dahil sa sinagot niya. "She killed herself in front of me."

Pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko dahil sa sunod niyang sinambit. Binitawan ko ang hawak kong sandok at pinatay ang kalan, bago ko siya muling hinarap.

Tumikhim ako. "A-Anong sabi mo?"

"Noong panahong bigla kang nawala, halos mabaliw si Mom," bakas ang lungkot sa mukha niya. "Kung saan saan siya naghanap, buong minuto, oras, araw, buwan at mga taon ay ginugol niya sa paghahanap sa'yo. But she failed to find you, pinabayaan niya ang sarili niya, pinabayaan niya. Her whole world stopped when she lost you, she forgot about me. One day I saw her with knife, but before I stopped her, she already stabbed her heart."

"She killed herself in front of me, Uvexiu. That scenario still hunt me," dagdag pa nito. "I don't know how could I survive after that. Then Uncle Noel appeared, he help me to survive, he kept me. Uvexiu, when Mom died, I forgot that you are existing. I'm sorry for that. Nawala ako sa sarili noong mga panahong iyon, I don't know what happened to me that time, Uvexiu. Nabalik lang ako sa reyalidad noong mga panahong ipinakita sa akin ni Uncle Noel ang litrato nating talo ni Mama."

"Y-Yung papa natin?" tanong ko.

"He's dead too, kapatid ni Uncle Noel ang Daddy natin," tugon nito. "He died because of heart attack."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko bago tumango. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko.

"Naiintindihan kona." Nginitian ko siya. "Malinaw na sa akin ang lahat, hinanap ninyo ako ngunit wala talaga. Naiintindihan kona Uven."

"Can you tell me kung anong naranasan mo?" tanong nito. "Can you tell me?"

"Hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa puder ng mga sindikato dahil bata pa ako noon. Pero doon na ako nagka isip sa kanila," kuwento ko. "Naging pulubi ako, namamalimos ako para sa kanila...at kapag wala akong limos, s-sinasaktan nila ako. H-Hindi naman nila ako ginalaw, pero unti unti nila akong pinapatay."

Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang unti unting bumabalik sa utak ko ang mga naranasan ko.

"I-Ipinasok nila ako sa bar noong 18 na ako, pinagsayaw nila ako doon," dagda ko pa. "T-Tapos may nakilala akong hapon na may lahing Pilipino, i-inutusan nila akong kuhanin ang loob nung lalaki. M-Minahal ko yung lalaki na yun, Uven. Akala ko ligtas na ako pero hindi pala, dahil nakabantay sila sa bawat galaw ko."

"S-Siya yung Tatay ni Noshi. Pagkatapos nilang makuha ang yaman ng Tatay ni Noshi ay pinatay nila ito sa harap ko, pinatay nila ang Tatay ng baby ko. Balak din nilang patayin si Noshi, nagmakaawa lang ako." Natawa ako ng pagak. "N-Niluhuran ko ang mga dimonyong iyon para lang mabuhay si Noshi, n-niluhuran ko sila kahit hindi nila deserve. Noong manganak ako ay ilang buwan ko lang makasama si Noshi, nilayo nila sa akin si Noshi at ngayon kona lang uli siya nakasama."

"Tanging sa tawag lang kami nagkakausap ni Noshi, kasi para makuha ko siya ay kailangang bigyan ko sila ng isang milyon. Kaso hindi ko kinaya kaya hanggang telepono na lang kami ng Anak...ko." Napasinok ako dahil sa pag iyak. "N-Ngayon hawak pa rin nila ako...hanggang..ngayon preso pa rin nila ako. U-Uven, gusto ko ng makalaya."

Tumayo ito at lumapit sa akin. Mas lalong lumakas ang iyak ko ng yakapin ako nito.

"G-Gusto ko lang naman mabuhay ng walang banta, pero bakit hindi ko maranasan?" hikbi ko dito. "H-Hindi ko naranasang makipaglaro sa kapuwa ko bata at maglaro ng barbie. Imbis na laruan ang hawak ko noon, baril at kutsilyo ang ipinahahawak sa akin."

"Ang gusto kong madama noon ay yakap ng isang Ina at Ama, pero latigo at suntok ang nadama ko."

"I'm sorry," basag ang boses na sabi nito. "Sana noon pa. Tangina, sana noon pa kita hinanap. Sorry."

Tanging paghagulgol lang ang naisagot ko dito.

"Magiging malaya kana ngayon, Uvexiu. Nandito na ako at pangakong hinding hindi na ma-ko-kontrol ng iba ang buhay mo," sabi nito. "Tahan na. Ibabalik ko sa kanila ang mga ka-dimonyohan nila. Sinusumpa ko yan, Uvexiu. Kahit pa kapalit ng buhay ko, gagawin ko ang sinabi ko "

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak sa dibdib niya. Humiwalay lang ako ng mailabas kona lahat ng luha at sipon ko.

Ito ang unang beses na nailabas ko lahat ng aking hinanakit. At ang nakakatawa ay kay Uven talaga.

"Are you okay now?" tanong nito.

Tumango ako. "Y-yung damit po, puro uhog."

Natawa ito. "It's okay."

"Teka, bakit pala tumayo kana? Hindi ba masama sa kalagayan mo yun?" alalang tanong ko dito. "Kagigising mo lang, kaya dapat magpahinga ka muna."

"I'm fine," sagot nito. "Sobrang tagal ko ng nakahiga, wala na namang masakit sa akin,"

"Sige, maupo kana lang at ipaghahain kita," sabi ko dito.

Umupo naman ito. Sinimulan ko namang ilagay sa plato ang mga niluto ko at ihain sa lamesa.

"Sabayan mona ako," sabi nito.

Naupo naman ako at nagsimulang kumain na din.

"Kumusta naman ang pagpapanggap mo bilang ako?" tanong nito.

Ayun, pinagkamalan ka ng bakla. "Maayos naman, masungit nga lang si Qwedei sa akin lagi,"

"Why?" Kumunot ang noo nito. "I mean, close kami ni Qwedei.  Why he's mad at you? Nakahalata ba?"

"Noong una, pero nagtagal ay nawala na yung paghihinala niya," sagot ko. "Pero masungit pa rin siya sa akin."

Napahinga ito ng malalim. "Wag mo lang sanang sirain ang tiwala niya, hindi puwede malayo ako kay Qwedei."

"Bakit? Mahal mo siya?" nanlalaking mga matang tanong ko dito.

"Ofcourse not!" Ngumiwi ang mukha nito na parang diring diri. "Mga magulang ni Qwedei ang isa sa tumulong sa akin. At bago mamatay ang mga ito ay nangako akong iingatan ko si Qwedei."

"At isa pa, kailangan ko din si Qwedei para malaman kung sino ang nagtangka sa buhay ko, ganoon din sa buhay niya," dagdag pa nito.

"Dami mong ganap sa buhay," sabi ko dito. "Balak mo atang palitan si Captain America."

"Uhm, have you met Auxill?" pag iiba nito ng usapan. "She's one of the employee of Qwedei. She has a long brown hair, she's nerdy look. You know."

Napangisi ako. "Oo naman, maganda nga siya eh. At balita ko patay na patay sa'yo yun."

Kita ko ang pamumula ng mukha nito na ikinatawa ko ng malakas.

"Stop laughing!" inis na sabi nito.

"Torpe ka pala," natatawang sabi ko dito. "Bahala ka, baka masalisihan ka."

Umiwas ito ng tingin. "I-I don't know how to court a girl."

"Sus." Hinampas ko siya sa balikat. "Sagot ka ni sisteret mo, akong bahala kambal."

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo." Sabay kaming napalingon sa nagsalita. "Mabuti yan."

"Ikaw lang naman ang ayaw kong kamabutihan," masungit kong sabi dito. "Doon ka nga, panot ka!"

"Tumahimik ka! Hampas ko sa'yo itong tungkod ko eh," sabi nito.

"Uven, payag ka non? Hampasin daw ng tungkod yung maganda mong kakambal?"

"Ikaw maganda? Masyado na atang makapal mukha mo."

"Kaysa naman sa'yo? Makapal nga buhok mo, peke naman."

Akmang hahampasin ako nito ng tungkod, kaya mabilis akong umiwas habang tumatawa.

Kinginang panot 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro