Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8

Third Person POV

First day ng regular class ngayon. Ma memeet na ng mga Brightfords ang kanilang mga classmates at kung saang block sila mapapabilang. More on introduction lang ang naganap kahapon at paglilibot sa buong school kaya may karapatan silang pumili kung saang room sila pupunta since hindi pa regular ang class.

Magkasama sina Hope, Quen at Wolf na pumasok at nakabuntot naman si Alexis kay Chandria. Late nang pumasok si Richard samantalang si Dei ay naghahanda pa lamang mula sa Quarters kung saan siya nag stay.

Paakyat ng hagdan sina Chandria at Alexis upang tignan sa second floor ang malaking bulletin board. Tahimik lang ang dalawa ngunit nang umakyat sina Wolf, Quen at Hope ay halos magsigawan ang mga kababaihan.

"OMG sana magkasama tayo Chandria" pangungulit ni Alexis sa kapatid niya ngunit hindi niya ito pinansin. Naglakad lang sila patungo sa isang malaking bulletin board. Dahil sa pag-iwas ni Chandria kay Alexis ay nakabunggo nito si Ford na seryoso ang mukha at hindi maipinta ang expression.

Nagkasamaan ng tingin sina Chandria at Ford na parang nag-aapoy na ang second floor sa tensyon sa kanilang dalawa.

"Sa susunod tumingin sa dinadaanan mo" pagmamaldita ni Chandria.

Ikinagulat ng mga Brightfords ang ginawa ni Ford sa dalaga. Kwinelyuhan niya ito at kita ng lahat ang galit sa mukha ng binata.

"Kilalanin mo kung sino kinakalaban mo" sambit ni Ford. Pagkatapos niyang itulak ang dalaga ay lumayo na ito at naiwan si Chandria na namumuo ang luha sa galit.

Hindi nagpatalo ang Chandria at sinundan si Ford sabay suntok sa mukha ng binata.

"Kilalanin mo kung sino kinakalaban mo" matapang na sabi ni Chandria. Pinagtitinginan sila ng mga tao ngunit parang wala lang sa kanila. Naghiwalay sila ng landas at hindi nawala ang sama ng tingin nila sa isa't isa.

Naiwang laglag ang panga ng mga tao sa paligid at lahat sila tulala.

"Hindi na siguro sila magkakasundo" bulong ni Hope kay Wolf.

"Hayaan niyo na sila. Magakakasundo rin sila. Check na natin block natin kanina pa tayo nakatambay"wika ni Quen habang nakikipagsiksikan sa mga estudyante.

Nang makarating sila sa tapat ng bulletin board, natigil ang mga estudyante at nahati ang daanan. Lahat sila nasilaw sa ganda ni Hope. Hindi naman mapigilan ni Wolf ang ipagmayabang ang sarili niya sa dalawa na siya raw ang dahilan kung bakit natigil ang mga estudyante.

"Kapag may anghel ka talagang kasama, walang problema"bulong ni Quen kay Hope.

Nagapiran silang tatlo at nagulat nang makita ang block nila.

"This year will be exciting"wika ni Wolf. Pinaluwagan ni Wolf ang uniform niya at naka bukas ang dalawang butones nito na lalong nagpalakas ng dating niya.

"Baka magkasawaan na tayo nito. Magkasama na tayo sa bahay, pati ba naman sa block?" nakangiting sabi ni Hope.

"Masaya ako kasi lagi kong kasama ang anghel ng Brightford"pambobola naman ni Quen sa dalaga.

Pagpasok nilang tatlo sa room ay nagulat sila nang makita si Alexis at Chandria sa sulok. Si Richard ya may sariling mundo kasama ang mga girls at si Ford ay nakashades at nakasandal sa pader habang nakapamulsa ito.

"Goodmorning Block 2-A" bati ng professor nilang si Ms. Sandoval.

Biglang tumahimik ang lahat at nabulabog ito nang bumukas ang pintuan at pumasok si Dei sa loob.

"I'm sorry I'm late"agad na sabi ni Dei.

Nagulat din ang dalaga dahil lahat ng housemates niya ay kasama niya.

Tumabi ito kay Quen at binati rin si Hope. Nahagip ng mata niya si Richard na nakatingin sa kanya.

"I want this batch to be exciting. I want you to pick your numbers here."utos ni Ms.Sandoval.

Isa-isang pumunta sa harapan ang mga estudyante at bumunot ng mga numero saka bumalik sa kinauupuan nila.

"Any idea why I asked you to pick numbers?"

Walang sumagot sa Block 2-A. Nagtitinginan silang lahat ngunit ni isa walang nagbigay ng opinyon.

"You will have partners until the end of the school year. Any decision of your partner will be your decision. Gusto ko matuto kayong makisama sa ibang tao. Gusto naming matuto kayong magdecision para sa sarili niyo. It's all about how you stand for yourselves. Nakikita niyo rin naman siguro na there are 20 desks here. Each desk compose of 2 people. You and your partner. Any questions?"

Tahimik lang ang lahat at unti-unti nilang binuklat ang papel na nabunot nila.

"Go to your desks now"

Unti-unting binuksan ni Alexis ang papel na hawak niya. Nakalagay ang number 15. Hinanap niya kung sino ang nakaupo doon at nakita niya si Wolf.. Ineexpect niya na si Richard ang makikita niya ngunit bigo ito.

Nag-apiran naman sina Quen at Hope nang malamang sila ang partners na nasa desk 4.

Lalong nasaktan si Alexis nang makita niya sina Richard at Dei na nasa number 3.

Padabog na umupo si Dei at inilayo niya ang upuan niya kay Richard. Hindi makapaniwala si Richard na sa dinami-dami nila sa room, si Dei pa ang makakatabi niya. Pansin rin ni Richard ang pamumugto ng mga mata ni Dei ngunit agad na kinuha ni Dei ang salamin niya upang hindi nila ito mapansin.

Nakatulala naman sina Chandria at Ford sa tapat ng desk number 1. Sila ang nakabunot ng number 1 ngunit pareho silang nakatayo sa gilid at ang lahat ng estudyante ay nakaupo na.

"Ms. Sandoval can I request for another desk?'' tanong ni Chandria.

"Sorry Ms. Bernardo but you should stick with your number."

Mayroong name tag na maliit sa gilid ng uniform ng mga Brightfords upang makilala sila. Halong yellow at gray ang uniform nila na above the knee na may kasamang mahabang medyas para sa mga babae.

"Fine" sagot ni Chandria.

Padabog itong umupo sa desk nila ni Ford ngunit naiwang nakatayo ang binata. Nagdadalawang isip ito kung uupo siya sa tabi ng dalaga. Nakasandal ito sa may dingding habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa niya. Makalaglag panga ang kagwapuhan ni Ford na naging dahilan upang kiligin ang ibang girls sa Block 2-A. Sa matangkad nitong pustura, nakataas na buhok at mapungay na mata, siya na nga yata ang bagong pagkakaguluhan sa Brightford kasama nina Wolf, Quen at Richard.

"Any problem Mr. Padilla?" tanong ni Ms.Sandoval. Nagdecide na itong tumabi kay Chandria at inilagay ang bag sa ibabaw ng desk.

Hindi alam ng mga Brightfords kung anong magiging reaksyon nila sa policy ni Ms. Sandoval. Masyado rin silang na-overwhelmed sa mga nangyari.

"Another announcement. No lates and absences. Every seconds that you're late, it will convert to hours of punishment. Every absences will lead to suspension. So this is it. Enjoy your day. Let's start the class tomorrow."

May pinindot na button si Ms. Sandoval at biglang bumukas ang malaking screen sa harapan nila.

"Welcome to Brightford Academy.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro