6
Dei POV
Kakalabas ko lang ng kwarto ko. Inayos ko pa kasi yung mga gamit ko. Saktong paglabas ko ng kwarto ang pagbukas naman ni Richard sa pintuan niya.
Hindi ko alam kung bakit nandito ang lalaking ito. Ayokong gumawa ng kasalanan pero sa tuwing nakikita ko siya, nag-iinit ang dugo ko at gusto ko siyang sampalin sa sobrang kayabangan niya.
"Dei alam mo ba na ayon sa balita marami daw ang ayaw tumira sa house number natin"sabi niya habang nakatingin sa akin. Inaayos ko ang mga sapatos sa shoe rack ko at nagulat ako nang tumabi siya sa akin.
"Wakompake"kako.
Hindi niya ako sinagot ngunit hinawakan niya ang sintas ng sapatos ko at binuhol niya ito. Ngayon ko lang napansin na natanggal sa pagkakatirintas ang sapatos ko.
"May namatay daw kasing matanda dito. Kaya tinawag nila itong Bahay ni Lola. Nagmumulto daw yun kapag gabi."seryoso niyang sabi habang nakatingin sa paligid. Tumayo siya sa harapan ko habang inaayos ko ang mga sapatos ko. Wala ang mga housemates ko dahil hindi pa sila umuuwi at akala ko ako lang ang tao dito ngunit may kasama pala akong multo at kaharap ko pa ngayon.
"Nagpapaniwala ka sa mga haka haka. Maniwala ka kapag tayo mismo ang nakakita"sabi ko sa kanya. Binuhat ko ang malaking box na nakakalat sa kwarto ko ngunit inagaw niyang muli ito.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya.
'"Sandali nga Richard.. Ano bang ginagawa mo?"mataray kong sabi.
"Helping you.."nakangiti niyang sabi. Malakas ang kutob ko na isa nanaman ito sa mga patibong niya kaya kailangan kong paghandaan kung ano man iyon.
Booooggggsssshhh
Nagtinginan kaming dalawa ni Richard. Kami lang ang tao sa bahay at may biglang tunog na nanggaling sa kusina.
"Hindi ka natatakot?"tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba o haka haka lang ang sinabi ni Richard pero bakit biglang nagtayuan ang mga balahibo ko.
"Puntahan natin yung ingay. Huwag akong matakot sagot kita"
Nagkatinginan kami ni Richard nang may tumunog na kanta na ikinatuwa ko.
♫♪Do-do-do-do-do-dora!
Do-do-do-do-do-dora!
Do-do-do-do-do-dora!
Do-do-do-do-do-dora!♫
"Is that yours?"natatawa kong tanong sa kanya. Inilebel ko ang ulo ko sa bulsa niya at rinig kong galing ito sa cellphone niya.
♫♪Dora dora dora the explorer!
Boots, that super cool exploradora!♫♪
"Damn..pinakailaman nanaman ni Xyriel yung phone ko"galit niyang sabi habang kinukuha ang cellphone niya.
♫♪Do-do-dora!
Do-do-do-dora!
Do-do-dora!
Do-do-do-dora!
"Anong tinatawa-tawa mo?"pagsusungit niya sa akin.
♫♪Swiper no swiping!
Swiper no swiping! (oh man)♫♪
"Nothing. Ang cute.."pinipigilan ko ang tawa ko ngunit hindi ko ito mapigilan.
Tinatawanan ko siya habang inis na inis siya sa ringtone niya. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ito dahil bata pa lang ako, favorite ko na si Dora kaya iba ang pakiramdam ko nang marinig ko ang kanta.
Lumabas ito sandali kaya naman lakas loob akong pumunta sa kusina para tignan ang ingay doon. Nanginginig pa rin ang mga paa ko habang naglalakad. Hindi pa ko nakakita ng multo. Pag nagkataon, first time ko ito.
Papalapit na ako sa kusina. Nag sign of the cross ako. Nakapikit ang mga mata ko at unti-unti ko itong iminulat.
Ikinalat ko ang mga mata ko ngunit wala akong makita.
Naglakad ako sa loob ng kusina at pilit hinahanap kung saan nanggagaling ang ingay ngunit biglang nawala ito.
Saktong pagtalikod ko ay ikinagulat ko nang makita si Richard na nakatayo sa harapan ko.
"Akala ko ba hindi ka natatakot"pang-aasar niya.
"Ano ba talagang ginagawa mo dito Richard? Please lang ayoko na nang gulo. Kaya nga ako pumasok dito sa Brightford diba? Para maiwasan yang kabulastugan mo!"pagdidiin ko.
"Am I that important to you para layuan mo ako?"pang-aasar niya sa akin.
"Am I important to you para sundan mo ako?"pambawi ko sa kanya.
Nasobrahan ata ako sa kakakape ko at sobra ang pagkanerbiyos ko. Sinamahan pa ng lalaking ito.
Maglalakad na sana ako palayo ngunit nakita ko siyang namumutla. Kaya ba mabait siya ngayon? O kahit may sakit siya pinipilit niya akong asarin para masira ang araw ko. Dahan-dahan kong hinipo ang noo niya at sobrang init nito.
"Ang taas ng lagnat mo."kako. Kahit galit ako sa kanya, may puso pa rin ako. Siya lagi ang kakumpetensya ko sa lahat ng events noong Elementary at High School. Kumbaga sa makina, automatic nang siya ang katapat ko. Kung ako ang panlaban ng mga girls, siya naman ang panlaban ng mga kalalakihan.
Inalalayan ko ito patungong sala at pinahinaan ang Aircon. Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng bimpo ngunit hindi ko alam kung bakit may nag-udyok sa akin na silipin siya. Nakaupo siya sa sofa at seryoso ang mukha niya.
Kumuha ako ng planggana at naglagay ng tubig. Binasa ko ang bimpo at piniga ito.
"Pupunasan kita...." Hindi tayo close para titigan mo ako ng ganyan"sabi ko.
"I'll close my eyes. Para maging kumportable ka"bulong niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya at paghihina ng katawan nito.
Napahinto ako ng makita ko ang korte ng mukha niya. Matangos ang ilong at napakanipis na labi. Mahahabang pilikmata at perfect na kilay. Kaya pala maraming chicks kasi gwapo nga naman siya. No doubt. Isama pa yung dimples niyang ubod ng lalim ang sobrang nagpapa lakas ng appeal niya. Hindi ka pa rin nagbabago Richard.
Idinampi ko ang bimpo sa noo niya.
... nangako ako sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa'yo. Pero bakit ganun? Kahit pigilan ko yung sarili ko, nahuhulog ako sa'yo? Ilang taon na kitang pinagmamasdan ngunit parang kahapon lang ang lahat. Kaya lang naman kita kinakalaban ay para mapansin mo ako. Kahit sabihin nilang pinaglalaruan mo lang ang pakikipagkumpetensya mo sa akin, malaking bagay na 'yon dahil napapansin mo ako.
Sa totoo lang, wala akong pakialam kung magkatunggali ang pamilya natin. Kasi kahit papaano, sumasagi ako sa isip mo. Sa tuwing nauungusan namin kayo, iyon na rin ang pagkakataon kong mapalapit sa'yo.
Okay lang kahit paghihiganti ang nasa puso mo, matutumbasan naman iyon ng pagtingin ko sa'yo. Pero may hangganan din ito Richard at hindi ko alam kung kailan..
Inilapag ko ang planggana sa tabi niya at nagtungo sa kusina.
Kumuha ako ng instant noodles sa storage at nilagyan ng mainit na tubig.
"Richard..gising .Kumain ka muna"kako. Ipinasok ko ang kamay ko sa likod niya. Nakahinga ako ng malalim nang mahawakan ko ang basang likod niya.
"Richard..."tawag kong muli. Wala akong choice kundi pumasok sa kwarto niya dahil matutuyuan siya ng pawis.
Nabalot ng itim na mga palamuti ang buong kwarto niya. Nasa maleta pa ang mga gamit niya at nagkalat ang ibang damit sa kama niya. Napahinto ako nang may matapakan ako.
Pinulot ko ito at tinitigan. Hindi ako maaring magkamali, ito ang eraser kong nawawala. Pero anong ginagawa nito sa kwarto ni Richard?
Ibinulsa ko ito at humugot ako ng isang itim na tshirt sa kama niya. Agad kong isinara ang pintuan niya at pinuntahan siya.
"Richard.."tawag kong muli.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at bahagya itong sumandal sa couch.
"Subuan na kita" offer ko sa kanya.
"Ok lang ba?" tanong niya.
"Huwag ka nang maarte. Mag vovolunteer ba ako kung ayaw ko?"sabi ko.
"Salamat Dei"
"Thank you accepted pero huwag mong aasahan na magiging close tayo"pagsusungit ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pareho kaming nagkatitigan. Nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Bakit ganito yung pakiramdam ko. May kakaibang kabog akong naririnig mula sa katawan ko.
"Alam mo ang swerte ng magiging boyfriend mo. Matalino ka na, mapag-aruga pa at maganda"pambobola niya.
"Nambola ka pa"
"Mukha ba akong bolero?"
"Kaya ka nga lapitin ng chicks diba kasi bolero ka. Napapaikot mo sila"sabi ko.
"Sadyang inaalay lang nila ang sarili nila sa akin Dei. Hindi ako ang lumalapit sa kanila. Sila ang lumalapit sa akin"pagmamayabang niya.
Biglang naging cold ang expression niya. May nasabi ba akong hindi maganda?
"Magpahinga ka na nga. Aayusin ko lang tong mga to" agad kong kinuha ang planggana at bimpo na kinuha ko.
"Dei"
"Yes?"
"Pwede ba kitang maging kaibigan? I know marami na tayong napag-awayan. Pwede ba nating isantabi muna yung rivalry natin? Gusto lang kitang makilala"wika niya. Mukhang sincere naman ang sinabi niya dahil seryoso ang mukha niya.
Tumayo ito at nag-inat inat.
"Anong ginagawa mo?"
"Okay na ako.. Salamat"nakangiti niyang sabi.
Tumingin ito sa bintana at bigla na lang itong tumayo sa harapan ng bahay. Sinundan ko siya at maging ako ay napatitig sa bahay namin.
"Parang ang misteryoso ng bahay nato. Alam mo ba kahapon habang nakaupo ako sa sala, pakiramdam ko may tao sa likod ko. Pagtingin ko wala naman"
Hindi kaya totoo yung balita sa bahay na to? Huwag naman po sana.
May itinuro siya sa itaas na ikinagulat ko.
"Tignan mo yun Dei, parang sign ng cross. Tapos hindi mo ba pansin na parang may mali sa pagkakagawa nito. Nasa gitna siya ng daanan. Diba masama yun? "
"Huwag ka nga. Natatakot na ako eh"kako.
"Hindi seryoso ako.. Nabanggit din sa akin ni Wolf kahapon na habang nasa CR daw siya, feeling niya may dumadaan sa likuran niya"
Lumapit ako sa kanya. Biglang tumaas ang mga balahibo ko. Promise natatakot na talaga ako.
"Ahhhhhhhh"
Naramdaman kong may humawak sa likod ko. Mamatay ata ako dito.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay tinatawanan lang ako ni Richard.
Nag wave siya sa akin at naglakad na ito palayo at malawak ang ngiti niya. Tuluyan na kaya siyang nagbago?
Papasok na sana ako sa bahay ngunit hinarang ako ng dalawang security guard.
"Ms. Dei Mendoza.. Pinapatawag po kayo sa Dean's office"
Nagtaka ako kung bakit nila ako pinatawag sa Dean's office. Sumama na lang ako sa kanila ngunit nakaramdam ako ng kahihiyan nang pagtinginan ako ng mga estudyante.
Pagpasok ko ng Dean's office ay may isang lalaking nakaupo ngunit nakatalikod siya sa akin.
"Ms. Mendoza..you will sleep in the Quarters for 24 hours"
"Bakit po?"tanong ko.
"You were caught on cam that you entered Mr. Faulkerson's room without permission."
"Sir I just helped him."pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Siya mismo ang nagsumbong sa Dean's office. Surrender your keys and phone. After 24 hours, you can get back to your room,"
Lalapit sana ako sa kanya para magmaka-awa ngunit itinaas niya ang kamay niya na parang sinasabi niyang huwag siyang lalapitan.
"Pero Sir.."
"First offense Ms. Mendoza."
Napasandal ako sa dingding at nakita ko mula sa bintana si Richard na nakikipagkwentuhan sa mga babae. Bakit ba napaniwala ako ng lalaking 'yan kahit alam kong kaya niya akong lokohin anytime.
Inabot ko ang susi at cell phone ko sa Dean at pumasok sa room. Halos katulad lang ito ng kwarto namin ngunit walang kahit anong appliances at tanging electric fan lang.
Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na kahit kailan, kalaban ang tingin sa akin ni Richard. Kahit anong kabaitan ang ipakita mo sa kanya, susuklian niya ito ng kalokohan.
Alam ko ginagawa niya ito para sirain ang pag-aaral ko at para mapatalsik ako sa Brightford pero hindi ako makakapayag. Kahit kailan hindi na ako magpapa-uto sa kanya at pinakaimportante sa lahat, pipigilan ko ang nararamdaman ko dahil alam ko parte lang ito ng kanyang plano.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro