Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39

Natigil ang pag-uusap nina Hope, Ford, Wolf at Richard nang biglang lumabas si Dei na halatang kagigising lang, nakasimangot ang mukha.

Tila galing ito sa masamang panaginip ngunit hindi na niya ito maalala pagkagising kaya binalewala na lang niya.

Hinalikan siya ni Richard sa noo at bumulong ito.. "Good morning, Mendoza."


"Morning.." mahinang sabi ng dalaga.

"Okay, let's do it. I'm so excited!" pahabol ni Hope. Tinignan siya ng tatlong boys na tumahimik muna.

"Ano 'yun?" tanong ni Dei. Tila ba may lihim ang apat na ayaw malaman ng iba.


"Wala. May pinag-uusapan lang kami. "palusot ni Richard. Inakbayan niya ang kasintahan at isinandal naman ni Dei ang ulo sa balikat ng binata. 


Hindi mapakali si Ford dahil hindi niya pa nakikita si Chandria. Hindi niya alam kung natulog ba ito o kung saan na napunta.


Si Alexis ay nakahiga pa at gusto munang magmuni-muni bago makipag-usap sa mga kasama.

"Dei, can we talk?" seryosong tanong ni Richard habang nag-uusap usap ang tatlo kung ano magiging plano sa pag stay nila sa mundong iyon.


Tumango naman si Dei at sinundan niya ang kasintahan.


Paalis pa lang sila nang biglang dumating sina Chandria at Quen na kagigising lang.


"Saan kayo galing? Bakit parang puyat na puyat kayo?" tanong ni Dei kay Chandria na maga pa ang mata.


Nagkatinginan lang sina Chandria at Quen at pasimpleng ngumiti sa mga kasama. Naalala nila ang mga nangyari kagabi at maging sila, hiyang hiya na isa't isa.

Dinaanan lang din  ni Chandria si Ford na ikinabigla ng binata. Sinenyasan naman siya ni Hope na sundan niya ito upaang kausapin.

"What?" tanong nito nang pagdilatan siya ng mata ni Hope.

"Go Ford.."masayang sabi ni Hope.

Halatang napilitan si Ford ngunit kailangan niya itong gawin. Napakamot ito sa ulo habang sinusundan si Chandria..

"Do I really need to do this?" Galit niyang tanong kay Hope. Paalis na siya ngunit bumalik ito sa kinaroroonan niya kanina.

"For once in your life, be a man Ford, kahit dito lang."wika ni Hope. Itinutulak niya ang binata papunta sa kapilya.

"Pwede bang doon ko na lang siya sabihan?"pamimilit ng binata. Para itong bata na hindi alam ang gagawin.

"It's for everyone's sake. Do you think she'll agree kung biglaan? Subukan mong tikman yung pride mo. Masarap. " pang-aasar ni Hope.


Wala siyang nagawa dahil kapakanan din ng mga kasama ang nakasalalay dito. Gusto lang nila maging pormal din ang lahat para di mabigla ang mga kasama.

"What will I do?" tanong ni Wolf sa sarili nang makita ang mga kasama na paalis na.

Bumalik si Hope at tinapik ang balikat ni Wolf. Para siyang isang ate na tinutulungan ang mga kapatid na lalaki na manligaw.


"Ikaw pa ba mawawalan ng idea?" she whispered. Umalis na ang dalaga ta sinundan naman si Quen.








Dei and Richard

Magkahawak kamay sina Dei at Richard na lumayo ng konti sa mga kasama upang makapag-usap.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ng dalaga. Nagtatanggal pa ito ng muta sa mata at chineck din niya ang hininga niya kasi kagigising lang niya ngunit okay pa naman ito.

"Pahangin lang.." sagot ng kasintahan.

"Slam? Ano?"pamimilit ni Dei na walang ideya sa nangyayari.

"I haven't figure out how to do it my way. Sa bilis ng mga nangyari, hindi ko na rin alam kung paano. Pero sigurado ako, I want to spend the rest of my life with you.."wika ni Richard habang hawak ang mga kamay ni Dei. Na-bother ito sa muta ni Dei kaya natawa siya at tinanggal niya ito sa mga mata ng dalaga.

Natawa naman si Dei at sinigurado niyang wala na siyang muta pagharap kay Richard. Tumalikod ito at inayos ang sarili.

"Ano ka ba Mendoza. Kahit everyday ko pa tanggalin yang muta mo, gagawin ko.." nakangiting sabi ni Richard. Pasimple namang kinilig si Dei at nang makita niyang nagseryoso na si Richard, nagseryoso na rin ito.

"Mendoza, namiss kita. Akala ko di na ulit kita makikita.." malungkot na sabi ng binata.

HInawakan ni Dei ang pisngi ni Richard at pinisil pisil ito.

"Sorry kung kailangan natin pagdaanan 'to. Sorry ung ayaw ng parents ko sa'yo. Sorry kung napunta pa ta'yo sa mundong ito.." malungkot na sabi ni Dei.

"Kung ano man ang problema ng pamilya natin, labas na tayo don. Kung ano man ang nangyari  sa mundong ito, labas na rin tayo don. "

Lumuhod si Richard at inilabas ang isang dahon na hugis singsing na ikinagulat ni Dei.

"Dei, can you help me solve all the mysteries? Help me give Diyana and Ricardo the happy ending they deserve.."

HInawakan ni Dei ang kamay ni Richard at niyakap ito.

"Kahit mapunta tayo sa iba pang mundo, oo naman. Nandito lang ako.." mangiyak-ngiyak na sabi ng dalaga.

They sealed that moment with a sweet kiss. Biglang lumakas ang hangin at tila ba sina Diyana ang Ricardo ang magkasama nang oras na iyon.













Ford and Chandria

"Chandria, halika.." utos ni Ford sa nakaupo na si Chandria sa loob ng kapilya. Hindi pa rin sila nagpapansinan.

Napataas naman ng kilay si Chandria. Tumabi ito sa nakahiga na si Alexis. Tahimik ang magkapatid dahil bagong gising pa lamang din sila.

"Anong kailangan mo?"masungit ng tanong nito. Hindi niya tinititigan si Ford dahil alam niya, bibigay siya sa mga titig ng binata. Matapos siyang sungit-sungitan nito ngayon lalapit lapit siya. Iyon ang katwiran ni Chandria.


"Bawal ka kausapin? May sasabihin ako." nakayukong sabi ni Ford. Gusto niyang kausapin sa labas si Chandria ngunit ayaw ng dalaga.


"Sabihin mo na."she insisted. Tumayo ito at lumapit kay Ford.


"Chandria naman pwede ba minsan makisama ka naman?"galit niyang sabi.

Hindi naman nagpatalo si Chandria dahil napuno na rin ito sa kasungitan ni Ford.

"Bakit kailangan ba tayong dalawa lang? Hindi naman siguro importante yang sasabihin mo."pagmamatigas ni Chandria.

"Hindi ka ba talaga sasama?" panakot ng binata. Hinawakan niya ang braso ni Chandria na akmang hihilahin na ito palabas.

"Ano ba Ford? Sabihin mo na. Wala akong oras makipaglokohan sa'yo. I've had enough!"sigaw ng dalaga na halos mag echo na sa buong kapilya.

  "Guys.. alis muna ako.." pasimpleng paalam ni Alexis dahil maging siya, na awkwardan sa sitwasyon.

"Mabuti pa.." sabay na sabi nina Ford at Chandria na siya namang ikinagulat ni Alexis.

"Relax." sabi ni Alexis. Nagpeace sign ito sa dalawa na parehong nakakunot ang noo.

"Oh ano na Ford? Dalawa na lang tayo. Pwede ba huwag ka nang maarte?"banat ni Chandria.


"Marry me.." matipid na sabi ni Ford. Pabulong niya itong sinabi dahil tila ba nahihiya siya sa dalaga.

Tila ba nabingi si Chandria sa narinig kaya pinaulit niya ito.

"Marry me? tama naman yung rinig ko diba?" she said on her mind.

"Pakasalan mo ako. Ano bingi ka ba?"sabing muli ni Ford.

"Hmm..Ford, pwede ba ayoko ng biro." mautal na sabi ni Chandria. Lumunok ito at kinilabutan sa narinig.

"Deal na 'yan. Papakasalan mo ako, Misis na kita.." huling sabi ni Ford. Nanlaki ang mga mata ni Chandria sa narinig. She didn't say yes or no, pero nagdecide na naman si Ford para  sa kanila.

Misis na kita.. iyon ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ng dalaga.

"Are you on drugs?" tanong nito ngunit umalis na si Ford na pasimpleng ngumiti palabas.

"Adik 'sayo.." bulong ni Ford sa sarili.













Quen and Hope

"I'm sorry.." bungad ni Hope. Pinagalaruan niya ang mga kuko at maging siya kinakabahan sa kanyang gagawin.

"Okay lang 'yon. May tama ka naman eh."nakangiting sabi ni Quen.

"I want this to be quick and straightforward. Alam ko kasi nasaktan kita and I'm sorry."nakayukong sabi ni  Hope.

"Wala 'yun Hope. Ang kapal naman ng mukha ko 'diba?"he chuckled.

Nagulat ang binata nang biglang lumuhod ito sa harapan niya.

"Hey hey hey, what are you doing?"agad na hinawakan ni Quen ang kamay ni Hope at pinatayo ito.

"Hope, are you okay?" tanong nito.

Kinakabahan si Hope sa sasabihin ngunit kailangan niyang gawin ito dahil baka makatulong sa pag solve ng mga misteryo sa lugar na iyon.

"Will you be my Quevedo?"kinakabahang sabi ni Hope.

Halatang clueless si Quen dahil hindi maipinta ang mukha nito. "What do you mean?"

"Marry me. Tulungan mo akong bigyan ng katarungan ang pagkamatay nilang dalawa."paliwanag ni Hope.

"Wait what?"he asked.

"After all, deserve nila ang happy ending." Hinawakan ni Hope ang mga kamay ni Quen.

"Are you sure about this? That's  a big responsibility." he said.

"Oo, sigurado ako. Hindi ka ba naniniwala na kaya kong pangatawan ang pagiging asawamo? Marami pang mangyayari pero alam ko, sigurado ako sa desisyon kong ito. "

Medyo kinilig si Quen sa narinig ngunit naalala nito, gagawin nila ito para kina Helena at Quevedo.

"Okay. But let me do it.." Lumuhod si Quen kay Hope at pinulot niya ang maliit na tali sa tabi at itinali ito sa palasingsingan ni Hope.

"Hope..when I first met you, nagpasalamat ako kay Lord.. Alam mo kung bakit?"he said.

"Why?"

Huinga ng malalim si Quen at hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ng dalaga. "Kasi tinupad niya yung wish ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa pagbalik natin sa Academy pero sana lagi mong tatandaan, nandito lang ako. naghihintay sa'yo."

Maluha-luha si Hope sa kanyang narinig.

"Thank you.."bulong ng dalaga.

















Alexis and Wolf

"You know, this song is so special to me. "bungad ni Wolf sa papalapit na si Alexis. Galing ito sa loob ng kapilya at iniwan sina Chandria at Ford.

"Huh?" she got confused.

"you brighten my day, you're showing me my direction, you're coming to me and giving me inspiration. How could i ask for more from you my dear maybe just a smile in your heart.."

Napangiti si Alexis dahil sobrang cute ni Wolf habang kumakanta lalo na at may accent ito.

"Anong meron?" kinikilig niyang tanong.

"I don't know Alexis. Pero pakiramdam ko kasi, Wang is inside me.."

Kinuha ni Wolf ang ballpen na kanyang nakita at nagdrawing ng singsing sa kamay ni Alexis.

"Hindi ko maintindihan.." litong sabi ni Alexis habang pinagmamasdan ang pag drawing ni Wolf sa daliri niya.

"Marry me, Alexis.." he said calmly and tenderly.

"Wait Wolf, sobrang bilis naman yata.." naguguluhang tanong ni Alexis.

"We talked about it earlier. Tama si Hope, baka kapag nabigyan natin ng happy ending sina Alana at Wang, maging maayos ang lahat. Hindi naman masamang subukan. Ako, okay lang sa akin. Atleast I know after this, you will be my wifey.." paliwanag ni Wolf habang pinapaganda ang pagdrawing sa palasingsingan ni Alexis.

"Para kina Alana at Wang.."sagot ng dalaga.

Nagyakapan sila ni Wolf at nang makita ng binata na nag-uusap usap sina Richard, Quen at Ford ay nagpaalam na ito sa dalaga.

"I'll be back, okay.."

"Saan ka pupunta?"tanong ni Alexis na halos ayaw na mawalay kay Wolf.

"Miss mo na ako agad, wifey?" he teased.

Pasimpleng ngumiti si Alexis at saka ito naglakad palayo. Hindi niya alam kung sisigaw ba siya or mapapatalon sa kilig.








Dei, Chandria, Hope and Alexis

At doon niya nakasalubong sina Dei, Chandria at Hope na tulala habang naglalakad. Hindi nila namamalayan na malapit na pala sila sa isa't isa.

Nagkatinginan silang apat.

"Did he just propose to me?" litong tanong ni Chandria.

"I wish this is real.." sambit naman ni Alexis.

"Real or reel, I will still marry him.." malambing na sabi ni Dei habang inaalala ang nangyari kanina.

"I think I'm ready.." nakangiti namang sabi ni Hope.

Tulad ng ibang teenager, nakaramdam sila ng kakaibang kilig at excitement sa nangyari. Alam nila na kahit hindi ito seryoso, they will still marry someone. At para sa kanila, napakalaking bagay na non.


Naghawak kamay ang magkapatid at naghawak kamay na rin sina Hope at Dei.

"Sa dami ng nangyari, I think it's worth the pain and everything. Thank you guys, hindi niyo kami iniwan ni Richard."sabi ni Dei.

"Oo naman. Kung hindi rin  sa mundong ito, baka hindi pa rin kami magkasundo ng kapatid ko." sabi ni Alexis sa mga kasama.

"At kung may narealize man ako, mas nakilala ko ang sarili ko."sagot naman ni Chandria. Binigyan niya ng matamis na ngiti ang mga kasama.

"Kung paano tayo naging matatag sa kabila ng lahat ng ito." saad ni Dei.

"At kung paano tayo nag hold on sa isa't isa.. Siguro kung wala kayo, nabaliw na ako dito."dugtong ni Hope.

HInawakan ni Hope ang kamay ni Chandria at nag-sorry rin  ito sa nangyari noong nakaraan.


"I'm sorry about the other day. Hindi ko rin inexpect yun. Hindi siya magkakaganun kung hindi ka niya mahal." saad ni Hope tungkol sa nangyari sa bahay.


"Okay lang. Huwag mo nang isipin yun.." nakangiting sabi ni Chandria. NIyakap niya si Hope at maging sina Dei at Alexis, napayakap na sa kanila.


"So what's next? Are we getting married like this? Kahit fake weeding ito, gusto ko pa rin naman maging maganda.." natatawang sabi ni Chandria.


"I have a plan!" sabi ni Hope.


"How?" sabay na tanong nina Dei at Alexis na nagtataka kung paano.








Ford, Richard, Wolf and Quen

"She said yes! " nakangiting bungad ni Wolf na akala mo ay totoong nagpropose kay Alexis.

Nakipag-apiran siya kina Richard at Ford na bumati sa kaniya ng Congratulations.

"Sa susunod inform niyo naman ako. Nagpropose sa akin si Hope buti na lang, nakabawi ako." natatawang sabi ni Quen.


"Paano ka namin sasabihan, kung saan saan kayo pumupunta.." parinig ni Ford tungkol sa knila ni Chandria.


"Pre, hindi bagay sa'yo magselos. Mahal ka ni Chandria. I'm telling you.." pang-aasar ni Quen habang inaalala ang mga napag-usapan nila ni Chandria.


Nahihiya pa si Ford sa mga kasama ngunit kalaunan ay gusto rin niyang malaman ang nangyari kagabi kung bakit sila magkasama ni Chandria.


"Talaga?" pakipot na tanong ni Ford. Napahawak ito sa baba niya at pasimpleng ngumiti.


"Kinikilig si Padilla!" pang-aasar naman ni Richard.


"She cried last night. Pinilit ko siyang ilabas ang lahat. Nabigla ako to be honest." lumapit si Quen ay Ford at inakbayan ito. "Kaya kung ano man yang nararamdaman mo, ilabas mo na pre, bago pa mahuli ang lahat. Ikaw rin." he added.


"Richard for example. Kung nagpakipot pa siya, baka walang Mendoza sa buhay niya.." wika ni Wolf.

"Oo na.. Hindi ko alam mangyayari pagbalik, basta magkasama kami, haharapin na lang namin.." paliwanag ni Richard.


"Corny much Richard.." naiiritang sabi ni Wolf.

"Nagsalita ang mahilig mangharana.." pambawi ni Richard kay Wolf.


"Speaking of that, I'm planning to officially court her after all of this. I like her so much.." nakangiting sabi ni Wolf.


"Bakit di pa kayo magsabay ni Ford. Isama mo na 'tong torpeng kaibigan natin.." sabi ni Quen. Inaasar muli niya si Ford.


"Bakit ko liligawan kung pwede ko naman pakasalan?" banat ni Ford.


"Yun oh!" sigaw ni Richard. Nagtawanan silang apat sa sinabi ni Ford.


"Hoy Quenito, inaasar mo kami ni Ford, ikaw nga di makaporma kay Hope.." sagot naman ni Wolf kay Quen.


"In God's perfect time. Darating ang time, ibibigay din sa akin ni Lord si Hope." he smiled.


"On a serious note, diba after ng kasal honeymoon?" Nagkatinginan sina Richard, Ford at Quen sa binitawang salita ni Wolf.


"Ewan ko sa'yo pare.." sambit ni Ford saka umalis na. Maging si Quen ay natawa sa sinabi ni Wolf kaya umalis na rin ito at tanging sina Richard at Wolf na lang ang naiwan.


"Hey.. I'm just kidding ha ha haha." natatawang sabi ni Wolf.


"Gago." pang-aasar ni Richard na halata namang kinikilig din.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro