38
Rinig ang paparating na ambulansya para saklolohin sila.
Sinusubukan nilang lumaban.
Ngunit tila ba katawan na nila ang bumibigay.
Malagim ang aksidente at kung titignan ang mga ito, dasal na lang ang magliligtas sa kanila.
Isang binata ang nakaupo sa front seat, naliligo sa sariling dugo at puno ng bubog sa mukha. Humihinga pa ito ngunit batid ang kanyang paghihina.
"Tulong..." bulong nito. Patuloy ang pag-ubo nito ng dugo.
Sinubukan niyang igalaw ang katawan ngunit namamanhid ang mga ito. Pagod na siya at gusto na niyang magpahinga.
Sa kabilang banda naman ay isang puting sasakyan na sobrang nawasak dahil sa pagkakabangga.
Dalawang dalaga na magkahawak ang mga kamay at tila wala ng buhay. Unti-unting natanggal sa pagkakalingkis ang kanilang mga kamay, senyales na bumibigay na ang katawan nila.
Sariwa pa ang mga usok na galing sa makina kasabay ng unti-unting pagkalat ng apoy sa kanilang sinasakyan.
Isang binata naman na tila naihagis na sa labas sa lakas ng impact. Nakadapa ito at unti unting umagos ang dugo mula sa kanyang ulo. Ginagalaw niya ang kanyang mga kamay upang magbigay ng senyales at mababatid sa kanyang mga labi ang mga katagang "saklolo".
At parang isang magkasintahan na magkayakap sa kabila ng malagim na aksidente. Bumaliktad ang sinasakyan nilang van ngunit kita sa mga kilos nila na pilit silang lumalaban at bumubulong kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Tanging imahe na lang ng mga tao ang naaaninag nila bago tuluyang pumikit ang kanilang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro