Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37





Kanya kanyang pwesto ang lahat sa loob ng  kapilya. Magkatabi sina Dei at Richard habang natutulog. Nakaakbay ang binata sa kanya at nakasandal naman si Dei sa dibdib niya.

Si Chandria, nasa pinakaharap na upuan at nakahiga na ito. Tinabihan naman siya ni Quen. Nasa tabi naman ni Ford si Hope na dinadalaw na rin ng antok.

Parehong hindi makatulog sina Alexis at Wolf kaya nang makita ng binata na nasa labas si Alexis, sinundan niya ito.

"Hey.."

"Bakit gising ka pa?" she asked.

"I can't sleep.."

Inaayos ni Wolf ang mga maliliit na kahoy na kanyang nakita dahil balak niyang sindihang muli ang bonfire.

"Still thinking about Alana and Wang?"tanong ng dalaga.

He stopped what he's doing.

"I don't know."

Tumulong na rin si Alexis sa pagsindi ng bonfire. Parehong natahimik ang dalawa nang mahawakan nila ng sabay ang isang sanga.

"You know what Alexis. I'm happy to be here. No, that's not what I meant. I'm happy because I'm with you.." he said tenderly.

Ngumiti lang si Alexis at hinayaan niya nang si Wolf ang mag-asikaso sa bonfire na pagsasaluhan nilang dalawa.

"Do you think, ganun din ang mangyayari sa atin?" he started to ask about the history of Alana and Wang.

Unti-unti na niyang napapasindi ang bonfire na maliit, sapat na para sa kanilang dalawa.

"Bago ako pumasok ng Academy, sobrang crush ko si Richard. Coincidence right?"

"Alam mo kung bakit ako nasasaktan para sa kanila? The moment they knew that they love each other, huli na ang lahat. I can't imagine how much pain they had to endure." he sadly explained.

Tumabi ito kay Alexis.

"Parang tayo?" sambit ni Alexis.

"Ang pinagkaiba lang natin, sina Alana at Wang, hindi nabigyan ng pagkakataon na bumuo ng masasayang alaala. Tayo, may pagkakataon pa Alexis, if you will let us."

She smiled.

"I feel sorry for them. Kasi alam mo 'yun, sobrang bigat sa pakiramdam na mahal mo yung isang tao pero konti lang 'yung oras niyo sa mundo.." she sadly explained.


"At kung kailan mahal na nila ang isa't isa, masyadong ipinagkait sa kanila ng tadhana ang maging masaya." sabi naman ng binata.

Pareho nilang tinititigan ang maliit na apoy habang inaalala ang kwento nina Alana at Wang.




Flashback
October 14, 1966

Kababata ni Ricardo si Alana kaya halos kilala na niya na bawat kilos at kung ano ang mga gusto nito.

Pareho silang lumaki sa isang maliit na purok. Kung ano kinaliit ng kani-kanilang tahanan ay siya namang laki ng kanilang pagmamahalan sa pamilya.

Alam niya ang tungkol kay Diyana kaya pinili niyang itago ang nararamdaman para kay Ricardo, bilang respeto na rin sa pag-ibig ni Ricardo kay Diyana. Ngunit may parte sa puso niya na dapat niya itong sabihin para na rin sa ikatatahimik niya. Hindi rin siya sigurado kong pag-ibig ba ito sa kaibigan o sa minamahal, ang alam lang niya, gusto niyang kasama lagi si Ricardo.


Hinintay niya ang tamang araw para dito. At sinabi niya sa sarili na kahit anong mangyari, tanggapin man siya or kamuhian ni Ricardo, tatanggapin niya.


"Ricardo, maari ba kitang makausap?" alangan na tanong ni Alana.


"Ano yun?" tanong naman ni Ricardo habang pinapainom ang alaga nilang mga kambing.


Tinulungan niya ang binata at inabot ang mga kailangan nito. "Sabay tayong lumaki Ricardo, sabay namulat sa magulong mundo.."panimula niya.


"Alam ko. May problema ba tayo Alana?" Lumapit si Ricardo upang marinig ang sasabihin ng kanyang kababata.


"Nilalagnat ka ba?" biro ni Ricardo. Hinawakan niya ang noo nito kahit amoy kambing pa ang mga kamay niya at may putik putik pa.


"Ano ba Ricardo. Ang dugyot mo!" galit na sabi ni Alana. Tinawanan lang siya ni Ricardo at kinkulit ito.


"Ano ba kasing problema mo?" seryosong tanong ng binata upang makausap ng maayos ang kaibigan.


"Nahihirapan na kasi ako.. Sa sitwasyon natin.."

Walang ideya si Ricardo sa sinasabi ng dalaga. "Ha? Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo na ba akong samahan mag-alaga ng mga hayop?"


Hindi alam ni Alana kung paano ito sasabihin sa kaibigan.


"Alana?" pamimilit ni Ricardo.

Tinalikuran niya ang binata upang magkaroon ito ng lakas ng loob na sabihin sa kanya.


"Iniirog kita.."


Natawa naman si Ricardo sa narinig. Akala niya ay nagbibiro lang si Alana kaya hindi matigil ang tawa nito.

"Bastos naman nitong kaibigan ko!" naiinis na sabi ni Alana. Inirapan niya si Ricardo kaya nagseryoso na ang binata.

"Sorry na. Magseryoso ka rin kasi.."pakiusap ni Ricardo. Tinitigan niya si Alana sa mga mata at may nakita itong kakaiba sa mga titig sa kanya.

Titig ng pagmamahal. Sa maraming beses na sila ay magkasama, iyon ang unang beses na nakita niya  ito kay Alana.

"Seryoso kasi ako sa'yo.."pag-amin ni Alana.

Pareho silang nakatitig lang sa isa't isa. Tinibayan ni Alana ang loob niya ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Iyon ang ayaw makita ni Ricardo. Ayaw niyang makita na nasasaktan o lumuluha ang matalik na kaibigan.

"Alam ko mali 'to. Ayokong pumagitna sa inyo ni Diyana pero wala ako magawa Ricardo. Araw-araw na lang akong nahuhulog sa'yo. Kahit alam kong hindi mo naman ako sasaluhin."malungkot niyang sabi.

Tumingin si Ricardo sa kawalan dahil nagulat ito sa kanyang mga narinig.

"Hindi mo naman kailangang mahalin ako pabalik, gusto ko lang malaman mo kasi, sasabog na ako, hindi na kaya ng puso ko.."umiiyak na sabi ng dalaga.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Iyon ang mga katagang lumabas sa bibig ni Ricardo. Ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng lungkot.

"Kasi natakot ako na ipagtabuyan mo ako. Alam ko kung gaano mo kamahal si Diyana, wala akong laban 'don. Hindi ako nagtapat sa iyo para agawin ka sa kanya. Gusto ko lang sabihin bago mahuli ang lahat."

Napahawak si Ricardo sa kanyang sentido at umiling ito.

"Alana, isa ka sa mga pinakamahalagang babae sa buhay ko, alam mo 'yan diba? Baka nalilito ka lang sa nararamdaman mo?"

Umupo si Alana sa bangkito at yumuko ito. Alam niyang ito ang magiging reaksyon ni Ricardo.

"Sigurado ako.." sambit ng dalaga.

Nabalot sila ng katahimikan ng ilang minuto.

Nag-isip isip ito. Gusto niyang maging malaya sa lihim niyang pag-ibig sa kaibigan.

Lumapit si Alana at hinwakan ang mga kamay ni Ricardo.

"Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang pinakamatalik kong kaibigan. Mahal ko kayo ni Diyana."malungkot na sabi ng binata.

"Alam ko. Pero ako bilang kapatid mo, si Diyana, siya talaga ang laman ng puso mo." Ngumiti si Alana kay Ricardo upang matahimik ito.

Bago tuluyang umalis si Alana ay nag-iwan ito ng mga katagang tumatak sa puso ni Ricardo.

"Tatanggapin ko ang sakit na aking nadarama, basta ipangako mo sa akin, ipaglalaban mo siya. Mahal kita Ricardo pero...mas mahal ka niya." wika ni Alana.

Unti-unti itong naglakad palayo. Sa halip na malungkot, nakaramdam ito ng saya sa kanyang puso dahil nailabas niya na ang kanyang nararamdaman. Malaya na siya sa pagkakakulong ng pag-ibig niya para sa kaibigan.

"Paalam Ricardo.."bulong nito.









Habang ito ay naglalakad, isang lalaki ang nakasalubong niya at laking gulat nito nang hawakan nito ang mga kamay niya.

"Hoy lalaki!" napasigaw ito. Nagpumiglas ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng binata.

"Please, I need your help.."pakiusap nito.

"Bitawan mo nga ako! Huwag na huwag mo akong maingles ingles!" sigaw ni Alana habang inaalis ang kamay ng lalaki na nakalingkis sa mga kamay niya.

"Sandale lang. Parang awa mo na." pakiusap ng lalaki na halatang pilit ang tagalog nito.

Isang magarang sasakyan ang papalapit sa kanila kaya agad siyang hinila ng lalaki at unti-unting idinampi nito ang mga labi sa dalaga.

Panginoon ko. Iyon na lamang ang nasabi ni Alana sa isipan habang nakadilat ang mga mata sa pagkakahalik sa kanya.

Tumagal ito hanggang makaalis ang sasakyan na tila tinatakasan ng binata.

Itinulak ni Alana ang lalaki dahil nabigla ito sa mga nangyari.

"Bastos!"

"I'm sorry okay, I'll make it up to you."hingal na sabi ng binata.

Napahawak si Alana sa kanyang mga labi at napatitig ito sa mga labi ng lalaki na nasa harapan niya.

Malambot. Pero bastos.

"Ako nga pala si Wang." pakilala nito.

Hindi nakapagsalita si Alana dahil sinusuri niya ang binata kung masamang tao ba ito.

"Don't be scared, please. It's not what you think."

Kahit anong ingles niya ay hindi ito maintindihan ng dalaga kaya nakataas lang ang kilay ni Alana habang pinapakinggan si Wang. Hindi siya ganun kagaling umintindi at magsalita ng Ingles ngunit naiintindihan pa rin naman niya ito kahit papano.

"Alana.." matipid na sabi ng dalaga.

"Sorry for what happened. Pumunta ako dito para takasan ang wedding ko. Arranged marriage sucks." paliwanag nito. Hinayaan lang ni Alana si Wang na magsalita nang magsalita upang makapagpaliwanag ito.

"Gusto nilang pakasalan ko yung babaeng hindi ko mahal kaya wala ako nagawa. Lipad ako Pilipinas. Kasi andito yung gusto ko." Halatang nahihirapan ito magexplain ngunit ginagawa niya ang lahat upang makabawi rin sa dalaga.

"Iyan ang hirap sa inyong mayayaman. Lahat gagawin para mas lalo pa yumaman." wika ni Alana. Nagsimula silang maglakad sa gilid ng kalsada. Papunta sana si Alana sa bahay ng tiyahin niya upang doon muna pansamantala dahil ayaw niyang makita si Ricardo.

"Huwag mong sabihin, pati dito sasama ka sa akin?" tanong ng dalaga.

"I don't know where to go. Except sa batang nakalaro ko noon pero hindi ko na siya nakita ever since. Dito rin nakatira nanny ko pero pwede bang dito muna Wang okey lang? Samahan mo muna ako. I'm a bit lost. " pagpapacute niya kay Alana.

Napangiti na lang ang dalaga dahil maging siya, natutuwa sa pilipit na tagalog ni Wang.

"Nakilala na ba kita dati, you look familiar." sabi ng binata.

Umiling naman si Alana.

Hindi nila namamalayan na nakarating na pala sila sa bahay ng tiya ni Alana.

"Pumunta ako dito para maging masaya. I want to live my live to the fullest. Kasi baka pag nakita ako ng mga alagad ng aking pamilya, ikukulong nila ako sa selda hanggang pakasalan ko ang babaeng napili nila para sa akin. Good thing my nanny is living here. " malungkot niyang sabi. Nawala naman sa focus si Alana dahil nakita niya ang kanyang tiyahin na papalapit sa kanila.


"Tiya!" bati nito. Tumakbo ang dalaga upang magmano sa tiya ngunit dinaanan lang siya niyo.


"Wang!" iyon ang bati ng kanyang tiyahin at niyakap ang binata.


Nagulat si Alana dahil magkakilala ang tiyahin niya at si Wang. Hindi na rin siya napansin ng kanyang tiyahin at pinapasok na si Wang sa loob ngunit naalala ng binata ang dalaga.


"Alana, pasok ka?" pang-aasar nito.


"Pasok ako? Bahay to ng tiyahin ko?" sarkastikong sabi ng dalaga.


Sumunod ang dalaga at sabay-sabay silang pumasok sa bahay.



"Alana, saktong sakto ang dating mo. Pupunta kasi ako ng bayan, baka tatlong araw ako doon. Pwede bang ikaw muna bahala kay Wang? Kailangan ako sa bahay ng iyong pinsan para asikasuhin ang kanilang balikbayan. Sayang din ang kikitain."


Pasimpleng ngumingiti si Wang sa tabi samantalang si Alana, wala nang magawa. Kailangan niyang pumili kung uuwi siya sa kanila makikita niya si Ricardo ngunit sa tiyahin niya, si Wang naman ang makakasama niya.


"Wang iho, simula nang umuwi ako, hinihintay ko na ang pagdating mo. Alam ko na susunod ka sa akin. Pasensya ka na sa mga magulang mo kung kailangan mong sundin lahat ng gusto nila. Hangad lang naman nila ang ikabubuti mo. Kahit masakit sa akin na bumalik ng Pilipinas para iwan ka, wala akong magagawa kasi habang nasa tabi mo ako, may tututol sa gusto nila para sa'yo. Alam mo naman na galit sa akin ang Mommy mo dahil mas nakikinig ka pa sa akin.. Teka, Wala bang nakasunod sa'yo?"alalang tanong ng tiyahin ni Alana habang hawak ang mga kamay ng binata.

Siya na ang nagpalaki kay Wang sa Amerika ngunit pinauwi ito ng kanyang mga amo dahil lagi niyang pinagtatakpan at pinagtatanggol si Wang. Tutol ito sa mga gusto ng magulang para sa binata kaya bago ito umalis, iniwan niya kay Wang ang address nila para kung dumating ang araw na makatakas ito, alam niya kung saan siya pupunta. Ang tiya rin niya ang nagturo sa kanya ng tagalog kaya nakakaintindi ito, hindi nga lang ganun kagaling magsalita ng tagalog.


Lumipas din ang ilang buwang pag-iipon at pagpaplano ni Wang kung paano siya makakapunta ng Pilipinas.


Tumingin sa paligid ang kanyang tiyahin at sinara ang mga bintana saka kinuha ang gamit nito dahil hinihintay na siya ng mga kasama.

"Pasensya na anak, hindi ko kasi alam na ngayong araw ang dating mo. Nangako ako sa pinsan ni Alana na tutulong ako sa pag-asikaso sa kanila." malungkot na sabi nito.

"Okay lang 'nay. Andito lang ako. Saka hindi naman ako papabayaan ni Alana.." nakangiting sabi ng binata.


NIyakap niya sina Alana at Wang at nagpa-alam na ito sa dalawa. Isinara na rin ni Alana ang pinto at mga bintana tulad na rin ng bili ng kanyang tiyahin.

"Nagugutom ako Alana. Pwede mo ipagluto Wang?" pakiusap ng binata.


Nakahawak na ito sa tyan nito at rinig ni Alana ang kumukulong sikmura ng binata kaya agad itong nagpunta sa kusina at sinundan naman siya ng binata.


Kung di ka lang anak-anakan niya Tiya. Iyon ang nasa isip ng dalaga.



"Alam mo yung tita mo, siya nagpalaki sa akin sa Amerika. Siya lang yung taong nakakaintindi sa akin. Kaya nong umuwi Pilipinas, sobrang lungkot ko. Good thing I have her address. Kaya nandito ako ngayon."


Nalungkot naman si Alana sa kwento ni Wang kaya naawa ito. Naikwento ito ng kanyang Tita ngunit hindi nabanggit ang pangalan ng binata. Naalala pa niya noong bumalik ang kanyang tiyahin, iyak ito ng iyak kasi ayaw niyang iwan ang alaga sa ibang bansa ngunit wala siyang nagawa.


"Ikaw, what's your story? Napansin ko ang lungkot mo kanina. I saw it in your eyes.." tanong ng binata.

Dahil mapilit ito, ibinahagi niya sa binata ang nangyari sa pagitan nila ni Ricardo habang nagluluto ito ng makakain para sa binata.



"Kita mo nga naman. Siguro kaya tayo pinagtagpo." biro ni Wang.

"Nagkataon lang.."


"Wala kang choice Alana, si Ricardo or ako? Mas gwapo ako 'diba?" Lumapit si Wang kay Alexis at tinulungan ito sa kusina.


"Wala naman ako magagawa. Basta umayos ka lang. Kung hindi ipapatanod nita." panakot ni Alexis habang tumatawa.

Nakuha ni Wang ang loob niya.

Ang unang araw nilang magkasama ay nagkaroon ng ilangan dahil tuwing lalabas ng silid si Alana, lalabas din si Wang.

Hindi na rin masyadong kinausap ni Alana ang binata upang makapagpahinga ito dahil galing ito sa byahe at napagod din sa pagtakas sa mga sumusunod sa kanya.


Sa ikalawang araw ng kanilang pagsasama, tinulungan ni Wang si Alana sa pagdilig ng mga halaman, paglilinis ng bahay at maging pagpastol ng kambing.


Noong una ay nandidiri ito ngunit nasanay na rin ang binata dahil nakikita niyang masaya si Alana.


Sa hapon naman ay sinamahan niya ang dalaga na ligpitin ang mga labada ng kanyang tiya dahil tumatanggap ito ng labada mula sa mga kapitbahay para na rin pandagdag kita.

Matapos kumain ng hapunan, masayang nakaupo sa labas ng bahay sina Alana at Wang habang pinag-uusapan ang buhay ni Wang sa ibang bansa.


Lumabas din ang pagiging Amerikano ni Wang dahil kung ano anong kalokohan ang pinapakita niya kay Alana ngunit nagustuhan naman ito ng binata.

Tila ba nakalimutan nila pareho ang kanilang mga problema sa sandaling nagkakilala at nagkasama sila.


"Sayang walang mga bituin.."bulong ni Alana. Nasa labas sila ng bahay at nagpapahangin bago tapusin ang kanilang araw.


Pumitas naman si Wang ng bulaklak na nakita niya sa gilid at inilagay ito sa tenga ng dalaga.


"Okay lang. Mas maningning ka sa bituin" nakangiting sabi ng binata habang nakatitig sa kanya.


Pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang isa't isa.


Dinaan ni Wang si Alana sa matatamis niyang mga salita kaya ang dalaga, tila ba nahuhulog sa kanya.


Nakalimutan din ni Alana na may Ricardo sa buhay niya. Sa mga sandaling iyon, ayaw niyang malayo kay Wang. Hindi ito nakakaramdam ng antok kahit sanay itong matulog ng maaga sa gabi.


Sobrang perpekto ng gabing iyon para sa kanila. Bilog ang buwan at malamig ang simoy ng hangin.


"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong, gusto na kita." panimula ni Wang.


"Ang bilis ng mga pangyayari pero pakiramdam ko kasi, kay tagal na kitang kilala." wika ng dalaga habang nakatingin kay Wang.


Pareho silang napatingin sa langit nang maramdaman nila ang patak ng ulan.


Tatakbo na sana si Alana papasok ngunit pinigilan siya ng binata.


"Wait. This is amazing." masayang sabi ng binata habang nabibighani sa pagpatak ng ulan sa kanyang mukha. Ito ang unang beses niyang mararanasan ang maligo sa ulan tulad ng kwento ng kanyang tiya noon na ang mga bata sa Pilipinas, masayang naglalaro kahitt umuulan.


"Seryoso ka ba?" natatawang sabi ng dalaga.


HInawakan niya ang kamay ni Wang at tumakbo sila sa bukirin upang mas maramdaman ni Wang ang ulan.


"Woooooh!" sigaw ng binata na tuwang tuwa sa ulan.


Naghabulan silang dalawa sa bukirin at hindi nila namamalayan na naglalambingan na rin pala sila. Panay hawak ng binata sa bewang ni Alana at hindi naman tumutol ang dalaga.

Dahil na rin  sa bugso ng kanilang mga damdamin, hindi nila napigilan ang kanilang nararamdaman. 

Unti-unting inilapit ni Wang ang kanyang labi kay Alana at laking gulat nito ng tugunan naman ito ng dalaga.

Wala nang paki si Alana sa iisipin ng iba dahil ayaw niyang masira ang mga sandaling iyon. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ito ng pagmamahal. Hindi niya man lubusang kilala si Wang, hindi ito nag-atubiling ibigay ang sarili sa lalaking dahilan ng mga ngiti sa kanyang labi.

Pinagsaluhan nila ang gabing iyon sa isang maliit na kubo sa bukirin na puno ng pagmamahal. Ramdam nila sa isa't isa na totoo ang kanilang nararamdaman kaya handa nilang ibigay ang lahat. Nang tumila na ang ulan, doon sila nagpasyang bumalik sa bahay ng kanyang tiya.


Kinaumagahan, laking gulat ni Alana nang makita niya si Wang na nakatitig sa kanya.

"Alana.. pakasalan mo Wang."nakangiting bungad ng dalaga.

Kusang sumagot ng matamis na oo si Alana sa alok ni Wang kahit alam niyang nagbibiro lang ito.   Masaya siya. At iyon ang mahalaga  para kay Alana. Kung ano man ang mangyayari sa bukas, haharapin nila ito ng magkasama. Kung nantitrip lang si Wang, bahala na.

"Seryoso ka ba diyan Wang?" tanong ni Alana.

"Oo naman, Alana ko.." matamis nitong sabi.


"O baka dahil sa nangyari kagabi?"


"Alana, kung may nangyari man sa atin, hindi iyon ang dahilan kung bakit mahal kita. You're different and I love you for that. Yung iba kasi, malaman lang nila na ibang lahi ako, lahat ginagawa nila para sa akin. Whatever happens, papanagutan kita. Ngayon pa lang niyayaya na kita magpakasal, responsibilidad na kita" wika ng binata na siya namang ikinatuwa ni Alana..

Hindi ito nakapagsalita kasi kinikilig ito sa mga binitawang salita ni Wang.

Hinalikan ni Wang sa noo si Alana at nagpresenta siyang magluto ng makakain nila para makapagpahinga muna si Alana.

Tumango naman si Alana at paglabas ni Wang, umarap ito sa salamin at inayos ang sarili.

Ang lawak ng mga ngiti nito at inaalala ang mga nangyari sa kanila.

Ngunit naging mailap ang mga susunod na pangyayari.

Nakita ni Wang ang mga kalalakihan na nakapasok sa bahay na tinutuluyan nila.

"Wang..?" tanong ni Alana dahil nakarinig ito ng ingay sa labas.

Pagkalabas ng dalaga ay nagulat ito nang makita niya ang mga kalalakihan na nakapalibot sa kanila.

Hinawakan ni Wang ang mga kamay ni Alana ng sobrang higpit at tila ba ayaw niya na itong bitawan.

"Alana. Sorry nadamay ka pa. Iwan mo na ako dito. I'll deal with them." sabi ng binata. Hinalikan niya ang noo ni Alana at nag-isip ito ng paraan.

Ngunit huli na ang lahat para sa kanila.

Biglang may bumunot ng baril  dahil na rin sa utos ng mga magulang ng babaeng kanyang iniwan sa altar.

Dahil sa galit ng side ng babae, inutusan nila ang mga alagad nila patayin si Wang.

Hindi lang isa, ngunit sunod sunod na putok ng baril ang nangyari.

Nanlaki ang mga mata ni Wang nang makita si Alana na bumagsak at ang protektahan ang dalaga ang tanging nasa isip niya kaya niyakap niya ito at inako ang mga bala ng baril.

Nagsi-alisan na rin ang mga kalalakihan at nagpaharurot ito ng mga sasakyan.

"Wang.."bumulusok ang dugo sa bibig ni Alana ngunit pinilit nitong magsalita.

"Kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay muli, hahanapin kita. Mahal ki..."nanghihinang sabi ni Alana.


Tumulo naman ang mga luha sa mata ni Wang. Sa kanyang pagpikit, alaala ng isang bata na kalaro niya noon ang paulit ulit na pumapasok sa isip niya.


Pagdilat niya, nakita niya ang batang iyon sa yakap niyang si Alana.


"Alana ko.."yun na lamang ang nasabi ni Wang at pareho na silang binawian ng buhay.


Mahal na nila ang isa't isa. Ngunit hindi sila nabigyan ng pagkakataong sabihin ito , dahil huli na ang lahat. Sa sandaling nagkasama sila, iyon ang pinakamasayang alaala sa buhay nila.


End of Flashback


"Sana. Nabigyan sila ng pagkakataon. Siguro ang saya nila ngayon.."malungkot na sabi ni Alexis.

"Pareho kami ni Wang. The moment na nalaman ko na ikaw yung babae dati sa school, naramdaman ko na sigurado akong gusto kita kahit hindi kita gaano kilala.  Maybe that's how powerful love is tulad ng sabi mo. Future na agad yung nakikita mo.."mahinang sabi ng binata.

Lumuhod si Wolf sa harapan niya na siya namang ikinagulat ni Alexis.

Nagkatitigan silang dalawa  at unti unting gumapang ang mga kamay ng binata sa mukha ni Alexis. Pakiramdam nila ay sila lang ang tao sa lugar na iyon at tulad nina Alana at Wang, wala na silang pakialam.

Dumampi ang malambot na labi ni Wolf sa labi ni Alexis at tumugon naman ang dalaga.

Tila bang sina Alana at Wang ang nasa posisyon nila ngayon.

Walang pakialam sa mundo at bugso ng damdamin ang nangingibabaw.

Ngunit biglang huminto si Wolf at tinapos niya ang moment na iyon sa pamamagitan ng paghalik sa noo ng dalaga.



"Come here.." Humiga si Wolf at pinasandal niya ang dalaga sa dibdib niya.


"Matulog na tayo..We don't know what will happen tomorrow."


"Thank you Wolf.." iyon na lamang ang nasabi ni Alexis.


"All for you, my Alexis.."


Para makatulog, mahinang kumakanta si Wolf para kay Alexis. Humarap ito sa dalaga at magkayakap na sila.

Parang atin ang gabi, Para bang wala tayong katabi At tayo'y sumayaw

Na parang 'di na tayo bibitaw, bibitaw

Sinasabayan naman siya ni Alexis hanggang sa makatulog silang dalawa.


Mahimbing na ring natutulog sina Dei at Richard. Nakatalukbong naman si Chandria gamit ang jacket ni Quen dahil hindi ito makatulog.

Si Ford ay nakaidlip na rin ganun din si Hope na nakasandal na sa balikat ni Ford.


Tinanggal ni Chandria ang jacket sa mukha at umupo ito. Nakita niya ang mga kasama na tulog. HInanap din niya si Alexis at nakita niya ang kapatid na kayakap si Wolf sa pagtulog.


"Hindi ka rin makatulog?" nagulat ito nang biglang magsalita si Quen.


Umiling ang dalaga. Pareho nilang tinitigan sina Hope at Ford na magkatabing natutulog.


"Bagay sila.." biro ni Chandria kay Quen ngunit ang totoo, maging siya ay nasasaktan sa nakita.


"Kung saan sila masaya.." yun na lang ang nasabi ni Quen. Lumabas muna ito ng kapilya at sinundan naman siya ni Chandria.

























The Mysterious Case of House Number 4.

Ito ang mainit na usapan ngayon sa Academy dahil kumalat na ang video na makikitang pumasok sa bahay ang walong kabataan ngunit hindi na sila lumabas o natagpuan matapos pasukin ito ng mga kinauukulan.

Agad na naging trending topic ito sa school at maging sa twitter dahil nagviral ang video na ikinalat ng mga estudyante.

Dahil dito, biglang naging interesado ang mga tao sa  walong kabataan. Hinanap ng mga taga Academy ang profile nila at maging buhay nila, gusto nilang malaman. 

Maging ang labas ng Academy ay napuno ng mga reporters na gustong sumagap ng balita. Isa pang dahilan ay dahil kay Hope. Maraming nag-aabang ng kanyang journey sa Brightford Academy at pinagpyestahan ng mga tabloids and pagkawala ng dalaga.

Marami ang nag-aalala.

Marami rin ang natuwa lalo na ang mga kaaway nila sa Academy.

Hindi rin nila alam na sa mga sandaling ito, nagpetition ang mga estudyante na gibain na ang bahay dahil maraming haka haka ang lumalabas na may nagmumulto daw sa bahay na iyon. May nagsasabing may nakikita daw silang nakaputi. Minsan naman, bigla na lang tumatayo ang mga balahibo nila kapag nadadanaanan nila ang bahay na iyon.

May mga nagsabi na baka kinidnap sila ngunit walang magpapatunay nito,

Maraming theories ang lumabas. May nagsabing nagtanan naman sila at ang iba, iniisip na nagroadtrip lang ang mga kabataan.

Tanging cctv cameras lang ang ebidensya na kitang kita na sa bahay lang pumasok ang walong kabataan, at hindi na sila natagpuan.

To be continued.....










A/N: Thank you mom TheLadder89 for helping me with the book cover. Labyu! I'm not good at editing so thank you sa lahat ng tumutulong haha also sis NorikoTheGhost na laging gumagawa ng covers ng story ko! Love you all, pemily!

Also, thank you guys! 100k reads for BrightfordAcademy and #7 in fanfiction❤️ Love y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro