Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

36

Habang wala sa sarili ang mga kaibigan, naramdaman ni Richard na may masamang mangyayari kaya ginawa niya ang nararapat, ang iligtas ang mga ito, kahit masaktan pa ang mga kaibigan.

"Sorry guys." Sambit niya.

Kinuha niya ang blade na kanyang nakita at sinugatan niya isa-isa ang mga ito.

Nakita niya kung paano nawala sa sarili si Hope, kung paano nagpanick si Ford nang nawalan ng malay si Chandria. At kung hindi siya kakalma, mas malala ang mangyayari sa kanilang apat. Worst part, baka hindi na niya makita muli si Dei.

Buhat-buhat ni Ford ang walang malay na Chandria nang makabalik sila sa kabilang mundo. Inaalalayan naman ni Richard ang wala pa rin sa sariling si Hope.

"Ford, nasaan sila?" Tanong ni Richard. Nahablot niya ang bag na inayos ni Wolf. Alam niyang konti lang ito gayun pa man ay sasapat na sa sandaling pamamalagi nila sa mundong ito.

"Dito.." Naunang naglakad si Ford. Tinititigan niya si Chandria at kahit galit ito kanina ay iba pa rin ang tingin niya sa dalaga.

Naglakad sila nang naglakad.

Huminto muna sila sandali dahil nakaramdam ng pagod si Ford at nagpatuloy ito kaagad.

"Brad, ako na muna magbuhat sa kanya. Kaya mo pa ba?" Hingal na tanong ni Richard. Nagmamalasakit lang naman ito ngunit mukhang minasama pa ni Ford.

Tumango lang ang binata at nagpatuloy sa paglakad kahit pagod na pagod na ito.

"Okay ka lang?" Tanong naman niya kay Hope.

"Pagod na ako." Nanghihinang sabi ni Hope. Napahawak siya sa tuhod niya at pawis na pawis na ito.

Umupo sa harap niya si Richard at nagpresintang bubuhatin na lamang siya.

"Dali na.. para makapagpahinga ka muna." Pamimilit niya sa dalaga dahil nahihiya ito.

Dahil na rin sa pagod, pumayag siya.

"Maraming salamat Richard." She whispered. Dahil sa pagod, naisandal niya ang ulo sa balikat ni Richard.

"Sorry..." Bulong niyang muli. Alam niyang pagod na rin si Richard ngunit tinulungan pa siya nito.

"Wala 'yon.." Sagot naman ng binata.

Nanginginig na rin ang mga braso ni Ford sa pagod at bigat ni Chandria ngunit tinatatagan niya ang sarili.

Muntik na itong madapa ngunit binalanse ang sarili. Umabot din ng kinse minuto ang naging pahinga ni Hope at nang mapansin niyang hirap na si Ford, naisipan niyang maglakad muli upang makapagpahinga rin si Ford.

"Richard.. Kailangan ka ata ni Ford."sabi ni Hope. Bumaba ito at kinuha ang bag kay Richard.

"I'm okay. Nakapagpahinga na rin naman ako." She added.

Nilapitan ni Richard si Ford at kinausap ito. Kahit pagod na siya, hindi rin siya nagreklamo dahil malaki ang naitulong ng mga kasama sa kanila ni Dei.

"Brad, kung patuloy kang ganyan baka maging ikaw mahimatay na sa pagod.."

"Kaya ko'to." Pagmamatigas ni Ford. Inayos niya ang pagkakabuhat kay Chandria at naglakad muli ito.

Kahit kailan talaga, sakit ka sa ulo Chandria. Bulong ng binata sa kanyang isipan habang tinititigan ang dalaga.

Kaya ko 'to. Paulit ulit niyang sabi sa isipan pero ang totoo, hindi na. Ngunit ayaw niyang bitawan si Chandria.

Dahil alam niya na kapag nakita niya ang dalaga sa mga bisig ni Richard, masasaktan muli ito tulad nang naramdaman niya kanina. But he can't accept the truth. In denial.

Napaupo si Ford sa pagod. Parang isang mahalagang gamit si Chandria na ayaw niyang ipahawak sa iba ngunit wala na siyang magawa.

Napaupo na siya nang tuluyan habang bitbit pa rin ang dalaga.

Sinamahan rin naman siya nina Hope at Richard na umupo na rin sa kalsada upang makapagpahinga.

Lahat sila, hinahabol ang hininga.

Katahimikan.

Iyon ang bumalot sa kanilang lahat.

Lumipas din ang trenta minuto na walang kibuan nang magpasya silang magpatuloy sa paglalakad.

Pinilit ni Richard si Ford kaya ngayon ay bitbit na ni Richard ang dalaga.

Wala pang dalawang minuto, nagising na si Chandria at nagtaka sa mga nangyari. Tinignan ang paligid at nakita niya na nasa kabilang mundo na sila.

Ngunit mas nagtaka ito nang makita si Richard na buhat siya.


"Siguro ganoon na lang ang galit niya sa akin." She sadly thought.


Nagpababa na ito kay Richard at doon niya nakita sina Ford at Hope na naglalakad sa likuran nila.

Seryoso ang mukha ni Ford ngunit ipinagtaka ni Chandria ay ang benda sa braso nito.

Binalewala ito ng dalaga at sinabayan lang si Richard sa paglakad.

"What happened?" she asked.

"Don't worry about it. Ang mahalaga, papunta na tayo kina Alexis. Makikita mo na siya." Sabi ni Richard.

Pasimpleng ngumiti si Chandria ngunit nahagip ng peripheral vision niya ang magkasama na sina Hope at Ford sa likuran na nag-uusap.

Inabot rin sila ng isang oras bago nakarating sa kapilya.

Nagmadaling pumasok ang mga kasama at nadatnan nila sina Alexis, Dei, Quen at Ford na natutulog.

Dahil sa gutom ay natulog na lang sila. Sinubukan ni Quen at Wolf mag-ikot ikot ngunit wala silang makita na panawid gutom.

Nakasandal si Alexis kay Wolf at ganun naman si Dei na nakatulog na habang nakikinig sa mga kwento ni Quen.

Agad na nilapitan ni Richard si Dei at ginising ito. Isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan ng dalawa at ganoon rin ang magkapatid na sina Alexis at Chandria.

"Guys, where have you been?"tanong ni Wolf.

"It's a long story.. pero may dala kami na konting pagkain na pwede nating pagsaluhan.." wika ni Hope.

Napansin ni Quen ang bag na mula sa Academy kaya nagtaka ito.

"Bumalik kayo ng Academy?" tanong ng binata.

Lumapit si Hope upang mag explain at ikwento sana kay Quen ngunit nadisappoint ang binata. Lumabas ito ng kapilya at nagpahangin sa labas.







Una, umalis sila para maghanap ng makakain ngunit ilang oras din ang itinagal nila at bumalik pala sila sa Academy.

Pangalawa, dahil na rin sa gutom.

Sinundan siya ni Hope at hinabol ito.

"Quen, sandali!"

Umupo ang binata sa labas at nagpahangin. Marami itong iniisip.





(Insert 214 version of Bamboo)


"I'm sorry." Sambit ni Hope.

"Okay lang. Hindi mo naman kailangan magsorry. Gusto ko lang talaga magpahangin.." Paliwanag ni Quen.




Am I real? Do the words I speak before you Make you feel




Nanahimik ang dalawa habang niyayakap ng malamig na hangin ang kanilang mga balat.

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa atin.." bulong ni Hope.

That the love I have for you Will see no ending?


"Lahat naman tayo eh. Maging ako, maraming tanong, kaso hindi ko alam kung saan hahanapin ang kasagutan.."sagot naman ng binata.


Well, if you look into my eyes, Then you should know



"Nabasa ko ang nangyari kina Helena at Quevedo..it was a tragic love story." Malungkot na tugon ng dalaga. Nilalamig ito kaya hinawakan niya ang kanyang  magkabilang braso.


That there is nothing here to doubt, Nothing to fear, And you can lay your questions down





"Alam ko. For some reason, nanaginip ako kanina. I saw you in my dreams. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Nakita ko kung paano nila pinaglaban ang pag-iibigan nila."

"Naalala mo? Ricardo and Diyana had the same story as Richard and Dei.. Naisip ko, ganun din kaya tayo?" Hindi mapigilan ng dalaga na magpadala muli sa kanyang emosyon. Umiiyak ito.


Cause if you'll hold me, We can fade into the night And you'll know


Lumapit naman sa kanya si Quen at inakbayan ito.

"I won't let that happen, you know that.." He said calmly and tenderly.

"What if, ganoon din pala tayo. Well, wala namang tayo. Maybe we were meant to be together right now to live the story of Helena and Quevedo."

"Hindi natin masabi.."bulong ng binata. Isinandal ni Hope ang ulo sa balikat ng binata.

"Are we late to create our own? Was it enough to say that we are meant to be?"





The world could die, And everything may lie Still you shan't cry.





Lumuhod si Quen sa harap niya na ikinagulat naman ng dalaga.

"Kung papayagan mo ako, liligawan kita. Gusto kitang mahalin higit pa sa pagmamahal ni Quevedo o kahit ni Kendrick. Gusto kitang protektahan. Alam ko magulo ang mundo ng showbiz pero lahat titiisin ko.." wika ng binata habang hawak ang mga kamay ni Hope.

Hindi nakasagot si Hope sa tanong ng binata.

"Do you still love him?" tanong ng Quen patungkol kay Kendrick.

Tinanggal ni Hope ang mga kamay niya sa pagkakahawak ni Quen.

"I don't know. Quen, ilang taon ng buhay ko ang alaala niya. Ayokong sabihing hindi ko na siya mahal para mabigyan ng way itong nangyayari ngayon. Masyadong magulo. I can't love you right now. Gusto ko mahalin kita na ikaw, not because of Helena and Quevedo."

"Kahit katiting lang Hope, wala ka bang nararamdaman para sa akin?"seryosong tanong ng binata. Tinitigan niya sa mga mata si Hope ngunit umiwas ang dalaga.

"Pero kung papipiliin ako, pipiliin kita. But not now..I'm sorry, Quen.."


  'Cause time may pass But longer than it'll last, I'll be by your side 


Bumalik si Quen sa pagkakaupo.

Nalungkot ang binata sa kanyang narinig.

"Siguro masyado lang ako nagpadala sa love story nina Quevedo. Kaya pakiramdam ko, sapat na iyon para masabing may great love din tayo.." He sadly explained.

Tumayo si Hope at umalis ito. Gusto niya munang bigyan ng space si Quen para maliwanagan.

Iniisip ng dalaga na dahil lamang ito sa kanilang natuklasan kaya ganun na lamang ang kinikilos ni Quen.

















Pagpasok ng dalaga sa chapel ay wala ang mga kasama. Hanggang sa makita niya ang munting apoy na galing mula sa gilid ng chapel.

They were all sitting outside. Nakapalibot silang anim sa maliit na bonfire na ginawa ni Ford at Wolf.

Nagkakatinginan silang lahat. May nagkailangan. May namiss ang isa't isa.

Magkatabi sina Alexis at Chandria. Nasa tabi naman ni Alexis si Wolf  na sinundan nina Ford at  nasa gilid naman ang magkasintahang Richard at Dei.

"What a journey.." panimula ni Dei habang nakasandal sa balikat ni Richard at kinakain ang biskwit na pinaghahatian nila.

Maging sa tubig ay naghati hati na lang sila dahil konti lang ang nadala nila Ford.

Tahimik lang ang lahat habang pinapanood ang maliit na apoy sa bonfire na nasa harapan nila.

Tumabi si Hope kay Wolf at inabutan siya ng bote ng tubig.

"Where's Quen?" Wolf asked.

Nagkibit balikat lang si Hope at hindi maipinta nag mukha nito.

"Siguro, pag-ibig nga talaga ang pinakamalakas na pwersa sa mundo.." bulong ni Alexis.

Nalaman na rin nila ang kwento nina Alana at Wang dahil nasabi ito ni Richard para makatulong sa paghahanap nila ng kasagutan.

Tulad ng iba, nagulat sila at nalungkot sa nangyari sa dalawa. Nakatatak na sa isipan nila ang mga nangyari kaya lalong naguguluhan ang lahat.

"Makakabalik pa kaya tayo? Ano kaya mangyayari sa atin?" tanong ni Richard.

Nakakaramdam na sila ng antok ngunit pinipigilan nila ito.

Everyone is tired.

"I wanted to be happy for them but I can't. Their love story was written in the stars. It was so perfect you know.." wika ni Wolf.  Iniisip din nito ang sinapit ng walong kabataan noon lalo na  ang nangyari kina Alana at Wang.

"Sa mga nalaman natin, hindi na yung perfect love story nila yung naalala ko. Kundi yung pagmamahal nila sa isa't isa na handa silang magpakamatay to be with their loved ones.. Sana ganoon din ang pagmamahal ng lalaking magmamahal sa akin.."wika ni Chandria.

Seryoso lang ang mukha ni Ford habang nakikinig kay Chandria.

"They died but their love remains.." sabi naman ni Richard.

Wolf started singing out of nowhere. Sinundan naman siya ni Alexis. Kahit papaano ay nalibang nila ang sarili sa kabila ng misteryong bumabalot sa kanila. Sinasabayan lang sila ng mga kasama sa pagkanta.

Maliban dito, ito rin ang kantang pumapasok sa isipan ni Wolf habang inaaalala ang kwento nina Alana at Wang.


(Prom by James Reid and Nadine Lustre)


Nanginginig na mga kamay. Puso kong hindi mapalagay♪


Ramdam ni Wolf ang kanta. Para ito sa mga kasama na pilit lumalaban sa kabila ng mga pagsubok.


Pwede ba kitang tabihan, Kahit pa may iba ka nang kasama♪


Nagkatinginan naman sina Ford at Chandria na parehong tahimik lang nang makarating sa kapilya.


Ito nang gabing 'di malilimutan, Dahan-dahan tayong nagtinginan


Sina Alexis at Wolf ang kumakanta ngunit rinig din ang pagkanta ng mga kasama. Nagkatinginan naman silang dalawa habang kumakanta. If there's one thing that always bring them together; music.


Umupo si Quen sa tabi ni Richard. Gusto niyang tabihan si Hope ngunit wala itong lakas ng loob na lumapit muna sa dalaga. Sinulyapan niya lang ito at umupo na.


"Now I know kung bakit tayo nandito. Pakiramdam ko, misyon nating bigyan sila ng happy ending.. or else..." sabi naman ni Chandria. Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya dahil naalala niya ang eksena kung saan nakita niya si Ford na duguan.

Hindi niya kaya.


Parang atin ang gabi, Para bang wala tayong katabi At tayo'y sumayaw

Na parang 'di na tayo bibitaw, bibitaw


Natahimik ang lahat at nagmumuni-muni. Lahat sila, pilit pinagdudugtong dugtong ang mga pangyayari.

"Gusto ko kumain ng maraming pizza pagbalik natin sa Academy." Sabi ni Hope. Nagtawanan sila at nagbigay sila ng kanya kanyang plano kapag naging maayos ang lahat.

"Ako, gusto ko lang matulog nang walang iniisip na may masamang mangyayari pag gising ko.." sabi naman ni Dei.

"Isang bucket ng beer, okay na ako"natatawang sabi ni Wolf.  Napansin niya na tanging si Alexis lang ang tahimik habang nagkakatuwaan sila.

Kakamustahin niya sana ang dalaga ngunit bigla itong nagsalita.

"Wait...I have something.." agad na sabi ni Alexis nang may maalala ito. Agad siyang pumasok sa kapilya at tila ba may hinahanap ito.

Kumuha ito ng papel ngunit wala siyang mahanap na ballpen kaya tumakbo ito palabas upang tanungin kung may nakadala ng ballpen sa kanila.

"Guys.. I need ballpen asap!"agad niyang sabi. Or else, baka makalimutan niya na ang nasa isipan.

"Teka.." Naalala ni Richard na may ballpen sa bulsa niya. Hinanap niya ito at agad na ibinigay kay Alexis.

"Ano yun Alex?" Tanong ng kanyang kapatid. Nilapitan naman siya agad ni Hope at nagkumpol silang tatlo.

"Hindi ko memorize lahat but I think related ito sa sumpa ni Diyana.."Alexis concluded.

Pilit inaaalala ni Alexis ang araw na nasaksihan nila ang kwento nina Ricardo at Diyana at isinusulat niya ito kahit hindi ito kumpleto.


"Sandali.. there's something on my mind the whole day. Paulit ulit. Let me help you." pagpresenta ni Dei.


Nagtaka naman ang mga binata na kinakabahan sa nangyayari. Ang apat na girls ay abala sa pagsusulat at pag alala ng nakaraan.


"Nope. I'm sure that was it.."litong sabi ni Chandria habang binabasa ang sinusulat nila.


"Wait.. she mentioned about their comeback right?" Sabi naman ni Hope. Aligaga silang apat ngunit unti-unti nilang nabubuo ang tila kanina pa palaisipan sa kanila.


And they finally remembered every powerful word that came out from Diyana.


At lalong nagulat ang mga boys nang pare-parehong nanlaki ang mga mata ng mga girls.


"Crap..After all this time..." Bulong ni Chandria. Napahilamos ito sa mukha upang magising. This can't be.


"I knew it." Malungkot na sabi ni Hope. Napayakap ito kay Dei.


"Ang hirap ipaliwanag." Naguguluhang sabi naman ni Dei.


"Why?" Tanong ni Wolf. Lumapit ang mga binata at pilit binabasa kung ano ang nakasulat sa papel.

Nagkatinginan naman ang mga girls na tila nag uusap kung paano nila ito sasabihin sa mga kasama.

Humarap si Hope sa kanila. Nag-aalangan siya ngunit karapatan din ng mga kasama na malaman ang nasa isip nila.


"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit, sa milyong milyong tao sa mundo, tayong apat yung parang nag-rerepresent sa kanila?" Paliwanag ni Hope ngunit hindi pa rin ito magets ng mga kasama.  She doesn't know where to start so she seek help from Dei by giving her a signal.


"Let's say, siguro hindi lang sila yung namatay that night. Pero dahil sa sumpa ni Diyana, parang sabay sabay silang nagreincarnate or something.." wika naman ni Dei.


Tinulungan na rin sila ni Chandria base sa mga naranasan nito.



"Richard, remember yung walong kabaong? Sobrang coincidence naman kung sabay sabay talaga sila...something was holding them." Explanation naman ni Chandria.

Bigla niyang nakita sa isipan niya ang mga kabaong at this time, may mukha na ang bawat kabaong na dumadaan sa harapan niya.





Napanganga na lang ang mga boys dahil walang maintindihan ang mga ito. Makikita sa mga mukha nila na clueless sila sa mga sinasabi nina Dei, Chandria, Hope at Alexis.


"Ito yung sumpa ni Diyana. Listen carefully." Utos ni Alexis. Maging siya ay kinakabahan ngunit tama ang hinala nila. Wala nang mas tutugma pa sa sumpa ni Diyana sa nararanasan nila ngayon.


Inakbayan siya ni Chandria upang suportahan ang kapatid. Sinusubukan niyang burahin ang mga mukha sa kabaong na nakita niya ngunit pilit itong bumabalik sa isip niya kaya lumapit ito sa kapatid, to feel better.


  "Lumipas man ang maraming taon, which is the Brightford Academy right now." Dahan-dahang sabi ni Alexis.


Tinignan siya ni Ford na naghihintay din ng kasagutan.





  "Magbabalik kami upang ipagpatuloy ang aming pagmamahalan."





"Pagmamahalan nina Ricardo, Diyana, Helena, Quevedo, Alan, Wang, Carmelita and Ferdinand.." Chandria added.





"At walang sinuman ang maaring humadlang, Isinusumpa ko."





Huminto si Alexis sa pagbasa. Kinikilabutan ito dahil tugma ang lahat sa nangyayari sa kanila. Hindi niya alam kung nilalamig ba siya o sadyang nababalot lang sila ng kababalaghan.


Nakapikit lang si Hope habang pinapakinggan si Alexis. Para silang naglalaro ng connect the dots ngunit wala naman silang clue kundi ang mga kwento lang ng nakaraan.






  "Ang mga uhaw sa pag-ibig na hindi nila makamit."


"Obviously, it's Helena and Quevedo.." sambit ni Quen.




"Ang mga taong pinagkaitan ng pagmamahal.. Kwento nina Alana at Wang,." She added habang nakatingin kay Wolf. Namumuo na ang mga luha niyaa sa mata pero nilalakasan niya ang loob niya.








"At maging ang mga kaluluwang naghahanap ng kapatawaran.." basa ni Alexis.








Tumingin si Chandria kay Ford. "Carmelita and Ferdinand." She said.





"Ni isa sa inyo ay walang makakapigil sa amin maging kamatayan man."





"I think it all started in here.. Remember Wolf that night na akala natin nananaginip lang tayo? It was real." Alexis said. Ipinagpatuloy niya ang pagbasa.. "At sa sandaling babalutin ng buwan ang araw."





"Kamatayan lang ang magiging kawangis, ng dalawang pusong naghihinagpis". Nanlamig ang mga kamay ni Alexis sa nabasa. Tama sila, konektado ang lahat ng ito kina Ricardo at Diyana.





"Premonition..." Sabay sabay nilang sabi.


At nag-flashback sa isip nila ang gabi kung saan nakita nila ang mga sarili na duguan at walang buhay.

Lahat sila nagtinginan nang biglang namatay ang apoy sa maliit na bonfire na nagsisilbing liwanag sa kanila.




















#BrightfordAcademy








A/N: Chapter 29, thank me later :) I would love to read your comments, opinions and violent reactions about this update. More revelations to come. Thank you for reading! Tara, kwentuhan tayo sa comment section. What do you think will happen next?😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro