Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

35

Ilang oras na ang makalipas nang makita nila ang lapida.

Nakatulog na si Dei samantalang sina Alexis at Hope ay tulala lang.

Nakatayo si Ford at nakasandal ito sa wall, nakaupo naman si Wolf sa tabi ni Alexis at nakabantay naman si Quen sa natutulog na si Dei.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Wolf.

"Hindi ko alam." matipid na sagot ni Ford. Pakiramdam nila ay mali ang desisyong pagbabalik nila sa mundong ito ngunit ito lang ang naisip nilang paraan.

"Helena, Quevedo, Diyana and Ricardo.." bulong ni Alexis.

Kahit saang parte ng mga utak nila hanapin ang kasagutan, hindi nila alam kung ano ang naging koneksyon nila sa mga ito.

"Nararamdaman ko, hindi dito natatapos ang lahat.." sabi ni Quen.

"Somewhere siguro, nandoon din ang kamukha ko." pagbibiro ni Wolf habang inaayos ang sintas ng sapatos niya.

"Kamusta na kaya si Richard at Chan.." pag-aalala naman ni Alexis. Nang tumayo ito ay pinagtinginan siya ng mga kasama dahil tumunog ang kanyang tiyan, dahil na rin sa gutom.

"Sorry. Ilang oras na rin kasi tayong walang inom at kain.." paliwanag ng dalaga.

"Bakit hindi mo sinabi,." ani ni Wolf.

"Ayoko nang makadagdag sa iisipin."sagot ng dalaga.

Tumayo si Ford at isinuot ang jacket niya. "Mag-iikot ikot muna ako baka sakaling makakita ako ng makakain natin.." pagpresinta nito.

Tumungo naman si Quen na siya namang magbabantay sa mga babaeng kasama.

"Samahan na kita." sabi ni Hope.

"Huwag na.. Magpahinga ka na lang muna.." sabi ni Quen. Tumayo ito at pinigilan ang dalaga ngunit mapilit ito.

"Please, Ford." pakiusap ni Hope kay Ford. Hindi niya pinansin si Quen na siya namang pinagtaka ng huli. Nakatuon ang atensyon ni Hope kay Ford.

"Dito na lang muna kayo. Para alam namin kung saan kami pupunta sakaling may mangyari." bilin ni Ford.

Umupo si Quen sa tabi ni Dei at pinagmasdan itong matulog nang makaalis sina Ford at Hope.

Out of nowhere ay binanggit niya ang pangalan ni Diyana at nagtaka ang lahat nang sumagot ito.

"Diyana.." mahinang sabi ni Quen sa natutulog na si Dei.

"Hmmmmm"

Sumenyas si Wolf kay Alexis at Quen na tumahimik muna sila at kakausapin nito ang dalaga. Baka sakaling makakuha sila ng sagot.

"Anong nangyari?" mahinahong tanong ni Wolf.

Umupo ang binata sa harapan ng natutulog na dalaga upang marinig niya ang sasabihin nito.

"Guys, si Dei ang kasama natin, hindi si Diyana. Hayaan niyo muna siya" pakiusap ni Alexis.

Sumang-ayon naman ang dalawa kaya bumalik ito sa kanilang mga pwesto.

Nag peace sign si Wolf kay Alexis.

"Sorry.." he whispered.

Si Quen ay nagdadasal na maging maayos ang lahat. Maging siya, gustong malaman kung sino ba si Quevedo at bakit mukha nila ni Hope ang nasa lapida.

Paglabas pa lang nina Ford at Hope ay nakaramdam
na ang binata na may dahilan kung bakit sumama sa kanya ang dalaga.

"Ford, can I ask you a favor?" tanong ni Hope. Patuloy lang sila sa paglakad hanggang sa unti-unti na silang makalayo ng kapilya.

"Ano 'yun?" tanong naman ng binata.

Natigil sa paglakad si Ford nang pumunta sa harapan niya si Hope.

"I know it will be complicated..but..."

"But what?" masungit na tanong ni Ford.

"Can we go back to the Academy? I mean, the real world.."

Nagsalubong ang mga kilay ni Ford sa kanyang narinig. He knew it.

"No.." matipid na sagot nito. Nagpatuloy ito sa paglakad ngunit mapilit si Hope.

Hinawakan niya ang kamay ni Ford at hinigpitan niya ito.

"I know it's a big favor to ask. Hanggang hindi ko alam kung ano ang nangyari kina Helena at Quevedo, hindi ako matatahimik."

"Anong kinalaman ng Academy sa paghanap mo ng kasagutan?" hinarap ni Ford ang dalaga.

"Baka lumabas sila sa internet. Kung may signal lang dito, hindi ko hihilingin to sayo. Just give me 15 minutes. Kung walang resulta sa internet babalik din tayo."she insisted.

"Kaya ka ba sumama sa akin? Hope, walang kasiguraduhan ang lahat."

Nakaisip ng paraan si Hope para mapa-oo ito. Hindi siya sigurado pero sinubukan pa rin ng dalaga.

"Chandria is there right."

Napatigil si Ford nang marinig niya ang pangalan ni Chandria.

Damn. That girl.

"Paano ang mga kasama natin?"

Tumingin sa paligid si Hope at pinagmasdan ang paligid.

"Sa tingin mo may mahahanap tayong pagkain at tubig dito? Ford, mamamatay tayong lahat ng walang nahahanap na kasagutan."

"How sure are you na makakabalik tayo dito? Paano kung hindi?"tinitigan ni Ford ang dalaga at hindi niya gusto ang kanyang nakita. Namumuo ang mga luha sa mata ng dalaga na pursigido sa paghahanap ng kasagutan.

"Please." tuluyang nang naawa si Ford nang makita niya ang mga luha sa mata ni Hope. Pinunasan niya ito gamit ang mga kamay niya.

"Tara na. Para makabalik tayo agad.." hinawakan ni Ford ang kamay ni Hope at patuloy sila sa paglakad.

Naalala nila na nakabalik sila sa Brightford nang hinanap nila ang daan patungong Academy at pumasok sila sa dating bahay nila Diyana.

"Ford..thank you." pasasalamat ni Hope bago nila tuluyang puntahan ang Academy.

Isang oras rin ang itinagal nila at paghihintay na makabalik at sa sandaling pumikit ang dalawa ay nakabalik muli sila sa kanilang mundo.

Sinilip muna ni Ford ang paligid para makasigurado na walang nag-aabang sa kanila. Nasa hallway sila ng kwarto nila at agad kinuha ni Hope ang phone sa bulsa niya at binuksan ang mobile data.

Magsasalita na sana si Hope ngunit nakarinig ang dalawa ng kaluskos sa sala kaya tinignan nila ito.

Sumenyas naman si Ford na manahimik ito dahil baka isa sila sa mga naghahabol sa kanila.

Dahan dahan silang naglakad at nakahinga ang dalawa nang makita ang mga kasama na naiwan sa kanilang pagtakas.

Sina Chandria at Richard. Ngunit sa halip na kasiyahan ay galit ang naramdaman ni Ford sa kanyang nakita.

Naka-akbay si Richard kay Chandria at sa kanyang paningin ay sobrang lambing nila. He assumed that there's something going on between the two.

Nakasandal si Chandria sa balikat ni Richard habang nakayuko ito.

"Richard!" tawag ni Hope.

Agad namang hinila ni Ford si Hope at isinandal ito sa pader.

Nang lumingon na si Chandria ay kitang kita niya kung paano hinalikan ni Ford si Hope sa lips.

Napanganga na lang si Chandria sa kanyang nakita.

Napatayo si Richard at maging si Hope ay nagtataka sa paghalik sa kanya ng binata.

Bumulong si Ford sa dalaga at may sinabi ito.

"You owe me one, right." mukhang naintindihan naman ito ni Hope kaya napayakap siya kay Ford. Napansin ng dalaga ang mukha ni Ford nang makita sina Chandria at Richard na malambing sa isa't isa kaya ang iniisip nito ay nagseselos ang binata.

"Kanina pa kayo diyan?" tanong ng nanghihinang si Chandria na nagulat din sa nakita. Nagpanggap itong okay lang ang lahat kahit deep inside, mayroong parte sa puso niya na nasasaktan sa nakita. Sa dami ng iniisip niya ay dumagdag pa ang nakita niyang paghalik ni Ford kay Hope.

Sabagay, ano bang laban ko sa ganda ni Hope. She said on her mind.

Lumapit ito sa dalawa at inalalayan siya ni Richard na siya na namang ikinagagalit ni Ford.

"Sa harapan ko talaga, Chandria?" galit na sabi ni Ford sa isip niya.

"Kaya pala wala na kayong balak balikan kami.." masungit na sabi ni Ford. Kumuha ito ng malaking bag at naglagay ng mga pagkain., first aid kits, tubig at iba pang mahahalagang gamit.

Rinig nila ang pagdadabog ng binata.

"Parang masaya ka naman na wala ako don eh." sagot ni Chandria.

Tinititigan lang sila nina Hope at Richard na walang ideya sa nangyayari.

"What was that?" tanong ni Richard patungkol sa paghalik ni Ford sa kanya.

"Hindi ko alam. He just kissed me." sagot ni Hope.

"But you hugged him back?"

"I think he saw you and Chandria. I owe him big time so I had to do it."

"What?" maging si Richard ay nagulat nang dahil lang doon ay nagalit na si Ford na hindi man lang inalam ang totoo kung bakit ganoon na lamang ang pag-asikaso niya kay Chandria.

Agad na nilapitan ni Richard si Ford ngunit parang iniiwasan niya ito.

"We can explain."

"Hindi ko kailangan ng explanation niyo."sagot ni Ford.

Dinaan-daanan lang niya si Chandria na parang hangin.

"It's not what you think Ford!" sigaw ni Chandria kahit garalgal ang boses nito. She's trying to say that it didn't mean anything.

"Sino ba siya?" Yun na lamang ang sinabi ni Ford sa harapan ni Richard na siya namang dumurog sa puso ni Chandria.

Nagkatinginan sila ni Richard at nakita ng binata ang luha sa mga mata ni Chandria.

"Ano? Sasama ba kayo sa amin?"masungit na tanong ni Ford. Padabog niyang kinuha ang mga gamit at hinawakan ang kamay ni Hope.

Lalapitan sana ni Hope si Chandria ngunit pinigilan ito ng binata.

"Naghihintay na sila.."sambit ni Ford.

"Ford, nakalimutan mo ata kung bakit tayo nandito.." bulong ni Hope.

Naalala niya ang usapan nila ni Hope na magbabrowse ito sandali sa internet upang mahanap ang kasagutan.

"Sorry nabigla ako.."

"Ano yun guys?" Richard asked.

"Ang hirap iexplain Richard. Habang nasa kabilang mundo kami, nakakita kami ng puntod. At nakita namin ang picture namin ni Quen but the name was different. That's why we went here. I wanted to know the truth. Baka meron sa internet ang sagot.. Wala namang mawawala diba? As far as I know, google has everything."

'Wait, what?!" tanong ni Chandria. Nagkatinginan sina Richard at Chandria dahil maging sila ay nalaman ang tungkol kina Carmelita at Ferdinand.

Napatingin si Hope sa kanyang cellphone. Maraming notifications ito ngunit wala siyang time para basahin ang lahat dahil may rason kung bakit sila bumalik.

Unti unting tinayp ni Hope ang Helena Santigao at Quevedo Encarnacion.

"Are we sure about this?" tanong ni Chandria.

"Manahimik ka na lang pwede ba?" sagot ni Ford sa kanya.

Lalong uminit ang tensyon sa paligid.

Nainis na rin si Richard sa inaasal ni Ford kaya hindi ito nakapagpigil.

"Brad ano bang problema mo kay Chandria ha?" tinulak niya ito na siya namang ikinabigla ng dalawang dalaga.

"Richard!" sigaw ni Chandria.

"You didn't know what we went through para ganyanin mo siya!"pagtatanggol sa dalaga.

"Wow brad. Nag-aalala kami sa inyo tapos naglalampungan lang kayo dito?" galit na sabi ni Ford.

Inawat ni Hope si Ford at niyakap naman ni Chandria si Richard.

"Stop.. I'm fine, okay. Ayoko na ng gulo. " bulong ni Chandria kay Richard kahit halata namang hindi maayos ang lagay ng dalaga.

"Guys, obviously, this is not the right time. Kung selos lang dahilan nito pwede ba?!" paliwanag ni Hope. Nabitawan na rin niya ang cellphone na hawak sa pag-awat kina Ford at Richard.

"Masyado nang maraming nangyari para isingit pa itong walang kwentang away na ito. Wala namang selosan na naganap. Wala naman kaming relasyon para magkaroon ng selosan." sabi ni Chandria. Kinuha rin niya ang cellphone niya at siya na mismo ang nagsearch sa google.

Ford didn't expect those words from her.

Inirapan niya si Ford at parehong masama ang tingin nila sa isa't isa.

Maraming resulta ang lumabas habang nagsesearch sila ngunit pumukaw sa mga mata nito ang larawan na nakita nila sa lapida na siya namang nanggulat din kina Chandria at Richard.

"Helena died 50 years ago. She was raped by her stepdad."basa ni Chandria.

"Oh my God!" yun na lamang ang nasabi ni Hope. Kinilabutan silang lahat sa nabasa.

Isang artikulo na naglalaman ng kwento nina Helena at Quevedo.

Si Helena at Quevedo ay dating magkasintahan. Naninilbihan si Quevedo sa kapilya at doon na lumaki dahil hindi na niya nakilala ang kanyang mga magulang at ganoon din si Helena na pinilit ng kaniyang mga magulang na pasukin ang trabaho na hindi naman niya gusto. Ngunit dahil mahal niya ang mga ito at gusto niyang makuha ang tiwala at pagmamahal ng kanyang mga magulang, pumayag siya sa gusto nilang mangyari na magtrabaho sa isang club ng mayayaman, bilang dancer at entertainer.

Nang malaman ng stepdad ni Helena na mayroong kasintahan ang dalaga ay pinagtangkaan niya ito. Sinubukang tumakas ng dalaga ngunit nahabol siya ng kanyang stepdad at pinagsamantalahan.

Napuntahan siya agad ni Quevedo ngunit maging ang binata ay hindi nakaligtas dahil pinatay siya ng ama ni Helena. At nang gumulo ang sitwasyon, pinatay na rin niya ang kanyang anak anakan.

They both died on each other's arms.

Sina Helena at Quevedo, ang mga uhaw sa pagmamahal ng kanilang mga magulang. Nangakong magmamahalan, ngayon at kailanman.

"Ibinasura na rin ng korte ang kaso dahil sa impluwensya ng stepdad ni Helena.." basa ni Chandria.

"Chandria, hindi ba si Alexis 'yan?" agad na sabi ni Richard. Zinoom ni Chandria ang larawan at hindi siya maaaring magkamali.

Ngunit isa pang nanggulat sa kanila ay ang paglabas ng maraming larawan na hawig kina Alexis at Wolf, ngunit mas kilala ito bilang Alana at Wang.

"Obviously, these are old photos of Alexis and Wolf. "

"Ayoko basahin.." nanginginig na inabot ni Chandria ang cellphone kay Richard.

Nagka-ilangan naman ang dalawang binata kaya tanging si Richard na lang ang nagbabasa nito.

Nagulat at kinilabutan ito sa kanyang nabasa ngunit hindi na niya pinahalata sa mga kasama dahil masyado nang maraming nangyari sa araw na iyon at alam niyang lahat ay may bitbitin.

Si Ford ay nakatalikod sa kanila samantalang si Chandria at Hope ay iniisip kung gaano kapait ang nangyari kina Helena at Quevedo.

"Sandali.."agad na sabi ni Hope. May naalala ito at hindi siya maaaring magkamali.

"Naalala niyo ba kung ano yung date ng letter ni Diyana?"tanong nito.

She cried. Dahil napagdugtong dugtong niya ang ilan sa mga ito at hindi siya maaaring magkamali.

Nag-hysterical ito at hindi niya alam kung totoo ang mga hinala niya.

"Hindi na..bakit?"tanong ni Chandria.

"October 16, 1966.."sabi ni Hope. Paikot ikot ito sa harapan ng mga kasama.

"And?"tanong naman ni Richard.

"October 17, 1966 namatay sina Quevedo at Helena. Same as Ricardo and Diyana. The day after the letter, dumating si Ricardo at doon namatay ang dalawa." she explained.

Inagaw ni Hope ang cellphone kay Richard at binasa ang artikulo tungkol kina Alana at Wang.

"October 17, 1966..."

Napaupo si Chandria dahil naalala niya ang sabi ni Lolo sa kanila.

"Walong kabaong.."sambit ni Chandria.

"Walo??" Nagtatakang sabi ni Ford. Sa pagkakaalala niya ay anim pa lang sila.

"Teka nga. Who the hell is Ricardo and Diyana? May alam ba kayong hindi ko alam?"tanong naman ni Richard.

Walang nagawa ang tatlo kaya ikinwento na nila kay Richard ang nakita nila noong unang beses sila mapunta sa madilim na mundo.

"Fuck!.." sigaw ni Richard. Napasuntok ito sa wall dahil sa pagkagulat at galit.

"I'm dreaming right?" Hindi matigil si Hope sa mga tanong sa sarili.

"Ricardo, Diyana, Helena, Quevedo, Alana, Wang," Chandria paused for a second.

"Carmelita at Ferdinand." nakatulalang sambit ni Chandria. Pumatak na rin ang mga luha nito dahil naalala niya ang sinapit nina Carmelita at Ferdinand.

"Bakit tayo? Bakit?"paulit ulit na tanong ni Richard.

Nagkakagulo na silang apat sa mga natuklasan.

Si Hope na pilit hinahanap ang kasagutan.

Si Richard na nawindang sa kanyang nalaman at tanging makita si Dei ang nasa isip nito.

"Sino si Carmelita at Ferdinand?"litong tanong naman ni Ford.

"Ako at ikaw.."lumingon sa kanya ang umiiyak na si Chandria at inabot ang larawan sa binata. Nawalan na rin ito ng malay at saktong nasalo naman siya ni Ford. Dahil na rin sa pagod at kakaisip.

"Chandria!"sigaw nito habang pinipilit gisingin ang dalaga.

Samantala sa kabilang mundo, pilit nilalabanan nina Dei, Alexis, Wolf at Quen ang gutom. Umaasa sila na anytime, darating na ang mga kaibigan at hindi sila bibiguin ng mga ito.

Ngunit tila matatagalan ang mga kasama dahil hindi alam ng apat na nasa Academy na papunta na ang mga security sa kanilang bahay para pasukin ito. Tuluyang nang nilagyan ng warning sign ang bahay nila at bawal ito lapitan ng kahit sino man, until further notice.


#BrightfordAcademy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro