34
Hindi makapagplano ng maayos sina Richard at Chandria dahil gusto nilang maging maayos ang lahat dahil isang pagkakamali lang nila, maaring forever na silang hindi makabalik sa mga kasama.
It's been hours ng huli nilang makita ang mga kasama at hindi nila alam kung ano na ang nangyari sa kanila. Kung safe ba sila or kung may nangyari bang hindi maganda.
Nakasandal ang ulo ni Chandria sa balikat ni Richard habang naghihintay. Nakaidlip ang dalaga habang nakaupo kaya lumapit si Richard at isinandal ito sa kanyang balikat ng dahan dahan.
"Ssssh. Magpahinga ka muna.." mahinang sabi ng binata. Naramdaman niya na tila nagising si Chandria ngunit nakapikit pa rin ito.
May plano na sila ngunit naghihintay lang sila ng tamang oras para dito.
"Tell me about Dei.." sambit ni Chandria habang nakapikit.
Richard smiled.
"We grew up together as enemies. I love to bully her you know..." he answered.
"Tulad ng pambubully sa akin ni Ford.." sabi ng dalaga.
"That means he likes you."
Pasimpleng ngumiti ang dalaga sa kanyang narinig.
"Masyado akong nagpalamon sa pride ko Chandria. Kung inamin ko na siguro noon, ano na kaya ang nangyari sa amin?" dugtong ng binata habang nakatingin sa kawalan.
"But fate didn't let you.." sagot ng dalaga.
"Kaya kung mahal mo ang isang tao, the earlier you confess, the better. Before it's too late." dugtong ni Richard na parang nang-aasar.
"Is it?" she asked.
"Oo kaya kung may nararamdaman ka para sa kanya..." pinutol ni Chandria ang binata.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa ngunit agad naman itong binasag ni Chandria.
"Hindi ako makatulog kagabi. I'm still thinking about what happened back there." nagtatakang sabi ng dalaga..
"Yeah. Hindi ka ba nagtataka kung ano ang nangyayari sa atin? Of all the people, bakit tayo?" tanong ng binata.
"Nagtataka, oo. Pero pakiramdam ko kasi kaya tayo napunta sa mundong iyon ay para mabigyan ng kasagutan ang lahat. Hindi ko alam ha pero yung sumpa ni Diyana. I feel like it's all connected to us." paliwanag ng dalaga.
"Sinong Diyana?" agad na tanong ni Richard. Nakalimutan ni Chandria na hindi nga pala alam ni Richard ang nangyari so wala itong idea.
"Nevermind. " agad na bawi ng dalaga.
Oh crap. Muntik na. Her thoughts.
Sabay napatingin ang dalawa sa door knob dahil tila ba may nagbubukas nito.
Inalalayan ni Richard si Chandria at sabay silang nag-abang sa pinto.
Isang matanda ang pumasok sa kwarto na may hawak na walis. Base sa obserbasyon ng dalawa, si lolo ay mga nasa 80's na ngunit malakas pa ito.
"Magandang umaga po, lo.." bati ni Chandria.
Nagsenyasan sina Chandria at Richard kung sino ang kakausap sa kanila.
"Magandang umaga, aking apo.." nakangiting sabi ng matanda habang nakatingin kay Richard. Ang akala nila ay dahil lang ito sa nakasanayan ng mga Pilipino na tawag sa mga batang tulad nila ay apo ngunit nagulat ang dalawa nang magsalita uli si Lolo habang nilalock ang pinto.
"Kay tagal kitang hinintay anak.." dugtong nito.
Gumilid ang dalawa upang makadaan ang matanda at umupo sa tabi ng bintana.
Lumapit si Richard at umupo sa harapan ni Lolo.
"Lo, nagtatrabaho pa po kayo sa edad niyong ito?" magalang na tanong ni Richard. Natanong ito ng binata dahil sa suot na uniporme ni Lolo ngunit sa kabilang kataandaan nito ay kaya pa naman niyang kumilos.
"Mas napapagod ako kapag walang ginagawa, apo." sagot ni Lolo.
"Mga ilang years na po kayo nagtatrabaho sa Academy?" tanong ni Chandria.
Tinitigan siya ng matanda na parang buong buhay niya itong nakasama.
"Hindi mo na talaga ako natatandaan anak.." muling sabi nito.
Nagkibit balikat ang dalaga nang tumingin sa kanya si Richard na nagtataka rin kung bakkit ganun na lamang ang mga binibitiwang salita ni Lolo.
"Mawalang galang na po Lo pero hindi po ako yung anak niyo.." sabi ni Chandria habang nakahawak sa binti ng matanda.
Tinitigan niya muli ang dalaga at hinawakan ang pisngi nito.
"Pasensya ka na anak, hindi ko lang talaga maiwasan, Kamukhang kamukha mo ang anak ko,."
"Nasaan po ang anak niyo?" tanong ni Richard.
Tumingin ito sa malayo habang inaalala ang kanyang anak.
"Nagpakamatay ito.." malungkot na sabi ng matanda.
"Sorry po lo.." magkasunod na sabi nina Chandria at Richard. Kita sa mata ng matanda ang kalungkutan.
"Hindi matahimik ang kanyang kaluluwa. At hindi ko rin kayang umalis sa mundong ito na hindi niya ako napapatawad" dugtong ng matanda.
"Lo.." sambit ni Richard. Umupo ito sa tabi ng matanda at hinawakan ang mga kamay nito.
"Ano pong nangyari sa anak niyo?" tanong nito.
"Dahil sa pag-ibig. Mga kabataan noon, sobrang baliw sa pag-ibig. Lahat ay hahamakin nila maging ang kamatayan. Sila ang mga naging dahilan kung bakit nabalot ng kalungkutan ang lugar na ito.. " paliwanag nito.
May kinuhang litrato si Lolo sa kanyang lumang wallet at tinitigan ito.
"Dise-otso anyos pa lamang siya nang magpakamatay siya. Sumunod naman ang kanyang kasintahan. Nagsisisi ako dahil hindi ko man lang naalagaan ang anak ko. Sa ilang taon niyang paghihirap, ni minsan hindi ko siya kinamusta kung ano ba ang lagay niya." maluha luhang sabi ng matanda.
NIyakap ni Chandria ang matanda dahil pakiramdam nito ay may koneksyon siya kay Lolo dahil nasaktan siya para sa kanya. O sadyang nakarelate ito sa sitwasyon niya sa kanyang pamilya.
"Mga kaluluwang hindi matahimik.." muling sabi ni Lolo.
(Insert Dalawang Tao by Rice Lucido)
The Past (1960's)
Masayang masaya sina Carmelita at Ferdinand noong sila ay nabubuhay pa lamang. Sila ang pagiibigang maihahambing sa langit at lupa.
Isang mayamang binata na minanahan ng mga sikat na establisyemento noong tumuntong ito ng dise-otso anyos.
Ito rin ang naging dahilan kaya nasira ang kanilang wagas na pagmamahalan.
Naninilbihan si Carmelita sa malaking mansyon nila Ferdinand upang mabigyan ng malaking salapi ang kanyang pamilya at matulungan ang kapatid sa pag-aaral.
Lumaki na silang pareho sa mansyon. Isang naninilbihan at isang pinagsisilbihan.
Bata pa lamang sila ay may namuo nang pagmamahalan na maging pera ay hindi kayang pantayan.
Si Carmelita ang pangalawa sa makakapatid sa kanilang pamilya. Mas pinapaboran ang kapatid niyang nabigyan ng pagkakataong mag-aral kaya nabaliwala ang dalaga.
"Ikaw, mahal ko. Ikaw ang mundo ko.." malambing na sabi nito habang nakikipaglaro ng habulan sa mansyon nila Ferdinand.
"Oh aking Carmelita
Sa puso ko ikaw ang ang sinisinta.
Mabalot man ng araw ang buwan..
Ikaw lang ang aking mamahalin, magpakailanman.." panlalambing ni Ferdinand.
Hinabol niya si Carmelita hanggang sa labas ng kanilang bakuran at niyakap ito.
"Ikaw ang liwanag sa aking mundo, ang nagbibigay kulay sa aking buhay.." dugtong ng binata habang hinahawi ang buhok ng dalaga.
"Huwag mo akong iiwan.." sagot ng dalaga. Si Ferdinand na lamang ang dahilan kaya patuloy itong lumalaban sa buhay. Sa pagmamahal ng binata sa kanya, nabigyan ito ng pag-asa na gumising araw-araw sa kabila ng mga problema sa kanilang pamilya.
"Kahit kailan, hindi ko magagawa sa iyo yan aking mahal.." sagot nito.
Nakita ni Carmelita ang paparating na sasakyan ng pamilya ni Ferdinand at lulan nito ay ang ina at ama ng binata.
"Hindi ba natin ipapaalam sa iyong mga magulang?" tanong ng dalaga.
"Sasabihin ko na sa kanila mamayang hapunan. At kung maari, papakasalan na kita para dito ka na sa mansyon tumira. Ituturing kitang reyna." nakangiting sabi ni Ferdinand.
"Mahal ko, pagsisilbihan ko muna ang mga magulang mo.." nakangiting sagot naman ng dalaga.
"Mamaya na..." pakiusap ng binata.
Pilit kumawala si Carmelita sa pagkakayakap ni Ferdinand dahil napakahigpit ng pagkakayakap nito.
"Ihahatid kita sa inyong tahanan sa pagsapit ng dilim.. Ipagpapaalam kita" pahabol ng binata habang tumatakbo papasok ng bahay si Carmelita.
Pagtapak pa lamang niya sa sahig ng kusina ay napatigil na ito.
"Nagkaroon na kami ng kasunduan ng pamilya nila. Ikakasal na sa makalawa sina Ferdinand at Diyana.." mahinang sabi ng tatay ni Ferdinand na siya namang nambulabog kay Carmelita.
Pinipigilan nito ang sarili upang hindi siya marinig ngunit hindi niya mapigilan ang mga luhang kusa na lamang tumulo.
"Ako na magsasabi sa ating anak.." maligayang sambit naman ng ina ni Ferdinand.
Umatras si Carmelita at napasandal ito sa pader.
"Inaayos na nila kumpare ang kasal ng mga bata."
Dahil hindi nito nakayanan ang balita ay tumakbo si Carmelita at lumabas ito ng mansyon.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman nito. Tanging si Ferdinand na lamang ang taong laging nasa tabi niya ngunit maging ang binata ay mawawala na rin sa kanya.
Napaupo si Carmelita sa gitna ng kalsada at lumuhod ito.
"Ano pang silbi ng aking buhay!" umiiyak na sambit nito.
End of flashback
"Hanggang sa nakita ko na lang si Carmelita na walang buhay habang nakapulupot ang mga lubid sa kanyang leeg sa sarili niyang kwarto.." nanghihinang kwento ng matanda.
Lalong hinigpitan ni Chandria ang pagkakayakap niya sa matanda upang icomfort ito.
"Patawarin mo ako anak..." hagulgol na sabi ng matanda.
Tumulo ang luha ng dalaga at pumikit ito.
"Pagpasensyahan muna kung hindi ako nagpaka tatay sayo.."
Maging si Richard ay naluluha sa kanyang narinig.
"Lo, alam ko napatawad ka na ng anak niyo.." sabi ng binata upang mapakalma ang matanda.
"Umalis na kayo dito. Tulungan niyo sila.."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Sila'y nagbabalik." sagot nito.
Biglang namatay ang ilaw sa silid na iyon na ikinagulat nilang lahat.
"Sino pong sila?" agad namang tanong ni Richard.
Tumayo si Lolo at nagwalis-walis ito sa paligid. Tumitingin tingin sa iisang lugar na kanina niya pa sinusulyapan.
"Kaedad niyo rin sila noon. Sa hilaga, kanluran, silangan at timog. Walong kabataan ang sabay-sabay na inilibing. Kabilang na doon ang anak kong si Carmelita. "
Bumilis ang tibok sa kanilang mga puso. Pakiramdam nila ay nasa paligid lang sila kung saan nangyari ang lahat. Tila ba may naaninag silang alaala ngunit napakalabo nito.
Sa pagkakaalala ni Lolo, sabay sabay ding nagkita sa intersekyon ng kalsada ang walong kabaong.
"Marami ang nagtaka. Nangamba, natakot at doon nagsimulang mabago ang masayang lugar na ito. "
Inabot ni Lolo ang larawan kay Chandria at halos mabitawan niya ito sa nakita.
"Ito na lang ang alaala ko sa kanya. Nasa bulsa niya ito ng gabing nagpakamatay siya.."
Agad naman niyakap ni Richard si Chandria at pinakalma ito.
Nanlaki rin ang mga mata ni Richard sa nakita. Hindi siya maaring magkamali. Kamukhang kamukha ito nina Chandria at Ford.
"Please tell me it's not real.." umiiyak na sabi ni Chandria.
"Ssssshhh.. We have to go. We'll find out." pagpapakalma ng binata.
"Si Carmelita at Ferdinand.." pahabol ni Lolo bago umalis ang dalawa.
Nakaakbay ang binata kay Chandria dahil pakiramdam niya ay anytime, bibigay ito sa nakita.
"Salamat Lo. Pwede bo pang sa amin muna ito?" pakiusap ni Richard. Kailangan nila hanapin ang kasagutan sa mga misteryong nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Ang kaninang umiiyak na dalaga ay natulala na lang habang inaalalayan siya ni Richard. Ni hindi niya na alam kung saan sila patungo.
Nang bumalik ito sa realidad ay tila ba nakakita siya ng walong kabaong na nakapila sa kalsada na parang prusisyon.
Maraming nakikiramay.
Maraming nagdadalamhati.
At nakita niya ang kanyang sarili sa salamin.
Nakahimlay at nakasuot ng blusang itim.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro