33
Naunang gumising si Dei at agad nitong hinanap si Richard. Una niyang napansin ang lugar dahil naalala niya ito, ang kabilang mundo na pilit nilang tinatakbuhan. Magkahalong pagtataka at takot ang kanyang mga mata.
"Anong nangyari?" tanong niya kay Hope. Halos hindi makapagsalita ang dalaga kaya nilapitan niya na lang ito at pinakalma muna.
"Dei, Kailangan ka naming ilayo muna." matipid na sagot nito. Sa tuwing naalala niya ang premonition na nakita niya ay nagkakaroon ito ng lakas ng loob na ipaglaban sina Dei at Richard in every way they could.
"Anong ibig niyong sabihin?" litong tanong ng dalaga.
Umupo si Quen sa harap niya at kinausap ito ng maayos.
"Nahimatay kayo ni Alexis habang nasa klase. Kinailangan nating umalis kasi dumating yung parents mo at ito lang ang tanging paraan para mailayo ka namin sa kanila" paliwanag nito.
Hindi pa rin maintidhan ni Dei kung bakit wala si Richard.
Gising na rin si Alexis at maging siya ay nagtataka kung bakit sila napunta sa ibang mundo.
"Pati si Chandria?" tanong nito.
"Don't worry she will be fine. Kailangan lang nila ni Richard gumawa ng paraan para makaalis kami." sabi ni Wolf habang tinutulungan ang dalagang makatayo.
Lahat sila ay tumingin sa paligid. Naalala nila ang bawat minutong nandito sila sa kabilang mundo at ang mga tanong na hindi masagot sagot kung bakit sa lahat ng tao sa mundo, sila ang napunta dito.
Hindi naman gabi ngunit kita sa buong paligid ang kadiliman na tila ba ito ay noong unang panahon.
Habang naglalakad sila sa kawalan ay may nakita si Quen na isang larawan. Lumang larawan na tila napaglipasan na ng panahon ngunit makikita mo pa rin kung sino ito.
Agad naman siyang sinundan ni Wolf at maging ang binata ay nagulat sa nakita. Inalalayan muna ni Hope si Alexis at si Ford naman kay Dei. Sinubukan itong ibulsa ni Quen ngunit napansin ito ni Hope.
"Quen?" agad na sabi ni Hope.
"I'm fine.." matipid na sagot ni Alexis. Pinuntahan ni Hope si Quen at kinuha ang litrato sa kamay ng binata.
" Hindi ko maalala kung kinunan ba yan noong nagsisimula ako o sadyang...may dahilan kung bakit ako nandito.." malungkot niyang sabi. Tumaas ang mga balahibo nito na para bang nilalamig. She tried her best to recall all photoshoots she had but there are thousands of them.
"Maybe it was one from your pictorials" dagdag ni Wolf upang matigil na ang pag-iisip ni Hope.
"Akin na nga yan, tara na. Baka naligaw lang yan 'dito." she smiled. Ibinulsa niya ang larawan na tila ba wala itong nakita ngunit hindi na niya maalis ito sa kanyang isipan.
Habang naglalakad ay biglang nagtanong si Ford kay Alexis tungkol sa kanyang kapatid.
"Maiba ako, ganun ba talaga yung kapatid mo?" tanong ng binata.
Pasimpleng ngumiti ang dalaga at tumingin ito sa malalim.
"Ewan ko. Close naman kami dati, tapos bigla na lang isang araw hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Hindi ko nga alam nagawa ko sa kanya pero alam niyo kahit papaano nagingreason 'tong kabilang mundo para magka-ayos kami. Ang creepy ng place oo, pero forever akong magiging thankful dito" she answered.
Tanging huni lang ng hangin ang kanilang naririnig kaya lalong nababalot sila ng takot.
Napansin ni Alexis na sobrang tahimik ni Hope kaya nilapitan niya to.
"Sandali lang.." paalam niya kay Ford.
Inakbayan niya ang dalaga at kinausap ito.
"Are you okay?" alalang tanong ng dalaga.
"Sinubukan kong irecall pero wala eh. Hindi ko alam kung kailan ito kinunan? There's something in my heart that says it was a long time ago but impossible right?" she answered while looking at the picture again.
Hindi naman mapakali si Quen at paulit ulit na tumatatak sa isip niya ang larawang iyon.
"Patingin nga ako.." kinuha ni Alexis ang picture at tinitigan ito na parang may nag udyok sa kanya na tignan ang likod na parte nito.
Burado na ang ibang mga letra ngunit tinitigan ito ng mabuti ni Alexis.
"Guys..sandali."
Itinaas niya ito upang makita kung ano ba ang nakasulat.
May nakikita itong iba't ibang letra ngunit hindi niya ito mabuo.
"O ba yan o Q?" tanong nito kay Hope.
"Quevedo..?" she answered out of nowhere.
"Sino si Quevedo?" tanong ni Alexis.
Tinignan muli nito ang larawan at mayroon itong date na malabo na ngunit ito ay mga numero na tila ba araw kung kailan ito kinunan.
"Malabo.." dagdag ni Hope.
"Siguro naligaw lang 'yan dito. Marami ng misteryo ang nangyari sa atin, huwag na natin dagdagan. Natatakot na ako.." mangiyak-ngiyak na sabi ni Dei.
"Tama ka. Ipagpatuloy na natin ang paglalakad baka sakaling makahanap tayo ng sagot o kung ano man." dugtong ni Quen.
Itinago ni Hope ang larawan sa bulsa niya at naglakad na silang anim.
"What if sumunod sina Richard sa atin?"tanong ni Wolf.
"Nag-iwan ako ng mga marka sa daan. Mahahanap nila tayo." sagot ni Ford. Patuloy silang naglakad ng naglakad hanggang sa makaramdam sila ng pagod.
Hanggang sa napuntahan nila ang isang maliit na bahay na tila ba maliit na chapel ngunit giba na ito.
"Teka, alam ko itong lugar na'to" agad na sabi ni Quen habang inaalala kung saan niya ito nakita.
Tila ba may flashback na pumapasok sa isip ni Quen ngunit napakalabo nito. Isang imahe ng binata at dalaga na masayang nag-uusap sa loob ng kapilya.
Pinasok nila ang kapilya at doon muna nagpahinga.
"Mukhang matagal na ito." mahinang sabi ni Ford na siya namang nag-echo sa buong kapilya.
May isang bibliya na nakita si Quen at ilang piraso ng papel. May mga lumang gamit din ng simbahan na nagkalat kaaya inayos niya ito.
Habang nagpapahinga ang mga kasama ay hindi nila napansin na lumabas pala si Hope at nagulat na lamang sila sa isang sigaw na nagmula sa likod ng maliit na kapilya.
"Hope!" sigaw ni Quen. Nagmadali itong lumaabas ng kapilya na siya namang sinundan ng mga kasama.
Umiiyak si Hope habang pinagmamasdan ang kanyang nakita. Hindi ito makapaniwala ngunit siya na mismo ang nakakita.
Napatigil si Quen at nanlaki ang mga mata sa bumungad sa kanya.
Isang lapida at may krus na nakapatong dito. Maging ang mga kasama ay napanganga at natulala.
"Shit." bulong ni Ford.
"How did this happen?" litong tanong ni Wolf na napahinga na lang ng malalim.
"Oh my God!" napatutup sa bibig si Alexis at pinipigilan nitong sumigaw. Ganun din si Dei na kinilabutan sa kanyang nakita.
Helena Santiago
Born: January 18, 1940
Died: October 17,1966
Quevedo Encarnacion
Born: July 12, 1940
Died: October 17, 1966
Ngunit ang pinaka gumulat sa kanila ay ang mga munting larawan na nakasemento na sa lapida. Napaglipasan na ng panahon ngunit mamumukaan mo pa rin kung sino sina Helena at Quevedo.
#BrightfordAcademy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro