Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29

"Babasahin ba natin 'to?" tanong ni Alexis while she's still holding the letter.

Nakatayo pa rin sila sa harapan ng bahay habang pinagmamasdan sina Dei at Richard.

"Sa tingin ko, hindi dapat natin pakialaman ang liham.." pagtutol ni Quen.

Sumingit si Chandria at humarap kay Quen. "Pero paano kung nandyan pala ang hinahanap nating mga kasagutan? On why we're here and how the hell we got here!" pagrarason nito kay Quen.

Nagtinginan silang lahat at tila ba sumang-ayon sa iisang desisyon.

Tinignan nila ang liham na baka ito nga ang makasagot sa mga katanungan sa kanilang isipan.

"Are we sure about this?" tanong ni Ford bago buksan ni Alexis ang sulat.

Napabuntong hininga si Chandria ng walang sumagot kay Ford. "Ganito na lang. Kahit ano'ng mangyari o kung ano man ang nasa sulat na iyan, we have to promise that we will accept all the consequences. Deal?" wika ni Chandria.

Tumango isa-isa ang mga kasamahan niya kahit na pakiramdam nila ay may mangyayaring masama sakaling basahin nila ang liham. They are all aware na hindi tama ang magbasa ng liham ng maimy liham ngunit kailangan din nilang malaman kung ano ang nangyayari sa paligid nila. Masyado na silang naguguluhan at ang tangi na lang nilang gusto ay kasagutan.

"Alexis... can you do it?" tanong ni Wolf. Na kay Alexis ang liham ngunit parang hindi niya magawang basahin ito for some reason. Hindi niya alam kung kaya ba niyang malaman ang katotohananan na may koneksyon ito sa mga nakikita nila sa paligid. Lalong lalo na't baka hindi niya matanggap ang katotohanan na maaaring sila ay patay na.

Napapikit si Alexis nang maalala ang nakita niya. Ang duguang katawan nila.

"I'll do it." pagpresinta ni Hope ng hindi na makasagot si Alexis na tila nababagabag sa mga nangyayari sa paligid. Kinuha niya ang liham kay Alexis at sumulyap na muna kina Dei at Richard.

Nagkakagulo na sina Dei at Richard dahil pilit silang pinaghihiwalay ng kanilang mga supposed-to-be na mga magulang sa panahong ito. Naririnig nila ang iyak at pagmamakaawa ng dalawa.

"This is so weird, guys." komento ni Alexis habang nakatitig sa kinaroroonan ng mga kaibigan.

"Alam nating tutol ang pamilya nila sa isa't isa, pero hindi naman sila yung parents ng dalawa. At kahit pa bali-baliktarin natin ang nangyayari, parang mga wala sa sarili sina Dei at Richard..."

"Same situation, same person, but different timeline." tila napapaisip na saad naman ni Chandria.

"Pero bakit sina Dei at Richard pa?" tanong naman ni Ford na tila naguguluhan na rin. "What connection do they have sa mystery na nangyayari sa atin ngayon?"

Natahimik ang lahat sa tanong na iyon ni Ford. Kung tutuusin, lahat naman sila ay biktima ng misteryong ito. Lahat sila ay napunta sa mundo kung saan punong-puno ng kadiliman.

"Maybe this letter will give us the answer." bulong ni Wolf habang tinuturo ang liham na hawak ni Hope.

Napatingin ang lahat dito kaya naman unti-unting ibinuklat ni Hope ang liham. All eyes on her at hinihintay ang pagbasa niya.

"Mahal kong Ricardo," umpisa nito and as soon as she said it, they all had goosebumps. Hindi nila alam kung dahil malakas lang ang hangin o talagang kinikilabutan na sila.

Her eyes were then pinned on a pair of eyes that stared back at her.

Nakatago ito sa lamesa habang pinagmamasdan sila. Napaigtad tuloy siya nang hindi nawala ang tingin sa kanya ng bata. Nanginginig ang mga kamay niya ngunit mas nanaig ang kagustuhan nitong malaman ang nilalaman ng sulat.

"Sa makalawa ay maaring katapusan na ng ating pagmamahalan... Sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig ko ang usapan sa pagitan ng aking mga magulang. Nais nilang ibenta ang lahat ng aming ari-arian at ako'y kanilang isasama sa kanilang paglisan."

Nagpalitan ulit ng tingin ang mga kasama nito dahil ganun din ang naging sitwasyon nina Dei at Richard sa panahon nila.

"Hindi ba't aalis din dapat si Dei before?" wala sa sariling naitanong ni Quen.

"Isang binata ang kanilang nakatipon at nakita ko ang pagpirma nito sa documentong ibinigay ng aking ina. Ikinatatakot ko na baka pati kayo ay mawalan na ng kabuhayan dahil kayo ay mga trabahador sa aming lupain."

"Wait..." pagpuputol ni Alexis sa pagbabasa ni Hope. "Ford, kailan itinayo ang Brightford?" agad na tanong nito ngunit tinignan lang siya ni Ford ng wala-akong-ideya-look dahil wala naman pakialam ang binata dito noon. Pero parang iba na ngayon.

Napatingin na silang muli kay Hope, sumenyas naman si Chandria na ituloy niya ang pagbabasa sa liham na sya namang ginawa ng dalaga.

"Labag ito sa aking kagustuhan kaya naman ako ay sumusulat sa iyo upang makiusap na sana ay ilayo mo na ako rito. Hindi ko nanaisin ang mawalay sa piling mo lalo na't dala ko sa sinapupunan ko ang bunga ng ating pag-iibigan."

Sabay-sabay silang napatingin sa bata na ngayon ay nasa harapan na nila.

Napa-atras silang lahat dahil sa pagkabigla. Ngunit tinignan lang sila ng bata na parang kilala nya ang mga ito. Hindi naman sila nakaramdam ng takot dahil mala-anghel ang itsura ng bata.

Itinuro lang nya ang liham na hawak ni Hope kaya naman nilakasan niya ang loob niya upang matapos na ang pagbabasa liham.

"Hihintayin kita sa ating tagpuan sa likod ng bahay. Tamang-tama na aalis sina mama upang asikasuhin ang aming documento paalis ng bansa kaya wala kang dapat na ipangamba. Nagmamahal, Diyana."

Unti-unting tumulo ang luha ni Hope nang matapos niyang basahin ang liham. Ramdam niya ang walang hanggan nilang pagmamahal sa isa't isa na maihahalintulad kina Dei at Richard.

"I don't think it's a coincidence. Ricardo and Richard, Diyana and Dei?" naguguluhanang sabi ni Alexis.

"This means that we are no longer with Dei and Richard." Hope concluded.

"We are with Diyana and Ricardo."

Naglakihan ang mga mata nila ng ma-realize ito saka tumingin sa gawi ng dalawa at laking gulat na lamang nila sa kanilang mga nasasaksihan.

Agad na napatayo at napatakbo sina Ford, Wolf at Quen nang makita nila na tinututukan na ng baril ng mga tauhan ng Mama ni Diyana si Ricardo.

Nasa tabi ng isang aristokradang babae ang anak nito, hinahawakan ng dalawang lalake ngunit nagpupumiglas ito; samantalang hawak-hawak naman ng mga tauhan ng Doña si Ricardo at may sugat na ito sa pisngi na tila may sumapak rito.

"Ford! Quen! Wolf!" sigaw ng mga babae. They can't even move their feet from the ground. Mas lalo silang natigilan ng nasa harapan nila ang bata na parang pinipigilan sila.

Umiiling ito sa harapan nila kaya naman naghawakan silang tatlo at pumikit upang magdasal.

Halos mawalan na sila ng hininga para pigilan ang mga ito dahil bigla na lamang tinutukan ng isang lalake ng baril sa ulo si Ricardo na pilit nilang pinapaluhod sa ngunit may napansin si Wolf na kakaiba.

"What the fuck?!" bulalas nito sa mga kasama. "They can't see us but we can see them!" hindi makapaniwala si Wolf na nararanasan.

Sinubukan niyang agawin ang baril ngunit walang nagbabago. Parang mga larawan lang sila na nagmumula sa isang projector - hindi mahawakan, hindi makausap.

"Mama, huwag! Parang awa mo na! Mahal ko si Ricardo!" pagmamakaawa ni Diyana sa Mama niya upang pigilan ang mga pangyayari. Umiiyak na ito ngunit tila hindi sya pinakikinggan ng kanyang ina.

Nanatili naman sina Alexis, Hope at Chandria sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mga pangyayari. They wanted to stop what they are witnessing but they can't move a single muscle. Para silang naestatwa sa kanilang kinaroroonan.

"This is really useless! Hindi nila tayo nakikita. Parang pinapakita lang sa atin ang mga nangyari years ago." paliwanag ni Ford sa mga kasama na tila napagod na sa kakaawat ng isang bagay na matagal ng nangyari ngunit halata sa mga mata nito na nag-aalala syang baka totoong mabawian ng buhay ang kaibigan nitong si Richard.

"Kahit kailan ay napakatigas ng ulo mo, Diyana!" mariing saad nito na hindi tinitignan ang nagsusumamo nitong anak.

"Mamimili ka na rin lang ay sa isang hamak na magsasaka lamang na palamunin ng ating pamilya? Nakakahiya ka!" pinandilatan ng doña ang anak.

Napako ang tingin ni Ford sa mag-asawang sa harapan niya sa mga sandaling iyon. Parang namumukaan niya ang mga ito ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan nya nakita ang mga ito. Sinubukan niyang alalahanin ngunit wala talagang pumapasok sa isip niya.

Nanlaki na lamang ang mga mata nilang lahat nang makarinig sila ng isang putok ng baril. Tila slow motion ang nangyari at maging si Diyana ay nakatulala habang pinagmamasdan ang unti-unting pagbagsak ng taong mahal niya sa harapan niya.

"RICHAAAARD!" sigaw ng mga kaibigan nito.

Napatakbo na rin ang mga girls at nilapitan si Richard ngunit pinigilan sila ni Quen dahil may napansin ito.

Walang dugo sa ulo nito kung saan sya natamaan ngunit nakita nilang tumumba ito sa sahig.

"M-mahal ko..." humihikbing saad ni Diyana, this time ay tila naglaho na ang ibang karakter sa hangin. Tila mga usok na bigla na lamang nawala. Binuhat niya ang ulo ni Ricardo at inihiga sa mga binti niya.

Nag-aagaw buhay na si Ricardo ngunit ninais nitong gamitin ang huling lakas upang masilayan at mahawakan ang mukha ng babaeng pinakamamahal nya.

"H-hanggang... s-sa m-muli... m-mahal ko..." nahihirapan nitong saad.

Napatingin sya sa tiyan ni Diyana at napahawak rin dito. "M-mahal... na m-mahal k-ko kayo..." at doon na tuluyang nabawian ng buhay si Ricardo.

"RICARDOOOOOOOO!!!" sigaw ni Diyana at maging ang mga ibon sa mga puno ay nabulabog dahil kakaiba ang iyak ni Diyana ng mga sandaling iyon. Nakakatindig balahibo ang kanyang pag-iyak na halos lumabas na ang puso nito sa sakit na nadarama. Bawat isa sa kanila ay ramdam ang sakit at poot na nararamdaman ni Diyana sa mga sandaling iyon habang patuloy ito sa pag-iyak.

"ISINUSUMPA KO!" panimula nya at kitang kita sa mga mata nito ang poot.

"LUMIPAS MAN ANG MARAMING TAON, MAGBABALIK KAMI UPANG IPAGPATULOY ANG AMING PAGMAMAHALAN AT WALANG SINO MAN ANG MAAARING HUMADLANG! ISINUSUMPA KO! ANG MGA UHAW SA PAG-IBIG NA HINDI NILA MAKAMIT, ANG MGA TAONG PINAGKAITAN NG PAGMAMAHAL AT MAGING ANG MGA KALULUWANG NAGHAHANAP NG KAPATAWARAN! NI ISA SA INYO AY WALANG MAKAKAPIGIL SA AMIN MAGING KAMATAYAN MAN! AT SA SANDALING BABALUTIN NG BUWAN ANG ARAW, KAMATAYAN LANG ANG MAGIGING KAWANGIS NG DALAWANG PUSONG NAGHIHINAGPIS!" galit na galit na sigaw ni Diyana. Bigla nitong kinuha ang munting itak na nasa tagiliran ni Ricardo saka isinaksak sa kanyang puso.

Dahil sa sobrang takot ay napatakbo ang mga babae sa tabi ng mga lalaki.

Lahat sila ay pinigil ang hininga sa mga nasaksihan. Bigla namang nanghina si Hope kaya agad siyang hinila ni Quen upang yakapin.

Unti-unting lumapit si Ford kay Chandria at tinakpan niya ang mga mata nito. Bakas kasi sa mukha ng dalaga ang takot at pangamba.

Pawang naninigas ang mga paa nila sa nakita.

Maya't maya pa ay natumba si Dei sa ulunan ni Richard at magkaharap ang mga mukha nila. Napansin nila na medyo lumiwanag na ang paligid at hindi na katulad kanina na napaka-dilim ng gabi at ni isang bituin ay wala silang makita.

Tumalikod si Alexis dahil hindi na niya kinakaya ang mga nangyayari. Sa pagtalikod niya ay nagkatinginan sila ni Wolf na ngayon ay nasa harapan niya na.

Pinamulaan ang dalaga kaya napatingin ito sa lupa ngunit lumapit lang si Wolf sa kanya at naramdaman nyang niyayakap na sya ng binata.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Wolf at doon nagsimulang umiyak.

Pinakalma muna ng mga binata ang mga babae na tumagal ng tatlumpung minuto saka sila umupo sa tabi nina Dei at Richard.

"Richard and Dei are the reincarnation of Ricardo and Diyana." bulong ni Hope habang tulala at pinagmamasdan ang magkasintahan. Nakasandal ang ulo niya kay Chandria.

Ubos na rin ang kanilang lakas at pare-pareho na silang nakakaramdam ng panghihina.

"They are like Romeo and Juliet of some sort. Parang blast from the past." Chandria says out of nowhere.

"Kung reincarnation sina Dei at Richard, anong ginagawa natin dito? Bakit hinayaan ng pagkakataon na masaksihan natin ang mga naganap na 50 years ago?" Alexis asked to no one in particular. Masyado ng magulo ang mga nangyayari.

She started to sit on the ground na sinundan naman ng mga kasama nya. Ipinatong niya ang ulo niya sa kanyang tuhod at pinagmasdan ang magkasintahan na wala pa ring malay.

Lahat sila walang masabi sa mga nangyayari. Lahat sila ay tahimik lang na pinagmasdan sina Dei at Richard.

Hindi pa rin maalis sa isip ni Ford ang dalawang mag-asawa na nakita nya.

Something tells him na kilala nya ang mga ito and he promises himself na pag nakabalik sila sa kanilang timeline ay agad nitong hahanapin ang mga taong ito. Kung paano nya magagawa iyon ay kailangan nyang pag-planuhan. Maaring maging susi rin siya sa kasagutan na hinahanap nilang lahat.

Samantala, iniisip naman ni Quen ang tungkol sa sumpa. May nabasa kasi ito sa isang lumang libro na lahat ng sumpa ay may solusyon. "Do you guys remember yung sumpa ni Diyana?"

Napatingin ang lahat sa kanya na naguguluhan - nakataas ang kilay ni Chandria, kunot naman ang noo ng iba pa na akala mo ay tinatanong kung seryoso ba ito.

"It's just that baka nasa binitiwang sumpa ni Diyana ang kasagutan kung ano ang koneksyon natin dito. Surely this isn't just some random thing that happens on a stranger." paliwanag nya. Tama naman ito dahil kung tutuusin ay sina Dei at Richard lang naman ang apektado rito base sa mga nasaksihan nila.

"One thing I remember ay something tungkol sa pagbabalik nila upang ipagpatuloy ang nasimulan." Hope answered.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Alexis ng may ma-realize ito.

"History repeats itself." bulong nito ngunit narinig naman iyon ng mga kasama.

"Ano?" nagtatakang bulalas ng kakambal nya. "What do you mean by that?"

Napatingin si Alexis sa mga kasama. "May mga pangyayari sa past na umuulit."

"Tinagalog mo lang eh." singit naman ni Ford na napakamot na ng ulo sa pagka-yamot. "Ano ba talaga ang gusto mong i-point out?"

Napabuntong hininga si Alexis.

"My point is..." panimula nya na napatayo na habang humaharap sa mga kasama na ngayon ay nakatingala na sa kanya.

"Hangga't hindi natin naso-solve ang misteryo, uulit at uulit ang mga nangyari. Iyon ang pagkakaintindi ko sa unang bahagi ng sumpa ni Diyana. Babalik at babalik sila upang ipagpatuloy ang nasimulan nila ni Ricardo at hangga't may pumipigil sa pagmamahalan nila..." napatigil na si Alexis dahil hindi na nya nagugustuhan ang patutunguhan ng realization nya.

Agad ring na-gets iyon ng mga kasamahan nya.

"Kamatayan." mahinang saad ni Chandria.

Nangilabot naman ang lahat habang nagfla-flashback sa isipan nila ng makita nila ang kanilang mga sarili na duguan.

"Premonition.. Something that is about to happen.." seryosong sabi ni Chandria.

"Maaring yung mga nakita natin kanina, mangyayari sa atin kapag hindi nila nakamit ang happy ending na pinapangarap nila.." Hope concluded.

Sabay-sabay silang napatingin kina Dei at Richard.

"Are you kidding me? Kapag hindi nila nakamit ang happy ending nila, mamamatay tayo?" Sumasakit na ang ulo ni Chandria sa kakaisip.

"Sa tingin ko parte na tayo ng sumpa because we got ourselves here. And as soon as we go back, kelangan nating alamin ang lahat. " seryosong sabi ni Ford.

Napalingon si Alexis ng marinig nyang kumaluskos sina Dei at Richard. Kasabay nito ang paglaho ng bata sa harapan nila.

Napatayo ang mga ito habang pinapanood ang magkasintahan na bumabangon mula sa pagkakahimlay.

Nagpalitan sila ng mga tingin. Hindi nila alam kung sila pa rin ba sina Diyana at Ricardo o sina Dei at Richard na.

Nagpunas-punas ng mata ang dalawa hanggang sa magtinginan ang mga ito.

"R-Richard!" napasinghap si Dei ng makita ang kasintahan nito. Ang weird lang dahil magkasama naman sila pero pakiramdam nya ay ang tagal nilang nagkalayo.

Agad syang niyakap ng mahigpit ni Richard. "You gave me heart attack, Mendoza!" he whispered. "Sa susunod wag ka ng lalayo sa'kin."

"Ehem?" agaw-pansin na pagtikhim ni Chandria. "Nandito rin kami."

Agad namang napatayo ang dalawa at niyakap ang mga kaibigan. Ng makawala na sila sa pagkakayap ay napansin ni Dei ang kakaibang tingin ng mga ito sa kanila.

"Oh, bakit ganyan kayo makatingin sa amin? Is everything okay? May nangyari bang hindi namin alam?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro