Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

Habang pabalik si Wolf sa mga kasama ay may nadaanan itong isang kotse na namumukaan niya. Hindi siya maaring magkamali. Kamukha ito ng kotse na sinakyan niya bago siya pumasok sa Brightford.

Sinilip pa niya ito upang kumpirmahin.

He chose to ignore it. Paano makakarating ang sasakyan niya sa kabilang mundo?

"Wolf, nasa likod mo kami ni Chandria, over.." tawag ni Ford.

"Nakikita na namin kayo, over." sabi naman ni Quen. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya dahil sa kabilang kanto na nadaanan nila, nakita niya ang sasakyan na parati niyang sinasakyan. Nakalagpas na sila ni Hope ngunit sinilip niya muli ito ngunit nawala na ang sasakyang iyon.

Magkakasamang naglalakad silang lima pabalik sa mailbox kung saan sila nagkikita kita kanina.

Tahimik pa rin si Chandria dahil hindi niya alam kung paano lalapitan si Alexis.

Hinawakan ni Hope ang kamay niya at nanlalamig ito.

"I'm so proud of you Chandria.." sambit ng dalaga.

"Hindi ko alam kung paano siya lalapitan.." pag-amin ng dalaga.

Halos magkakasabay lang silang makarating sa may mailbox at doon nila nakitang naghihintay sina Dei at Alexis.

Mula sa kabilang daan si Richard na nagmamadaling tumakbo para mapuntahan si Dei.

Agad na niyakap ni Richard si Dei at hinalikan ito sa noo.

"Akala ko, hindi na kita makikita.." bulong ni Richard.

"Imposible. Alam ko na kahit nasaan ako, hahanapin mo ako.." bulong ng dalaga.

Tulala pa rin si Chandria hanggang sa maramdaman na lang niya ang pagyakap ng kanyang kapatid.

"Sorry.." sambit ni Alexis. Niyakap niya ito pabalik at humingi rin ng tawad sa kapatid niya.

Masaya naman sina Dei at Hope dahil sa wakas ay nagka-ayos na ang magkapatid.

Hindi mapaghiwalay sina Chandria at Alexis kaya nakiusap si Wolf kay Ford dahil gusto niyang makausap si Alexis.

"Ford, please? I just want to talk to her.." sabi nito.

Nakaupo ang mga girls sa gilid ng puno habang abala sila sa pagsisindi ng bonfire. Sumapit na ang dilim kaya kailangan nila ng liwanag na magsisilbing ilaw nila. Malamig din ang simoy ng gabi kaya minamadali nila ito.

"Pagbigyan mo na siya.. Mukhang hindi na mapaghihiwalay yung magkapatid.." biro ni Quen.

Sa kabila ng kababalaghan na bumabalot sa kanila ay hindi pa rin nawawala ang pagiging girl side ng mga girls dahil kung ano-ano ang pinag-uusapan nila.

Nang masindihan na nila ang bonfire ay inabot ni Richard ang kamay niya kay Dei upang makapag-usap sila.

Tinabihan din ni Quen si Hope na masayang pinagmamasdan ang apoy.

Sabay na inabot nina Wolf at Ford ang kamay nila sa magkapatid na Chandria at Alexis upang tumabi sa isa't isa.

Pinalibutan nila ang bonfire at tinitigan ang isa't isa.

Seryoso ang naging usapan nila dahil kailangan nilang pag-isipan kung paano makakabalik sa kanilang mundo.

"Do you have any idea why we ended up here?" seryosong tanong ni Alexis. Tanging nasusunog na kahoy lang ang naririnig nila sa kanilang katahimikan.

Inabot ni Quen ang mga marshmallows na galing sa bag ni Chandria at siya na rin ang gumawa ng stick na pantusok nila dito.

"Ang alam ko lang, malaking parte nito ang dugo. Ang weird lang. Habang naglalakad ako pabalik kanina, I saw my car. Hindi ko lang alam kung yun nga iyon." sagot ni Wolf habang iniihaw ang marshmallows sa ibabaw ng apoy. Natahimik si Quen, hindi lang pala siya ang naka-experience non.

Hindi nila sinasabi sa isa't isa na kanina pa nagtatayuan ang mga balahibo nila dahil may mga naging experience rin sila ngunit hindi na nila ito sinasabi sa mga kasama.

"Kung titignan mo yung paligid, parang wala tayo sa henerasyon natin. Base sa description ng History Teacher ko noong high-school para tayong bumalik sa 20th century.." wika ni Chandria. Halos hindi na sila kumukurap habang pinagmamasdan ang isa't isa.

"As far as I know, 20th century covers from year 1901-1999." paliwanag ni Alexis habang inaalala niya ang history subject nila. Hindi rin niya namamalayan na nasusunog na ang mallows niya.

"That was years ago.." seryosong sabi ni Richard.

"Yeah. Ang weird, pakiramdam ko, I've been to this place before pero hindi ko alam kung bakit." litong tanong ni Dei habang pinagmamasdan ang paligid. Naalala na naman niya ang nakita niya ngunit binabalewala na niya ito. Ayaw niyang mag overthink at baka ikatakot lang ito ng mga kasama.

"Maybe because it's the same place where Brightford is located?" tanong ni Hope.

Inilabas ni Ford ang mapa ng Brightford at ang mga establishments na katabi nito.

Kung pagmamasdan nila ang mapa, ang kinauupuan nila ngayon ay isa ng coffeshop.

"I remembered this place.." Tumingin si Richard kay Chandria dahil sa kape ang unang dahilan kaya nagalit ang dalaga sa kanya.

"Bakit?" tanong ng dalaga.

"Nothing." matipid na sagot ni Richard. Naalala ng binata noong nabuhusan niya ng kape si Chandria. Hindi na niya ito sinabi sa dalaga dahil wala naman itong koneksyon sa nangyayari sa kanila ngayon.

"May point si Chandria at Hope.. Kung papansinin niyo ang paligid, walang masyadong establishments. Bukirin ang paligid at malawak na lupain.. Pero yung daan, parehong-pareho sa Brightford.. Look at this.." turo ni Ford sa mapa.

"I have this weird feeling too. Bawat kanto na nadadananan ko, reminds me of someone.." kunot-noong sabi ni Richard.

Nabalot muli ng katahimikan ang paligid at nagkagulatan nang biglang namatay ang apoy sa bonfire.

Napayakap sila sa isa't isa at pinangunahan ng mga boys ang pagbubukas ng mga flashlights.

"Ford, natatakot ako.." bulong ni Chandria. Mahigpit ang pagkaka-akbay sa kanya ni Ford dahil ramdam ng binata ang pagnginig nito sa nangyari.



"Guys.. Malakas ang hangin. Posibleng dahil doon kaya namatay yung apoy. Kailangan lang natin makahanap ng tutuluyan pansamantala." wika ni Richard. Hindi niya binitawan ang kamay ni Dei habang inaayos ang mga gamit nila.

Umupo ito upang kunin ang bag niya ngunit hawak pa rin niya ang kamay ni Dei. Nang humarap siya kay Dei ay napabitaw ito dahil parang ibang Dei ang nasa harapan niya.

Nakapusod ang buhok, nakasuot ng mahabang palda at may dugo sa bandang ulo nito.

Nabitawan niya ang flashlight at nasilaw na lang siya nang ilawan ni Dei ang mukha niya.

"Richard, are you okay?" tanong ng dalaga.

Huminga ng malalim si Richard at tinitigan si Dei. Pakiramdam niya ay namalikmata lang siya sa kanyang nakita.

"What if we go back to where we came from? Brightford Academy.." suhestyon ni Wolf..

"Hindi ba delikado? Maglalakad tayo sa kalsada." sabi naman ni Quen na iniisip ang kaligtasan nilang lahat.

"We have each other. Marami tayong batteries na dala. Sa tingin ko, kakayanin ng flashlight." pagsang-ayon ni Ford.

Napasigaw si Chandria nang may humawak sa balikat niya.

"Chan, it's me. Okay ka lang ba?" tanong ni Alexis.

"Huwag kang mag-alala Alexis, hindi ko siya papabayaan. Mabuti ng may kasama kayong mga lalaki para safe.." wika ni Ford. Hinawakan niya ang kamay ni Chandria at una na silang naglakad.

"Tayo talaga mauuna?" tanong ni Chandria.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ni Ford sa kanya na ikinatahimik niya.

Sumunod naman sina Quen at Hope. Naka-akbay si Quen sa dalaga dahil alam niyang natatakot si Hope.

Magkasabay na naglakad sina Wolf at Alexis at dahil matapang ang dalaga ay iniilawan niya ang bawat lugar na dinadaanan nila at inuusisa ang mga ito.

Hindi naman mawala sa isip ni Richard kung sino yung nakita niya kanina. Hawak pa rin niya ang kamay ni Dei at sila ay nasa likuran upang makasigurado ang kaligtasan ng mga kasama.

Kung kanina ay huni ng kahoy na nasusunog ang bumabalot sa paligid, ngayon ay huni ng ibon sa langit na parang kalalabas pa lamang sa kanyang selda.

Bahagyang lumayo si Alexis sa mga kasama nang mapansin niya ang sasakyan na puti sa tabi ng puno.

Inilawan niya ang loob nito at nabitawan niya ang flashlight at maging siya ay nawala sa sarili.

She saw Chandria and herself inside. Full of blood.

Nag-panic si Alexis sa nakita at pinagmasdan ang sasakyan. Basag ang mga salamin nito at parang malagim na aksidente ang nangyari. 

Napahawak si Alexis sa ulo niya at sinampal ang sarili.

"This can't be.." nanginginig niyang sabi. 

Agad na napansin ni Wolf na napag-iwanan na si Alexis kaya pinuntahan niya ang dalaga na dahan-dahan na naglalalakad patalikod sa nakita. Tulala at umiiyak.

Agad niyang hinila si Alexis at niyakap ito upang pakalmahin ang dalaga na umiiyak sa takot. 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakita muli niya ang kotse niya. Ngunit lalo itong kinabahan when he saw his plate number. Dumaan ito sa harapan niya at huminto na lang bigla when it caught his attention.

"Alexis, stay here okay?" bilin niya sa dalaga. 

Gusto niyang kumpirmahin kung sa kanya nga ito dahil parehong-pareho ito sa plate number niya.

Nakaka-tatlong hakbang pa lang siya ay napapamura na ito. 

Nakita  niya ang sarili sa front seat na naliligo sa sariling dugo at may mga bubog sa mukha. Tulad ni Alexis ay nag-hysterical din siya sa nakita.

"What the fuck!" galit na sabi nito. Sinubukan niyang buksan ang front seat ngunit hindi niya magawa dahil nanginginig ang kamay niya. Yupi ang kanyang sasakyan. Flat ang mga gulong. 

Napaupo sa kalsada si Wolf habang ina-absorb ang mga nangyayari. 

Rinig rin niya sa background ang pagtawag sa kanila sa walkies dahil kanina pa sila hinahanap ng mga kasama.

"Wolf, Alexis, nasaan kayo? Over.." tanong ni Richard.

"Guys hindi namin kayo makita! Nawawala sa sarili si Ford, we need help..Over." umiiyak na sabi ni Chandria. 

Para silang dinala ng mga paa nila sa lugar kung saan nakita nila ang mga sarili sa isang malagim na pangyayari. 

  "Nawalan ng malay si Hope, over."   nanginginig na sabi ni Quen. 

Tanging signal na lang ng walkies ang naririnig sa paligid. 



#BrightfordAcademy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro