Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24

Iniwan muna nina Richard at Wolf sina Alexis at Dei upang makahanap ng kanilang tutuluyan panasamantala. Para silang mga survivor sa lugar na hindi naman nila alam.

Naka-upo sina Dei at Alexis sa isang waiting shed at kanina pa nila napapansin na tila walang tao sa paligid. Kung meron man, hindi rin ito makausap ng maayos.

"Matagal ko nang naririnig na may kakaiba sa bahay natin. But I chose to ignore it. Sa henerasyon natin ngayon, katatawanan na lang ang lahat. But this is different." wika ni Alexis.

"I felt the same way. I wish this is all a dream.. Siguro, hinahanap na tayo ng pamilya natin.. Ng mga kaibigan natin.." sagot naman ni Dei hababg pinaglalaruan ang mga kuko nniya

"How I wish. Siguro masaya na si Chandria ngayong wala na ako."

"Don't say that. I know she loves you.. Natabunan lang ng galit yung pagmamahal na iyon.." wika ni Dei.

Parehong tulala sina Dei at Alexis habang sinasariwa ang mga nangyari. Hindi nila namamalayan na ilang oras na pala silang naghihintay sa wala. Hanggang sa mapagtanto nila na hindi pa bumabalik sina Richard at Wolf.

Maglalakad na sana si Dei ngunit pinigilan siya ni Alexis dahil para bang biglang bumilis ang oras. Ang liwanag ay agad napalitan ng dilim na biglang naging liwanag.

Tinignan nila ang orasan nila at kasing bilis ito ng gulong na umiikot.

"Sandali lang.." sambit ni Alexis.

Pinagmatyagan ni Dei ang relo niya at
napansin niyang umikot ito ng tatlumpung beses.

"30 days?"

Nakapa ni Dei ang cellphone niya at kinuha niya ito ngunit parehong No Service ang mga cellphone nila.

Ikinagulat din ni Richard at Wolf na biglang nabago ang lugar na kinaroroonan nila. Para silang bumalik sa Brightford at doon nila nakita ang mga kasamahan. Ang huling naalala nila ay nasa isang grocery sila at biglang bumilis ang ikot ng orasan.

"Richard?" sambit ni Chandria. Kasama niya si Hope sa labas ng bahay at maging sila ay nagulat nang makitang magkasama ang dalawa na parang sumulpot lang bigla.

Napatingin sina Richard at Wolf sa paligid at tanging ang dalawang kasamang babae ang nasa isip nila.

"Alexis."

"Dei.."

Agad na napatakbo sina Richard at Wolf sa labas upang hanapin sina Alexis at Dei ngunit hindi sila pinalabas ng guard.

Hinabol rin sila ni Hope at Chandria na naguguluhan sa ikinikilos ng dalawa.

"Kailangan kong puntahan si Dei, naghihintay siya sa akin!" sigaw ni Richard.

"Brad, just relax. It won't help us anyway." pag-awat ni Wolf.

Kitang-kita sa mga mukha ni Richard ang galit at takot dahil naiwan si Dei sa kabilang mundo kasama si Alexis.

Napahawak sa sentido si Richard dahil sumasakit na ang ulo nito kakaisip kung ano ba ang nangyayari sa kanila.

Ni hindi na nila napapasin si Hope at Chandria na nangungulit sa kanila.

"Ano bang nangyayari? Where's Dei and Alexis? Kanina niyo pa sila bukambibig." wika ni Chandria.

"The only way we can get there is by blood. Trust me." suhestyon ni Wolf.

Nagmadali silang umuwi ng House Number 4 at nakabuntot pa rin sa kanila sina Chandria at Hope.

"Anong blood? Saan?" tarantang tanong ni Hope.

Doon din nila naabutan sina Ford at Quen na nanonood ng TV.

Isinara nina Wolf at Richard ang lahat ng bintana pati ang kanilang pintuan para idiscuss sa mga kasama ang nangyari.

"This isn't funny Richard!" sigaw ni Chandria habang nakabuntot sa binata.

Kinuha naman ni Wolf ang mga kutsilyo at nilagay sa bag niya.

"Ano yan Brad?" tanong ni Ford.

"Guys. I know this is unbelievable. There's another world inside this campus.." tarantang sabi ni Wolf.

"What? You mean ibang mundo?" tanong ni Quen.

"It happened so fast at nagulat na lang kami ni Alexis na napunta kami roon."

"Nasaan si Alexis?" tanong ni Chandria.

"Kaya tayo nandito. Naiwan si Alexis kasama si Dei sa kabilang mundo. At kailangan namin silang puntahan.."

"Si Dei? I thought she went to Italy." ani Hope.

"Bumalik siya. Magtatanan sana kami pero pareho kaming napunta sa mundong 'yon." paliwanag ni Richard.

"How do we get there?" tanong naman ni Ford na parang hindi na nagtataka dahil minsan na niyang naranasan 'yon ngunit pinili niyang kalimutan ito dahil baka panaginip lang ang lahat.

"By blood."

Napatingin si Wolf kay Chandria dahil siya ang dahilan kaya nadiskubre nila ni Alexis ang lugar na iyon.

"Bakit sa'kin ka nakatingin?" tanong ng dalaga.

"Nagtangka si Alexis na magpakamatay after what happened. Luckily, napigilan ko siya. Pero dumugo na yung kamay niya tapos biglang naging madilim ang lahat." wika ni Wolf.

Nakonsensya naman si Chandria sa narinig niya.

Nagtinginan silang lahat dahil hindi sila makapaniwala sa nangyayari.

"Maiwan na kayo dito Chandria at Hope. In case hanapin tayo, magpalusot na lang kayo.." utos ni Wolf.

"No, Wolf. Sasama ako.." matapang na sabi ni Chandria.

"Isasama kita, pero pwede bang nangako ka na magiging mabait ka sa kapatid mo? You're torturing her." seryosong sabi ni Wolf habang pinupunasan ang pawis niya.

"Fine." padabog na sagot ni Chandria.

"I'm in.. " sabi rin ni Hope.

Nagpulong silang lahat sa loob ng bahay kung ano ang gagawin.

"Hope at Chandria.. bring food as much as you can." utos si Richard habang tinatanggal ang laman ng bag niya upang paglagyan ng mga kakailanganin nila.

"Quen, ikaw bahala sa tubig. We need more." utos naman ni Wolf.

Si Richard at Ford ay nagtungo sa warehouse ng Brightford upang kumuha ng mga gamit panlaban. Pinagtitinginan sila ngunit hindi na nila ito pinansin.

Si Wolf ang nagpa-plano kung ano ang una nilang gagawin kapag nandoon na sila. Pinuno rin niya ng first aid kit, flashlights at mga gamot ang bag niya.

Pinuno naman nina Chandria at Hope ang backpacks nila ng mga delata at biscuits na kakailanganin nila.

Bumili ng maraming bottled water si Quen at inilagay sa mountaineer bag niya upang mas madali niya itong mabitbit.

Makalipas ang isang oras ay nasa sala na silang lahat habang dala ang mga bag nila.

Tahimik silang anim habang inaayos ang lahat.

Inabot ni Richard ang mga blade sa mga kasama upang sabay sabay nilang susugatin ang palad nila.

"Ready na kayo?" tanong ni Ford.

"Sandali lang.."

Pinangunahan ni Quen ang pagdadasal na gabayan sila sa kanilang gagawin at kung ano man ang kanilang haharapin. Hindi siya naniniwala dito pero gusto niyang subukan para sa mga kasama.

Inilahad nila ang mga palad nila at kahit masakit ay unti-unti nilang hiniwa ang konting parte ng palad nila at doon nagpatulo ng dugo.

Makalipas ang ilang segundo ay biglang nabalot ng kadiliman ang bahay nila at ito na ang hudyat na nasa kabilang mundo na sila.

Agad lumabas sina Richard at Wolf at parehong-pareho ito sa napuntahan nila.

Tumakbo silang anim at lumabas ng bahay.

Hindi kapani-paniwala. Pero totoo.

Nanlaki ang mga mata ng iba dahil sa nasaksihan.

"Chandria.. huwag kang aalis sa tabi ko.." seryosong sabi ni Ford habang palabas sila ng Academy.

Bakas sa mukha nila ang pagkagulat at takot sa misteryong natuklasan nila.

Mahanap kaya nila sina Alexis at Dei? Makakabalik pa kaya sila o pare-pareho silang maninirahan sa ibang mundo?

Photo credits to @jd_lq_kn_ad on IG.

Please let me know kung ano ang tingin niyong takbo ng story, any feedbacks about this book at kung wala bang kwenta.😂🙃 Saan ba pwede humanap ng inspirasyon? Kasi malapit ko nang patulugin sa drafts tong story. 😂Puro kasi fandom wars, sa Facebook at Twitter.🤒 Tapos busy pa ko sa work.. kaya di ako nakakapag-update. Sorry to keep you guys waiting. 😓 Will or will not continue?🤔🤔

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro