Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22






Bandang alas nuebe ng gabi nang maalimpungatan si Wolf mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. Narinig niya ang boses ni Richard kaya alam niyang nakauwi na ito.

Nagising ito dahil sa sakit ng kamay niya sa pagkakasuntok kay Richard. Nagulat na lamang siya nang makita ang konting dugo sa kamay niya.

Unti-unti siyang bumangon upang hanapin ang first aid kit at lagyan ng benda ang kamay niya.

Bago ito lumabas sa kanyang silid ay nakarinig na ito ng kaluskos at pagsara ng pintuan sa harapan niya.

Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya si Alexis na naglalakad patungo sa labas. Nakapikit ito ngunit diretso ang lakad niya. Sa ilang linggo nilang pagsasama, hindi niya alam na may sleep disorder pala ito.

Hinablot niya ang tshirt niya na nakasabit sa likod ng pintuan at sinundan ang dalaga.

"Alexis, where are you going?" tanong ni Wolf ngunit hindi siya pinansin nito.

Dahan-dahan siyang naglakad at pinagmamasdan ang kakaibang ikinikilos ni Alexis.

Sinundan niya lang ito hanggang sa makarating sila sa likod ng kanilang bahay.

Nakaharap si Alexis sa malaking wall habang nakapikit ito.

Natatakot na lumapit ang binata dahil hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni Alexis doon ngunit nilakasan niya ang loob niya.

Nalingat lang ito saglit at ikinagulat niya ang paglaho ni Alexis sa harapan niya.

"Where did she go?" bulong nito. Bigla itong kinilabutan at hindi niya alam kung nananaginip ba siya o totoong biglang naglaho si Alexis sa harapan niya.

Inilibot niya ang kanyang mga mata ngunit hindi niya makita ang dalaga.

Nagtungo siya sa banyo upang maghilamos at tila ba may dumaan sa likod niya kaya napa-angat uli ito ng ilo. Pagtingin niya sa salamin sa harapan niya ay wala naming tao at tahimik ang lugar.

Para makasiguro na nasa mabuting kalagayan si alexis ay sinilip niya ito sa kwarto ng dalaga.

He saw Alexis sleeping.

Nakakumot ito habang nagpeplay ang kantang You'll Be Safe Here ng Rivermaya.

Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan ng dalaga at pinunasan ang mga pawis niyang tumatagaktak.

"Bad dream." bulong sa sarili.

Puno ng tanong ang kanyang isipan. Nabalot ang kanyang mundo ng kababalaghan lalo na ng makita niya ang sarili na natutulog sa kama. Pagbukas pa lang niya ng pintuan niya ay parang may nakahiga na doon.

"What the fuck is happening!" sigaw nito. Tinanggal niya ang kumot sa sarili niyang katawan at hindi siya maaring magkamali, sarili niya ang nakahiga sa kama habang nakasuot ng headset.

Sinubukan niyang gisingin ang mga kasama ngunit ni isa sa kanila ay hindi nagigising.

"Ford!"sigaw niya sa pintuan ng binata. Sunod niyang binuksan ang kwarto ni Quen ngunit wala ring tao.

Pakiramdam niya ay mawawala siya sa pag iisip. Umupo ito sa gilid at nag-isip ng paraan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at umaasang natutulog lang ito ngunit walang nagbago.

Hanggang sa makita muli niya si Alexis na dumaan sa harapan niya. Nakapikit ang mga mata nito ngunit tuwid pa rin ang paglakad.

Sinilip niya ang kwarto ni Alexis at mahimbing na natutulog ang dalaga.

"No.."

Sinundan niya ito at pumunta siya sa harapan ng dalaga.

"Alexis! Wake up!" sigaw niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Alexis at niyugyog ito.

"Alexis!" tawag niyang muli. Hinawakan niya ang pisngi nito at tinapik-tapik.

Unti-unting iminulat ni Alexis ang mata niya at hindi rin niya alam kung nasaan sila. Pareho lang ito sa bahay nila ngunit nababalot ng kadiliman ang bawat paligid.

"Wolf?" sambit niya.

Agad hinila ni Wolf ang kamay ng dalaga nang may nakita itong kakaiba sa likod nila.

Isang matanda na parang nabulabog mula sa pagkakatulog niya.

Mahaba ang buhok.

Nakasuot ng blusang puti

At walang mukha.

Tumakbo sila ng tumakbo hanggang sa makarating sila sa open field ng Brightford Academy.

"Nasaan tayo Wolf?"nanginginig na tanong ni Alexis. Pinagmasdan nila ang paligid at tila iba ang dating makukay na Brightford ay nabalot na ng kadiliman.

Para bang umiikot ang piligid nila sa isang iglap lang. Napakapit nang mahigpit si Alexis sa kamay ni Wolf dahil sa sobrang takot.

Tumakbo sila muli ng tumakbo nang may makita silang bata na sumusunod sa kanila. Halos buhatin na ni Wolf si Alexis sa pagtakbo ngunit nahihirapan ito dahil sa suot niyang mahabang pajama.

Nadapa si Alexis at nahirapan itong tumayo.

"Wolf! Umalis ka na. Iwan mo na ako!" pakiusap ng dalaga.

"Aalis tayo dito Alexis. I won't leave you.." Binuhat ni Wolf si Alexis at tumakbo ito ng tumakbo. Hindi rin napansin ni Wolf ang malaking butas kung saan sila nahulog ni Alexis.

Hanggang sa ginising na lang sila ng mga kasama dahil kanina pa sila sumisigaw mula sa pagkakatulog.

Kanina pa ginigising ni Quen si Wolf at si Hope naman ang gumigising kay Alexis.

Pareho nilang hinahabol ang hininga nila na para bang may tinatakbuhan.

Nang maalimpungatan ang dalawa ay agad na tumakbo sa labas si Wolf at hinanap si Alexis. Ganun din ang ginawa ng dalaga at nang magkatagpo sila ay hindi maintindihan ng mga kaibigan kung bakit sila nagyakapan na para bang may masamang nangyari sa isa't isa.

Halos maiyak si Alexis sa balikat ni Wolf na ipinagtaka ng lahat. Pawisan sila pareho at bakas ang takot sa kanilang mga mukha.

"May pagyakap?" taas kilay na tanong ni Chandira habang nagkakape at nakasandal sa pader.

"Inggitera.." rinig niyang komento ni Ford na nasa kusina.

"Are you okay?" tanong ni Wolf habang nakayakap sa dalaga.

Tumango lang ito at nagkatinginan silang dalawa. Paanong pareho silang nasa masamang panaginip at tila ba katotohanan ang lahat.

Inalalayan ni Wolf si Alexis at nagtungo sila ng kusina upang uminom ng tubig.

"Guys are you okay?" tanong ni Quen. Kumuha ito ng bimpo at pinunsan ang mga pawis ni alexis.

"Wolf, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Alexis. Pumunta sila sa likod at pribadong nag-usap.

"Anong problema nila?" tanong ni Hope. Nakatingin lang ang mga kasama kina Wolf at Alexis na palabas.

"Ang weird ng mga tao ngayon.." dugtong ni Quen.

Ipinagtaka rin nila ang hindi paglabas ni Richard sa kwarto nito. Kung dati dati ay maaga itong nagigising, ngayon ay magtatanghali na ngunit tulog pa ito.

Puno ng takot at tanong nag isipan nina Wolf at Alexis.. Paanong dalawa silang nasa panaginip at pareho silang nasa panganib.

Paikot-ikot si Wolf sa harapan ni Alexis na kanina pa balisa.

"It's very impossible right?"

"It is Alexis. And we need to find out why and how.." seryosong sabi ni Wolf.

"Kailangan nating bumalik sa panaginip.."dugtong ng binata.

"Paano? Wala tayong assurance na makakabalik tayo kapag natulog tayo and worst, baka hindi natayo magising.."

Umupo si Alexis sa swing at nag-isip ito.

"I won't leave you Alexis. Let's face this together.." sambit ni Wolf habang nakapatong ang kamay niya kay Alexis.

Pareho nilang tinignan ang paa ni Alexis at may gasgas ito. Ito ang isa sa magpapatunay na totoo ang nangyari sa kanilang mga panaginip.

"Magbihis ka.. pupunta tayong library.." utos ni Wolf. Inalalayan niya ang dalaga at nagmadali silang mag-ayos.

Hindi na rin nila napansin ang mga kasamang kanina pa sila tinatawag.

Habang patungo sila sa library ay napahinto si Alexis nang maalala niya ang bata sa panaginip niya dahil parang nakita na niya ito noon pa.

"Yung bata.." Tumigil sa paglakad si Alexis at iniisip kung saan niya ito nakita.

"Sa abandonadong bahay.."dugtong ng dalaga.

"Alam ko na kung sino makakatulong sa atin.." agad na sabi ni Wolf.
Hinawakan niya ang kamay ni Alexis at nagtungo sila sa isang kilalang scientist sa Brightford.
Naabutan nila si Mr. Sotto sa room nito na nakataas ang paa, gulo ang buhok at kumakain.

Mukhang galing sa sunog ang paligid dahil sa palpak nitong experiment. Nangangamoy usok sa pintuan at nangingitim ang kisame.

"Mr.Sotto.." tawag ni Wolf.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong nito.

Nagtago si Alexis sa likod ni Wolf dahil sa takot. Pati mukha ng scientist ay puno ng abo at madungis ito.

"Just want to ask something.."

"Weekend ngayon Mr. Reid. Hindi ba pwedeng sa Monday na?"

"You told us that we need to learn. Hindi na maipapabukas ang tanong ko Mr.Sotto. It's just a one quick question.."

"Fine. Fine. What is it?"

"What does it mean when two people share the same dream?"tanong ni Wolf.

"At yung lugar na iyon ay parehong pareho ng lugar natin pero nababalot ng kadiliman."dugtong ni Alexis.

Nanlaki ang mata ni Mr. Sotto at napaupo ito sa upuan niya.

"Walang scientific explanation kung bakit nangyayari ito. Sabi nila, kung pareho daw kayo ng nararamdaman, kung pareho ang nasa isip niyo at pareho ang pinaniniwalaan niyo, maaring mangyari ito. Mga haka-haka."
Nagkatinginan ang dalawa sa kanilang narinig.

"Inlove kayo no?"pang-aasar nito.

Agad na humiwalay si Alexis kay Wolf dahil pareho silang nailang sa sinabi ni Mr.Sotto.

Kinuha ni Mr.Sotto ang sandwich sa table niya at inabot ito kina Wolf at Alexis.

"No, thanks.." pagtanggi ng dalaga.

"Wow. Choosy?"sarkastikong sabi ng scientist.

"Hindi ko ito ipapakain sa inyo. Huwag mag-assume. It's like a sandwich. Yung mundo natin ang nasa taas at pinapagitnaan tayo ng palaman na sinasabing harang sa pagitan ng dalawang mundo. Below the sandwich is another bread which is said to be another world."

"Another world?"

"Yes. Naniniwala ako na mayroon pang ibang mundo sa kinatatayuan natin ngayon. Same place. Same setting, pero nababalot ng kadiliman. Mundo ng mga taong pumanaw na. Na naghahanap ng liwanag. Kaya naniniwala ako sa mga kaluluwang pagala-gala."wika nito.

"How did you know it?"

"Again, there's no scientific explanation. Base sa mga nababasa kong articles at mga series. It's up to you kung maniniwala kayo. It's sounds crazy I know.. Any thing else?" tanong ng scientist.

"Wolf tara na.." pamimilit ni Alexis.

"Thanks Mr.Sotto.." paalam ni Wolf. Lalong nabalot ng katanungan ang kanilang isipan. Hindi sila matatahimik hanggang hindi nila nalalaman ang kasagutan.

Nagtungo ang dalawa sa library at kumuha ng maraming libro. Inabot sila ng maghapon ngunit hindi pa rin malinaw sa kanila ang lahat maliban sa nadiskubre ni Wolf about Astral Projection. Ito ang una niyang hinanap dahil nahiwagaan ito nang makita ang sarili na natutulog.

"A supposed form of telepathy that assumes the existence of a soul or consciousness called an astral body that is separate from the physical body and capable of travelling outside of it throughout the universe where it interacts with other astral bodies and is capable of implanting ideas into other people's minds?" nakakunot noong sabi ni Wolf habang nagbabasa.

Hindi rin ito maintindihan ni Alexis kaya lalong sumakit ang ulo nila.

"Bulung-bulungan dati na maraming may ayaw na tumuloy sa House Number 4. May koneksyon kaya iyon?"wika ng dalaga habang nakadungaw sa bintana kung saan natatanaw ang bahay nila.

"How about the kid? Anong koneksyon niya sa matanda sa bahay?"litong tanong ni Wolf. Binitawan niya ang librong hawak niya at umupo ito sa ibabaw ng lamesa.

"At sa dinami-dami natin sa bahay, bakit tayo?" dugtong ni Alexis.

Biglang pumasok sa library si Quen at Hope na ikinagulat ng dalawa.

Nagmamadali ang mga ito na para bang masamang balita ang ipaparating nila.

"What's wrong?" tanong ni Wolf.

"Nawawala si Richard.."

"Wala na lahat ng gamit niya sa kwarto niya." ayon kay Liza.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro